CRIS POV Napailing na lang ako habang nag lalakad pababa ng hagdan para mag tungo sa kusina. Naabutan ko naman si manang Perl na nag hahanda ng pagkain. Sya ang mayordoma nitong mansion. "Good morning manang." Bati ko sabay upo at sumandok ng pagkain sa plato. "Magandang umaga iha. Nasaan na si master Sam?" Tanong nito sakin habang nag lalagay ng iba't ibang ulam sa mesa. "Ayun po sa taas, naliligo na." Sagot ko saka sumubo. Sarap talaga mag luto. "Alam na ba nya na ililipat kayo ng skwelahan ni Senyor Alfredo?" Nagkibit balikat na lang ako sa kay manang. "Siguro po. Kanina kasi hindi ko nasabi kasi pinaalis nya ako, kaya baka tinawagan na sya ng lolo nya ngayon." Sagot ko na lang. Tumango naman ito kaya ipinag patuloy ko na lang ang pagkain. Mga ilang minuto din ang lumipas ng

