Chapter 1

4579 Words
~(AIZEN SANTOS POV) "Happy birthday, Ma'am!" I didn't expect na pagtungtong ng mga paa ko sa floor ng office ay may sasabog na confetti at babatiin nila ako sa araw na hindi ko naalalang birthday ko. They were all smiling widely at me. Lalo na si Alex at Chelsea sa may mga dalang cake sa mga kamay nila. "Maligayang bati sa iyong pagsilang, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" Nagpalakpakan ang mga ito pagkatapos ng kanta. I felt like something embraced my heart. Napangiti ako. "Thank you. Thanks, everyone." Lumapit sa akin si Alex at Chelsea hawak ang cake sa mga kamay nila. "You can now make a wish, Ate," ani Chelsea. Bumuntong hininga ako at sinulyapan ang mga cake bago ko ipikit ang mga mata ko. Thank you so much lord for this day. Please give me strength to overcome each day na wala si Kier sa buhay ko. Lord please embrace him for me. I opened my eyes and smiled a little. Muli silang pumalakpak. "Thank you, Alex, Chelsea." "Ikaw pa ba, Ma'am?" said Alex. "Tanggalin mo nga 'yang kandila sa cake," utos ko sa kanya. It was number 30. Hindi ko gustong makita ang edad ko dahil pakiramdam ko ay tumatanda na talaga ako. "Mukha pa rin naman pong teenager, ah? Fresh na fresh!" anito. Napa-iling na lang ako. "Sige na, mag-order ka ng foods. My treat." "Yes!" sigaw nila. Lalo akong napangiti. Humakbang na ako patungo sa opisina ko. Nakasunod naman sa akin si Chelsea. "Just give me a slice, Chels," sabi ko nang mabuksan ko ang pinto ng office ko. "Ah sige po, Ate." I told her na Ate na lang ang itawag niya sa akin kung kaming dalawa lang naman din ang magkausap. Napansin ko na maraming bouquet ng bulaklak sa table ko. Nilingon ko si Chelsea nang nakakunot ang noo. "Ah, galing 'yan sa mga manliligaw niyo, Ate." Tumaas ang isang kilay ko. "Alam mong hindi ako nagpapaligaw." Binaba ko ang bag ko sa table at kinuha ang isang bouquet ng bulaklak na nasa swivel chair ko. "Galing kay, doc 'yan, Ate." Makahulugang ngiti nito. Muli kong tiningnan ang bulaklak. He shouldn't bother. Nilapag ko iyon sa table at umupo sa swivel chair ko. "All yours." "As always, Ate. Akala po tuloy ng boyfriend ko marami akong manliligaw." Nangingiting napailing ako. I was glad na mukhang masaya siya sa kung anong relasyon na mayroon siya ngayon. Masaya rin ako para kay Alex na ngayon ay engaged na. Promoted na rin siya as Vice President of Finance at si Chelsea na ang pumalit bilang secretary ko. "Sinabi ko na kasi sa'yo na wag ka nang tumanggap ng mga bulaklak." "Eh, sayang kaya, Ate kung itatapon lang. Ang gaganda pa naman." "Sige na, mag-order na kayo ng foods ni Alex." "Sige po." Sumandal ako sa swivel chair ko nang makalabas ito ng opisina. I looked at no specific thing in the room. 4 years... it's been 4 long years. Lumipas ang mga araw at taon na may kurot pa rin sa dibdib ko. Bawat segundong lumilipas naalala ko siya, nami-miss ko siya. Lahat ng masaya at ng malungkot na nakaraan even lahat ng pain na naibigay namin sa isa't isa nandito pa rin. Haunting me. Bawat araw nagsisisi ako. Bawat araw na dumadaan hindi nabawasan ang bigat sa dibdib ko. I wanted to bring everything back simula nang nagkita kami sa rooftop. Gusto kong ibalik lahat mula sa panahon na hindi ko siya tinataboy palayo sa buhay ko. But the painful truth was... kahit anong gawin ko... hindi ko na siya mayayakap pang muli. Naramdaman kong nag-iinit ang mga mata ko. Pinigilan kong tumulo ang mga luha ko nang makarinig ako ng katok. Pumasok si Chelsea dala ang isang platito na may lamang slice ng cake. May dala rin itong vase. "Umiiyak ka na naman, Ate. Na-miss mo na naman si Kuya, no?" anito nang mailapag ang cake sa mesa ko. Hinaplos ko ang kwintas na suot ko. The necklace he gave me. "I always do miss him." "Kaya nga, Ate, kailangan niyo 'tong bulaklak. Ilalagay natin dito sa table mo para ibang tao naman ang maisip mo," anito habang inaayos ang bulaklak na bigay ni Reb sa vase. "I don't want to think of anyone else, Chelsea." "Ate... kapag lagi niyong inisip si Kuya, kakainin kayo lalo ng sadness at loneliness. Ayaw po no'n na nalulungkot kayo." That was why I always try to make myself happy kahit na kahit anong gawin ko, hindi ko makuhang maging masaya. "Ayan, ang ganda." Pinwesto nito iyon sa isang gilid. "Parang naamoy ko si Dr. Hernandez, ah. Ang bango! Amoy forever!" Muli akong napailing. Si Reb ang doctor na binigay sa akin noon ni Chantal. Siya ang naging doctor ko kapag nao-overdose ako at nawawalan ng malay. I thought ako lang ang may contact sa kanya pero mayroon din sina Alex at Chelsea. Kapag sumasama ang pakiramdam ko, kahit pa sakit lang ng ulo ay nagugulat na lang ako na nasa opisina ko na ito. Nagkaroon tuloy ng dahilan ang dalawa para inisin ako. Nalaman ko rin na siya ang doctor noon sa Batangas noong nagkaroon ako ng shellfish allergy. "Kuhanin ko na 'tong mga 'to, Ate." Kinuha nito mula sa table ko ang ibang bulaklak. Napabuntong hininga ako nang lumabas ito ng silid. I found myself looking at the vase. Wala sa loob na hinawakan ko ang mga petals ng roses. He used to give me flowers. Isa sa panghihinayang ko ang itapon ang mga iyon noon. I should have kept those flowers. Muli akong sumandal sa swivel chair ko at nilabas ang cellphone mula sa bulsa ko. Pinagmasdan ko ang nakangiting mukha nito na nahalungkat ko sa laptop ko. Akala ko nabura ko na lahat ng litrato niya na meron ako. I miss you... so much, Kier. Nakatitig lang ako doon nang tumunog ang cellphone ko, nakita ko ang picture ni Mom sa screen. Pinindot ko ang answer button at tinutok ang cellphone sa tainga ko. "Happy birthday to my sweetheart!" masiglang bati nito. Napangiti ako ng bahagya. "Thank you so much, Mom." "Magluluto ako ng paborito mong sinigang. Nagbe-bake na ako ng cake at marami kaming pinamiling handa ng dad mo." "Mom, hindi kana sana nag-abala. You'll get tired," sabi ko at bumuklat ng folder na nasa mesa ko. "Basta pagkagaling mo d'yan sa office ay dumiretso ka rito sa bahay, okay?" "Okay, Mom." "Mag-iingat ka, I love you." Sumalo ako sa kainan ng mga empleyado dahil pinilit rin nila ako na sumalo sa kanila. It was actually fun to be with them para ko na rin silang mga kaibigan at pamilya. Pagkatapos ng office hours, dumiretso na ako sa bahay katulad ng sabi ni mom. "Hon, ilayo mo na lang, ilayo mo na lang sa anak mo." Narinig kong sabi ni Mom. Kita ko naman sa peripheral vision ko na may putaheng tinanggal si dad sa harap ko. "Kasi naman, hon, nakakaiyak naman talaga sa sobrang asim 'yang sinigang mo." "Ha, ganu'n ba? O siya, itabi mo na lang d'yan. Marami pa namang ibang pagkain." Kumuha ako ng pasta at pinigilan kong lalong mamasa ang mga mata ko. It was just that... iba 'yung lasa ng sinigang. It was not the taste of sinigang that Kier used to cook for me. I was so sensitive, its been years and I was still like that. Pinilit kong kumain kahit na wala akong masyadong gana. Ayokong sayangin ang effort ni mom at dad sa paghahanda. "Sweetheart, gusto mo ba mag Japan tayo sa susunod na buwan?" Dad asked. Bahagya lamg akong ngumiti at tumango. "Kung ano pong gusto niyo." "May gusto ka bang puntahang ibang lugar?" tanong ni Mom. I shook my head. "I just want to stay at home, mom." "Ayaw mo ba rito? Para kasama mo na kami ng Mommy mo?" Ilang beses na nilang tinanong sa akin iyon. "'Yon pa rin po ang sagot ko, dad." I told him. Hinaplos ni Mom ang kamay ko. "We love you, okay? Sabihan mo lang kami ng Daddy mo kung may gusto o kailangan ka." Muli, ngumiti ako ng bahagya. Alam ko ginagawa nila lahat only for me to feel better pero kahit ako hindi ko alam kung paano ako magiging better. Nagkwentuhan pa kami bago ako umalis ng bahay because Chantal and Hailey was contacting me already. Naghihintay daw sila sa Lifetime. Pinabuksan ko na ang lugar. Pinaayos ko ang ilang rides to make sure na safe to ride iyon lahat. Wala akong masyadong pinaayos dahil ayokong guluhin iyon. Gusto kong maiwan ang lugar kagaya ng mga panahong kasama ko si Kier na pumunta doon. As always, the place was crowded. Bata, millennials, matanda, everyone was there, enjoying their lives. Masaya ako na masaya sila. Iyon talaga ang goal ng park. To make everyone happy. Mas lalong crowded ang harap ng stage. Nahanap ko naman agad ang mga kaibigan ko. Bineso ko ang mga ito. Bineso ko rin si Jade at si Joko. "Happy birthday!" bati nila sa aking lahat. "Thank you. Anong meron?" tanong ko at tumingin sa stage. Dinikit ni Hailey ang bibig sa tainga ko. "Surprise." Umakbay sa akin si Joko, "Happy birthday! Tumatanda kana, padiligan mo na 'yan!" I nudged him. Bahagya naman itong humalakhak. "You look handsome tonight. Nagbago na ba isip mo?" I asked looking at him. Inalis nito ang pagkakaakbay sa akin at nilihis nang kaunti ang leather jacket niya showing off his tank top while pouting his lips. I chuckled. He was really the gayest. Hangang ngayon ba naman hindi niya pa rin sinasabi sa parents niya? Sabay kaming napatingin sa stage nang magsigawan ang mga tao. Leroy caught my attention. Yes, the light band. "Lerooooy!" sigaw ni Joko. Napatakip ako sa isang tainga ko dahil sa kanya. Kinuha ni Leroy ang mic at tumingin sa direksyon namin. "Ehem, this song is for Ms. Aizen Santos, happy birthday," he said and smiled. "Bakla ang gwapoooo!" ani Joko habang inaalog ang braso ko. Siguro sa dalawang taon niyang stay sa Pinas ay nasanay na rin ako sa pagiging exage niya. Actually, silang dalawa ni Frein. Nagsimula na silang tumugtog. Light band ba ang sinasabi nilang surprise? Leroy dedicated all his songs for me. Kinuha niya pa ang kamay ko at pinaakyat ako ng stage. Ayoko namang mapahiya siya kaya sumama na lang din ako. Ang mahalaga hindi niya ako pinakanta at lalong-lalong pinasayaw. May pa-fireworks sila bago kami umalis ng park. I really did appreciate them. Alam ko tuwing birthday ko nag-eeffort sila to surprise me. Sinama nila ang light band sa place kung saan kami magce-celebrate. Hindi na ako nakatanggi dahil mukhang pinlano na talaga nila iyon. Sinalubong ako ni Frein ng cake at ng beso. "Thank you, Frein." Kinantahan ulit nila ako bago ako humiling at mag-blow ng candles. Siguradong hindi sumama si Frein sa park dahil siya ang toka to prepare all the foods. Hinila ni Leroy ang isang silya, I guess for me. Napatingin ako sa kanya. Ngiti lang ang ginanti nito sa akin. "Thanks." Umupo ako sa silya at pansin kong nakatingin sila sa akin na may kakaibang mga ngiti. Umupo si Leroy sa tabi ko at lalo silang napangiti. Tumaas ang isang kilay ko. May pinapalano na naman ba sila? Pakiramdam ko na-briefing siya nang maayos para ipaghila ako ng silya at lagyan ng foods ang plate ko. "Uhm, don't mind me, just take your foods. Thanks anyway." I made sure that I won't sound offending. Sabay-sabay kaming kumain. Katulad ng dati, hindi naubos ang tawanan at kulitan. Joko and Frein were really funny ganu'n na rin si Hail. Wala silang ginawa kung hindi ang asarin si Chantal. Mabuti na lang she was also witty, kayang kaya niyang sabayan ang pang-aasar ng tatlo. I knew they were planning something nang iwan nila kami ni Leroy sa couch. Kung anu-ano na naman ang pumasok sa kokote nila. Hindi ko alam kung nakailang lalaki na silang pinakilala sa akin sa nakalipas na mga taon. "Happy birthday again." "Thank you." "Lalo kang gumanda, I can't deny." I did not say anything. I was still trying to process Kung sincere ba iyon or what or I just really didn't care. "Uhm, sabi ng mga kaibigan mo, single ka pa rin. Is that true?" Tumingin ako sa direksyon ng mga kaibigan ko na nakatingin sa amin pero mabilis na nag-iwas ng tingin at nagpanggap na nagkukwentuhan. "I'm sorry to ask, hindi lang ako makapaniwala. Sa ganda mong 'yan wala kang boyfriend?" I was not a teenager anymore for that kind of talk at bolohan. "Uhm, can you... excuse me for a while? I'll just go to the restroom," paalam ko. "Yeah, sure." Dumaan ako sa table at ni isa sa kanila walang gustong salubungin ang mga mata ko. Nagpunta ako sa restroom. Binasa ko ang kamay ko sa sink pagkatapos ay pinunasan ko iyon ng tissue while looking at my face in the mirror. Kahit papaano, I had fun. I was grateful na maayos ang pamilya ko, kasama ko ang mga kaibigan ko, and everything's going fine. That was all I needed to celebrate. But I still think of you, love. You're always in my mind, you're always in my heart. Nothing, no one can replace. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko. I know you wanted me to be happy, but I'm sorry, I can't really be fully happy. Laging may kulang, laging may puwang na hindi napupuno. Pinigilan ko ang mga luha ko. Lumabas din ako ng restroom. Si Jade at si Hailey na lang ang naiwan sa table. Si Joko kausap si Leroy. Si Frein kausap ang dalawang kasamahan ni Leroy. Kausap naman ni Chantal ang isa pa. Umupo ako sa silya katapat ng mga ito. "Can I go home now?" "Naku, hindi," agad sagot ni Hailey. "Mamaya na, maaga pa naman, bal." I sighed at tumingin sa direksyon ni Chantal. She was in her usual mood again. Mukhang na-judge niya na from head to toe ang kausap niya. "Buksan mo muna ang mga gifts namin sa'yo." Tinapik nito si Jade. Tumayo naman ito at pagbalik niya dala na niya ang mga regalo. Binuksan ko isa-isa ang mga regalo nila. Shirts, watches, bracelets. "Itong sa akin buksan mo na bilis," excited na sabi ni Hailey sabay abot sa akin ng regalo niya. Tinaggal ko ang balot no'n. The box looked so expensive and decent pero pag bukas ko parang gusto kong dukutin ang mga mata ko. "Hail," agad tingin ko sa kanya. "What?" natatawang anito. Tiningnan ko ai Jade sa tabi niya na nagpipigil ng tawa. Muli akong bumaling kay Hailey. "You're too gross," I told her. "Ang gross d'yan? Ginagamit naman talaga 'yan ng mga matagal ng single, no." "Make me an exception." "Ano ka ba, wag mong masyadong seryoshin, in case lang na you know..." natatawa pa ring anito. I rolled my eyes at her at tinakpan ko ang box. Nilagay ko iyon sa ibabaw ng isa pang box. Seriously? Anong pumasok sa isip niya para isiping gugustuhin kong gumamit ng d***o to satisfy myself? She was really unbelievable. "Don't you dare laugh, Jade," pagbabanta ko sa kanya. He pursed his lips pero namumula pa rin ang mukha nito sa kapipigil ng tawa. "Bal, tingnan mo." Nginuso ni Hailey si Leroy at Joko. Mukhang nagkamabutihang loob agad ang dalawa. Sinasabi ko na nga ba siya talaga ang may gusto kay Leroy. "May na-smell ka?" I raised an eyebrow at her. Wala? "Ano ka ba, yung crushy mo." She kissed the air pagkatapos ay binali ang kamay niya. Muli akong napatingin sa direksyon ni Joko at Leroy. Binaling ko rin ang tingin ko sa kanya, "Don't make an issue." Nagsalin ito ng wine sa baso. "Issue agad? Don't you worry, may plan B kami." she wiggeled her eyebrows. "Papunta na." "What?" "Wala, cheers." Inabot nito sa akin nag isang baso ng wine. "Happy birthday, bal. We love youuu," anito habang magkaakbay sila ni Jade at nakangiti nang malawak sa akin. I sighed at kinuha sa kanya ang baso at nakipag cheers sa kanilang dalawa. Habang iniinom ko ang wine abala naman silang dalawa ni Jade na panuorin si Leroy at si Joko. "Bakit ngayon ko lang napansin?" mayamaya'y anito. "Bakla 'yan, hon. I swear. Gusto mo bang pumusta?" "I can see it. Crush kaya namin 'yan before." Hindi ko na pinakinggan pa ang dalawa dahil sapat nang ka-chismisan nila ang isa't isa. "Oh my gosh, ayan na!" Hailey exclaimed excitedly. Nilingon ko ang tinitingnan nito. I wasn't expecting na pag lingon ko sa likod ko ay bouquet ng bulaklak ang makikita ko. Tiningala ko ang may hawak no'n. There was Reb smiling at me. "Happy birthday." Hindi agad ako nakasagot dahil nagulat ako na nandito ito. Isa pa, I was fascinated by his smile. Mukha talaga siyang mabango. He was very neat. Ang sarap niya lang titigan. "This is for you." Kinuha ko naman ang bouquet mula sa kanya. "Thank you." Hinaplos niya ang buhok ko while still smiling at me. "Upo ka, doc." Si Hailey. "Dooooc!" Hindi pa ito nakakaupo ay nakatakbo na si Frein palapit sa kanya at nahawakan na siya sa braso. "Doc, sumasakit yata ang dibdib ko pwede pa-check?" anito at kinuha ang kamay ni Reb at hinawak sa dibdib niya. Oh, god. "Hoy, hoy, bumalik ka nga do'n! Baklang 'to." ani Hailey. "Hmmp, bango mo talaga pa-kiss nga." Akmang hahalikan nito si Reb sa pisngi pero pasimple kong kinurot ang tagiliran niya. "Ouch!" maarteng daing nito. He looked at me at bibigyan ko siya ng ngiti na kailangan niya na talagang tigilan ang pangha-harass niya. "Damot ka? Oo na, sa'yo na, tse!" anito sabay hakbang palayo flipping his invisible long hair. huminto din ito at nag-flying kiss kay Reb. "Bye baby!" Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya. Napailing na lang ako habang pinapanuod siya. Umupo si Reb sa tabi ko at dinantay ang braso niya sa likod ng silya ko then he again smiled at me. He loved doing that. Sa tuwing nakikita niya ko ay ngumingiti siya ng ganoon. At first, nakaka-conscious talaga but eventually nasanay na rin ako sa kanya. Actually, I loved seeing his face. Magaan siyang titigan. He looked so kind and pure. Muli nitong dinala ang kamay sa likod ng ulo ko gently caressing it. "How's your day? Did you have fun?" I nodded. "You shouldn't bother to go here, you should have rest after a long day in the hospital." "Eherm, iwan na muna namin kayo," paalam ni Hailey habang malawak na nakangiti. She was really crazy. Inabala talaga nila ang tao. "Okay lang, nawala naman na ang pagod ko." Hindi talaga nawala ang ngiti sa mga labi niya. No wonder, siya ang paboritong doctor ng mga pasyente sa ospital. Binaba ko sa katabing silya ang bulaklak na binigay niya. "No need for too much flowers." Inabot ko ang plato at dinala sa harap niya, "Kumain kana." Tumayo ako. "Ako na," he immediately said. Nagpatuloy ako sa paghakbang para kuhanin ang ilang pagkain. "Ako na." Kinuha ko ang mga vegetables at seafoods dahil alam kong health conscious siya. "Thanks," anito nang makabalik ako sa tabi niya. "Sabayan mo akong kumain." "I'm already full." Tumayo ito para abutin ang plato kutsara at tinidor at dinala sa harap ko. Pagkatapos ay naglagay ito ng pagkain sa plato ko. "Alam kong sampung butil lang ng kanin at isang kutsara lang ng ulam ang katumbas ng I'm full mo. Kilalang kilala na kita Ms. Santos. Eat all that. Makinig ka sa doctor mo." He really knew. "I wanna shower you with flowers, alam mo naman kung bakit." Yeah, he told me nakaka-relieve raw iyon ng stress kaya naman kahit nagpadala na siya kanina ay nagdala pa ulit siya ng isang bouquet. Sinabayan ko na siyang kumain habang sinasagot ko ang mga tanong niya about my day. Inabot ko ang pitchel at sinalinan ng tubig ang baso niya. I just wanted to serve him dahil very welcoming rin naman ito sa ospital. Isa pa, ako naman ang may birthday. Kabababa ko lang ng pitchel pero kinuha niya rin iyon at kumuha ng isa pang baso at sinalinan iyon pagkatapos ay dinala sa tabi ng plato ko. "Drink that." Binalik niya ang pitchel sa mesa but he wasn't careful enough. Nalaglag tuloy ang mga gifts at sa kasamaang palad... Namilog ang mga mata ko nanag makita ko ang d***o sa plato niya. "Ah, oh... sorry," anito na nakatingin rin sa tinitingnan ko. Nagpa-panic na ang isip ko pero I wasn't sure kung kukuhanin ko ba iyon or what. Ayokong hawakan iyon. No way. "Is this... yours?" Tumingin ito sa akin. Napalunok ako nang mapatingin ako sa mga mata niya. "Uhm, it was.. from Hailey." Muli itong tumingin sa plato niya pagkatapos ay tumingin sa akin. Unti-unti itong tumawa. Pakiramdam ko ay nag-iinit ng sobra ang mga pisngi ko. "Regalo mo? Nice," natatawang anito. "extraordinary gift, not typical, mukhang..." muli itong tumingin sa plato niya. "maganda naman ang quality." Kumuha ito ng tissue, mabilis akong tumingin sa ibang direksyon ng kuhanin niya iyon. I didn't want to see it. For Pete's sake. "Sayang naman, nadumihan." Kita ko sa gilid ng mata ko na naibik na niya iyon sa box. Rinig ko ang mahinang pagtawa niya. Nilingon ko siya at pulang pula na siya sa kapipigil niya ng tawa. "What?" iritang tanong ko. He bit his lower lip at tumingin sa akin still trying to hold his laugh. "That's not mine," depensa ko. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa. "You're annoying," seryosong sabi ko sa kanya. Binitiwan nito ang pagkakagat sa ibabang labi and giggled. Napatingin ako sa ibabang labi niya na lalong namula pero mabilis din akong napatingin sa mga mata niya nang idampi niya saglit ang ilang daliri ang pisngi ko. "You're too red. Napipikon ka na naman, don't take it seriously." Nanatili itong nakangiti sa akin. Minsan talaga isa rin ito sa ikinapipikon ko. "Come on, drink your water, hina-highblood ka na naman." Who would not? Hinila nilang makisayaw sa kanila si Reb pagkatapos nitong kumain. Matagal na niyang nabanggit sa akin na hindi siya marunong sumayaw at kumanta. Siguro kaya nagkasundo rin kaming dalawa dahil parehas kaming talentless. Sa mga lakad naming magkakaibigan, madalas siyang nakakasama dahil sinasama siya ng mga kaibigan ko. Magkakasundo naman sila dahil hindi naman mahirap pakisamahan si Reb. Actually game nga ito sa lahat ng bagay. Hindi rin ako nabo-bored kapag siya ang kausap ko. Marami siyang baong kwento at marami siyang naishe-share na knowledge. Siguro curious lang din ako sa field niya dahil minsan pinagarap ko ring maging doctor. Isa pa, may sense of humor ito. Kayang kaya niya rin sumabay sa mga kaibigan ko at madalas ako ang hindi nakaka-gets at nakakasabay sa mga jokes nila. Napailing ako nang tumingin ito sa akin habang ginagalaw ang balakang niya paikot. Mukha siyang matandang nagsasayaw na may osteoporosis. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mag-otso otso ito. Sira talaga. Yes, he admitted that he likes me pero nirerespeto niya ang ano mang desisyon ko. Alam niya na not in good condition pa ang puso ko. We were still good after his confession. Hindi naman siya nagbibigay ng dahilan para layuan ko siya. In fact, mas naging komportable ako sa kanya. There were times na nagbe-breakdown ako sa ospital and he was there to hold me. He never took advantage of my situation. He was just there to comfort me. Sa ilang taon, he gave me enough reason to trust him. "Alam mo nagpapasalamat talaga ako na nakilala kita." Nilingon ko siya. Nakangiti pa rin ito habang nagmamaneho. "And why?" "Kasi bukod sa swerte akong nakakilala ako ng anghel na bumaba sa lupa, masaya rin ako na nakikala ko ang mga kaibigan mo. Kahit hindi niyo naman talaga ako kaibigan, masaya ako na na-eexperience ko 'yung fun ba hindi ko na-experience noon." "Wala ka bang friends before?" I asked. "Hmm, bestfriend. Siya lang talaga 'yung kasama ko mula grade school hanggang college. 'Yun nga lang nakikipag-bonding lang sa akin ang isang 'yon kapag brokenhearted." Sa mukha niya, halata naman he was really a good guy. But I still didn't want to judge a book by its cover. Lahat ng tao pwedeng magbago at baguhin ng panahon at pagkakataon. Just like... Kevin. "Lagi siyang umiiyak. Hindi kasi siya swerte sa lalaki. Naiinis nga ako pag umiiyak siya parang ikaw. Ayoko rin nang umiiyak ka." Bumaling ako sa daan. "Parte 'yon ng buhay." "Yeah, pero kapag araw-araw, hindi na parte ang tawag do'n, bigat na, bigat ng buhay." At pinili kong magdala ng bigat. Hindi ko pipiliing ang magaang buhay kung ang kapalit no'n ay kalimutan siya. "Don't stress yourself too much, 8 hours of sleep, 8 glasses of water, be safe, and pray." Anito habang binibilang ang limang bagay na iyon sa daliri niya nang makarating kami sa harap ng bahay. "Hmm, do you understand, Ms. Santos?" I nodded. Tuwing maghihiway kaming dalawa lagi niyang sinasabi iyon. Nakabisado ko na nga ang mga iyon. "Do you really undertand? Promise?" Hindi pa rin niya tinatanggal ang kamay sa ere. Alam ko naman kung anong hinihintay niya. Dinikit ko ang kamay ko sa kamay niya. "I got it." Tinaanggal ko rin iyon agad. Ngumiti ito nang malapad at katulad ng lagi niyang ginagawa, marahan niyang hinaplos ang ulo ko. "Go, take a rest now. Happy birthday again, angel." Pumasok na ako sa loob ng bahay. Hinalikan ko ang litrato ni Kier before I fell asleep. Kinabukasan, while I was in the middle of work, tinawagan ako ni Hailey. "Bal, bad news." Kumunot ang noo ko at binaba ang papel na hawak ko, "Si... si Kevin nakalaya na." "W-What?" "Kalalaya niya lang, bal." "W-Why? How?" "Ang sabi sa akin ni Jade not enough evidence raw. Wala siyang contact sa mga Sandoval kaya hindi niya alam kung alam na ng mga ito ang news." Pakiramdam ko gumuho na naman ang mundo ko. I wanted justice for him. Ayokong walang magbayad sa nangyari sa kanya. "Take care of yourself okay? Baka balikan ka niya, Bal." _____________________________________________________________A/N: Hi! I hope you are not confused about the flow of the story. I thought it could stand alone but I think you really have to read From The Beginning (Gabe and Chantal's story) I will mass update it on Wttpd staring tomorrow and I will daily update this book here and on Wttpd. It's for better understanding of this book and para maka-relate kayo kung anong nangyari sa lumipas na taon. This book kasi is 4 years after na agad. This is the original sequence of the books 1. I Married A Stranger ( Kier & Zen) 2. From The Beginning (Gabe & Chantal) 3. My Last ( Kier & Zen) 4. Until the End (Gabe & Chantal) They are all connected to each other kaya I suggest you to read From The Beginning, even the first few chapters so you have idea about what happened 4 years ago. Also, please do me a favor, PLEASE VOTE FOR I MARRIED A STRANGER to win #DreameReadersChoiceAward. Thank you! I hope you are all well and safe. Keep your hands clean, fellas! :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD