Chapter 03

1529 Words
That day, I decided to keep myself away. Doon ako natauhan. Para akong nagising mula sa isang panaginip na kahit kailan ay hindi mangyayari. Weeks have passed yet still, I’m here, baliw na baliw at mukhang pa ring tanga na umaasa. Hanggang saan ba ako dadalhin nito gayong nangangarap lang ako sa wala? Inaamin kong may kaya ang pamilya namin kaya hindi ganoon kataas ang ambisyon ko upang makapagtapos ng pag-aaral. Dahil kahit ma-drop out ako o ‘di kaya’y huminto, nariyan ang business nila Daddy na tiyak ipamamana sa akin. Ako lang kasi ang nag-iisang anak dahil hindi na nagkaroon ng pagkakataong magka-anak si Mommy matapos matuklasan na may diperensya na siya sa matres. Growing up without any sibling, I used to avail luxurious things that only those sophisticated afford. “Oh? Mukhang hindi ka na yata pumupunta sa CEA?” pabulong na tanong ng blockmate kong abala rin sa pagta-type sa laptop niya. Kinailangan naming mag-ingat sa hina ng pagsasalita dahil kung magkataon man na marinig ng librarian ang boses namin, palalabasin kami ng library nang wala sa oras. Pairap ko siyang tinapunan ng tingin dahil hindi lang siya ang nagtanong nito sa akin sa ilang linggong nagdaan. “Wala naman akong kailangang puntahan doon.” “Naks naman. Ikaw ba talaga ‘yan Carrie?” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Huh? Anong klaseng tanong ‘yan?” Binaba niya ang laptop niya saka hinawi ito pagilid. Tumigil tuloy ako sa pagta-type ng article ko upang maituon sa kaniya ang pansin. “Mag-iisang buwan na uy. Napapansin na kasi namin na hindi ka na naghahabol kay—” “Please.” Pumikit ako at inangat ang isang kamay. “Just… just please don’t mention his name.” “Bakit? Anong nangyari?” Nang dumilat ay doon na ako nagpasyang isara ang laptop. Nakakainis. Sa dorm ko na nga lang tatapusin ito. “Ang dami-dami mong tanong. Kaya hindi tayo nakakatapos eh.” “Okay, sorry naman.” Hindi na ako nagsalita pagkatapos nito. Walang kurap kong isinuksok ang laptop sa bag at tahimik na lumisan. Hindi ito ang unang beses upang maiwasan ko ang ganitong klaseng usapan. Nag-aadjust pa lang ako upang makalimot ngunit bakit parang ayaw ako tantanan ng tadhana? Ang tanga-tanga ko nang inisip kong ipinanganak ako upang magpakatanga sa kaniya. Napag-isip-isip ko na sayang ang buhay na ito kung halos sambahin ko na lang siya at pabayaan ang sariling mga pangarap. Anong pag-asa pa ba ang aasahan ko sa isang Trivo Trivino gayong hindi naman ako si Ada? Hindi ako ang babaeng pinangarap niya mula noong tumuntong kami ng high school. Para lang akong nakikiusap sa hangin kung ipagpapatuloy ko pa ito. Walang mangyayari kahit buong mundo pa ang makaririnig ng sigaw ko dahil wala naman siyang pakialam sa presensya ko. Pagkalabas ng campus, tumayo ako sa gilid ng kalsada upang mag-abang ng masasakyan. Kakaway pa lang sana ako sa mga tricycle drivers na nakaparada sa toda ngunit bigla na lang may humarang na kotse sa aking harapan. Umawang ang bibig ko nang makitang nakababa ang door glass nito, dahilan kung bakit nakita ko kung sino mismo ang nasa loob nito. Isang buwan. Mag-iisang buwan ko na siyang hindi nakikita dahil ganoon ako kagaling umiwas. Mas pinili kong tumaliwas ng daanan upang hindi na siya makita dahil iyon naman ang gusto niya, ang lumayo ako at hindi na kailanman magpakita. Besides, ano ba naman ang tulad kong multo lang sa paningin niya? He licked his lips as his arms genuinely gripped the handlebar. “Sa’kin ka na sumakay.” Hindi ko siya pinansin. Humakbang ako pagilid upang mas makita ang nag-aabang na tricycle driver dahil wala akong balak makisakay sa kaniya. Tinaas kong pilit ang mga kamay ko. Kaagad namang rumesponde ang tricycle driver na nasa unahan ng pila kaya nakahinga ako nang maluwag. Humakbang pa ako upang mawala sa paningin ko ang kotse niya. Sa ilang sandali pa, nang huminto sa gilid ko ang tricycle ay mabilis akong sumakay na para bang may pinagtataguan. Kailangan kong panindigan ang pag-iwas na ito kung ayaw kong masayang iyong mga nasimulan. Tumunog ang phone ko nang nasa loob na ako ng tricycle. Pagka-andar ng sinasakayan ay saka ko sinagot ang tawag nitong unregistered number. “Hello?” “Iniiwasan mo ba ako?” Natigalgal ako nang marinig kung sino ang nagmamay-ari ng boses sa kabilang linya. Nanlambot na parang papel ang mga tuhod at nawalan ng maaaring isagot. Oh God. I’ve been good at avoiding. Ngunit ngayong kausap ko na siya kahit dito lang sa cellphone, bakit parang naglaho lahat ng panibughong idinulot niya? Bakit kumabog na naman sa kakaibang paraan ang puso ko kahit paulit-ulit na niya itong sinaktan? If I were really born to love him, how about myself? Paano ko mapagbibigyan ang sarili ko kung kahit sa boses niya pa lang, nadadarang na ako? Trivo, why are you doing this to me? Tinapos ko ang tawag. Pinatay ko ang cellphone at itinago nang walang pagdadalawang isip. Anong nangyari sa mga araw na pilit kong lumimot sa kaniyang pangalan? Bakit nananariwa ang hapdi gayong nasimulan ko namang umiwas? Nanggilid ang luha ko habang umuusad ang tricycle. Napapikit-pikit na lang ako upang mapigilan ang pagbagsak nito ngunit mapilit din talaga ang mga matang ito. Napatakip na lang ako sa mukha saka pinunasan. If he is the sole reason of these dripping tears, then crying means nothing but weakness. Nang marating ang tarangkahan ng dorm kung saan ako pansamantalang naninirahan, saka ko inabot ang bayad sa driver. Ngunit sa paglabas ko’t pagbaba, muli na naman akong nawala sa sarili. Sinong hindi magugulat gayong nakaparada sa tabi ang kotse niya at naroon siya, nakasandal? Sa unang sulyap, pagkatama na pagkatama ng aming mga mata ay naglahong parang bula ang inis at galit na kay tagal-tagal kong kinimkim. “Salamat miss!” sigaw ng driver bago umalis. Nilingon ko kung paano umusad palayo ang tricycle upang makaiwas kahit papano sa masuyong tingin ni Trivo. In my mind, his physique didn’t changed. Siya pa rin ang matipunong lalaki na kinabaliwan ko— ang tanging nagpatianod sa akin sa agos at bugso ng masidhing damdamin. Isa’t kalahating tanga na nga ako ‘di ba? Bakit parang wala namang nagbago sa akin kahit milyones na ang mga luhang ipinatak ko? Akma na sana akong maglalakad papasok ng gate nang bigla kong maramdaman ang mahigpit niyang palad sa aking palapulsuhan. Sa puntong ito, tila nanginig ang bawat laman na kay tagal nanahimik mula nang simulan kong umiwas. Bolta-boltahe ang kuryenteng dumaloy sa buo kong sistema. Sa isang iglap, nahulog na naman sa bitag ang isang Carrie Dalisay. “Hey—” “Bitawan mo ako,” malamig kong sabi nang diretso ang tingin sa exterior appearance ng dorm. Kahit direkta man sa harap ko ang pansin, kitang kita ko pa rin sa gilid ng aking mata kung paano niya pinipilit ang sarili malapitan lang ako. “Can you please listen first? We can talk about this.” “Para saan pa Trivo?” Humarap ako nang umaalab ang galit sa mga mata. Sa puntong ito ay kumalas na ang higpit ng pagkakahawak niya sa aking pulso. “Di ba ito naman ang gusto mo? Ang umiwas ako? Hindi mo na ako kailangan pang sabihan at lalong wala ka ng dapat gawin para lang lumayo ako!” Nanlumo siya at kitang kita ko iyon sa nangungusap at namumungay niyang balintataw. “C-carrie…” “Trivo, please…” Hindi na ako nakaimik pa nang isarado niya nang tuluyan ang natitirang distansya sa aming pagitan. Kinulong niya ako sa mainit niyang yakap at doon ay hindi ko na napigilan pang lumuha. “I need your help Carrie… I need you.” ** Suminghap ako nang mahimasmasan sa impit na hagulhol. Buti na lang at hindi siya humarap sa pwesto ko dahil kung sakali mang lilingon siya, tiyak na magdadalawang isip siya upang ituloy kung ano ang plano. Tumalikod ako upang humarap sa salamin. Magang-maga pa ang mga mata ko kaya inagapan ko agad ng make-up upang maitago. Unang araw ko pa lang dito sa mansion nila pero umiiyak na agad ako na parang bata. “Babe,” I heard him whispered from nowhere. Nagulat na lang ako dahil nasa gilid ko na agad siya. Nilapag ko ang hawak na make-up brush at bumaling sa kaniya. “Bakit?” “Wala na itong atrasahan ah? Ipakikilala na kita mamaya kay Daddy at Kuya pagdating nila.” Biglang kumunot ang noo ko. Teka, may kapatid siya? “May Kuya ka?” He nodded slowly. “Hindi mo pa ba siya nakita? Nakapunta rin siya dati sa debut ni Mossa.” Umiling ako. May natatandaan akong kasama ni Tito Trio noon pero hindi ko naisip na kapatid niya pala iyon. May kung anong umahon sa dibdib ko. Hindi ko maunawaan kung kaba ba o takot. Paano kung hindi nila ako magustuhan bilang fiancee ni Trivo? Paano kung mas prefer pa rin nila ang orihinal na itinakda ni Tito Trio? Paano kung pumalpak ang plano? Napalunok ako. “Babalikan kita. May titingnan lang ako,” sambit ni Trivo at iniwan akong tulala sa harap ng salaming kinatatayuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD