Chapter 01

1273 Words
DAY SERIES #4 Huminga ako nang malalim matapos pasadahan ng haplos ang puti at malambot na kobre-kama. Bagaman ako lang ang mag-isa sa tahimik na kwartong ito, pakiramdam ko’y ang bigat-bigat ng ambiance. Para akong nilulunod kahit nakaupo lamang sa dulo ng kama. Inangat ko ang tingin sa malawak na bintana, katabi nito ay ang pintong gawa sa kahoy ng molave na kapag bubuksan ay magbibigay-daan patungo sa balkonahe. I’ve always wondered how it feels to live in this luxurious place. Ngayong narito na ako, hindi ko alam kung sinong santo ba ang dapat kong pasalamatan dahil natupad na ang matagal kong pinapangarap— ang matagal kong hinihiling. Tumayo ako at naglakad nang marahan. Sa sobrang tahimik ng silid, tanging mga yapak na lang ng sandals ko ang maririnig. Magtatagal kaya ako rito gayong mas sanay ako sa mas maingay na paligid? ‘Di bale, makakapag-adjust din naman ako. Huminto ako sa harap ng isang human-sized mirror. Sa gilid nito ay may cabinet na triple sa height ko ang taas. Liban dito, mayroon ding pinto na maghahatid yata sa akin sa bathroom. Hindi pa ako sigurado dahil unang beses kong makapasok sa kwartong ito at ito rin ang kauna-unahang araw na magiging kwarto ko ito. They said, the most tragic place that we would ever visit might be hospital or cemetery. Pero kung ako ang tatanungin, hindi ako mag-aalinlangan upang sabihin na ang pinakamalungkot na lugar ay itong harap ng salamin. Because in front of me is a crystal-clear reflection of my sad being. At sa sobrang tagal ng paninitig ko sa sarili mula ulo hanggang paa, namalayan ko na lang ang sariling lumuluha. Ano bang problema sa akin? Kung tutuusin, may kagandahan naman ako. With my purple off the shoulder maxi dress, I’m aware that it complimented my black long hair. I have a down-turned lip, fair skin, striking eyes, and full yet natural looking eyebrows. Noong isang araw lang ay inabala ko talaga ang sarili para sa isang mabusising make-over ngunit bakit tila wala pa rin itong epekto sa kaniya? Bakit hindi pa rin ako ang gusto? I know I’m being delusional. But heck, halos dalawang taon na ang nakalilipas mula nang ikasal si Dok Galileo at Ada. Sa dalawang taon na iyon, bakit si Ada pa rin ang kaniyang bukambibig? Si Ada na nakatali na sa puso ng iba, na mahal na mahal niya, na para bang hindi niya kalilimutan kahit may asawa na at wala ng pag-asa upang pagbigyan siya... Bakit si Ada? Bakit hindi ako, Trivo? “I’m Carrie Dalisay, n-nice meeting y-you po…” Pumikit ako nang mariin saka muling dumilat upang tingnan muli ang sarili sa harap ng salamin. Nakakainis. Hindi ako pwedeng mautal mamaya. Kailangan kong galingan lalo’t hindi basta-basta ang makakaharap ko. Paano kung ma-turn-off sila sa akin? Sa halip na matupad nang maayos ang plano, baka kung saan-saan na lang ako pulutin nang wala sa oras. Tumikhim ako at umayos ng tindig. Pinilit kong ngumiti na para bang totoong kausap ang salamin. “I’m Carrie Dalisay, twenty years old—” Tumigil ako at napakagat-labi. Seryoso? Hindi naman kailangang isali ang edad sa pagpapakilala ‘di ba? Goodness, ano bang nangyayari sa akin? Nag-eensayo pa lang ako pero ang tanga-tanga ko na. Muli akong huminga nang malalim saka sinserong ngumiti. Nilebel ko rin ang mga kamay ko upang magpantay sa tapat ng aking tiyan. Carrie... one last perfect try, please. “I’m Carrie Dalisay and I’m Trivo Trivino’s fiancee. Nice to meet you...” Namilog ang mga mata ko saka mas nilapit ang mukha sa harap ng salamin. Really? Nasabi ko ba talaga iyon nang tuloy-tuloy? What the heck. Sana magawa ko rin iyon mamaya! Mahina akong pumalakpak na siya ring natigil nang biglang bumukas ang pinto. Pagkalingon ko roon ay bumungad kaagad ang lalaking halos umubos ng katinuang itinira ko para sana sa sarili. Now that I’m staring as he closed the door and walked towards me, I can’t help but feel my heart pounding with mixed melancholy and contentment. He’s so tall in his casually turn down collared shirt. His hair is not disheveled, halatang bagong suklay upang bumagay sa pormado at pormal niyang kasuotan. I wondered how it feels to be his real fiancee. Pero sapat na ito kaysa naman hindi niya ako pansinin, sapat na ito kahit purong pagpapanggap lang… kahit na wala talaga siyang espesyal na nararamdaman para sa akin. “Are you ready?” tanong niya sa seryoso at maskuladong boses. Sunod-sunod akong lumunok at halos mapa-atras pa sa dagundong na likha nito sa aking dibdib. Mas lumapit pa siya kaya ang dalawang hakbang na layo ay naging isa na lang. Tinitigan niya ako na para bang may mali sa tingin ko, na para bang hindi iyon ang tamang pag-arte upang mapaniwala namin ang mga taong makakatagpo namin mamaya. “W-what’s wrong?” nauutal kong tanong. Tumaas naman ang kilay niya at bahagyang pinilig ang ulo. “Are you nervous?” Mabilis akong umiling. “Hindi ah.” “Just tell me. May pagkakataon ka pa para umatras. Marami pa namang iba na pwedeng kong kunin para magpanggap—” “Kaya ko Trivo…” “Hmm? ‘Yan ba ang sinabi kong itatawag mo sa’kin?” aniya sa mas malalim na boses. Bumuntong-hininga ako nang mapagtanto kung ano ang kaniyang tinutukoy. “Sorry, babe…” He chuckled. “Good.” Kagyat siyang umalis sa harapan ko. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan siyang hinahawi ang mga kurtina. Ang kaninang liwanag ay lalo pang nadagdagan dahil sa hilaw na sikat ng araw. Sa puntong ito ay namutawi ang mahihinang ugong ng malalakas na alon mula sa malayo. Sa paningin ko, nakatalikod siya habang nakatayo sa tapat ng bintana. Tumititig sa tanawin ng malayong dagat at tila may malalim na iniisip. Hindi imposibleng si Ada na naman ang nasa isip niya. Hindi malabong ang babaeng iyon na naman ang pinupuntirya ng kalooban niya. Napamura ako nang mahina dahil sa biglang tarak ng kirot sa dibdib. Marahan kong tinakpan ang bibig ko upang maitago ang nagbabadyang hagulhol. God, kararating ko pa lang dito sa mansion ng Trivino pero bakit umiiyak na kaagad ako? Kahapon lang ay masaya pa ako at nananabik. Parang kailan lang noong nagtatatalon pa ako sa tuwa dahil binigyan niya ako ng ganitong klaseng offer. Ngayon, para akong bata na hindi binigyan ng pagkakataon upang makapaglaro. Umiiyak na parang wala ng bukas. Lumuluha na para bang namatayan. Ginusto ko naman ito, ‘di ba? Ano bang iniiyak-iyak ko rito? Inaasahan ko na ito noon pa pero masyadong mabagsik ang sakit upang indahin na lang. Ang hirap magbaubaya sa kirot gayong harap-harapan naman akong binabalewala. Bata pa lang ako, alam kong gustong gusto ko na siya. Sino ba namang hindi mababaliw sa isang Trivo Trivino? Matalino. Gwapo. Mabait. Seryoso. Matino. Masyado kong nilulong ang pagkahumaling sa kaniya lalo na nang sumapit kami noon ng high school. Araw-gabi, halos siya na lang ang iniisip ko, ang iniyakan ko, ang hinihiling ko. Kaso hindi eh, kahit lumapit man ako at magpakita ng motibo sa kaniya, ako pa rin ang Carrie na multo lang sa paningin niya. Paano pa kaya ngayon na ipinapamukhang ginagamit niya lang ako para hindi siya maikasal sa ibang babae? Dahil iyon na ang papel ko ngayon sa buhay niya— ang magpanggap bilang fake fiancee upang hindi matuloy ang arrange marriage na itinakda ni Tito Trio para sa kaniya. And I know why he’s doing this. Because it's his heart that will stay faithful for a girl now married to a doctor and not for me who’s been loving him since time immemorial.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD