Chapter 2

2645 Words
~(AIZEN SANTOS POV) "Kumusta ang anak ko, hmm?" Mom asked while cupping my face. I tried to smile to show her that I was totally fine. "Naku, mukhang ini-stress ka na naman ng trabaho, halika, kumain kana at mukhang gutom ka." Kinuha ni Mom ang kamay ko at giniya ako sa kusina. Naabutan ko si dad doon na nag-aayos ng mga pagkain sa mesa. "Dad..." Bineso ko ito. Marahan naman nitong hinaplos ang buhok ko. "Mukhang nagkaka-wrinkles kana, sweetheart? Kailangan mo na yata ng tatlong buwang bakasyon sa Greece." Napa-iling ako. Kahit kailan na mapunta ako sa bahay hindi nila nalilimutang bumanggit ng bakasyon. I guess lahat ng bansa nabanggit na nila sa akin. "Masyadong mahaba ang 3 months, dad. I'll miss you and I don't want that." Tumawa ito at pinaghila ako ng upuan. "Mom, I told you not to cook too much foods," sabi ko nang makaupo sa silya. Punong puno na naman kasi ng iba't ibang pagkain ang mesa na alam kong siya na naman lahat ang nagluto. "Gusto ko lang kumain ka nang marami dahil simula bata ka hanggang ngayong matanda kana ay hindi ko pa nakikitang tumaba ka," anito at umupo sa tapat ko. "Alam niyo naman po na hindi ako palakain ng marami. I just don't want you to get tired, alam kong marami na rin kayong dinadaing sa katawan niyo, and anyway, bata pa po ako," I corrected habang kumukuha ng pagkain sa mesa. "Ipapaalala ko lang sayo na malapit ng ma-expired 'yan." Napatigil ako sa pagkuha ng fruit custard at tumingin kay mom. "Alam mo kung anong tinutukoy ko," dugtong pa nito habang natatawa-tawa. Nilgay ko ang fruit custard sa pinggan ko. And isa pa, hindi nila nakakalimutang ipaalala sa akin na matanda na ako. "Wala ka bang planong bigyan kami ng apo ng Mommy mo?" tanong ni dad. "Tsaka na po natin pag-usapan 'yan," sabi ko at sinubo na ang pagkain ko. Parang lagi silang may deadline at minamadali nila akong mag-asawa, mag-anak at kung anu-ano pa. They more worried about my future. Marami silang kwento sa tuwing nasa bahay ako. I knew they were trying to entertain me. Alam kong gusto lang din nila akong pasayahin. "Kumain ka pa," si Mom na naglapit pa ng mga pagkain sa akin. "I'm already full, Mom." "Hindi. Kumain ka nang kumain hangga't hindi ko naririnig na dumighay ka, okay?" "Pagbigyan mo na ang Mommy mo, lagi na 'yang nag-iisip sa'yo kung kumakain ka ba ng tama sa oras. Minsan ka lang dito kaya gusto niyang makitang nakakain ka nang maayos." Pinunasan ko ng napkin ang gilid ng labi ko at tumingin kay Mom. "Mom, I'm fine. You have nothing to worry about me. Okay lang po ako." Naramdaman ko ang paghawak ni dad sa kamay ko. "Hindi mo kailangang sabihin sa aming okay ka para lang hindi kami mag-alala, anak." He was looking at me na parang alam niya ang totoong nararamdaman ko, "Alam mo ba, sa tuwing nakaka-usap namin noon ang Ate mo lagi niya ring sinasabing okay siya, she always showed us na okay siya kahit nakikita at nararamdaman namin ng Mommy mo na hindi siya okay." Marahang hinaplos ni dad ang kamay ko. "Gusto ko lang malaman mo na hindi mo kailangang magpanggap sa amin ng Mommy mo, gusto namin na kung may isang lugar pa na hindi mo kailangang magpanggap, dito 'yon. Kahit hindi ka magsabi, lagi lang kaming nandito, yayakapin ka namin kapag hindi mo na kayang buoin ang sarili mo." "Dad..." Nag-iinit ang mga mata ko. Hindi ko ginustong malaglag ang mga luha ko. Tumayo naman si Mom mula sa inuupuan niya at pumwesto sa likuran ko para yakapin ako. "We love you so much, sweetheart," said Mom. Pinunasan ni dad ang luhang tumulo mula sa mata ko and kissed my forehead. "We love you, hmm? Magpahinga ka rin minsan lalo na sa trabaho. Wag mong masyadong isipin ang mga pagkakamali mo. Don't be too hard on yourself." Niyakap ko silang dalawa. Kapag stressed ako masyado at work, silang dalawa ang nilalapitan ko. Gustong gustong kong nakikita kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Gustong gusto kong nakakakita ng pagmamahal na nagtatagal. I opened up about Kevin. Worried sila about me but actually kaya rin ako nagpunta sa bahay to tell them na nakalabas na ng kulungan si Kevin. I did not want to keep it a secret lalo pa ngayon na pwedeng ma-involve din sila. Hindi ko alam kung ano ng tumatakbo sa isip ni Kevin ngayon pero gusto ko lang masigurong ligtas ang family ko. Hindi pa rin tapos ang threats sa buhay namin dahil sa pagkakakulong ni Espinosa, the drug lord na mastermind sa pagpatay kay Ate Aizel. He was still doing his best para makalaya at kasama na ro'n ang takutin ang pamilya ko para iatras ang kaso. Hindi ko pa rin nakakalimutan kung gaano natakot sina Mom and dad noong unang natambangan ang sasakyan nila ng mga armadong lalaki, but then, out of nowhere may tumulong daw sa kanila. It wasn't the last time na may tumulong sa kanila pati na rin sa akin noong may dumukot sa akin papasok ng van. Parang there were always people helping us. Hindi ko alam. Pero malakas ang kutob ko na may tumutulong talaga to protect us. Si Ate o si Russ ang pumasok sa isip ko. Naisip ko lang na baka they were doing it for Ate Aizel. Siguro iyon din ang dahilan kung bakit nagtitiwala ako kay Russ na iuuwi niya si Keizel, nagtitiwala pa rin ako sa mga Sandoval na hindi nila hahayaang mapunta sa wala ang pagkamatay ni Kier. "Hindi ba dapat magbakasyon ka na talaga, anak? Paano kung balikan ka nga ni Kevin? Siguradong may galit siya sa iyo, anak, lalo pa at hindi mo siya nakuhang tulungan," nag-aalalang sabi ni Mom. "Hindi ko siya tatakbuhan, mom. Mas may dahilan ako para mag-stay dito. Gusto ko siyang maibalik sa kulungan." "Hindi mo na trabaho iyon, sweetheart. Baka lalo ka lang mapahamak," ani dad. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. "Dad, wala akong nagawa para kay Kier noong naaksidente siya, now I can do something, ito nalang ang magagawa ko para sa kanya. I want to do everything for him." ~(KIANNA SANDOVAL POV) "Klein, go to your room now." Nakapamaywang na humarap ako sa mga bata at isip bata na naka-upo sa couch. Mukhang wala silang pakialam sa akin lalo na ang anak ko. "Klein, are you listening?" malamig na tanong ko. Napatingin sa akin si Keizel. Kilalang kilala niya ako. Alam niya kapag hindi na maganda ang tono ng boses ko. "Klein, stop." Binaba nito ang ipad na pinapanuoran ng anak ko. "Ehhh, Ate! I want to play too! You said you will let me borrow that." reklamo ng anak ko. "Huy, Kikiam. Listen to your Mom." Tiningnan ko nang masama si Russelyn. Bahagyang nakaarko ang mga labi nito na mukhang natutuwa pa na nakikitang naaasar ako. "He's Klein, Russelyn." Agad itong napabusangot. "Ate! I hate that name, please, staph," maarteng anito. Mahilig mang-asar pero pag siya ang inasar, asar na asar naman. She was still acting like a kid. "Then stop calling my son Kikiam. He's not a street food." "Bagay naman ah?" Kianna tapos Liam. Kikiam." "What's Kikiam, Tita Russ?" tanong ni Keizel sa kanya. "It's Kle— Ouch!" natatawang daing nito nang balibagin ko siya ng unan. "Klein, isa," pagbabanta ko. Alam niyang dapat na siyang sumunod bago ako makabilang ng tatlo. Madalas kasi ay ganoon ko suwayin ang Daddy niya kapag sumosobra na ito sa pang-iinis. Hindi siya masyadong marunong magtagalog pero natuturuan naman siya ng family ganu'n na rin si Keizel. "But, mommy... I'm not even sleepy." Tumingin ito sa akin na parang gustong bigyan ko pa siya ng oras para maglaro. "Don't give me that look. Go to your room now." Bumusangot ito at bumaba na ng couch. Nakakailang hakbang pa lang ito nang muli ko itong tawagin. "Klein" Lalo itong napabusangot at bumalik para halikan sa pisngi ang Tita Russ niya. "Good night, tita." "Good night little boy," said Russ at hinaplos ang pisngi nito. I taught him to always say good night to everyone before going to bed kahit gaano pa siya kainis dahil lagi ko siyang pinapatulog. "Good night, Ate." Kinawayan lang niya ang Ate Keizel niya. Ito lang ang hindi niya hinahalikan dahil ayaw nitong magpahalik sa kanya. Hindi raw nagto-toothbrush ang anak ko. Minsan napapa-isip na lang ako kung kay Aine ba talaga siya nagmana o sa magaling kong kapatid. "Good night, Mommy." Bahagya akong dumukwang para mahalikan niya ang mga labi ko. "Good night." Pinanuod ko itong humakbang palayo habang nakasunod sa kanya ang yaya niya. "Keizel, you should also go to your room now. It's already 11. You have an early class tomorrow," sabi ni Russ dito. "Okay, Tita." Binaba nito ang ipad at hinalikan si Russ sa pisngi. Lumapit din ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi and bid me good night. Bumaling ako kay Russelyn nang makaalis si Keizel. "At ikaw matulog ka na rin, may bukas pa para dyan sa ka-text mo." Tumingin ito sa akin mula sa mobile phone niya. "Bakit pati ako pinapatulog mo? I'm not a kid anymore." "Isip bata rather," sabi ko bago ko siya iwan sa living room. Kahit nakabukas ang glass door ng opisina niya sa bahay ay kumatok pa rin ako to get his attention. Nag-angat naman ito ng ulo mula sa librong binabasa wearing his glasses. "I told you na buksan mo lahat ng ilaw kapag nagbabasa ka. Baka lalong lumabo 'yang mga mata mo," sabi ko nang makalapit ako sa table niya. Hindi pa rin ito nagbabago. Para pa rin siyang bampira na mahilig sa dilim. Ang ilang ilaw lang sa gilid ang nakasindi at ang lamp sa ibabaw ng table niya. Muli itong tumingin sa librong binabasa. Siguradong isa na naman iyon sa mga libro ni Aine. Hindi naman niya hilig ang romance, more on sci-fi yata ang genre niya. "Hindi na ba magbabago ang isip mo?" I asked. "I made up my mind," sagot nito na mukhang alam na kung anong tinutukoy ko. "I just want to remind you na pwedeng pwede siyang manakit ulit ng tao. Paano kung ulitin niya ang ginawa niya sa'yo this time sa ibang tao naman?" Nilipat nito ang page ng binabasa. Alam kong kapirangot na salita lang ang makukuha ko sa kanya o pwedeng wala. "Can you please give me at least one acceptable reason kung bakit ginusto mong palayain siya? Seriously I am worried right now. Not for you but for people around him." Sinara nito ang librong binabasa at tumingin sa akin. "Let's not talk about it anymore, can we?" seryosong sabi nito, "don't worry." Napapikit na lang ako nang mariin and sighed. Napatingin ako sa glass door nang may kumatok doon. Si Therese. "Naistorbo ko ba kayo? I just wanna ask..." bumaling ito kay Kier, "kung hindi ka pa matutulog? It's already late, love." Hinubad ni Kier ang suot na salamin at tumayo mula sa swivel chair niya. Kinuha niya ang braso ko nang dumaan siya sa gilid ko at marahan akong dinala sa mga bisig niya. "Thank you," he whispered. Lalo akong napapakit nang mariin. Hinaplos ko na lang ang likod nito. "Okay, good night." Binitiwan niya na rin ako. Binigyan naman ako ng ngiti ni Therese. "Good night, Ate," she said. I tried to smile back at her at pinanuod silang umalis ni Kier. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. He said thank you to me dahil ako ang umasikaso ng lahat para makalaya si Kevin. That was what he wanted. Wala na lang akong nagawa kung hindi pagbigyan siya dahil kung hindi ako ang gagawa ng paraan siguradong siya ang gagawa ng paraan. Hindi ko alam kung tama pa bang sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Kevin noong panahong tinanong niya kung bakit siya naaksidente, but a year ago na 'yon. Ngayon niya lang naisipang gusto niyang makalaya si Kevin. He always wanted to get what he wanted. Walang makakapigil sa kanya. Sobrang pagpapasalamat ko sa diyos noong araw na iyon na nakarinig ako ng sigaw na bumalik ang heartbeat niya. Sobrang pagpapasalamat ko na kahit na-comatose siya ng isa at kalahating taon, at nagkaroon ng amnesia until now, masayang masaya ako na ngayon okay na siya... maayos na siya. He was breathing, he was with me. Takot na takot ako noong mga panahong nag-aagaw buhay siya sa ospital. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko nakabitay din ang buhay ko kasama ng buhay niya. Noong mga panahong 'yon, pinatawagan ko lahat ng ospital, pinadala ko ang pinaka-magagaling na doctor nila. Ginawa lahat ng tao ng ospital na mailipat si Kier sa nakahandang private plane. The plane was like a huge hospital room. Lahat ng kailangan niya ay nandoon na. Ang sabi ng doctor noong mga panahong 'yon, kung ililipat siya sa US baka hindi rin siya umabot sa ospital, kung hindi siya ililipat, posibleng mamatay din siya sa ospital. Sobrang hopeless ko. Parang whatever choices I make, no matter decison I make, mamatay siya. Parang ang choice ko lang tanggapin na mamatay siya. Then I chose to risk it, I chose to transfer him dead or alive. I felt like there was no reason to stay dahil isang tao lang naman ang hinihintay na walang planong pumunta. Bago pa kami makarating ng US nakahanda na doon lahat ng kailangan, pinaka-magagaling na doctor, pinaka-magandang ospital, everything. Hanggang sa hindi pa rin ako kuntento, kumuha parin ako ng pinaka-magagaling na doctor galing sa iba't ibang bansa. Ganu'n ako kadesperadang gumaling siya at mabuhay siya. Wala akong pakialam kung maubos lahat ng perang meron ako basta makita kong buhay ang kapatid ko, basta marinig ko ulit siya. Makita ko ulit na masigla siya. Someone told me na he was fighting. He was fighting for his life kaya hanggang noong panahon na 'yon ay humihinga pa rin siya. Kahit parang ang imposible na buhay pa rin siya. Sa isang taon na nasa ospital siya, isang tao lang ang nagpakita ng tunay na concern sa kanya hindi lang dahil sa pera na binabayad sa kanya. It was Therese. Siya lang ang pinaiwan naming doctor to take care of Kier noong mga panahong nilipat na namin siya sa London. Comatose pa rin ito noon. Pinrovide namin lahat ng kailangan niya sa loob ng bahay para lagi namin siyang kasama. Walang kasiguraduhan noon kung magigising pa siya o hindi na kaya sobrang saya ko na nandito siya ngayon. Kaya pakiramdam ko ayokong magkait ng kahit ano sa kanya at lalong lalong ayokong magkaroon siya ng sama ng loob sa akin. Pumasok ako sa kwarto ni Klein. Marahan kong hinalikan ang noo nito pagkatapos ay inayos ko nag kumot niya. My little boy. He has a blue eyes like me. 'Yun lang, and everything nakuha na niya sa daddy niya. Gusto ko siyang hintaying magising noon bago ako bumuo ng pamilya, but I was getting old. Natakot ako na baka hindi na ako magka-anak kung hihintayin ko siyang magising. Siguro, he was disappointed. Alam kong ayaw niya kay Liam. The past few months naweweirdohan na talaga ako sa kanya. Okay naman sila ni Liam and Brent noong nagising siya from coma. Nagkukwentuhan pa sila, nag-iinuman, minsan magkalaro pa sila ng video games pero the past few months bigla na lang siyang naging aloof. Bumuntong hininga ako. Hindi pa rin ako kasal dahil hinihintay ko siya. I wanted his approval. I just really felt the need to have my own family. Alam ko noon pa man na si Liam ang magiging mabuting ama ng anak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD