"Jelay?" Naalimpungatan ako sa boses ni Karina.
"Uy, Jelay." Kalabit pa niya sa akin.Nakapasok na pala siya sa kwarto ko nang di ko namamalayan dahil sa kaantokan.
"Kare,please I'm too sleepy pa." Reklamo ko saka kumuha ng unan at itinakip iyon sa mukha ko.
"But your phone is ringing.Actually kanina pa 'to.Sagutin mo na muna." Pangungulit pa rin niya.Naramdaman kong umupo siya sa kama ko.
"Sino ba 'yan?" Inaantok ko siyang sinilip.
Kaagad niyang tiningnan ang screen ng cellphone ko at napangiwi. "Babe?"
"Sino namang babe 'yan?" Nagtatakang tanong ko saka bumalik sa pagkaka pikit.
"Aba,malay ko.Cellphone mo kaya 'to." Sarcastic na sagot niya.
"Hayaan mo na.Silent mo na lang,Kare.Thanks." Pambabalewala ko.Baka isa lang ito sa nakalandian ko kagabi sa trabaho. "Babe" ang naka save sa contacts ko kapag apple of the eye ko pa ang lalaki pero once na nag sawa na ako,delete na siya sa phone ko maging sa buhay ko.
"Hey,wake up.May isa pang tumatawag." Kalabit na naman ni Karina.
"Sino na naman,Kare?" Naiinis ko nang tanong.Istorbo kasi sila sa pag tulog.
"It's Kaori." Sagot nito na ikinamulat ko.
"Please lend me my phone." Iniabot naman ito ni Karina at nagpaalam na magluluto muna.
Ilang taon na rin kaming housemate ni Karina.Noong nag inquire ako rito ay wala ng bakante.Nag suggest ang owner na mag share na lang kami ni Kare,siya lang kasi ang nag o-ocuppied nito before.Afford naman niya kaya nahirapan akong kombinsihin siya na mag share na lang kami.Malapit kasi ito sa H.U na pinapasokan ko kaya ayoko ng maghanap pa ng iba.Sa ilang araw na pangungulit ko ay pumayag din siya.Hindi niya kasi natiis ang cuteness ko.
Sinulyapan ko ang screen ng cellphone ko.
BebeKao calling...
Kaagad kong sinagot ang tawag. "Hell..."
"Where are you?!" Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. Aray,huh.Napaka gandang pambungad.
"Dito sa apartment,why?" Sagot ko kasabay ng pagpikit.Hindi ko talaga mapigilan ang antok.Alas tres na ako ng umaga nakauwi galing sa trabaho.
"Are you serious?"
"Kao,antok pa ako.Mamaya ka na lang tuma..."
"Hindi ako nakikipag biruan,Jillian." Naiinis niyang sagot. Feeling ko nga umuusok na ang ilong niya ngayon.
"What is it ba?" Tamad na tamad kong tanong.
"Seryoso?Nakalimutan mo?!" Nang gigigil pa rin niyang tanong. Problema ba ng babaitang 'to?
"Huh?" Clueless kong tanong.
"I thought on the way ka na papunta dito tapos malalaman ko lang na nandyan ka pa pala sa apartment mo!"
"Teka,ano bang meron?" Nawala na ang antok ko dahil sa curiousity.
"It's our double-date for Pete's sake!" Muli akong napangiwi.Para talagang mega phone ang bibig niya kapag beast mode.
"Ngayon pala 'yon?"
"I hate you!"
"Bebe,sorry.I forgot." Naupo na ako sa kama dahil nawala na ng tuluyan ang antok ko.
"One hour,Jelay.Kapag wala ka pa dito sa loob ng one hour,isang linggo kitang hindi kakausapin!"
"Ano?!" Nanlaki ang mga mata kong kanina lamang ay antok na antok pa. "Teka..." Sinulyapan ko ang wall clock sa kwarto ko. It's eleven in the morning.Napaka aga naman ng double date na 'yon. "Kao?Hello,Kao?Urghhh!" Pinatayan na pala niya ako ng tawag para hindi na ako makapag reklamo.
Kao,Kao,Kao.Kung hindi lang kita best friend, matagal na kitang naibitin patiwarik.
..
"Hi,bebe." Bati ko kay Kaori ng makasakay siya ng sasakyan ko.Sinundo ko siya para sabay na kaming pupunta sa place ng date chuchu namin. "Sungit." Bulong ko ng nakasimangot siyang naupo.Sayang ang cuteness niya sa outfit niya dahil sa simangot niyang mukha.
"Bebe,hindi mo ba talaga ako kakausapin?Hindi na nga ako naligo makarating lang kaagad dito." Nakanguso kong reklamo habang nag da-drive. Five minutes na ang nakalipas ay hindi pa rin niya ako kinikibo.
"What?Are you serious?" React niya na may nakataas pa rin na kilay.
"Totoo.Tapos hindi mo rin naman pala ako kakausapin." Kunwaring pagtatampo ko.
"It's your fault." Singhal pa niya.
"Kaya nga nag so-sorry na eh.Pagod lang talaga ako kaya nakalimutan ko 'yung napag usapan natin kagabi." Sagot ko dahil iyon naman ang totoo.Umaga na ako nakauwi galing sa trabaho kaya nawala na sa isip ko 'yung date chuchu niya.Akala ko nga nakalimutan na niya eh. Sayang.
"Ewan ko sayo." Irap pa niya sa akin saka bumaling sa bintana katabi niya.
"Bati na tayo oh." Dinala ko ang kanan kong kamay at ipinatong sa kaliwa niyang kamay na nasa kandungan niya.Pinisil ko iyon upang ipakita na sincere talaga ako sa paghingi ng sorry sa kanya.
"Alright." Pabuntong-hininga niyang sagot saka bumaling sa akin. "Basta mag be-behave ka mamaya sa ka-date mo.Maliwanag?" Sabi na nga ba eh,may kondisyon na naman si ateng Kawree.
"Sino ba 'yon?" Tanong ko saka nag focus na ulit sa pag da-drive.
"Basta,mag promise ka."
"Oo na,pangako." Kailan ba ako nanalo sayo? Gusto ko sanang isagot kaya lang baka ma-beast mode na naman siya.
"Good.Anyway, I like your outfit." Nakangiti niyang papuri sa suot ko.
"Ako pa ba?" Pag bubuhat ko ng sarili kong bangko.
"Yabang." React niya. Hindi na lang sumang-ayon.Tss!
"Maganda naman." Katwiran ko pa.
"Sinong nag sabi?" Pang aasar pa niya sa akin.
"Si Mama." Sagot ko na ikinatawa niya ng malakas. Moody!
"Je,okay ba 'yung makaka date ko?" Maya-maya'y tanong niya.
"Huh?Ah oo naman." Nakangiwi kong sagot.Buti na lang at hindi siya nakatingin sa akin. "Syempre ako ang pumili.Ipagkakatiwala ba naman kita sa puchu-puchu." Sinungaling ka talaga minsan,Jelay. Epal ng kabilang bahagi ng utak ko.
"Thank you.Sana nga makatulong 'to para makalimutan ko na si Ge..."
"Don't say bad word." I hissed na ikinatigil niya sa pag banggit sa pangalan ng kutong-lupa niyang ex.
"Nand'un na raw si Vi...I mean, 'yung makaka date mo." Pag iiba niya ng topic matapos i-tsek ang cellphone niya. "How 'bout 'yung ka-date ko?"
"Huh?Sandali..." Itinabi ko ang sasakyan para i-tsek ang sarili kong cellphone. "Malapit na raw siya sa place.Let's go."
Muli kong binuhay ang makina at pumunta sa location ng double date namin.Ni katiting hindi man lang ako naexcite samantalang itong katabi ko maya't-mayang check ng feslak niya. Broken-hearted ba talaga 'to? Naiiling-iling kong tanong sa sarili.
Hays!Sana naman hindi 'to expectation versus reality.
..
"Oh my gad,Je!Bakit si Nathan?!Makakalbo talaga kita!" Tili ni Kao pagkapasok pa lang namin ng restroom kung saan kami nakikipag double-date.Halos kalahati-oras na kami sa Japanese restaurant na ito.
"Okay naman siya ah." Katwiran ko. Wala na kasi akong time para maghanap ng makaka date niya kaya si Nathan na lang ang naisip ko, total malakas ang amats n'un sa kanya. Siguradong hindi siya sasaktan n'un. "Lalo naman 'yung sa akin.Saan mo ba napulot 'yon?" Nakasimangot kong tanong.Ipa-date ba naman sa akin ang apo ni Galileo. Daming alam,kaloka.
"President siya ng org.namin.Anong masama sa kanya?He's good-looking,smart and..."
"Boring." Walang gana kong dugtong habang nagre-retouch.Pakiramdam ko ay lalo akong nag mukhang haggard dahil sa stressful kong ka-date.Magtanong ba naman sa akin about Jupiter and other planets? Alien yata ang Vince na 'yon.
"What?Ikaw nga 'tong binigyan ako ng boring na ka-date.Halos hindi siya nagsasalita.Muntikan ko na ngang mapagkamalan na pipi eh." Pinilit kong 'wag matawa sa side comments ni Kao about kay Nathan.Muntik na kasing mapanis ang laway niya dahil hindi man lang siya kinakausap ni Nathan.Kung iimik naman ito ay bulol-bulol pa. Torpe talaga ang lalaki.
"Alam mo ikaw ang dami mong reklamo." Tiningnan ko siya sa harapan ng malaking salamin.Nag a-apply na siya ng lip gloss.
"Ikaw rin naman!" Angil niya sa akin saka padabog na itinago ang lip gloss sa shoulder bag niya.
"Bumalik ka na du'n." Utos ko sa kanya.
"At bakit ako lang?Baka nakakalimutan mong magkasama tayo sa kalbaryong 'to." Sagot niya. Kalbaryo nga at ikaw ang pasimuno. Gusto ko sanang isagot.
"Hindi ko kayang tagalan 'yung Vince na 'yun,Kao.Daig pa niya ang walking encyclopedia.Ayoko na!" Nakasimangot kong pagsasabi ng totoo. Gusto ko naman 'yung smart guy pero 'yung super duper smart guy,ibang usapan na.Kanina habang kausap ko si Vince para na akong masisiraan ng bait. Pakiramdam ko nga nasa quiz bee ako eh.Ang dami niyang tanong.Mabuti sana kung about sa akin eh kaso about outer space. Siguro kilala rin niya si Kokey.
"At sa tingin mo makakaya ko pang tagalan 'yung Nathan na 'yun na parang naputulan ng dila?!" Sagot naman niya.Tumahimik lang kami ng may lumabas na tao sa isang cubicle.Mukhang naistorbo pa namin ang pag tootoot niya.Nang makalabas ito ay saka ako muling nagsalita.
"So,anong gagawin natin?Tatakas ta..."
"Yes.That's a good idea." Biglang nag liwanag ang mga mata ni Kao dahil sa sinabi ko.
"Ano?Nasisiraan ka ba?"
"Oo,dahil isang tuod ang napili mong ipa-date sa akin.Thank you,huh.Big thanks talaga." Sarcastic niyang sagot.
"Thank you rin sa pagsasayang ng outfit ko,huh." Pagbawi ko naman sa kanya. Natulog na lang sana ako.Napanaginipan ko pa sana si James Reid.
"Seryoso,Je.Ayoko ng bumalik.Alis na lang tayo." Nag puppy eyes pa siya sa akin na ikinasimangot ko. Hindi mo ako madadaan sa ganyan.
"Paano?" Napangiwi ako sa sariling tanong. Pokmaru ka rin talaga,Jelay!
Ngumisi naman siya sa akin na para bang may plano na siya para makatakas kami sa kalbaryong 'to.
..
"I can't believe na nagawa natin 'to.I feel sorry for them." Sabi ni Kao habang nag da-drive ako.Yes,natakasan namin ang dalawang lalaki.
"Hayaan mo na.Tayong dalawa na lang ang mag date." Nakangiti ko siyang sinulyapan na ikinangiti rin niya.
"Shoot!"
"Where to go?" Tanong ko habang nag da-drive pa rin.
"Balik muna tayo sa bahay then ipagpaalam mo ako kay Mama." Sagot niya na ikinakunot ng noo ko.
"Saan naman tayo pupunta at kailangan pa kitang ipagpaalam?Hindi ka na twelve years old." Pang aasar ko pa sa kanya. Lakas din ng trip niya minsan eh.
"Sira!" Marahan niyang hinampas ang braso ko."Gusto ko sanang mag swimming."
"Swimming?Seryoso ka?" Gulat kong tanong. Ganoon na ba kalakas ang trip niya ngayon?
"Eee sige na,bebe.Ang tagal na nating hindi nakakapag swimming." Parang bata niyang pangungumbinsi sa akin.
"Bebe,may gig pa ako tomorrow." 'Twing Friday,Sunday and Monday night ang schedule ng Rhymes sa resto-bar na tinutogtog-an namin.Ang Rhymes ay pangalan ng nabuo naming banda.Kasama ko rito si Lie,Seth at Achi. Nagmula sila sa magkakaparehong university,ako lang ang naiba sa kanila.
"So?Gabi pa naman 'yun,di ba?" Katwiran niya na may kasama pang pagpapaawa sa akin. "Uuwi rin tayo nang afternoon.Pretty please." Ginamitan na naman niya ako ng makamandag niyang puppy eyes. Naging kamukha niya tuloy si Luke.Harhar.
"Ang lakas ng trip mo talaga." Naiiling ko na lang na sagot.
"So,it's a yes?" Hindi maitago ang excitement sa mga mata niya.
"As if I have a choice."
"Yes!Thank you,bebe.You're the best talaga." Tili niya saka lumapit sa akin para bigyan ako ng isang halik sa kanan kong pisngi.
"Laway mo!" Sita ko sabay punas sa parte ng pisngi ko na hinalikan niya.
"Arte!"
..
"Je,sa tingin mo ano nang ginagawa nila ngayon?" Feeling guilty na namang tanong ni Kao.Kasalukuyan kaming papuntang Antipolo,Rizal para mag swimming. Ganoon kalakas ang trip namin.
"Hmm siguro nag da-date rin." Sagot ko habang concentrate sa pag da-drive.
"Shira." Sagot niya habang puno ng kwek-kwek ang bibig niya.
May nadaanan kami kaninang stall ng street foods kaya itong si Kao,hindi na naman napigil ang katakawan.Katwiran niya hindi raw siya nabusog sa double date namin.
"Ang piggy mong kumain.Ubosin mo nga muna 'yan." Sita ko sa paraan ng pag kain niya. Patay-gutom.
"Parang na gui-guilty ako,Je.Anong sasabihin natin sa kanila?"
Tanong niya ng malunok ang laman ng bibig.
"Emergency." Maikling sagot ko.
"Like what?"
"Ano ka ba,hindi na magtatanong ang mga 'yon.Basta sabihin mo emergency."
"Paano nga kung magtanong?" Pangungulit pa niya saka humigop sa inomin na hawak niya.
"Sabihin mo na lang nanganak 'yung alaga naming kalabaw sa Gensan."
"Sira ulo talaga 'to." Natatawa niyang sagot saka tumusok muli sa kwek-kwek niya. "Here."
"The besh talaga ang kwek-kwek." Sabi ko matapos kainin ang isinubo niya sa akin.
"Nagsalita ang hindi baboy kumain." Kumuha siya ng tissue saka ipinunas sa gilid ng labi ko.
"Meron pa sha kabila." Utos ko habang patuloy pa rin sa pag nguya.
"Wow,huh.Taga subo at taga punas pala ang purpose ko dito."
Reklamo niya pero sumunod din naman.
"Nahiya naman ako sa driver mo." Reklamo ko rin.
"Gusto mo ba munang matulog?I can drive." Prisinta niya.Alam naman kasi niya na puyat ako. Kung hindi ko naman siya pagbibigyan sa swimming na trip niya ay siguradong mag ta-tantrums siya na parang bata.
"You don't have a license."
"Okay lang 'yan.Trust me." Nakangisi niyang sagot.
"Sige, basta ayusin mo ang pagmamaneho,huh.Kung ayaw mo lang naman managot kay ate Ai." Pagbabanta ko.Ang kapatid ko na nasa Singapore ang nag regalo nito sa akin.Ilang taon din niya itong pinag iponan para maibigay sa akin.Kaya mahal na mahal ko ang sasakyan na 'to,higit pa sa buhay ko. Charot!
"Of course.Magaling yata ang nagturo sa akin." Taas-baba pa ang kilay niya. Magaling talaga ang nagturo sa kanya. Bukod sa magaling,ubod din ng ganda at kaseksihan. Okay,enough na para sa pagbubuhat ng sariling bangko.
..
"Hay!So tiring." Pabagsak na nahiga si Kao sa kama.Matapos ang isa't kalahating oras ay nakarating din kami dito sa Antipolo,Rizal.
"Wala pa nga tayong itineraries pagod ka na kaagad." Sagot ko habang inaayos ang ilan naming dalang gamit. Over night lang naman kami kaya di gaano karami ang dinala naming gamit.
"Nakakapagod din pala talagang mag drive." Sabi pa niya bago bumangon para tulungan akong mag ayos ng gamit.
"Told yah."
"Come'on,let's change our clothes." Pag aaya ko sa kanya.Sayang naman kasi ang oras kung mahihiga lang kami rito mag hapon.
"You go first.Pahinga lang ako, five minutes." Sagot niya saka bumalik sa pag higa matapos ayosin ang mga gamit niya.
"Okay, after ko sunod ka na,huh." Sagot ko at naglakad na papunta sa direksyon ng restroom na nasa loob lang din naman ng ino-occupied naming room.
Mabilis akong nakapag bihis at lumabas ng rest room.Si Kao naman ang pumasok para magpalit.Habang naghihintay ay nag selfie muna ako ng ootd ko. It's a color yellow sunny dress na bumagay sa hubog ng katawan ko.May print itong mga bulaklak.Mukha akong dalagang Pilipina,yeah.
Nang makuntento sa pagse-selfie ay itinabi ko na ang phone ko.Marami pa namang time mamaya. Sigurado ako dahil maganda ang resort na ito base sa mga reviews na nabasa ko.
Lumangitngit ang pintuan ng rest room senyales ng paglabas ni Kao.Kasabay ng paglabas niya ay ang pagka tulala ko.
Kung bakit?Isang napaka gandang diwata ang papalapit sa akin.Feeling ko nga ay may mga butterflies pa sa paligid nya eh.Nakasuot siya ng plain sunny dress.Kulay rosas ito.
"Oh laway mo tumutulo." Kumurap-kurap ako at parang natauhan.
"Kapal." Belat ko sa kanya para itago ang pagkapahiya.
"So bakit ka nakatitig?" Nakangiti niyang tanong na lalo niyang ikinaganda. Ano nga bang pangit sa babaeng 'to?Nese kenye ne pe eng lehet.
"Naisip ko lang na nag mukha kang tao ngayon sa suot mo." Pang aasar ko na ikinangisi niya.
"Sus.If I know pinupuri mo ako at the back of your head." Nagtaas-baba pa siya ng kilay para tuksohin ako.
"You wish." Irap ko saka dinampot ang cellphone ko at nauna na palabas ng pinto. "Let's go.Sight seeing muna tayo.Around four tayo mag swimming."
"Sige,balita ko super maganda ang resort na 'to." Sagot niya habang nakasunod na sa akin paglabas. "I'm so excited." Tili pa niya habang isinasarado ko ang pinto ng room namin.
"Hindi halata,girl." Sarcastic kong sagot matapos maisarado ang pinto.
Mag kahawak-kamay naming binisita ang mga ipinagmamalaki nilang spots dito sa resort. I can say that it's an ideal resort to go for a relaxation.It's a mountain resort that offers a breathaking view of the forest,lake and other land terrains.Aside from the scenery, it's soothing tunes and calming water-teraphy facilities will give a much-needed breather from usual busy urban settings.
Marami rin silang facilities na siguradong ie-enjoy namin ni Kao such as pools, including infinity pool,hydro-massage pool and hydro pool.It also has fish spa,sauna, jacuzzi and some rooms where we can play traditional Filipino games and watch movies.
"Bebe,dito naman oh." Nag posing siya sa maliit na garden ng resort.
"Pang ilan na pictures mo na ba 'to,Kao?" Tanong ko na may simangot na mukha. "Ginawa mo na nga akong driver,pati ba naman photograper." Reklamo ko. Sayang na naman ang outfit ko nito.
"Nagrereklamo ka?" Namayawang siya at tinaasan pa ako ng kilay.
"Sinong nag sabi?Pwesto ka na, smile." Nakangiwi kong pag sunod. Napaka ganda kong photographer.My gass!
"Hoy,ang ganda nito." Lumipat siya sa ibang pwesto at napag interes-an naman ang kawawang rosas sa harapan niya.
"Don't pick it,bebe." Pag pigil ko sa tangka niyang pagpitas dito.
"Huh?Why?" Nagtatakang tanong niya saka muling pinagmasdan ang bulaklak. "Ang ganda kaya."
"Maganda nga kaya dapat din siyang makita ng iba.Appreciation over possession." Sagot ko saka siya kinuhanan ng ilang stolen shots habang nakatingin sa mga bulaklak.
"You are right." Pag sang-ayon niya."Sige,kuhanan mo na lang ako dito." Ayun!D'un siya magaling.
..
"Smile." Sabi ni Kao na sinunod ko naman.Hindi dahil sa uto-uto ako,kundi dahil minsan lang 'to mangyari. Papatalo ba naman ako sa pag awra? "Ang ganda ng bebe ko." Papuri pa niya matapos akong kuhanan suot ang swim wear ko.Wholesome pa rin naman but a little bit sexy and seductive.
"I know right." Maarte kong sagot saka flip ng hair. "Let's swim, Kaoni." Nauna akong lumusong sa tubig. Kinuhanan pa niya ako ng ilang shots saka sumunod sa akin.
"Yey!Here I go!" Tili niya at patakbong lumapit sa direksyon ko. Nakalimutan ko yatang huminga ng mapagmasdan siya. I don't know but her outfit matches her eyes perfectly. Ilang ulit ko na bang sinabi na napaka ganda niya?Pwede bang umulit pa ng isa because d*mn, she looks so stunning with those swim swear. Napaka ganda,talagang-talaga.
..
"This is so fun,bebe.Ang tagal na natin 'tong hindi nagagawa." Mababakas sa magandang mukha ng best friend ko ang kasiyahan habang lumalangoy sa infinity pool.
"Yeah,sa Laoag pa 'yung huli." Nakangiti kong sagot. Minsan talaga,kailangan ng katawan natin ang kahit isang araw na pahinga.Pahinga na deserve natin matapos makipaglaban sa iba-t-ibang problema ng buhay.
"We should do this more often." Nakangiti pa rin siya bago lumangoy papunta sa direksyon ko.
"I think,no." Sagot ko ng makarating siya sa pwesto ko.
"Why?" Nagtatakang tanong niya.
"We're busy in our studies lalo ka na you are graduating and besides if we do this more often,it's not special anymore." Pinagmasdan ko pa ang paligid saka muling ibinalik ang paningin sa babaeng nasa harapan ko. Nasa gitna kami ng infinity pool at ewan ko kung bakit walang nag swi-swimming dito ngayon. Pero hindi na ako mag re-reklamo dahil mas okay nga itong parang buong resort ang nirentahan namin.
"Minsan iniisip ko kung magkaibang tao ka ba?" Seryosong sabi ni Kao na nakakuha ng atensyon ko.
"Why?"
"Your other side is so heartless and careless,a bad girl.But the girl infront of me right now is so full of wisdom,a good girl." Sagot niya kasabay ng paghawi sa ilang strands ng buhok niya. Wet look siya but still,napaka ganda pa rin.Best friend ko 'yan.Hoho.
"I am two different people when I care and when I don't." Seryoso ko ring sagot sa kanya.I guess,lahat naman ng tao ay may dalawang persona.
"At alam kong ang totoong ikaw ay nasa harapan ko ngayon.The Jelay who cares." Umangat ang kamay niya at hinawi nito ang ilang buhok na tumabing sa mukha ko.
"Thank you for making me true to myself when I'm with you." Nakangiti kong sagot saka kinuha ang kamay niya.
"And thank you for letting yourself true when you're with me." Kinuha naman niya ang kaliwa kong kamay. Magkahawak ang dalawa naming kamay habang magkaharap sa gitna ng infinity pool.
"Can I have a favor?" Tanong niya habang ganoon pa rin ang pwesto namin.
"Yeah,shoot." Bahagya ko siyang hinila kaya mas napalapit kami sa isa't-isa.
"Can you always take care of yourself?" Titig niyang sabi sa akin. "Sometimes you're so busy taking care of me that you forget that you are important,too." Kumalas ang mga kamay niya sa pagkakahawak ko at dinala niya ito sa mag
kabila kong balikat.
"That's a best friend's duty,Kao.But yeah,sure.Let's make a deal." Sa bewang naman niya nag landing ang dalawa kong kamay.
"What is it?" Nakangiti niyang tanong.May kislap sa mga matang iyon pero hindi ko maipaliwanag kung para saan.Marahil sa sobrang kasiyahan na nararamdaman niya.
Sana nga ay mag tuloy-tuloy na ang muli niyang pagbuo sa sarili.Kapag nangyari iyon,ako na yata ang pinaka masayang best friend sa buong mundo.
"I will take care of 'me' for you if you will take care of 'you' for me." Lalong lumawak ang pagkakangiti niya. A smile that you can die for.
"Deal." Iniangat niya ang kanan na kamay at nag sign ng pinky swear.Nakangiti ko siyang sinunod at nilagyan ng sealed ang pangako namin sa isa't-isa.
Ikaw at ako,pangako,hanggang dulo.
A.❤