SAM'S POV Monday, August 29,2016 "Queen!" "Fvck up!" Agad kong bulyaw saka sinipa ng pagkalakas lakas ang taong nasa tabi ko at hawak hawak ang alarm clock ko. Narinig ko naman ang pagkabagsak nito. "Ouch! Napaka sadista mo talaga kahit kailan!" Sigaw nito. Di ko man nakikita pero alam kong naka hawak ito sa bewang nya. "Get the hell outta here." I said. "No way hanggat hindi ka pa bumabangon jan! Bumangon ka na! Bilis!" At dahil sobrang naiirita ako sa boses nyang sobrang tinis. Mabilis akong kumuha ng unan saka tinapon yun sa direksyon nya. Ilag lang sya ng ilag kaya naman huminto na ako. Mahirap makipag talo sa isip batang ito. "Waah! Bad ka! Sinira mo ang buhok ko!" Inis nitong wika saka inayos ang nagulong buhok. Inikutan ko na lang sya ng mga mata. "Whatever. Just get out!

