7

2599 Words
"Ate beshy,okay ka lang?" She's Lie.Bandmate ko siya at isa ring malapit na kaibigan. Lead guitarist ako habang siya naman ang vocalist. May dalawa pa kaming kasama,si Seth at si Achi. Minsan kumakanta rin ako kapag may nag re-request lalo na kapag gamit na gamit na ang boses ni Lie. Kasalukuyan akong nasa trabaho ngayon.Katatapos lang ng first set namin kaya nandito ako sa back stage at kasama ko si Lie. "Yeah,okay lang ako bunso." Sagot ko sa kanya. "Kanina ka pa kasi nakatulala dyan sa salamin.Gandang-ganda ka ba sa sarili mo?" Pagbibiro niya na ikinatawa ko.May sira rin 'talaga ang ulo nito kaya nga kami mabilis na nagkasundo. "Baliw." Natatawa ko pa siyang hinampas ng mahina sa braso niya. "May iniisip lang ako." "Share mo sa akin,maybe I can help." Naupo siya sa tabi ko at naghintay ng sasabihin ko. "It's about my best friend." Pabuntong-hininga kong sagot. "Oh si haponesa,Kawree." "It's Kaori,LieLie." Pagtatama ko. "Sounds like naman,di ba?" Tanong pa niya. "So,what about her?" "Hindi pa rin daw siya umuuwi sabi ng Mama niya.Hindi ko rin siya ma-contact." Sagot ko kasabay ng pagsulyap sa phone ko. "Baka naman nasa galaan." "Gumagala lang 'yon ng hindi ako kasama kapag may problema siya." Malungkot kong sagot.Kanina pa rin kasi ako nag aalala.Hindi rin ako makapag concentrate sa trabaho. Kababalik nga lang namin galing sa Antipolo. Wala naman akong maisip na dahilan kung bakit siya lalabas. Ang pagkaka alala ko ay masaya naman kaming umuwi. "Kaya pala tulala ka dyan,nag aalala ka." Sabi pa ni Lie. "Sakit talaga sa ulo ang mga best friends natin." Pailing-iling niyang dugtong. "At kailan pa ako naging sakit sa ulo mo?" Sabat ni Seth na narinig pala ang sinabi ni Lie. "Palagi." Pang aasar naman niya na ikinasimangot naman ni Seth. "Tara na, set na ulit natin." Hindi na nito pinatulan ang pang aasar ni Lie. "My fans are waiting." "Kapal." Sigaw naman ni Lie na ikinatawa namin ni Seth. .. "Hey ate, wala pa rin bang update sa beshy mo?" Tanong ni Lie matapos ang pangalawa naming set. "Wala pa rin pero na text ko na 'yung sinabi ni Tita na kasama niya.Wait ko lang response niya." Sagot ko naman sa kanya habang maya't-mayang sinusulyapan ang phone ko.Nagbabakasali na mag tetext o tatawag si Reign. Siya kasi ang sinabi ni Tita Qel na kasama ni Kao. "Gaga rin 'yang beshy mo eh,ano?Hindi halata.Anghel ang mukha e." Natatawa niyang sabi nang may matanggap akong text message galing kay Reign. "Oh alam mo na kung nasaan?" Tanong ni Lie ng mapansing seryoso kong binabasa ang text message. "Yeah kaso hindi ko kaagad mapupuntahan.May last set pa tayo eh." Nag aalalang sagot ko saka isinuksok sa bag ang cellphone ko. "Kami ng bahala.Alam ko naman mas importante 'yang best friend mo kaysa sa mga fans mo." Nakangiting sagot ni Lie na ikinangiti ko. "Salamat,LieLie.Pakisabi na lang kay na utol,huh." Inayos ko ang mga gamit ko ng may pagmamadali. "Promise,I'll make it up to you,guys." Humalik ako sa pisngi niya bago nag paalam. "Ayos na sa amin ang milk tea,ate." Sigaw niya na ikinangiti ko. Nag sign na lang ako ng 'okay' sa kanya. .. "Jillian,you're here." Approach ni Reign sa akin ng makapasok ako sa bar na pinuntahan nila. Nagpunta yata siyang counter kaya nagkasalubong kami. "I came here for Kaori.Where is she?" Sagot ko saka inilinga ang mga mata sa paligid. "There with Missy." Turo nito sa pwesto na ino-occupied nila. "She's tipsy kaya 'di na namin hinayaan na mag sayaw." Dugtong nito at sabay na kaming nagpunta sa pwesto ng mga ito. "Hey,Kao.Let's go home." Kaagad kong sabi ng mapansin si Kao na nakaupo sa couch at hawak ang sentido niya.Katabi niya sa pagkakaupo si Missy at isa pa nilang co-dancer. "Je?" Kukurap-kurap pa siya na akala mo'y namamalikmata lamang. "I told you,Missy." Malapad niyang ngiti kay Missy. "Sinundo nga niya ako." Parang siguradong-sigurado talaga siyang darating ako. Palagi naman.Palagi akong darating para i-save siya sa lahat ng kagagahan na pwede niyang gawin. "Uuwi na kami." Sabi ko kay Reign bago alalayan na makatayo si Kao. "Ah sige, may dala ka bang sasakyan?" Tanong nito matapos akong tulungang alalayan si Kao. "Yes. We'll go ahead." Sagot ko saka hinapit sa bewang si Kao para hindi siya mabuwal. "Bye,guys." Lasing na pagpapaalam ni Kao sa mga kasama. "Bye,Kaori." Sagot ni Missy at 'nung isa pa nilang kasama.Wala akong idea kung anong pangalan niya. "Ingat kayo,Jillian." Concern na pahabol ni Reign. Itinaas ko lang ang kamay ko senyales ng 'okay'. "Ouch!My head hurts." Daing ni Kao ng maisakay ko siya sa passenger seat ng kotse ko. "Why?" Tanong ko ng makasakay naman ako sa driver seat. "Huh?" Takang tanong niya saka ako sinulyapan. "Bakit ka nandito at anong problema mo?" Deretso kong tanong habang minamasahe pa rin niya ang masakit na sentido. "N-Niyaya ako nila Reign mag hang-out.Nami-miss ko na rin kaya sumama ako.Besides,mga kaibigan ko rin naman sila." Sagot niya at sa unahan na ng kotse nakatingin. "Okay naman na sana kaya lang I saw G-Gelo." Pumiyok siya sa pangalang binanggit. Sa pagtitig ko sa kanya ay napagmasdan ko ang side profile niya. She's still beautiful kahit na medyo magulo ang naka pony tail niyang buhok.Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit nagawa siyang lokohin ni Gelo.Gusto kong itanong sa kanya kung bakit nga ba?Kung bakit napakadali sa kanya na bitawan si Kao? Gusto ko siyang sapakin at sabihing, 'Hoy,gago!Wala ka ng makikitang katulad ni Kao.Nag iisa lang siya.Nothing compares to her!' "I saw h-him k-kissing someone." Humarap siya at nagtagpo ang mga mata namin. Napaka lungkot ng mga mata niya. Nakuyom ko ang kamao dahil sa nakikita kong paghihirap ng loob niya. "Je,I thought naka move na ako.I thought kaya ko nang harapin siya ng wala na akong nararamdaman pa.Pero Je,hindi pala gano'n kadali." Napaiyak siya sa harapan ko. But instead na i-comfort siya,sinabi ko ang kanina pang laman ng isip ko. "You're so stupid." Madiin kong sabi na lalo niyang ikinahagulhol ng iyak. "I know.I know." Sisinghot-singhot niyang dugtong. "Ang tanga-tanga ko dahil mahal ko pa rin siya kahit na sobrang sakit ang idinudulot niya sa akin." Hindi ako nagsalita at hinayaan siyang umiyak.Umaasa ako na baka sakaling maubos ang luha niya at hindi ko na siya makitang umiiyak muli. "Palagi mong sinasabi na deserve ko rin na mahalin pero bakit gano'n?" Tumingin siya sa akin na may namumugtong mga mata. "Bakit hindi siya nanatili para mahalin ako?Sinasabi mo lang ba 'yun dahil best friend kita?" Sa sobrang sama ng loob niya ay kung anu-ano na lang ang naiisip niya. "Tell me!" Angil niya sa sobrang frustration at awa na rin sa sarili. Bumuntong-hininga ako saka sumagot, "Sinasabi ko 'yon dahil 'yon ang totoo.Yeah,you are hard to understand sometimes but you are not hard to love." Sincere kong sagot na ikinatahimik niya. "Don't be unfair to yourself,Kao.Allow yourself to be happy and for you to be happy, you need to move on.Let go,Kao.Let go." Dugtong ko at halos ma-frustrate na rin ako sa sitwasyon niya ngayon. "How can I let go,Je?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin. "Para ngang mas madali pang humabol kaysa sa mag move on." Dugtong niya saka bumaling sa unahan. "Kao,there's a big difference between fighting for someone who loves you and fighting to make someone love you.Tanga ka na nga,hinahayaan mo pang makita ng iba 'yang katangahan mo." Pang iinsulto ko sa kanya.Yes,I know na lumampas na ako sa limitasyon ko pero sobrang nakakaasar na rin kasi. Pakiramdam ko lahat ng sinasabi ko sa kanya ay dumaraanan lang sa tenga niya at lumalabas​ rin sa kabila. "I don't know what to do,Je." Pinunasan niya ang pisngi niya pero hindi pa rin natatapos ang pagpatak ng mga luha niya. "Feel the things you don't want to feel and be free." Malumanay kong sagot na ikinabaling niya sa akin. "Shshh." Lumapit ako sa kanya at dinala ang mga kamay ko sa pisngi niya na may bakas pa rin ng mga luha. Ewan ko kung paano niya nagagawa na maging maganda pa rin even though she's crying. "Alam kong mahirap,but I'm always be here for you." Hinaplos ko ang pisngi niya at pinunasan ang naglalandas na luha sa pisngi niya. Nakipag titigan siya sa akin.Gusto kong kumbinsihin siya gamit ang mga mata ko na narito lang ako at hindi ko siya iiwan. Lumambot ang ekspresyon ng mga mata niya habang nakatitig pa rin sa akin. I really love her eyes. Her eyes are deeper than milky way. Iniangat niya ang dalawang kamay at ipinatong iyon sa kamay ko na nakahaplos sa pisngi niya. Napangiti ako ng bigyan niya ng halik ang kanan kong palad na nakahaplos pa rin sa kaliwang pisngi niya. Muli kong napagmasdan ang mukha niya. At gusto ko na namang murahin si Gelo dahil sa katangahan niya para iwanan na lang basta ang best friend ko. Napapunta ang mga mata ko sa labi niya. Kapag nag de-describe ako about sa physical features niya hindi ko naiisip ang lips niya,but right now something inside me makes me want to describe it. Her lips are natural red,remind me of a rose bud.The top lip is thinner but not too thin.It's like a cupid's bow. Her bottom lip is larger and more plush. I can say that she have perfect symmetric lips. I lean forward para mas lalong mapagmasdan ang kaakit-akit niyang labi. It's so inviting. Wait...what? Inviting? Oh no! Nataranta ako sa naisip. Hindi dapat ganito.Hindi ko dapat pinagpapantasyahan ang labi ng best friend ko! Kaya bago pa ako makagawa ng anumang katangahan ay nagawa kong pigilan ang sarili. Babalik na sana ako sa pwesto ko kanina nang mapansin kong nakapikit siya. Tulog na ba siya? Tanong ng naguguluhan kong utak. Hindi!Hawak pa rin niya ang dalawang kamay ko na nasa pisngi niya. Sagot ko rin sa sarili kong tanong. Oh no,nababaliw na yata ako! Mas lalo akong nababaliw sa isipin na gusto rin niyang mag pahalik sa akin. Muli akong napatingin sa labi niya. For sure,napaka lambot ng labing iyon.I'm curious kung ano bang lasa ng labi niya. I hate myself because all I want right now is to kiss her.To taste her breath and to touch her heart. But... She's my best friend and she's a girl for f*cking sake! Back off,Jillian! Muli akong natauhan at nagpasyang bawiin na ang mga kamay kong nasa pisngi niya pero ang ginawa niya ang ikinawindang ng buo kong pagkatao. Hinapit niya ang batok ko at hinayaang mag lapat ang mga labi namin. I feel her lips against mine. Oh my gad!Hindi totoo 'to!Panaginip lang 'to.Wake up,Jillian! Hindi ko pinakinggan ang sinisigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.Masyado akong busy sa isipin na magkalapat ang mga labi namin ni Kao. Walang gumagalaw. Pinapakiramdaman namin ang isa't-isa. Wala akong ibang naririnig kundi ang malakas na pagtibok ng puso ko.Nagwawala ito at paulit ulit na isinisigaw ang mga salitang, 'Deeper!Deeper!'. I can't take this anymore! I grab her nape and push myself into her. Nagsimulang gumalaw ang labi ko.Sinakop nito ang lower lip niya.Magaan at mabagal na halatang natatakot ako sa nangyayari pero gusto ko pa rin subukan. Natigilan pa ako ng gumalaw din ang labi niya at sinakop ang upper lip ko.Dumiin din ang hawak niya sa batok ko at dumausdos naman ang kanan kong kamay sa bandang likuran niya. Nakatukod ang kaliwa kong kamay sa tagiliran ng inuupuan niya para makontrol ko ang lapit namin sa isa't-isa. I close my eyes and kiss her again.This time,may diin na para bang takot akong maputol ang nangyayari.Gumanti siya ng halik,mukhang ayaw din niyang magpatalo. I try not to bite her lips even though she tastes like vodkahoney. Nakakalasing. Sa unang pagkakataon ay gusto kong malasing.Malasing sa mga halik niya. Hahayaan ko na sana ang sarili na magpakalunod sa kalasingan kaya lang ay biglang may kumatok sa bintana ng sasakyan ko. F*cking sh*t! Sabay kaming napabalikwas ni Kao na ikinatigil ng ginagawa naming kababalaghan.Kamuntik pa akong mahulog sa kinauupuan ko. Muling kumatok ang tao sa labas.Buti na lamang at tinted ang sasakyan ko. Salamat kay Lie na nag suggest nito sa akin. Inayos ko muna ang sarili at bumaling kay Kao kahit parang wala na akong mukhang ihaharap sa kanya.Nakita kong nakabaling siya sa kabilang side at parang tulog na. O nagtutulog-tulogan? Sa pangatlong katok ay nagawa ko ng ibaba ang salamin ng bintana ko. It's Reign.Siya lang naman ang taong nang istorbo sa amin ni Kao. Istorbo talaga,Jillian? Shut up,mind! "Jillian." Approach niya na ikinatigil ko sa pakikipagtalo sa sarili. "R-Reign?" Kinakabahan kong sagot.Baka kasi kahit tinted 'tong sasakyan ko ay may nakita pa rin siya. Jusko!'Wag naman po sana. "I thought nakauwi na kayo.Is there a problem ba?" Nag aalalang tanong nito saka sumulyap sa katabi ko na ewan ko kung tulog na nga ba o nagtutulog-tulogan lang. "Huh?N-Naku,wala." Nag lumikot ang mga mata ko.Ganito talaga ako kapag guilty.Hindi ako makatingin ng deretso. "P-Paalis na rin kami." "Sige,take care of Kaori.She's vulnerable, kailangan ka niya." Nakikisimpatya nitong sabi na pilit kong sinuklian ng isang ngiti. "S-Sige,ingat din,bye." Dali-dali kong isinarado ang bintana. Katahimikan ang namayani ng maisarado ko ang bintana.Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.Hindi pa rin nawawala ang malakas na pagtibok ng puso ko. Kung kanina ay nagsisisigaw ito,ngayon naman ay nagtatatalon ito dahil naisagawa ko ang masama nitong balak. Did I really kissed her? Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili. Nanginginig kong dinampot ang tissue at ipinunas iyon sa may pawis kong noo.Hindi ko magawang bumaling sa katabi ko.Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya.Lalo pa at nakainom siya,baka wala siyang matandaan sa nangyari. So,paano na 'to?Ako lang ang makaka alala sa nangyari? Gad!ano ba namang parusa 'to?! Litong-lito na ako.Hindi ko na alam ang iisipin at gagawin.Maayos akong naka upo sa driver seat but deep inside,nagwawala na ang buong sistema ko. Hindi ko namalayang nakahawak na ako sa sarili kong labi.Nakagat ko ang lower lip ko ng maalala ang mga nangyari kanina. Napalunok ako ng maisip ang malambot niyang labi.Ayoko mang aminin pero sa kanya ang pinakamasarap na halik na natikman ko. 'Yung pakiramdam na parang sasabog ang puso ko,na para itong lalabas sa rib cage ko, 'yun 'yung pakiramdam na matagal ko ng hinahanap. When I kissed her I feel like I'm in heaven. Yes,it tastes like heaven. Dapat na ba akong kabahan? Juice colored! I am really doomed. A.❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD