Chapter 7

2150 Words
~(KIER JOYVE SANDOVAL POV) 2 days after the wedding, hinatid ko si Therese sa airport. She wanted to finally visit her family after long years of being with me. "Take care," I told her. "I will. You should also take care of yourself lalo na kung may pupuntahan kayo ni Keizel. Be vigilant, okay?" Yumakap ito sa akin. Sa almost 5 years na kasama ko ito London, ngayon lang ito uuwi sa pamilya niya. I didn't even notice that I was holding her tightly. At sa almost 5 years, ngayon lang din siya mahihiwalay sa akin. "I'll see you soon. I'll miss you, I love you." Malambing na anito. I kissed her lips. Hindi ko hinayaang maghiwalay agad ang mga labi namin. I kissed her passionately. Bumunong hininga ako nang humahakbang na ito palayo. Kumaway pa ito bago tuluyang umalis. Pagbalik ko sa Hacienda hinanap ko kaagad ang anak ko. "Umalis kasama ang Ate mo, si Liam, si Klein at si Russ." Sabi ni Mom na kasalukuyang naglalagay ng dessert sa pinggan niya. "I thought they're leaving?" "Gustong mag-bonding muna ang dalawang bata at matagal-tagal din daw bago sila makadalaw ulit." Dumeretso na muna ako sa bahay ni Nanay. Nandoon siya mag-isa kasalukuyang tinitingnan ang mga litrato ng mag-ama niya. She wiped her tears nang maramdaman ang presence ko. Kahit kasama niya kami sa London noon, alam kong nalulungkot pa rin siya. I hopedd I could ease her pain pero hindi ko na iyon matatanggal sa kanya. I just hugged her. Baka sakaling gumaan ang nararamdaman niya. ~(KIANNA SANDOVAL POV) Enjoy na enjoy ang dalawang bata habang naglalaro sa park. Si Russ naman ay nasa di kalayuan habang kumakain ng ice cream. Inip na inip siya at diring diri sa amin ni Liam dahil masyado raw ang pagP-PDA namin. Palibhasa pag kasama niya si Brent parang magtropa lang silang dalawa. Sa kilos at the way makipag-usap sa isa't isa. Wala man lang karoma-romantic. Lagi pa silang nagbubullyhan kaya minsan sa sobrang bastos ng bibig nilang dalawa ay tinatakpan ko na lang ang tainga ni Klein kahit hindi sila naiintindihan ng anak ko. Lumapit sa akin si Keizel. Pinanunasan ko naman ang pawis nito. "Tita, I want ice cram too." Tinuro nito ang direksyon ng Tita Russ niya. "Okay, go to your tita. Don't run." "Okay, Tita." "Klein! Be careful." Sabi ko at nilapitan ang mag-ama ko. Parang hindi ito napapagod kai-slide kasama ang iba pang mga bata. ~(AIZEN SANTOS POV) Tumayo na ako mula sa bench na inuupuan ko. Matagal tagal din ako sa park na iyon. I loved the air, the place itself. It was so refreshing. Iyon lang talaga ang gusto ko bago ako pumunta sa totoong sadya ko. Malayo-layo na rin ang nahahakbang ko. Maingay sa paligid dahil sa mga batang naglalaro, naghahabulan sa loob ng park. They were so cute. Hindi ko maiwasang mapangiti. "Momma! Momma!" Dere-deretso akong humakbang patungo kung saan naka-park ang sasakyan ko. ~(RUSSELYN SANDOVAL POV) "Ang sarap ng ice cream niyo, Manong. Heto po ang bayad ko." Binigay ko sa kanya kung ilang blue bills ang nakuha ko sa bulsa ng bag ko. "Naku, ma'am, limang libo ho ito. Sobra sobra ho. 70 pesos lang ho ang nakain niyo." "No, sa'yo na 'yan, ibigay mo sa lahat ng bata 'yung natirang ice cream." "Talaga po? Naku, salamat po. Hulog po kayo ng langit." "Yeah, because I'm an angel." Napatigil ito at nakangangang nakatingin sa akin. Napatigil din ako sa pagkain ng ice cream kong nasa cone and smiled at him. "I'm just kidding, Manong. You're too serious." "Russ!" Napalingon naman ako kay Ate na kung makatawag sa akin akala mo susugurin ako ng patalim. Siya pa itong nagsabi sa akin na 'don't draw too much attention' with attitude tapos siya iyong makasigaw sa pangalan ko. Mas kilala pa naman ako ng mga tao dito than her. "Why?" I asked irritatedly. "Where's Keizel?" Nag-aalalang tanong nito. "Huh? 'Di ba she's playing with Klein? kasama mo siya." "Oh god," Napahawak ito sa sentido at tumingin sa ibang direksyon. Napatingin din tuloy ko sa paligid at hinanap ng mga mata ko si Keizel sa paparating na si Liam buhat si Klein. "Where's Keizel?" Balik ko sa kanya ng tanong. "Gosh, hindi mo ba nakita?" Sa itshura ni ate parang gusto ko na ring mag-panic. "Pinasunod ko lang siya sa'yo dahil gusto niya rin daw ng ice cream." Kumakabog na ang dibdib ko. Pakiramdam ko hindi siya nagbibiro. "Hindi siya lumapit sa akin, Ate. Oh, god. Anong gagawin natin? Tumawag na kaya tayo ng pulis? Tawagan natin si Kier?" Natatarantang sabi ko. "No. He'll kill us." "My ghad, Ate! Let's find her around. Please, tell me what to do..." "Calm down, please. Hanapin muna natin si Keizel. Maghiwa-hiwalay tayo. Call me if you found her." Mabilis akong tumango. Inabot ko kay Manong ang cone na hawak ko at nagmamadaling humakbang. "Keizel!" Tawag ko sa kanya at sumilip sa isang malaking dinasour na siyang pinapasukan ng mga bata. "Keizel!" Hinanap ko siya sa buong paligid. Nasaan kana bang bata ka? Habang tumatagal na hindi ko siya nahahanap, mas lalong kumakabog ang dibdib ko. ~(AIZEN SANTOS POV) I went inside my car. In-start ko na ang engine at inatras ang sasakyan ko mula sa parking. Nagmaneho ako patungo sa exit. Natanawan ko pa lang ang malaking gate kung saan ako lalabas nang may isang batang mabilis na tumakbo sa daan ko. Mabilis akong pumreno. Agad kumabog ang dibdib ko nang makita kong tumumba ang bata kahit hindi ko naman ito nasagasaan. Nagmamadali akong bumaba ng sasakyan. "God..." Mabilis ko itong nilapitan. Tiningnan ko ang sugat sa tuhod niya. "Are you okay? Masakit ba?" I gasped nang makita kong nagasgasan din ang braso niya. Hahawakan ko pa lang iyon pero hinawi nito ang kamay ko. "Why are you so careless! Are you blind!? You're--" Natigil ito nang mag-angat ng tingin. Muli sa pagsalubong na kilay ay umaliwalas ang mukha nito, "Momma?" Napatingin ako sa magagandang mga mata nito. Her brown eyes, her eyebrows, her lashes... perfection. Napaawang ang mga labi ko lalo nang yumapos ito sa akin. "Momma, why are you walking too fast? I've been calling you from afar, Momma." Hinaplos ko ang buhok nito. "I'll bring you to the hospital." Humigpit ang yakap nito sa akin at humikbi. "Momma, don't go far away anymore. I missed you. I missed you. Please don't go." Hindi ko alam kung bakit kumirot ang dibdib ko sa pag-iyak nito. Maybe because it was so real. Parang punong puno ng pananabik. Hinaplos ko ang likod nito to stop her from crying. "Shh, don't cry, baby. I'm sorry, I didn't see you." Matagal itong nakayakap sa akin. Dahil ayaw nitong bumitaw, binuhat ko na ito at dinala sa passenger seat ng sasakyan ko. Maayos ko itong iniupo doon habang hinayaan kong bumukas ang pinto. Umupo ako sa tapat niya. "Let me see," Kinuha ko ang binti niya at tiningnan ang sugat niya. "Damn..." Nagdudugo iyon. Mukhang masama ang pagbagsak niya. Nag-angat ako ng tingin para tingnan ang mukha niya. I was quite stopped. She was so beautiful. She looked like an angel. "Why Momma? Don't you miss me?" Pinahid ko ang luha sa magkabilang pisngi nito na mamula-mula. "It's just that... you remind me so much of someone." She frowned, "I'm your daughter. Why can't you remember me? Do you also have an amnesia like daddy?" I really could not understand what she was talking about. Nag-aalala ako sa kanya dahil baka nawala siya dahil bala hindi niya ma-recognize mabuti ang mga tao sa paligid niya. "Don't you love me anymore?" Tanong nito. "I promise you I will be a good girl. Just please... don't leave again." Napangiti ako at hinaplos ang buhok niya. She seemed like a very sweet girl. Bumakas ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa akin. I could see see disappointment in her eyes. "Your eyes..." "Hmm, what's with my eyes? Muling tumulo ang mga luha nito. Ganu'n pa man, muli niya akong niyakap. "I love you, Momma." She said between her sob. "Shhh..." Muli kong hinaplos ang likod niya. KIANNA SANDOVAL "Damn it!" I muttered. Hindi pa rin namin nakikita si Keizel. Ang dami nang tumatakbo sa isip ko. Kinausap ko na ang securities ng park. They were already helping us to find Keizel. Malapit na ako sa gate palabas ng park. Isang sasakyan ang nakita kong mukhang palabas ng gate pero muling bumalik. Hindi ko maiwasang lalong mag-aalala. Sana hindi siya nakalabas. Sana naman ay walang kumuha sa kanya na masamang loob. ~(AIZEN SANTOS POV) "I'm sure they are worried about you right now. We also have to take care of your wounds." "But you can treat these, Momma. You're a doctor, right?" Ayaw niyang ihatid ko siya sa mga guards. Gusto niya raw kumain at mamasyal kasama ako. "I'm not a doctor." Kanina pa siya nakatingin sa akin mula sa passenger seat, "What's your name?" Napalabi ito, "Why don't you know my name?" It was really so strange na parang kilalang kilala niya ako and she was certain na kilala ko rin siya. "Momma... I wanna stay with you." "Okay, but I will still inform the guards that you are with me. Anyway, do you know your home address?" Sandali ko itong sinulyapan. "I live in a big big house." Napangiti ako. I would not doubt that. She actually looked expensive. "Okay, we're here." ~(KIANNA SANDOVAL POV) "Ate, paano kung... kung nakuha na si Keizel ng mga kidnappers? Paano kung—" "Russ," I gave her a look, "calm down." Tumingin ako sa direskyon ni Liam. Nag-aalalang nakatingin siya sa amin ni Russ. Pinalayo ko muna si Klein dahil ayokong maapektuhan din ito sa nangyayari. Tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko iyong kinuha mula sa coat ko. "Ma'am, may bata hong dinala rito. Ayaw hong magsalita pero sa tingin ko po siya 'yung hinahanap niyo." "Oh, god. Thank you, thank you." ~(AIZEN SANTOS POV) Sinubukan siyang tanungin ng mga staffs pero ayaw nitong magsalita. Tinitingnan niya nang masama ang ibang kumakausap sa kanya except me. Kapag ako naman ang nagtatanong sa kanya she was answering me that It should know. Lagi ako nitong tinatawag na Momma. Ayaw niyang ipagamot ang sugat niya. Kanina pa siya nakabusangot na tila hindi niya nagustuhan ang lugar kung saan ko siya dinala. Naramdaman ko nag pag-vibrate ng phone ko. It was mom calling. "I'll leave for a while." Hinaplos ko ang balikat nito. I turned my back pero kinuha nito ang kamay ko. "Stay, Momma." Naluluhang anito. "Don't leave me alone." Hindi ko alam kung bakit ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Kinuha ang pisngi niya. "I won't leave. I'll be back, hmm?" Lumabas ako sandali to answer Mom's call. ~(KIANNA SANDOVAL POV) Natanawan ko pa lang si Keizel parang gusto ko nang magtatalon ng puso ko sa tuwa that she was safe at walang masamang tao ang kumuha sa kanya. Agad ko siyang nilapitan. "Keizel, oh god! You made me so worried about you," sabi ko at umupo sa harap niya. "Gosh, baby! Where did you go, huh?" Nag-aalang tanong ni Russ. "What happened to your knee, Huh?" Nag-aalalang tanong ko. Pati ang braso niya ay may galos. "Nothing, Tita. I was just so... careless." "Anong ginagawa niyo? Bakit hindi niyo gamutin ang sugat ng bata?" Tumaas na nang bahagya ang boses ni Russ. "Eh, Ma'am... ayaw ho. Gusto niya yung Momma niya 'yung gagamot ng sugat niya." "No, baby." Hinaplos ko ang buhok nito, "Your Momma won't be able to treat those wounds. She's in heaven now, right?" "No. I saw her, she's here." Sagot nito. "Ma'am, may naghatid po sa kanya ditong babae, lumabas lang po sandali." "Please tell her that we're very thankful that she brought my niece here." Sabi ko sa isang staff at kinuha ko na ang kamay ni Keizel. "Let's go, baby. Let's go home." Hindi ito nagpahila sa akin. Hindi nito ginustong umalis mula sa kinauupuan. "What's wrong?" I asked. "What about Momma?" She asked. Bumuntong hininga ako. "Kei... please." Hindi ito ang unang beses na nakita niya ang momma niya. Minsan noong nagpunta kami sa mall abroad pinilit niyang sundan ang isang babae na tinatawag niyang Momma, but then she just got disappointed. Hindi ko alam kung ilang beses kong kailangan ipaliwanag sa kanya na hindi na babalik ang momma niya. "Kei, let's go." I needed to sound and look strict para sumunod ito sa akin. "Can I at least say goodbye to her?" Tanong nito habang hawak ang kamay ko at sinusundan ang hakbang ko. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi niya. Ano bang nangyari sa kanya? "Ate..." Napatigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang tinig na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD