Chapter 6

2810 Words
~(JADE SYJUCO POV) "f**k. Are you f*****g serious?" "Hm-hmm." "Bakit hindi ko siya pwedeng isama?" Napanguso ako habang kausap ko si Russ sa kabilang linya. "Alam mo naman kung bakit. Don't ask too much question, Jade." Kahit hindi ko ito nakikita ay nababakas ko sa boses nito ang pagtataray. "Hays. Anong sasabihin ko kay Hailey?" "Use at least 1/4 of your brain, duffer." "Pag, paano kung--" Toot toot na lang ang narinig ko sa kabilang linya. Hays! Bwisit talaga ang mga Sandoval! Lagi na lang akong binababaan ng tawag! "Sino kausap mo?" Halos mabitiwan ko ang cellphone ko sa pagkataranta. Nakasunod na pala sa akin ang maganda kong asawa sa garden. Kahit sino ang tumatawag sa mga Sandoval ay lagi akong lumalayo. Baka mamaya kasi ay marinig ako ni Hailey at magtanong nang magtanong. Mahirap pa naman itong lusutan. "Ah, ano... si ano..." Kumamot ako sa ulo ko. Tumaas ang kilay nito, "What?" "Ano... kaibigan ko." Nagpatuloy ako sa pagkamot sa ulo ko. "Sinong kaibigan?" Taas kilay pa rin na tanong nito. Hindi ako makasagot. Papatayin niya kaya ako pag naamoy niyang nagsisinungaling ako? Hays. Para pa naman siyang detective-- "Sinong kaibigan?" Malamig na tanong nito. "Si Ru-- si Ga--si Brent, ano... kaibigan ko sa bar." Mabilis at may pagkatarantang sagot ko. Hays. Gusto kong sapakin ang sarili ko. Naningkit ang mga mata nito, "You're lying." "Huh?" Agad sagot ko, "bakit naman ako magsisinungaling sa'yo no? 'Di no." "Aba, malay ko kung sinong pinagtatakpan mo." Nakapamaywang na anito. "H-huh? Ano bang sinasabi mo, honey?" Tinuro ako nito sa mukha na parang pagbabantaan niya na ang buhay ko. "Sa oras na malaman ko na may contact ka sa mga Sandoval o kay Gabe, mata lang walang latay sa'yo." Umalis ito. Paano ako magpapaalam ngayon nito? Hays! "Honeeey!" Tawag ko rito. ~(RUSSELYN SANDOVAL POV) Matagal rin bago nito sagutin ang tawag ko. Hindi ko alam kung nasaang side siya ng ibang planet pero hindi niya talaga gusto ng tinatawagan siya. "What?" Bungad nito nang sagutin ang tawag ko. "You know how impatient I am, Saavedra." How I hated it kapag hindi nasasagot agad ang tawag ko. Nakakainis. "I'm busy." I rolled my eyes, "Who the f**k cares? I would not call if I won't say something important, jackass." "Psh, what is it?" "Have you seen the invitation I sent you?" Natahimik ito sa kabilang linya. "I can't. Tell her I'm sorry." I again rolled my eyes, "Magtatampo 'yun sa'yo, ano ka ba." "I have so many things to do." "'Yun ba talaga or you're afraid to see someone here in Hacienda? Don't worry, hindi darating si Chantal. Kung iyon ang inaalala mo." Gosh, I knew them very well. They really can't lie to me and make excuses. "I'm just really busy. Hindi naman tungkol sa kanya." "Ipagpapalit mo na lang ang wedding day ni ate sa photoshoots mo? She'll kill you." "I know. Fine, I'll go." See? Alam kong hinintay lang nitong marinig na hindi darating si Chantal. "Good. See you there." "Paano si Zen? Kasama ba siya?" "Unfortunately, no. She's not invited." I already asked ate kung i-invite ko si Zen and my friends, Hailey and Chanty, but she said no. It was her wedding so wala akong karapatang ipilit ang gusto ko. "Galit pa rin ba si Ate sa kanya?" "I'm not sure, Gabe. Siguro para wala naring masyadong gulo. Sa kasal ko, invited kayong lahat. Prepare yourself to see Chantal again. Wag na wag mo akong pagtataguan Saavedra. Sinasabi ko sayo. Hahalughugin ko ang buong mundo ma-basag ko lang 'yang bungo mo." That jerk just chuckled. ~(AIZEN SANTOS POV) I was still thinking kung paano na-dismiss ang kaso ni Kevin. Although I had a very busy week ay hindi iyon nawala sa isip ko. Gusto kong maka-usap si Russ or anyone of them para matahimik ako. Just to make sure na gumagawa rin sila ng paraan at hindi nila hahayaang mapunta sa wala ang hustisyang para kay Kier. Gusto kong gumawa ng hakbang, pero hindi ko na alam kung ano pang pwede kong gawin para makulong si Kevin. Sumandal ako sa swivel chair ko ang closed my eyes. I'll do everything, love. Everything. After office hours I decided to call Mom. "3 days? Bakit hindi mo pa gawing 1 week, anak? Take a rest." "I have some business to handle here, Mom. Hindi ako pwedeng magtagal." "Okay, fine, but don't feel oblige to go back early, okay? Your dad and I can handle everything." "Thanks, Mom." Dumeretso ako sa bahay to pack my things. ~(KIER JOYVE SANDOVAL POV) She had been very busy with her wedding. She was very detailed even with the smallest things. Such a perfectionist. Hinayaan naman niya na si Keizel ang mamili ng bulaklak dahil mukhang excited din ito sa kasal niya. First time niyang maging flower girl kaya siguro kahit matagal-tagal pa ang kasal ay excited na ito. But then, mabilis talaga ang araw. From months to weeks to days until tomorrow. "Kanina ka pa umiinom. How many times should I tell you that drinking too much isn't good for your health?" Binaba ko ang hawak na baso ng alak sa mesa at nilingon ito. "And staying up at this hour isn't good for your face." She rolled her eyes, "Oh, come on. Alam mong maganda ang kapatid mo kaya masyado kang overprotective." Anito at yumakap sa akin. She was really clingy. Iyon lang ang gusto kong namana ni Klein sa kanya, not her mouth. Hindi agad siya bumitaw sa akin at ngayon ko lang hindi gustong lumayo siya agad. Mom and Nanay were right. Minsan hindi ko na siya kailangang pagalitan dahil alam na niya kung anong ginagawa niya. Matanda na siya pero para sa akin, bata pa rin sila ni Russ. I still feel the need to protect them. There was that slight pinch in my heart. "Akala ko hindi na kita mayayakap nang ganito. You really scared me." Hindi niya talaga makalimutan ang araw na nag-aagaw buhay ako sa ospital. "Alam ko malaki kana, ayaw mo na nqnh kini-kiss kita at niyayakap kita. You're not a baby boy anymore but for me you're always a baby boy. My baby boy." Malambing na anito. "Psh" Humiwalay ito sa akin na nakabusangot. "Call me if you miss me, okay? Call me if something's bothering you, if you need someone to talk to..." namuo ang luha sa mga mata nito. "Hindi na ako mawawala, darating ako." Pakiramdam ko nagkaroon ng bara ang lalamunan ko. "Is this necessary?" I asked sarcastically for the uncomfortable atmosphere to shove off. She chuckled, "I just wanna remind you..." inayos nito ang polo ko sa gawing balikat obviously hiding her tears, "na your ate will always be by your side. Hmm?" then maybe she couldn't help it, tumulo na ang mga luha niya, "kahit hindi ako naging ate sayo sa lahat ng pagkakataon sa buhay mo." I looked into her eyes that were full of tears. Damn. "Don't say anything." "I know you hate dramas, but I just wanna... wanana say sorry to you." Pinahid nito ang luha, "hindi ako naging mabuting ate sa'yo. I lied to you. I broke my promises to you. Si Klein..." muli nitong pinahid ang luhang tumulo sa mga mata niya na tila hindi nauubos. She can't even seem to continue. Damn her. "I know you never liked Liam for me pero tinuloy ko 'yung relasyon na meron kami. I'm sorry--" "Don't say sorry just because you love someone." Pinahid ko ang luha niya, "don't say sorry because you chose to be happy, just because he makes you happy. I want that, that smile in your face, him and Klein brought you. You deserve that." Humagulgol itong yumakap sa akin. Bumuntong hininga ako. "I knew you'd be a loving wife and good mother to Klein just like how you've been a good sister to me. You'll always have this place whenever you're tired and lonely. You'll never be alone... again... I promise you." "Nakakainis ka." Hinampas pa nito ang likod ko. Sa araw ng kasal niya, I was nervous and excited and sad and happy. I just can't explain. I had mix emotions. Masayang nagtatalon si Klein habang nakatakip sa mga mata niya because his Mom and Dad kissed each other. Hindi ako makapaniwalang pumapalakpak ako at lalong hindi ako makapaniwala na kinasal na talaga ang kapatid ko. Her long white gown suited her well. The smile on her face was just priceless. "Kayo, kailan niyo planong magpakasal, ha?" Simpleng tanong ni Jade sa akin habang pumapalakpak. Tumingin ako sa direksyon ni Therese. She was smiling while also clapping her hands. Pinili kong hindi sagutin nag tanong niya. I didn't wanna rush things. After more picture taking lumabas na rin kami sa garden sa Hacienda na may mababangong bulaklak sa paligid at napapaligiran ng paruparo at napapaligiran ng mga berdeng halaman ang buong paligid na nagsisilbing malaking paraiso. "Tito Gabby!" Napalingon kami sa batang papalapit sa amin. "Oh, kumusta?" Tanong ni Gabe at binuhat ang batang kumapit sa laylayan ng coat niya, "ang laki mo na ah?" Ngumiti nang malapad ang bata na kamukhang kamukha ni Jade, kung hindi ako nagkakamali, Jaden ang pangalan nito. Sa tuwing dadalaw si Jade sa London, hindi siya pumalyang ikwento ang mag-ina niya. "Okay lang po. Nasaan po yung pasalubong ko?" Gabe chuckled, "Nasa sasakyan. Mamaya ibibigay ko sa'yo." "Hays, ang anak ko, nauna pang lapitan ka kahit ilang taon ka ng hindi nakikita." Ani Jade. "Mas gwapo kasi ako sayo." Pagyayabang ni Gabe. "Sino po siya?" Tinuro ako ni Jaden. "Siya si Tito Kier. Pangit 'di ba?" Ani Gabe. "Hindi po. Gwapo po siya. Mukha po siyang artista." Sabi nito habang nakangiti. "Gwapo ka rin, kamukhang kamukha mo ang Mommy mo." I told him. "Hoooy, halata namang kamukha ko oh!" Agad depensa ni Jade. Napa-iling na lang ako. "Daddy!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Ang anak ko. Tumakbo ito papakapit sa akin. "Don't run." Suway ko sa kanya dahil baka madapa na naman siya. Yumakap ito sa baywang ko. Pagkatapos ay tumingin sa mga Tito and waved her hand. "'Yan ang tunay na maganda. Nagmana kasi sa Momma niya." Ganting pang-iinis ni Jade. "Hello Tito Gabe, Tito Jade. Hello!" Kinawayan din nito si Jaden. "She's Ate Keizel." Bulong ni Jade kay Jaden. "Hello, Ate Keizel!" "Hello, Jaden, right? It's nice to see you." Kinawayan nila ang isa't isa. I was quite surprised na friendly siya ngayon kahit pa sa kwento niya lang naririnig si Jaden, "Daddy, I'm gonna play with Klein." "Alright, but don't go too far." "Yes, daddy." "Daddy, ako din po." Paalam ni Jaden sa Daddy niya. Binaba naman siya ni Gabe. Maya-maya lumapit na samin si Brent at si Russ. Kita ko naman sa gilid ng mata ko na palalapit din sa amin si Therese. Kinuha ko ang baywang niya nang makalapit siya sa akin. Hinayaan ko namang tapikin ni Brent ang balikat ko. "Marami pa pala akong dadaluhang kasal eh." Ani Jade. "Hello there, chixx." Bati ni Gabe kay Therese. Si Jade at si Brent ay binigyan lang ito ng ngiti at ng kaway. "Hello, brothers." Nangiting bati nito pabalik. She really loved to socialize kaya kahit noong unang beses bumista ang mga ito sa London ay naging kasundo niya agad. ~(GABERIELLE SAAVEDRA POV) I was glad na sobrang saya ni Mang. May mga times na kilala niya kami then suddenly hindi na ulit. Pinagkwentuhan namin ang nakaraan and she was laughing hard. Hindi niya talaga makalimutan ang nakaraan kung paano niya kami pinalaki. Nanatili kaming naka-upo sa kama niya habang nakasandal ito sa headboard. "Mababait ang mga anak ko kahit makukulit sila." Sabi nito na may luha sa mga mata dahil sa pagtawa. "Si Brent po ang pinaka mabait, Mang hindi ba?" Ani Brent at nilagay ang kamay ni Mang sa pisngi niya. "Si Brent ang pinaka matigas ang ulo." Ani Manang. Napatawa kami ng bahagya. Siya naman talaga. "Si Jade ang pinaka mabait." Tinaas ni Jade ang braso niya showing off his muscles, "Ano kayo ha?" Love you Mang." hinalikan nito si Mang sa pinsgi. Tch, proud naman ang gago. "Pinaka gwapo, Mang? Si Brent 'di ba, Mang?" Pagpupumilit ni Brent. "Ang pinakagwapo ay si..." tumingin si Mang sa aming lahat, "Lahat sila gwapo." "Safe ka Mang ah? Lakas maka-showbiz." Muling sabi ni Brent. Binatukan siya ni Russ na naka-upo sa tabi niya. "Aw," Mahinang daing nito. "Si Brent ang pinaka mahilig sa babae." Sabi ni Mang habang tumatawa. Muli kaming napatawa ng bahagya. Araw-araw iba't iba ang babae niya. Ni wala nga akong natandaang pangalan sa sobrang dami nila. "Di naman, Mang." Kumamot pa ito sa ulo. "Mang, alam niyo po ba ikakasal na 'yan si Brent kay Russ." Ani Jade. Nilingon siya nito. "Eh, teka nga? Bakit ikakasal si Russ kay Brent? Bata pa sila. Ay nako, magagalit si Kier. Baka pagmulan lang iyan ng away." Yumapos si Russ sa braso ni Kier, "Mang, pinayagan na po akong magpakasal ng anak niyo." "Eh, bakit ikakasal si Russ kay Brent? Gusto ba no'n si Brent? Palagay ko'y hindi." Muli kaming napatawa including Russ. Napanguso naman si Brent. "Mang naman." It was really hard to say goodbye. Habang nasa eroplano ako pabalik ng New York ramdam ko na nag-iinit ang mga mata ko. I missed them. Bukod do'n, hindi ko makalimutan si Mang. Pinalaki niya kami sa paraang alam niya. Naging mabuti siya sa amin. Sa kalakasan at sa kahinaan niya ginawa niya lahat para alagaan kaming lahat. Mahirap tanggapin na hindi na siya masyadong maka-recognize at mahina na siya ngayon. She gave her all for us. I will always treasure the memories of her, I will never forget her efforts and love for all of us. Pagdating ko sa apartment kung saan ako tumutuloy sa New York ay agad akong sinalubong ng isang magandang dilag. "Hey... how was your vacation?" Tanong nito habang nakalagay ang magkabilang kamay sa mga balikat ko. "I enjoyed so much." "Parang hindi? Parang malungkot ka naman?" "I'm just... tired." Mukhang nalungkot ito para sa akin. Ganu'n pa man, she smiled. What a beautiful smile she had there. What a beautiful Kara. "Come on, I cooked your fave." ~(JADE SYJUCO POV) "What did you tell Hailey?" Tanong sa akin ni Russ. "Dad and son bonding." "And she believed you?" "Binigyan ko ng maraming pang shopping." Napatawa ito, "Are you sure hindi kayo mag-i-stay dito? Gabi na." "Hindi na, kanina pa ako tinatawagan. Mukhang nasa labas na nga ang mga gamit ko." Napailing na lang na napatawa ito. "Okay, mag-ingat kayong dalawa ni Jaden sa byahe." Nilapitan nito ang anak ko at hinalikan pagkatapos ay kinuha ko na rin ito kahit nagta-tantrum at ayaw pang umuwi. Kinailangan pang ang Ate Keziel niya mismo ang magsabing hindi na sila pwedeng maglaro. "See. I told you, she can't play with you." Sabi ko sa anak ko na nakabusangot na. Manang mana sa toyo ng Mommy niya. "We'll play the next time you go here." Ani Keizel. My son slowly nodded, "Alright." "Goodbye." Nag-shake hands pa sila na parang mga businessmen. Formal talaga masyado 'tong anak ni Kier. English pa nang english mabuti na lang taglish lang si Jaden. Humakbang na ito palayo. Hays. Kamukhang kamukha talaga ang Momma niya. Na-miss ko tuloy bigla si Aine. Bago kami tuluyang sumakay sa nakahandang sasakyan papuntang airport, kinausap ko muna ang anak ko. "Don't tell Mommy about Ate Keizel and Tito Kier, okay? Or even everything we did today." "But why not?" "And also, don't tell Mommy that Tito Gabe gave you that Robot, okay?" tukoy ko sa hawak nitong laruan. "But why nga, daddy?" Iritang tanong nito. "Because it's our secret." "Pero daddy, 'di ba nga no secrets sabi niyo ni Mommy?" "Oo nga..." napakamot ako sa ulo ko, "pero basta, hindi mo pwedeng sabihin kay Mommy because she'll kill me if she found out our secret, okay?" "But I can't keep secrets to her." "Do you want Mommy to kill me?" "No." Bumusnagot ito, "but Mommy won't kill you. She loves you." Hays. Napabuntong hininga na lang ako. Makatwiran din katulad ng Mommy niya. Madalas talaga sila ang magkakampi. "Ike-keep mo yung secret nating dalawa o hindi na tayo babalik dito?" "Hmmm, okay. I'll keep our secrets, daddy." Hayst, I was relieved. _________________________________________________________ A/N: Next chapters will be more confusing. I will stop to update this story for a while bc sobrang dami niyo pa lang mami-miss and mai-spoil nang sobra ang FTB. I will finish From The Beginning for you to understand everything in this book. I'll try to update FTB twice or thrice a day. Thank you so much for your understanding and patience. Take care! :) -LuckyZero
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD