Chapter 23

2209 Words

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Base sa ni-reply niyang iyon, hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin. May choice ako kung alin sa dalawa ang pipiliin ko, ang ilipat ko na ba ang mga gamit ko sa kwarto niya nang sa gayon ay iisa na lang kami ng silid o huwag na muna?   Lalong naging malinaw sa akin kung gaano siya kagalit kay Trino. Malinaw na talagang wala sila sa maayos nilang relasyon at masasabing naroon na nga ang lamat. May pagkakataon pa kaya silang magka-ayos? Kung mayroon, sa paanong paraan kaya?   Huminga ako nang malalim nang ilapag sa kama ko ang cellphone. Tinuon ko ang tingin ko sa pinto ng walk-in closet at pinag-isipang mabuti kung itutuloy ko ba ang binabalak o hindi. Pero wala namang masama kung susubukan ko ‘di ba? Besides, para na rin talaga ito sa plano

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD