Tangan-tangan ko ang kaba sa buong sandaling kasama ang mag-aama. Bagaman kasama ko naman sana si Trivo, naroon ang pangamba na baka bigla na lang mambato ng tanong si Don Trio. Nakakatakot na baka hindi ko iyon masagot. I’ve known myself coward when it comes to this. Dahil sa unang salta ko pa lang sa mayamang pamamahay na ito, basta-basta na lang ako pumayag sa mga nais mangyari ni Trivo. Ang mali sa parte namin ay hindi ito masyadong pinaghandaan. Noong una, tila ba sapat na sa amin ang ipaalam na engaged na kami. Hindi ko alam na magiging ganito pala kahirap ang kalalabasan. Tahimik na natapos ang dinner. Though Tito Trio seems okay, I know what he feels inside. Dismayado siya hindi lang para kay Trivo kundi dahil na rin sa akin. Sa tinagal-tagal ba naman kasi namin dito ay hin

