Saka lang kami nagdesisyong umalis nang mapansing lumuluha na ang ulap. Hindi pa naman ganoon kalakas dahil umaambon pa lang ngunit nangangamba kasi kami na baka abutin kami ng malakas na bagsak nito sa daan. We were silent for the short portion of travel. Hindi ko alam kung napansin ba ni Kairo na lumuha ako dahil parang hinahayaan niya ako upang mahimasmasan. Sana lang talaga ay wala siyang hint sa kung ano man ang itinatago ko dahil kahit sabihin pang kumportable ako sa kaniya at tinuturing ko na siyang kaibigan, hindi pa rin ako handang ibunyag kung sino nga ba talaga ako sa buhay ni Trivo at kung ano ang silbi ko sa planong nasimulan na. “Na-miss mo mga magulang mo?” he suddenly asked. Kapwa kami nakatingin sa harap habang siya ay nagmamaneho. Kumakaway na ang mga wiper upang

