“Bawal ba umakyat doon?” tanong ko habang nakatitig sa tree house. Panay talaga ang sigaw ng isip ko na pamilyar ang tree house na iyon dahil parang napuntahan ko na. Bakit kaya? I turned to Trino, he shrugged. “Hindi pwede.” Lumalim ang kunot sa noo ko. “Huh? Bakit?” “Sa tagal nang hindi ‘yan naaakyatan, posibleng hindi na matibay ang hagdan. Masyado na ‘yang delikado para akyatan.” “Bakit hindi natin subukan?” Umiling siya. “Hindi ako papayag.” Ngumuso ako, bahagyang nalungkot dahil may pananabik talaga sa sistema ko upang akyatin iyon. May kataasan ang tree house. Siguro nasa dalawampung hakbang ang kailangang akyatin bago marating. Halatang halata ang kalumaan nito lalo’t gawa ito sa kahoy at kupas na ang pintura. Ano kaya ang itsura nito sa loob? Ano k

