Chapter 02

1649 Words
It all began when I followed him. We went at the the same school in Sta. Mesa, Manila. Magkaiba lang ng building dahil siya ay nasa College of Engineering samantalang ako naman ay sa College of Communication. Halos walking distance lang naman ang layo ng kanila mula sa amin kaya hindi na ako nahihirapan upang makita siya sa tuwing may pasok. “Mom, ano na naman?” angal ko nang sagutin ang tawag mula kay Mommy. Sa isang araw ba naman ay halos tatlong beses siya kung tumawag. Isa sa umaga, isa sa hapon, at isa sa gabi… walang palyado. Ginagawa na niya ito sa loob ng dalawang taon kong pag-aaral dito sa Polytechnic University. “Have you eaten? Don’t forget to—” “Mom! I know! You don’t even have to remind stuffs like that. I’m already twenty!” “But that’s Manila. Paano kung may mangyaring masama sa’yo riyan? Pumayag ka na kasing magpadala kami ng personal guard—” “No.” Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agaran kong binaba ang tawag at pa-irap na isinuksok ang cellphone sa bulsa ng vintage kong ripped jeans. Hindi naman sila overprotective sa akin ngunit mula nang mawalay ako sa puder nila ni Daddy sa Isla Capgahan, nagsimula na ang todo-todo nilang pag-aalala sa akin. Am I too stupid to do things such as this? Dahil ang totoo, pinili kong mag-aral sa university na ito upang masundan si Trivo. Pinilit kong huwag akong pag-aralin sa international school para lang hindi mawala sa paningin ko ang lalaking kinahuhumalingan ko. I am done with years of concealing. Sawa na akong magtago ng nararamdaman sa kaniya. Kaya kung ayaw niya sa akin, paano kung ako na mismo ang gumawa ng move? Kung kailangan kong manligaw para sa kaniya, why not? “Uy Carrie, sa CEA ka na naman ba pupunta?” tanong ng blockmate kong pabalik na sa building namin. Tinutukoy niya ang site kung nasaan mismo ang klase ni Trivo kaya tumango ako nang hindi humihinto mula sa paglalakad. “Oo, basta text mo ako kapag dumating na ang prof ha?” When she agreed, muli kong binalik sa daan ang paningin ko. Mahigpit kong hinawakan ang magkabilang straps ng bag at matamang tinuon ang paningin sa dinadaanan. Kumusta na kaya si Trivo ngayon? Kumain na kaya siya? Pasado ala una na kasi ng tanghali, paano kung malipasan na naman iyon ng gutom? He’s in his third year as an engineering student. Meanwhile, pangalawang taon ko naman ito bilang isang communication research student. Sa mga taong narito ako, saksi ako sa pagbabago ng kaniyang kilos mula nang ikasal si Ada sa ibang lalaki. Hindi na siya ang Trivo na nagagawa pa akong kausapin noon at pansinin. Hindi na siya iyong may pag-iingat sa tuwing may sasabihin. He’s the literal version of those broken men who undyingly turned bad from a good boy. Ayon sa mga kaibigan niya, halos wala na raw siyang kinakausap. Nagsasalita lang daw at nakikipag-interact kapag school-related ang ginagawa ngunit kung social being ang usapan, walang mapapala. Halos araw-araw ko na siyang sinubukang kausapin nitong mga nagdaan ngunit paulit-ulit niya akong tinataboy at pinagsasabihan ng hindi magaganda. See? Ngayong sa kaniya pa rin ang direksyon ng landas na tinatahak ko, hindi na siguro maaabot ang tayog ng katangahan ko. Ano bang magagawa ko? Wala, mahal ko eh. Nang marating ang College of Engineering, ang usual na maingay sa paligid sa tuwing pumupunta ako rito ay nababalot na ng katahimikan. Siguro dahil on-going ang klase? I don’t know. Baka nga. Dumiretso ako sa isang stall ng street food na siyang malapit lang sa main entrance ng kanilang building. Bumili ako ng isang cup ng fishball saka nag-abot ng bayad. “Oh, ikaw ang bali-balitang manliligaw ni Trivino, ‘di ba?” nangingising tanong ng matandang tindero. Unti-unting namuo sa labi ko ang ngiti dahil nasanay naman na akong makarinig ng ganoon. “Paano niyo po nalaman?” Mula sa kawali kung saan ipiniprito ang fishballs, inangat ko ang tingin sa kaniya. “Sino bang hindi nakaka-alam, iha? Halos araw-araw kitang nakikitang naghahabol sa kaniya. Matanong lang, hindi ka ba napapagod man lang o… nahihiya?” Mabilis akong umiling. “Bakit naman po ako mahihiya? Dahil po ba ako ang naghahabol?” “Hindi sa ganoon. Sa itsura mo kasing ‘yan, alam kong marami ring nagtatangkang manligaw sa’yo.” “Wala po akong pakialam sa kanila.” “Kahit na ang hinahabol mong lalaki ay may girlfriend?” Biglang kumunot ang noo ko. Nagpanting ang pandinig ko kasabay ng umaahong kuryosidad. Si Trivo? May girlfriend? Kailan pa siya nagka-girlfriend? “Hindi po ako naniniwala.” Tumawa siya. “Hindi kita pipiliting maniwala iha. Ang sa akin lang, move on move on din ‘pag may time. Kapag ayaw sa’yo, huwag na pilitin ‘di ba?” Hindi na ako sumagot upang hindi na humaba ang usapan. Hindi naman na bago sa akin ang mga tulad niya na against sa pagkagusto ko kay Trivo. Buhay ko ito. Kung gusto kong masaktan, desisyon ko na iyon. Kahit nawalan ng gana, kinuha ko ang fishball. Saka ako umupo sa isang bench na nasa gilid upang hintayin ang pagtatapos ng klase nila Trivo. Bahala na kung ma-miss ko ang afternoon class ko. Magtatanong na lang ako sa dorm mate ko mamaya. Para akong tanga habang kinakain nang mabagal ang biniling streetfood. Ngunit sa sobrang bilis ng oras, saka ko pa lang namalayan na dalawang oras na pala ang lumipas. Natauhan ako nang mapunan na ng ingay ang buong paligid. Isa-isa nang nagsisilabasan sa entrada ang mga engineering students kaya mabilis akong tumayo at iniwan sa bench ang cup. Hindi ko inalis ang tingin sa kanilang dinadaanan upang hindi makaligtaan si Trivo. Nagmukha tuloy akong agila na naghihintay ng target na madadawit. Pinagtitinginan man dahil sa katangahang ginagawa, iyon ay bagay na matagal ko nang nakasanayan. “Carrie?” Lumingon ako sa aking gilid. Nakita ko si Dashen na may bitbit pang plate sa kaliwang kamay. Siya iyong bestfriend at blockmate ni Trivo na madalas kong pagtanungan. “Si Trivo? Nasa loob pa ba?” He shrugged. “Maghapon siyang absent. Nagtaka nga ako dahil alam naman niyang maraming exam ngayon.” “H-huh? Alam mo ba kung saan ko siya pwedeng mahanap?” “Seryoso? Pupuntahan mo? Wait.” Hinubad niya ang suot na bag at may plastic na kinuha roon. Nang mai-abot sa akin ay saka ko napagtanto na dalawang white shirt ang laman nito. “Try mo sa condo niya, baka nandoon siya. Pakibigay na lang ‘yang shirts at sabihin mong kailangang suotin bukas para sa event ng org namin.” “S-sige…” “Alam mo naman ang condo unit niya ‘di ba?” “Oo alam ko. Ako na ang bahala.” He smirked. “Thanks, Carrie.” Nagsimula na akong maglakad palabas saka pumara ng tricycle. Bwisit. Ibig sabihin ay nagsayang lang ako ng dalawang oras para sa wala. Kung alam ko lang na absent pala siya, hindi na sana ako nag-abala pa upang lumiban sa klase. Limang minuto lang ang itinagal ng biyahe dahil hindi naman ganoon kabigat ang traffic. Abot-abot ang kabang namayani sa dibdib ko nang marating ang prehistiryosong condominium building. Paano kung sungitan na naman niya ako? Paano kung hindi na naman ako papansinin? Paano kung totoo palang may girlfriend siya at kasama niya iyon ngayon sa kaniyang condo? Kakayanin ko bang hindi umiyak sa harapan niya? Matitiis ko ba? Pagpasok sa elevator, ang kaninang kaba ay hinaluan na ng panginginig ng labi. Anong sasabihin ko pagkakita ko sa kaniya? Oh God. Sana hindi ako mautal at magmukhang ewan. Hindi na mabilang sa daliri ang kahihiyan kong nasaksihan niya kaya ayaw ko na itong madagdagan pa. Tahimik ang pasilyo nang marating ko na ang fifth floor. Maririnig na yata ang hininga ko kahit pa haluan ito ng tunog na likha ng mga yapak ko. Sa ilang sandali pa ay huminto ako sa tapat ng kaniyang unit. Ilang ulit akong kumatok bago ito nabuksan. Ganoon na lang ang paniningkit ng mga mata ko nang bumungad sa akin ang amoy-alak niyang presensya. Mapungay ang namumula niyang mga mata at halos basa na ng alak ang parteng dibdib ng suot niyang gray shirt. Napakagat ako sa pang-ibabang labi nang makita kung gaano siya kamiserable. Anong nangyayari sa kaniya? “What are you doing here?” Napalunok ako. Mukhang wala na siya sa sarili. “Iaabot ko lang sana ito.” Tinaas ko ang kamay kong hawak ang plastic na pinapaabot ni Dashen. Saglit na nagtagal ang tingin niya roon habang nakasandal sa hamba ng pintuan. “Ano ‘to?” “Pinapabigay iyan ni Dashen. Kailangan mo raw suotin—” Hindi ko na natapos ang sinasabi nang bigla niyang hablutin ang plastic. Walang sabi-sabi niyang hinila ang pinto upang maisara ngunit dahil sa bilis ko, nakapasok na ako sa kaniyang condo pagkasarado ng pintuan. “Get out.” May diin at ma-awtoridad niyang utos habang nakaturo sa pinto. Hindi ko iyon pinakinggan, sa halip ay inilibot ko ang tingin sa makalat niyang kwarto. Grabe, sa unang tingin ay iisipin mong hinagupit ito ng bagyo. “Can you please—” “Totoo bang may girlfriend ka na?” He raised his brows angrily. “Ano kung may girlfriend na ako? Anong pakialam mo?” May kung anong punyal na tumarak sa puso ko ngunit pinilit ko iyong balewalain. Humakbang siya at mas pinakitaan ako ng mas mabagsik na tingin. “Trivo…” “Bakit ang kulit mo? Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na hindi kita gusto? Ano pa ba ang kailangan kong gawin at sabihin para lang lumayo ka?” Kinuyom ko ang kamao ko at humugot ng hiningang malalim. Please Carrie, huwag kang umiyak. Saka ka na umiyak kapag wala na siya sa harapan mo, please. Sumigaw siya, dahilan kung bakit nagawa kong pumikit nang mariin. “Ayoko sa’yo! Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Ayoko sa tulad mong—” Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, hindi ko na napigilan pang tumakbo at lumuha. Hindi ko na pinakinggan ang sumunod niyang sinabi dahil nagkusa na akong lumabas at parang bata na pumalahaw ng iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD