Chapter 2

1913 Words
Chapter 2 Nasapo ko ang aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit biglang tumigil ang oras at bumagal paggalaw ng paligid. Ano’ng nangyayari sa akin? Halos mabingi na ako dahil sa malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit sa paningin ko ay may liwanag na umusbong sa likuran niya kagaya ng mga bagong dating na male lead sa k-dramang pinapanood ko. Nababaliw na ba ako? Iiiwas ko na sana ang mga tingin ko ngunit napaawang ang bibig ko nang magtagpo ang mga mata namin. Para akong nahihipnotismo sa kulay kahel niyang mga mata. Na pakiramdam ko pati kaluluwa ko ay nakikita niya. Napaawang ang bibig ko at lalong naghumintiryo ang puso ko noong sumilay ang mga ngiti nito sa labi. Ang perfect! “Sir Arvin!” tawag ni Mang Jose kay Arvin. “Dito po kayo maupo,” anito at tinapik-tapik ang katabing upuan. Agad na nag-iwas ng tingin sa akin si Arvin at tumingin kay Mang Jose. “Naku, Salamat Mang Jose.” Nginitian nito ang matanda. Napalunok ulit ako ng laway noong marinig ko ang baritonong boses niya. Ang lalim ng boses niya pero parang ost lang sa kdrama sa pandinig ko ang boses niya. Na hinding hindi ko pagsasawaang pakinggan.   Ano ba ang nangyayari sa akin? Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Maraming mga lalaki sa baryo namin pero hindi ako nagkaganito. Kahit kay Danilo. “Masarap ba talaga rito?” pabirong tanong ni Arvin habang sumusulyap ng tingin sa akin. “Aba, opo sir! Si Eloisa ang pinaka msarap magluto rito sa baryo namin!” pagbibida sa akin ni Aling Marite. Napatungo na ako kasi naramdaman kong nag-init ang magkabilang pisngi ko. Palagi naman binibida ni Aling Marites ang mga luto ko, at ng iba pa naming ka-baryo, pero ngayon? Bigla akong nakaramdam ng hiya kasi baka hindi magustuhan iyon ni Arvin. “Talaga? Siya ba si Eloisa?” Nag-angat ako ng tingin ko nang marinig ko ang tanong niya. Sakto namang nagtama ulit ang mga tingin namin na ikinalundag ng puso ko. Iniwas ko na ang tingin ko kasi pakiramdam ko hindi na naman ako makahinga. “Opo, sir. Tikman niyo ang mga luto niya at sigurado akong babalik-balikan niyo.” “Sige po. Patikim ako ng mga luto niya,” ani Arvin. “Pahingi po kami ng lahat ng ulam niyo. Gusto ko pong matikman lahat.” “’Yon!” Naghiyaman ang mga kasama ni Arvin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya. Gusto ko sana siyang sulyapan ulit pero pilit kong pinigilan ang sarili ko dahil nakikita ko mula sa gilid ng mga mata ko na hindi niya inaalis ang mga tingin niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta dahil hindi ako sigurado kung magugutuhan niya ang mga luto ko. Kung titingnan kasi ito ay halatang laki ito sa yaman. Parang unang beses nga niya na kumain sa ganitong lugar eh. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nawalan ng kompyansa sa mga luto ko. Magkagayon pa man ay tumayo na ako para tumulong kila Aling Marites. Hindi ko naman balak magpapansin sa kanya, pero naging gawain ko na ang tumulong sa kanila sa pagbibigay ng mga pagkain sa customer. Lalo na kapag wala pa si Ericka. “Ma! Bakit ba?” maarteng tanong ni Ericka pagkarating nito sa karenderya. Halos malukot pa ang mukha nito dahil sa sobrang pagsimangot. Padabog pa itong nagmamartsa papalapit sa amin. Bahagya akong natawa dahil alam ko na kung bakit ito nagagalit. Parehas kasi kaming mahilig ni Ericka sa K-drama, pero mas nahuhumaling siya ngayon sa k-pop at pati ang pananamit ng mga ito ay ginagaya na ni Ericka. “Anong bakit? Tumulong ka na rito! May mga customer na tayo!” Sinamaan ng tingin ni Aling Marites si Ericka. Kumibot-kibot ang labi ni Ericka saka iniikot ang mga mata. Alam naman niya na kahit na anong sabihin niya ay matatalo siya ng bunganga ng nanay niya. Nagdadabog na lamang itong humarap sa mga customer namin. Ngunit agad na nagbago ang ekspresyon nito nang matuon ang pansin kay Arvin. “Ommo!” Tumili ito nang sobrang lakas. “Artista ka ba Kuya?!” nanlalaki ang mga matang tanong ni Ericka sa binata. Napailing na lamang ako at humarap na kay Aling Marites para abutin ang mga order nila. “Ericka!” tawag ni Aling Marites kay Ericka pero hindi siya nito pinansin. “Ang gwapo mo!” kinikilig nitong sabi. Lalapit na sana si Ericka kay Arvin pero biglang sumulpot si Danilo. “Hoy, Ericka! Mahiya ka naman sa mga customer natin!” inis na sabi ni Danilo at saka hinila si Ericka papalapit sa amin. “Teka lang, Kuya!” Napailing na lang ako at bahagyang natawa habang pinapanood ang magpinsan. Madalas ay na iinggit ako sa kanila kahit na palagi silang nag-aaway. Wala kasi akong mga pinsan o kapatid manlang. Nag-iisa lang akong anak ng mama ko, at si mama naman ay nag-iisang anak lang nila Lola. Inabot ko na ang tinatakal ni Aling Marites na mga ulam. Pagkatapos ay inihanda ko iyon sa lamesa nila Arvin. Bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita kong nakatitig siya sa akin. Ang bango niya. Hindi ko maiwasang punahin ang pabangong gamit niya. Amoy prutas siya na hindi ko alam kung ano, pero sobrang tamis niyon. Halatang pangmayaman iyon dahil ni minsan ay hindi ko pa iyon na amoy sa mga ka-baryo ko. “Thank you,” ani Arvin na nagpanginig ng kalamnan ko. “S-Salamat din po.” Pinilit kong ngumiti para medyo mawala ang tensyon na nararamdaman ko. Pero mukhang bigo ako kasi nakita ko ang pag-arko ng gilid ng labi niya. Nahihiyang ngumiti si Eloisa rito. " S-Salamat din po." Napansin niya ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi nito.  "Ako na riyan, Eloisa. Magpahinga ka na."  Natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Danilo mula sa likuran ko. Napasimangot ako agad nang makita ko ang seryosong mukha nito. Kukuhain sana nito ang hawak kong tray. “Okay lang ako. Kaya ko na ‘to.” “Pero-” “Sige na,” inis kong sabi. “Kumuha ko na lang ng mga pinggan doon. Tapos mga kutsara at tinidor.” Kumunot ang noo nito at tinitigan pa ako sa mga mata. Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinandilatan. Eepal na naman kasi ‘to sa moment ko. Sa huli ay napakamot na lang si Danito sa ulo at sumunod sa akin. Ganyan dapat! Pagkatapos naming mai-serve lahat ng pagkain ay umupo ulit ako sa pwesto ko. Saktong-sakto iyon dahil nakaharap ako kay Arvin. Malaya ko tuloy na napapanood ang pagkain nito. Ang gwapo niya talaga! Nag-init na naman ang magkabilang pisngi ko kaya inalis ko ang mga tingin ko sa kanya. Ewan ko ba? Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko sa kanya. Ngayon ko lang naman siya nakita. Pasimpleng ibinalik ko ang mga tingin ko sa kanya, pero halos masamid ako kahit wala naman akong tubig na iniinom. Papaano, nagtama ang mga paningin namin. Hindi ko inakala na nakatitig din pala siya sa akin. Gusto kong alisin ang mga tingin ko sa kanya pero parang nanigas ang leeg ko. Pinilit ko na lang ngumiti. Tumango-tango si Arvin. “Ang sarap nga ng luto mo,” aniya at gumanti ng ngiti. Heto na namang ang puso ko, nagwawala na naman. Wala sa sariling nasabi kong, “ako rin…” “What?” “Ha?” Nanlaki ang mga mata ko nang maunawaan ko ang nasabi ko. Mabilis akong nag-iwas ng tingin kay Arvin at tinuon ang pansin sa cellphone na hawak ko. Ang tanga ko! Nakakahiya! Ano na lang ang sasabihin niya? Diyos ko! “Sabi ko naman sa ‘yo, Sir, hindi ka magsisisi rito. Pang-world-class!” pagbibida ni Mang Jose. Napangiwi ako at nahihiyang tumingin kay Mang Jose. Ginawa ko ang lahat para lang hindi ko matingnan ulit si Arvin. Pero bigo ako dahil nakikita ko pa rin ang mapanuri niyang mga tingin. “Grabe ka naman, Mang Jose. Hindi naman.” “Actually, he’s right. I think you will be famous because of your talent. It feels like I am eating in a five-start restaurant!” Pakiramdam ko nagbabaga na ang mga pisngi ko dahil sa mga papuri ni Arvin. Ang sarap sa pandinig na kahit simpleng pinakbet lang ang kinain nito at menudo ay ganoon na pala para sa kanya iyon. "S-Salamat po talaga," nahihiyang sabi ko sa kanya. "You know what? I will eat here often."  Napangiti ako sa sinabi niya. Ibig sabihin makikita ko ulit siya? Pero agad na nawala ang mga ngiti ko nang biglang tumabi sa akin si Danilo. "Thank you very much. My friend here are really famous in our barangay. He-She are okay now," biglang singit ni Danilo at inakbayan ako. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Sanay na naman ako na palagi kaming nagkakadikit ng katawan. Pero ngayon? Biglang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa ginawa niya. Siniko ko nang malakas ang tagiliran niya. “Ano’ng pinagsasabi mo?!” pabulong kong saway sa kanya at pilit na tinanggal ang pagkakaakbay niya. Kumunot ang noo ni Danilo at mas lalo pang hinigpitan ang pagkaakbay sa akin. “Ganoon ba?” nakangiwing sabi nito. Epal na naman ‘to eh! “Well, I wished she will be noticed by everybody. I have a feeling that her name will fly high someday if she wants.” "Fly? Bakit mo namang papaliparin si Eloisa?"  Napaubo na ako nang malakas. Hindi ko na makayaan ang sinasabi ni Danilo. Bakit ba kasi ang epal nito palagi? “Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Arvin sa akin. Lalapit sana siya sa amin pero tumigil ito kasi lalong hinigpitan ni Danilo ang pagkakaakbay nito sa akin. “I… ayos na ako,” nakangiwi kong sabi at bahagya pang tumikhim. Umismid na lang ako kasi hindi ka matanggal ang kamay niya. Kahit kailan talaga ‘tong si Danilo, bweset sa buhay ko. “Tigilan mo nga ako, Danilo,” pabulong kong sabi sa kanya pero nginitian niya lang ako. Lalong nag-init ang ulo ko nang makita ko ang madidilaw niyang mga ngipin. Nakakainis! “Buti naman,” ani Arvin na para bang nakahinga nang maluwag. Nagpatuloy ito sa pagtayo at lumakad papalapit sa harapan namin. “Nice to meet you, Eloisa.” Inilahad nito ang kanang kamay niya sa harapan ko at ngumiti. Napalunok na lamang ako dahil halos mabali na ang leeg ko sa sobrang tangkad niya. Muling bumilis ang pagtibok ng puso ko nang manuot sa ilong ko ang pabango niya. Walang wala sa amoy araw na si Danilo. Pilit kong tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Danilo at kinamayan si Arvin. Bahagya akong natigilan dahil parang nakuryente ang kamay ko nang magdaop ang mga palad namin. “N-Nice to meet you rin.” Hindi ko maiwasang mahiya dahil sa lambot ng palad niya. Para itong bulak sa sobrang lambot. Pero nagulat ulit ako nang maramdaman kong pinisil niya ang palad ko. Nalilitong tiningnan ko siya. “I hope to meet you often, Eloisa. I want to know more of you.” Ngumiti ito ng malapad at tinitigan ako sa mga mata. Wala sa sariling tumango ako. Pakiramdam ko ay nakita ko na ang ‘the other one’ ko. © 02 -17
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD