Hindi nagtagal ang kirot. Umayos naman ang aking pakiramdam nang maka-akyat na ako nang tuluyan sa tree house at makapasok sa tila kalilinis lang na loob nito. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Hindi ito tipikal na tree house na gawa sa kahoy at ang design ay pangkubo. Ito iyong tipong pinagawa talaga ng isang mayamang angkan para magsilbi bilang pahingahan sa lugar kung saan wala ni sinuman ang nakararating. Kung papansining maigi, tila gawa sa mamahaling kahoy ang mga haligi. Hindi basta-basta ang yero na kung sa labas titingnan ay kakulay lang ng mala orange brown na exteriors. May railing na gawa sa kahoy. May terasa. Maraming bintana. Iisa lang ang silid ngunit sapat na ito sa lima pataas na bilang ng tao. Walang gaanong kagamitang makikita maliban sa basin at ilang mga ku

