5

2323 Words
Pabagsak akong humiga sa kama matapos patuyuin ang buhok ko.It's Sunday evening at kagaya ng nakagawian ko 'twing linggo, umaga pa lang ay lumalabas na kami ni Je at nila Mama para mag simba,after ay mag gro-grocery at uuwi na ng bahay. 'Twing linggo rin ako tinuturuan ni Je na mag luto at ang experiment naming ulam ang ginagawa naming lunch. After kumain ay umuuwi na si Je sa apartment nya para magpahinga at maghanda sa gig niya.Samantalang ako naman ay maglilinis ng buong bahay at mag a-alaga sa makulit kong pamangkin. "Kao." Katok ni Mama sa pintuan ng kwarto ko.Hindi na ako nag abalang tumayo dahil bukas naman iyon. "Po?" "Kumain ka na ba?" Tanong niya ng makapasok sa kwarto ko. "Opo,Ma.Nauna na po ako sa inyo." Sagot ko.Nasa labas kasi silang dalawa ni Moi kanina at nakikipag kwentuhan sa kapit-bahay.May maliit ding anak 'yung kapit-bahay namin na madalas nakakalaro ni Moi. "Siya sige,matulog ka na.May pasok ka pa bukas." Matapos niya akong halikan sa pisngi ay lumabas na siya ng kwarto. Naupo naman ako sa kama matapos kong mai-sarado ang pinto. Dinampot ko ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng study table,malapit sa kama ko. Nag browse ako at nagpunta sa I.G.Nag likes ng ilang photos ng celebrities na naka followed ako. Nag check rin ako ng inbox,maraming unread messages pero hanggang ngayon hindi ko pa rin binabasa. Katamad. Humiga ako at ipinatong ang ulo sa headboard ng kama saka nag punta sa gallery ng cellphone ko. Tumambad sa akin ang maraming pictures and videos. Merong kasama ko Ang family ko,merong solo pictures,meron ding solo ni Je at kaming dalawa na magkasama. Scroll lang ako ng scroll ng mapunta ito sa kauna-unahang photo namin ni Je. Ito ay kuha noon pang nag a-aral ako ng highschool sa Gensan.Ang Gensan ang probinsya ni Je. Kung bakit ako nakarating doon? 'Yun ay dahil ipinatapon ako ni Mama roon para magtino. Kasama ko roon ang kapatid ni Mama na si Tita Rona. Oo,minsan na akong nagrebelde sa kanila.Ito ay ang mga panahong naghiwalay si Papa at si Mama.Hindi ko matanggap na mabibilang ako sa isang broken family. Madalas akong absent noon sa pinapasukan ko rito sa Manila.Bukod doon ay mabababa ang mga grades ko. Gusto ko silang takutin that time na kapag hindi sila nagkabalikan,unti-unti kong sisirain ang buhay ko.Pero sadya sigurong ganoon,hindi natin mapipilit ang puso natin na bumalik kung nawala na 'yung pagmamahal. Hindi na nakayanan ni Mama ang pag rerebelde ko kaya nabuo sa kanya ang isang pasya.Ang dalhin ako sa Gensan at doon na magtapos ng high school.Galit na galit ako ng araw na 'yon pero wala pa rin akong nagawa kundi ang sumunod. Noong mga unang araw ko sa school,halos wala akong kinakausap. Ang sabi pa ng iba,mahiyain daw ako at tahimik. Pero ang totoo?Ayaw ko lang silang kausap.Hindi ko gusto ang pag s-stay ko sa Gensan at alam kong aalis din ako sa lugar na iyon kaya bakit pa ako hahanap ng maraming kaibigan kung sa huli iiwan ko lang rin sila? Hanggang isang araw,sa kalagitnaan ng taon,sa kalagitnaan ng boring kong buhay sa Gensan,nakilala ko ang taong tumibag sa pagpigil ko sa sarili na makipag kaibigan. Noong araw na 'yon,pumasok ako sa school na masama ang loob.Bumisita kasi si Mama at nagkasagutan kami bago ako pumasok. Sakto pang sports fest namin ng araw na 'yon.Sa totoo lang,hindi naman dapat ako aattend ng sports fest namin kaya lang iniiwasan ko si Mama kaya wala akong nagawa kundi pumasok. Mag isa lang ako at hindi pa rin nakikihalubilo.I'm used to it. But something caught my attention that day.It's a booth, a friendship booth.Napataas pa ang kilay ko ng mapansin iyon at dahil sa curiousity ay nilapitan ko iyon. Nalaman ko na ang booth na iyon ay para sa gusto ng kaibigan.Pathetic,isn't it? Pero may nagtulak sa akin na sumubok. Maaari kong sabihin sa kanya lahat ng problema ko.Lahat ng frustrations ko sa buhay. Sabi nga nila,mas mabuting magkwento sa isang stranger kaysa sa akala mong tunay na kaibigan. Dahil pagkatapos ng pag uusap na 'yon, pwedeng hindi na kayo magkita ulit. Napailing pa ako bago pumasok sa isang kwarto na binuksan nila.Hindi ako makapaniwalang nag bayad ako para magkaroon ng pansamantalang kaibigan na makikinig sa mga problema ko at hindi ako huhusgahan. Siguro isa iyon sa dahilan kung bakit ayaw kong makipag kaibigan.Takot akong mahusgahan. Pagbukas ko ng pinto ay nabungaran ko ang isang tao.I can say that she's a girl base sa katawan niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka ninja outfit siya. Isa rin ito sa rules ng booth nila.Hindi ko maaaring makita ang taong makakausap ko at pansamantalang magiging kaibigan. Nagtama ang mga mata namin at ewan ko kung bakit ngumiti ako. It's unusual. Umupo ako sa sofa na inuupuan din niya pero masyado malaki ang pagitan.Hindi ko maiintindihan ang nararamdaman ko,kinakabahan ako na ewan. "Pwede na kayong mag usap.Time start now." Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Siya 'yung nag asikaso sa akin sa booth nila.Nag thumbs up pa ito sa ninja bago lumabas. "Ahm,Hello." Panimula niya na naging dahilan ng pag baling ko sa kanya. Medyo husky 'yung boses niya but there's something in her voice na parang gusto kong paulit ulit na marinig.Yeah,her voice is calming.Parang humahaplos sa puso kong puno ng problema. Sa puso kong hungkag pero hindi ko alam ang kulang. "Anong pangalan mo?" Magiliw niyang approach na ikinangiti ko. Itinaas niya ang kaliwang kamay para makipag hands shake "Kaori." Tinanggap ko iyon na hindi pa rin nawawala ang pagkakangiti sa labi ko. "Ikaw?" "Jelay." I didn't expect na ang tatlumpong minuto ng buhay ko rito sa Gensan ay magkakaroon ng kulay sa simpleng pagpapalitan namin ng pangalan. Kinabukasan ay pilit kong hinanap siya pero kahit 'yung mga kasamahan niya sa booth ay hindi ko rin napilit magbigay ng impormasyon. Wala akong ibang narinig sa kanila kundi ang salitang 'bawal'. Nag try rin akong hanapin siya sa social media pero bigo ako.Sa dami ba naman ng pangalan na 'Jelay' paano ko maiisa-isa ang mga ito?Naisip ko rin na baka hindi naman talaga Jelay ang pangalan niya. Sa isang linggong paghahanap,sumuko rin ako kalaunan. Bakit ko nga ba hahanapin ang isang taong mukhang ayaw naman magpahanap? Hindi ko nalamayan na mag tatlong linggo na pala magmula 'nung araw na una kaming nagkita. Bumalik ako sa dati,sa tahimik at snob na dalagita.Mas lalong naging boring ang buhay ko sa Gensan.Papasok akong mag isa, magla-lunch mag isa at uuwing mag isa.Paulit-ulit lang. Hanggang dumating ang araw na hindi ko kailanman inaasahan. Habang naghihintay ako ng jeep sa waiting shed malapit sa school namin ay biglang umulan ng malakas. Napamura pa ako dahil mukhang naabutan pa ako ng bagyo sa daan. Sa halo-halong isipin at sa nakaka frustrate na panahon,hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.Mas lalo pang lumakas ang ulan na para bang nakikiramay ito sa kalungkutang nararamdaman ko. Napa upo ako sa bench doon at napahilamos ng palad sa isiping mag isa lang ako. Ginusto mo 'yan kaya anong iniiyak iyak mo? Sita ng kabilang bahagi ng utak ko. "Hi,Miss.Baka gusto mong bilhin 'tong payong ko.Mura lang." Natigilan ako sa pag iyak dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Kaagad akong tumunghay kaya nagtama ang mga mata namin ng babaeng nakatayo sa tabihan ko. Ang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagkagulat. "S-Sakura?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Pinahid ko ang mga luhang naglandas sa pisngi ko saka tumayo. "Naruto." Banggit ko sa pet name na ibinigay ko sa kanya noon. Kaagad ko siyang niyakap ng mahigpit na para bang ayokong mawala na naman siya sa paningin ko.Naramdaman ko ang pagkabigla niya ngunit kalaunan ay tumugon din siya sa yakap ko. Yes,it's Jelay. Simula noong araw na 'yon hanggang ngayon, si Naruto at si Sakura ay naging matalik na magkaibigan. .. Nakangiti akong kumilos para ipatong muli ang cellphone ko sa study table.Balak ko ng matulog dahil sabi nga ni Mama,maaga pa ang pasok ko bukas. Napatigil lang ako sa pagkilos nang nag pop up ang notification ko sa I.G. Naka on kasi ang notification ko sa account ni Je.Kaagad kong tiningnan ang post niya. Meron siyang IG story kaya kaagad kong ni-view iyon. Post ito ng isang customer sa resto-bar na pinagta-trabahohan niya.Isang five seconds video habang nagpe-performer siya.Ni re-post niya ito habang naka indicate ang mga salitang 'Thanks guys.Wabyuuu'. Sunod kong ni-tsek ang mismong posts niya.Ang unang shot ay whole body. Napangiti ako dahil kahit ano talagang damit ay kayang-kaya niyang i-awra. Magaling siyang manamit,isa sa maraming katangian na mayroon siya.Ang sunod na shot ay half body na lang.Kung sa unang photo ay nakangiti siya,sa pangalawa naman ay seryoso na siya pero hindi iyon nakabawas sa kagandahan niya. Fierce look na sadyang lalong nagpalakas ng appeal niya. May caption itong Ganda ka? Napailing na lang ako sa mga kalokohan niya. Pinusuan ko iyon at nag selfie rin ako para ipost ito. Nang makapag selfie ako ay kaagad ko itong ni-post sa IG ko. Nilagyan ko ito ng caption, Thinking 'bout our mem'ries together makes me smile.I already miss you. Kaagad nag dagsaan ang mga likes and comments.Maraming papuri kagaya ng mukha akong angel,mukhang artista,kahit walang make-up maganda pa rin,cutie,gorgeous at kung anu-anong papuri na hindi naman na nakakapag pa-excite sa akin. Napansin ko ang ilang comments na nagtatanong kung sino daw ang nami-miss ko?Meron pang iba na nag assumed na sila raw yata. Napataas naman ang kilay ko sa mga comments ng iba na baka raw si ex.Meron pang nag comments ng simpleng 'G'. They assumed that it's for Gelo at hinayaan ko na lang.Hindi ko kailangan mag explain sa kanila. Napangiti naman ako ng mag comment ang taong totoong nami-miss ko. Pangit mo! Di ko maiwasang matawa sa comment niya. Kahit kailan talaga napaka bully niya. Nagpunta ako sa inbox ko at nag message sa kanya, Mas pangit ka! Kaagad din naman siyang nag reply,marahil break niya sa trabaho. Are you okay? Reply niya sa message ko.Iniisip niya siguro na para talaga kay Gelo ang caption na 'yon.Iniisip niyang baka nagmumukmok na naman ako at nag da-drama. It's been a month simula ng makipaghiwalay sa akin si Gelo.I don't know kung matutuwa ba ako o mabo-bother?Matutuwa ba ako na hindi ko na siya madalas naiisip or mabo-bother sa isiping mukhang wala na nga siyang balak balikan ako 'di tulad noon na ilang weeks lang ay nakikipagbalikan na siya sa akin. Yeah,still gorgeous. Reply ko kay Je na mabilis naman niyang ni-reply. Sus!Naniwala ka naman sa mga stalkers mo. Reply niya na ikinatawa ko. Hoy!Admirers ang tawag sa kanila,hindi stalkers.Ang sama mo! Pangit ka pa rin. Panlalait niya sa akin.Hindi pa ako nakakapag response ng mag message ulit siya, Matulog ka na,pangit.'Wag mo ng isipin 'yun,di ka mahal nun. Natawa na naman ako sa message niya. Napaka kulit talaga! So,hindi mo ako love?Ow-kaaay! Reply ko. Ilang minuto ang nakaraan bago siya naka reply. Sus!Sige,isipin ko na lang na ako ang miss mo. Kaagad akong nag type ng irereply, I miss you,bebe. Paglalambing ko. Anong gusto mong pasalubong? Inisip pa niyang gusto ko lang ng pasalubong kaya ko siya nilalambing. Sinakyan ko ang trip niya at sumagot, Si Gelo. Kaagad din siyang nagreply na ikina-giggle ko, ??? Kasunod nito ay isang napakahabang Paaaaangiiiiiit! Tinakpan ko ng palad ang bibig upang pigilan ang pag halakhak. Laughtrip talaga 'tong si Je. Hindi ko siya kaagad ni-reply.Hinanap ko ang kauna-unahang photos namin na nasa gallery ko.Nagkaroon ako nito dahil may CCTV pala 'yung kwarto kung saan kami nagkakilala ni Je.Kinulit ko ang mga kasamahan niya para bigyan ako ng copy 'nung time na nagkakilala kami. Matinding pakiusapan pa ang ginawa ko,ibigay lang nila ang kailangan ko. Naawa sa akin ang isa nilang kasamahan at palihim akong binigyan ng kopya pero hindi ko pa rin siya napilit na ibigay ang ibang impormasyon tungkol kay Je. Nilagyan ko ng caption ang dalawang larawan.Ang unang larawan ay magkatinginan kami at makikita sa photo na nakangiti ako kahit na medyo malayo ang pagitan namin .Sa pangalawa ay naka angat ang pareho naming kamay para sa isang hands shake. Ito 'yung time na nagpapakilala kami sa isa't-isa. Naruto-Sakura,hanggang dulo. ??? @jelaypilones13 Napangiti ako ng ulitin kong basahin ang caption.Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Je ay ngayon ko lang ipopost ang photos naming ito. Bigla akong na-excite na ewan. Muling nagdagsaan ang mga likes and comments. Karamihan ay #BFFGoals. Napansin kong pinusuan ni Je ang post ko kaya agad akong nag punta sa inbox ko para i-message siya. Good night,Naruto.Sakura loves you. Mabilis siyang nag reply sa direct message ko. Good night,Sakura. Naruto loves and misses you,too. Matutulog akong may ngiti sa labi dahil sa reply niya. She's always like that.Always lift me up when everything's fall into pieces. Always reminded me that I am also deserve to love. Who saw my beauty even if I'm ugly. My wholeness even I am broken and my purpose when I am confused. Like Sakura, I found my Naruto in her. A.❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD