Chapter 3

2429 Words
Mula noong makadaupan ko ng kamay si Arvin ay hindi na siya nawala sa isip ko. Kung dati ay excited lang ako pumunta sa trabaho dahil iyon ang kinahihiligan kong gawin, ngayon ay mayroon na akong mas malalim na dahilan.  Ang makita si Arvin.  Araw-araw na kasi siyang kumakain sa karenderya. Madalas ay nakikipag-unahan pa ako kay Ericka para mag-serve sa kanya ng pagkain. Hindi ako nagsasawang panoorin siya. Makita ko lang siya ay masaya na ako. Halos hindi ko na nga matapos ang kdramang pinapanood ko. Dahil mula noong makilala ko siya ay siya na palagi ang pinapanood ko. Araw ng linggo, maaga akong nagising para magluto ng dinuguan. Nalaman ko kasig paborito ito ni Arvin dahil ito ang madalas niyang orderin sa karenderya. Hindi natiis ni Ericka na tanungin ang binata tungkol doon. Matapos kong isalin sa tupper ang ulam ay naglinis na ako ng katawan. Bestidang bulaklakin na katela ng mga pantalon ko ang suot ko ngayon, binagayan ko iyon ng puting sneakers na nabili ko noong nakaraang fiesta sa baryo. Nang masiyahan na ako sa aking hitsura ay lumabas na ako ng bahay dala ang maliit na eco bag na may laman ng ulam.  Maliit lang ang bahay namin kahit na malawak ang bakuran. Siguro ay nasa three fourth lang ng bakuran namin ang nasasakot ng bahay. Gusto kasi nila Lola na mayroon silang napupwestuhan tuwing nagmumuni-muni sila sa labas. Mahilig din kasing magtanim si Lola.  “Alis na po ako, ‘la!” paalam ko kay Lola Bening. Nakaupo sa tapat ng bahay namin at nagkakape. Mayroon silang maliit na lamesa roon ni Lolo. Andoon din ang upuan nilang tumba-tumba. Lumingon itong nakakunot ang noo sa akin.   “May pasok ka ba ngayon, apo?” nagtatakang tanong niya.  Bahagya akong napangiwi. Alam kasi nitong sarado ang karenderya ngayong araw at wala akong pasok.  “Ahh… may bibilhin lang po ako,” pagsisinungaling ko.  “Ngayon? Bakit hindi ka na lang sumama sa akin sumimba?”  Tuwing linggo ay nagsisimba si Lola, at palagi niya akong sinasama. Walang linggo na hindi namin sinisimbahan, maliban na lang kung masama talaga ang pakiramdam ni Lola at hindi siya makalakad papuntang simbahan. Na bibihira lang mangyari dahil kahit na matanda na si Lola ay maalaga naman ito sa kalusugan niya.  “Eh, yun nga po Lola. Kaya maaga akong lumabas. Magkikita-kita pa kasi kami nila Danilo. Susunod na lang po ako.”  “Ano ‘yang dala mo?” puna niya sa dala kong eco bag. Sandali ko iyong tiningnan at pagkapos ay dahan-dahan kong tinago sa likuran ko.  “Ah, wala po ‘La. Alam mo naman si Danilo, gusto laging may parte kapag nagluluto ako.” Lalong nangunot ang noo nito. “Si Lolo po?” pag-iiba ko ng usapan. Kung ano naman ang hinilig ni Lola na magsimba, si Lolo naman ay halos hindi na matingnan ang simbahan. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang sumama sa amin kahit na sa labas ng simbahan lang.  Bumuntong hininga si Lola pagkatapos niyang humigop ng kape. “Andoon sa pantalan. Ngayon daw kasi ang dating ng kumpare niya galing laot.”  Noong kalakasan pa ni Lolo ay isa siyang mangingisda. Sa aming baryo ay siya ang pinaka magaling na mangingisda at sa isang laot niya ay parating marami siyang na uuweng isda.  “Manghihingi na naman siya ng isda?” gulat kong tanong. Mula rin kasi noon na hindi na siya makapangisda ay palagi na siya napunta sa pantalan para manghingi ng isda. Palagi ko siyang sinasabihan na h’wag iyon gagawin pero hindi siya nakikinig. “Sabi ko sa kanya itigil na ‘yon eh.”  “Alam mo naman ang Lolo mo. Hayaan mo na, na mi-miss lang no’n ang dagat.”  Napabuntong hininga na lang ako. Madalas ay ako na lang ang nahihiya dahil doon. Kasi naman, may trabaho naman ako at maganda ang kita ko sa karenderya ni Aling Marites, pero si Lolo ay madalas manghingi ng isda para pang-ulam namin.  “Sige po ‘La. Mauna na po ako,” paalam ko kay Lola. Pagtingin ko sa relos ko ay malapit na mag-alas otso.  “Sige, Apo. Mag-iingat ka. H’wag ka na magtatagal at ang misa,” paalala ni Lola.  “Opo ‘La.” Nagmano na ako sa kanya at lumabas na ng bahay. Nakangiting sinipat ko ang suot kong bestida. Sinuklay ko ang nakalugay at unat na unat kong buhok gamit ang mga daliri.  Hintayin mo ako, Arvin. Napangiti ako kaagad noong maalala ko ang gwapo niyang mukha. Naglakad na ako papunta sa dulo ng kanto at doon nag-abang ng masasakyang pedicab. Nasanay na akong palaging nakikita si Arvin kaya dadalhan ko siya ngayon ng paborito niyang ulam. Ilang sandali lamang ay may pumara na sa aking pedicab, sumakay ako agad doon at nagpahatid malapit sa karenderya.  “Salamat po, Manong,” magiliw kong sabi sa nagmamaneho ng pedicab. Inabot ko na ang bayad sa kanya at bumaba na ng pedicab.  Naglakad ako papunta sa building na ginagawa nila Arvin. Pinagmasdan ko iyon, kalahati pa lang ang nagagawa nila at wala pang mga dingding. Halos lahat ay mga bakal pa lang. Ang unang palapag pa lang ang nalalagyan ng dingding. Sabi nila ay gagawin daw itong pampublikong ospital. Maraming nag-aabang na mga kabaryo ko sa hospital na ito. Dahil sa wakas ay magkakaroon na kami ng maganda at malaking pagamutan.  Humungi muna ako nang malalim bago lumapit sa security guard na nakatayo sa entrance ng ginagawang building. Hindi ko pa man nakikita si Arvin ay ang lakas na ng pagkabog ng dibdib ko.  “Kuya,” tawag ko sa lalaking gwardiya. “Excuse me po.”  Agad itong ngumiti sa akin nang makita ako. “Yes, ma’am?”  “Ahm…” Bahagya akong sumilip sa loob. Wala akong marinig na gumagawa roon at wala rin akong nakitang gumagalaw sa loob.  “Andiyan po ba si Arvin?” nahihiya kong tanong.  Bahagyang napaisip ang lalaking gwardya. “Si Sir?” Kumunot ang noo nito. Tumango ako at bahagyang napangiti noong makilala niya ang hinahanap ko. “Wala po eh. Umuwe siya sa Maynila at baka sa makalawa pa makabalik dito.” “Po?” Bahagyang tumaas ang boses ko dahil sa gulat. Sayang naman ‘tong niluto ko para sa kanya. Bakit wala siyang sinabing aalis siya? Napabuntong hininga ako. Nag-iilusyon na naman ako. Hindi naman niya talaga sasabihin sa akin dahil hindi ko siya nakakausap. “S-Sige po,” nakasimangot ko lang na sabi at tumalikod na rito.  Bagsak ang balikat na naglakad ako papalayo ng establisyimento. Akala ko pa naman ay makikita ko siya ngayon. Nag-ayos pa man din ako at sinarapan ko talaga ang luto ko para magustuhan niya. Sobrang nakakahinayang na hindi ko siya nakita ngayon.  “Wow! Ang ganda ng suot mo, ah?”  Napalingon ako sa likuran ko nang may magsalita roon. Lalo akong napasimangot noong makita kong si Danilo iyon at malapad ang ngiti na nakatingin sa akin. Sinamaan ko lamang ito ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.  “Saan ka pupunta?” tanong nito at sumabay sa akin.  “Sisimba.”  “Sisimba? Eh bakit andito ka?” nagtataka nitong tanong. Napapikit ako noong maalala kong malapit nga lang pala ang simbahan sa amin. Nasa tabi lang iyon ng court, at katapat lang ng court ang bahay namin.  “Basta!” singhal ko sa kanya at binilisan ang lakad ko. Pero natigil ako sa paghakbang dahil bigla siyang humarang sa harapan ko. “Ano?!”  “Ano ‘yan?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa dala ko. Sasagot pa lang sana ako pero agad na niya kinuha ang eco bag.  “Ano ba?! Akin na ‘yan!” angal ko at pilit na kinuha ang eco bag. Pero dahil mas matangkad siya sa akin ay para lang akong batang nagtatalong sa harapan niya para makuha ang bag sa nakataas niyang kamay.  Tumalikod sa akin si Danilo at inamoy ang bag. “Wow! Dinuguan? Salamat!” nakangising sabi nito.  Kumunot ang noo sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. “Hindi ‘yan sa ‘yo!” inis kong sabi. Itong si Danilo ay napaka galing talaga sa pambubweset.  “Nahiya ka pa eh para naman sa akin talaga ‘to!” buong kompyansang sabiy niya.  Tumaas ang kilay ko. “At bakit mo naman nasabi na para sa ‘yo ‘yan? Ulam namin ‘yan!” Namaywang ako sa harapan niya.  Ngumisi ito ng malapad at bahagyang inilapit ang mukha sa akin. “Kasi pogi ako,” pabulong nitong sabi.  Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat. Ang lakas talaga ng apog ng lalaking ‘to. Pakiramdam ko ay nag-akyatan lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa inis sa kanya. “Kapal mo!” inis kong sabi at tumalikod na sa kanya. “Iyo na ‘yan!”  Nagmartsa na ako palayo sa kanya. Kahit kailan talaga ‘tong si Danilo ay puros pambubweset lang ang alam na gawin. Hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko pa siya eh ganito naman ang laging ginagawa sa akin. Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi ko na siya sinagot pa. Baka takasan na ako ng dugo kapag makita ko pa ang pagmumukha niya.  Hindi ko na nga nakita si Arvin, dadagdagan niya pa ng pambubweset. Napaka malas talaga ng araw na ‘to!  Pagkarating ko sa bahay ay naghintay na lamang ako ng oras para sa pagsimba. Nilibang ko muna ang sarili sa panonood ng tv kahit wala naman akong maintindihan. Hindi kasi mawala-wala ang panghihinayang ko na hindi ko nakita si Arvin ngayong araw. Pakiramdam ko ay kulang ang araw ko sa tuwing hindi ko siya nakikita. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Wala naman siyang sinasabi sa akin. Siguro ay masyado lang ako nahahalina sa mga ngiti niya. Napangiti ako nang malapad noong muli kong ma alala ang mukha niya. Pero agad din nawala dahil mas gusto ko talagang nakikita siya. Sana bukas ay makauwe na siya para magkita ulit kami.  Lumipas ang buong araw ko na wala akong gana. Kahit ano’ng pilit kong pangungumbinsi sa sarili ko na magkikita pa rin kami bukas ay wala iyong epekto.  “Ako na po riyan ‘La,” aniko at marahan na kinuha ang maduduming plato na hawak niya. Katatapos lang kasi namin maghapunan at inunahan na naman niya akong magligpit ng pinagkainan namin. “Sige, Apo. Salamat.”  Naiwan na akong mag-isa sa kusina. Mula rito sa kusina ay kita na ang magkatabing kwarto namin nila Lola. Pero madalas ay sa sala sila natutulog dahil gusto ni Lolo na manonood muna siya bago matulog. At sa tuwing siya ay nakakatulog, hindi na siya nakakaabot sa higaan.  Mas nakararamdam ako ng pagod kapag ganitong na andito lang ako sa bahay eh. Bahagya kong inunat-unat ang likod ko. Sanay ang katawan ko na palaging may ginagawa. Inumpisahan ko na ang paghuhugas ng mga pinggan. Sumalok na ako ng tubig sa katabi kong timba na puno ng tubig at isinalin iyon sa plangginita na nasa aking harapan. Hindi pa uso sa amin ang gripo kaya naman ay noong nagkapera ako ng malaki ay nagpagawa ako ng poso sa likod namin. Para hindi na mahihirapan pa sila lola sa pag-iigib. Kahit kasi bago ako umalis ay pinupuno ko lahat ng timba ng tubig ay nagkukulang pa rin iyon. Wala ng ibang naging anak sila Lola at Lolo maliban kay Mama. Kaya naman mula noong mawala na si Mama ay ako na lang ang naging kasa-kasama nila.  Habang naghuhugas akonng pinggan ay hindi ko maiwasang maisip si Arvin. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Bumuntomg hininga ako. Sana ay makuwe na siya. Napaigtad ako mang maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko. Hindi ko na lang iyon pinansin, wala naman akong inaasahang text. At wala talaga akong nakaka-text.  Matapos kong maghugas ng mga pinggan ay naglinis na ako ng katawan. Tanging sandong puti at maiksi na cotton short lamang ang suot ko. Pagkatapos ay lumabas ako para isara nang maayos ang gate. Nang masiguro ko mang maayos iyon ay muli na akong pumasok ng bahay.  “Oh, apo. Hindi ka ba manonood ng palabas ngayon?” tanong ni Lolo Tonio sa akin noong mapadaan ako sa sala. Nakaupo pa rin ito sa mahabang kahoy sa sala namin. Si Lola naman ay nakahiga na sa papag na pinagawa ko para mahigaan nila rito sa sala. Nakapwesto iyon sa kabilang dulo ng sala, katapat pa rin ng TV. Gising pa si Lola at nanunood ng palabas.  “Hindi na ho, 'Lo. Maaga pa ang pasok ko bukas,” tanggi ko.  “Sige, Apo.” “Goodnight po.” Matapos kong magpaalam sa kanila ay naglakad na ako papasok ng silid ko. Agad kong inayos ang higaan ko na nasa gitna ng silid ko at nagkabit ng kulambo. Banig lamang ang pansapin ko sa higaan at walang malambot na kama. Ngunit masaya na ako dahil kasama ko naman sila Lola. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone na kanina pa panay ang pagtunog ma nakapatong sa lamesita. Humiga na ako sa higaan ko.  “Hay...makakahiga na rin,” aniko at ipikit na ang mga mata. Bukas na lang pala ako manonood ng kdrama. Masyadong napagod ang isipan ko kakaisip kay Arvin. Kulang talaga ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita.  Unti-unti na akong nilalamon ng antok nang muling tumunog ang cellphone ko. Nasa tabi lamang iyon ng ulo ko kaya bahagya pa akong nagulat noong mag-vibrate iyon. Nakapikit ang mata na kinapa ko ang cellphone at inilayo iyon sa akin. Bibitawan ko na sana iyon ngunit muli iyong nag-vibrate. “Ano ba kasi 'to?” asik ko. Halos maningkit na ang mga mata ko habang binubuksan ang cellphone ko.  Sino 'to? Kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang maraming text. Hindi naka-save sa sa contacts ko ang numero. Binuksan ko na iyon at binasa. Unknown: Good evening, Eloisa! ;) Unknown: Hi! Are you busy? Napataas ang kilay ko nang mabasa pa ang ibang text nito. Kilala niya ako pero hindi ko alam kung sino ito. Wala naman akong maalalang pinagbigyan ko ng number ko. Replied: Sino 'to? Muli kong ipinikit ang mga mata ko at naghintay sa reply niton hindi naman nagtagal at tumunog ang cellphone ko. Binasa ko iyon at halos lumuwa ang mga mata ko mang malaman ko kung sino ang nagti-text sa akin.  “OMG!” © 05 - 30 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD