Kasalukuyan akong nag da-drive papunta sa bahay nila Kaori.Kung hindi nga lang siya tawag ng tawag ay siguradong nakahiga pa ako sa kama ko.Alas otso na ng gabi at tatlong oras lang ang naitulog ko kanina dahil buong araw akong nasa university. Alas sais ako pumasok at nakauwi ng alas cinco dahil nag practice pa kami ng band mates ko.Sinabayan pa ng meeting sa basketball. Haggardo versoza na ang lola niyo.
"Hello,Tita." Bati ko kay Tita Qel ng pagbuksan niya ako ng gate nila.
"Kanina ka pa hinihintay ni Kao." Sagot nito matapos akong bigyan ng yakap.
"Nasaan po ba siya?" Nakapasok na kami sa bahay nila pero wala akong nadatnang Kaori sa living area.
"Nasa kwarto niya,sinusumpong." Natatawang sagot ni Tita Qel.
"Si Moi po?" Tanong ko sa apo nito.
"Kanina pa natutulog.Hinihintay ka nga rin eh kaya lang hindi na nakayanan ang antok." Sagot nito matapos maupo sa couch nila.Mukhang nanonood ito bago ako pagbuksan ng gate.
"Sige,Tita.Akyat na po ako." Paalam ko rito. Pinaalalahanan pa niya ako na bumaba raw kami kaagad ni Kao para mag dinner. "Opo."
Nang makataas ay kaagad akong kumatok sa pinto ng kwarto ni Kao.Napahikab pa ako dahil sa pagod at kaantokan.
"Beshywap." Tawag ko sa kanya kasabay ng muling pagkatok.
Bumukas ang pintuan at nabungaran ko siyang may simangot na mukha.
"Nangyari dyan sa mukha mo?" Natatawa kong pang aasar sa kanya saka tuluyang pumasok sa kwarto niya at humiga sa malambot niyang kama.
"Umalis ka nga sa kama ko." Sita niya sa akin.Nakapamayawang pa talaga siya.
"Damot mo naman para nakikihiga lang." Lalo kong idinipa ang mga kamay ko para sakop ang buong kama niya.
"Jillian,hindi na ako natutuwa." Seryoso niyang sabi sa akin.Kapag tinawag niya ako sa totoong pangalan ko ay siguradong seryoso na nga siya.
"Heto na, babangon na." Napipilitan akong bumangon sa kama niya."Bakit ba ang sungit mo?"
"Anong oras ba ang usapan natin?"
Nag isip ako habang nakaupo na lang sa kama niya. "Three."
"Anong oras na ngayon?" Sunod niyang tanong.
Napangiwi ako saka sinulyapan ang wrist watch ko. "Pass eight." May usapan kasi kami na pupunta ako rito after class. Alas tres ang tapos ng klase ko kaya lang hindi ko naman akalain na ipapatawag ako sa practice at meeting.Nang dumating naman ako nang alas cinco sa apartment ay nakatulog ako.Nagising ako nang around seven.
"So sa tingin mo bakit ako nagkaka ganito?" Kunot-noong tanong niya.
"Ahm dahil...dahil menopause ka na." Sa isinagot ko ay umusok ang ilong niya saka ako hinampas ng unan na nahagip niya.
"Bwisit ka talaga!"
"Aray!Aray!Tama na,sorry na." Kahit anong iwas ko ay natatamaan pa rin niya ako.May pagka amazona talaga 'tong best friend ko.
"Isa pang ganyan mo,malilintikan ka na talaga sa akin!" Bulyaw niya bago ako tigilan na hampasin.
Inabot ko ang kamay niya saka hinila palapit sa pwesto ko. Kaagad kong niyakap ng dalawa kong kamay ang bewang niya.
"Ano ba,Je!" Pumiglas siya kaya wala akong nagawa kundi i-intertwine ang kamay ko na nasa likuran niya.
"Sorry na,bebe." Paglalambing ko habang yakap pa rin siya at nakaharap sa tyan niya.Tumunghay ako para makita ang reaksyon niya.Nakabaling ang ulo niya pakaliwa pero alam kong nakakunot pa rin ang no niya. "Plea..." Biglang kumulo ang tiyan niya na ikinatawa ko ng malakas.
Tumungo siya at lalo akong sinimangutan. Ang kyot kyot talaga ng bebe Kao-Kao ko.
"Gutom na ang baby natin." Pang iinis ko pa sa kanya pero dedma lang ang cuteness ko sa kanya. Inalis ko ang kanang kamay saka iniangat para abutin ang ilong niya pero ang ginawa niya ang hindi ko napaghandaan.
"Araaaaaaaaaaayyyy!" Kinagat niya ang hintuturo ko na ikina-daing ko ng sobra.Nabitawan ko tuloy ang bewang niya dahil sa sakit. "Gutom na gutom lang?" Naiiyak kong hinipan ang masakit kong hintuturo.
"Kapag hindi ka pa tumayo dyan at bumaba,puputulin ko talaga 'yan." Pagbabanta pa niya bago lumabas ng kwarto.
"Huy,sandali!" Nagtatakbo ako palabas dahil baka totohanin nga niya ang sinabi niya.
Jusko,Bro.Bakit mo po ako binigyan ng best friend na sadista? Huhu.
..
"Kamusta?" Nakangiti siya habang nakahalumbaba sa harapan ko.Nandito kami ngayon sa dinning table nila habang kumakain.Mabilis siyang nakatapos kumain dahil sa gutom.At kaya pala siya nag aalburuto kanina ay dahil ipinagluto niya ako ng dinner at inakala na hindi na ako darating. Sana nga hindi na lang ako dumating.
"Masarap." Tipid kong sagot saka sumandok ng pangalawang putahe na ni-serve niya. Inilagay ko iyon sa pinggan ko saka ginamitan ng tinidor.Sinubo ko iyon at muntik na akong mapangiwi. Sobrang alat. Pinigilan ko lang dahil nakatingin pa rin siya sa akin at naghihintay ng comments ko sa niluto niya. Paano niya nakain 'to?
"So?" Abangers talaga siya sa isasagot ko.Hindi ako pwedeng magkamali ng sagot.Siguradong uusok na naman ang ilong niya kapag hindi niya nagustuhan ang comments ko.
"All in fair,masarap ang mga 'to." Muntik na akong masamid ng sinabi ko ' yon. Liars go to hell,Jelay.
"Talaga?" Nagningning ang mga mata niya sa pang uuto ko este papuri pala.
"Oo naman lalo na itong nilaga mo,masarap." Tinuro ko pa ang unang putaheng tinikman ko kanina. "Heto namang afritada,tamang-tama ang al..."
"Akin na nga 'yan!" Pabalang niyang kinuha ang mga ni-served niya at mabilis na tumayo.
"Hoy, teka,hindi pa ako tapos kumain." React ko kasabay din ng pagtayo.
"Sa restaurant ka na lang kumain.Doon masasarap ang mga pagkain." Walang gana niyang sabi at akmang itatapon na ang mga niluto niya.
"Sandali!" Pinigilan ko siya at kinuha ang pinggan ng afritada bago pa ito kainin ng basurahan. "Bakit pa ako lalabas?Okay naman ang nilaga at afritada mo ah."
"Bwisit ka!" Paiyak niyang ibinagsak ang pinggan ng nilaga sa lamesa sa kusina.
"Ano na naman bang kasalanan ko?" Pahabol kong tanong saka ibinaba sa lamesa ang pinggan ng afritada.
"Tinola at caldereta 'yan.Ungas ka!" Pulang-pula siya sa sobrang inis.Muntikan pa akong matawa kaya lang naunahan ako ni Tita. Nasa pintuan na pala ito ng kusina at pinagtatawanan ang chef nitong anak.
"Mama!" Saway ni Kao kay Tita.Kinagat ko ang lower lip ko para pigilan ang pag tawa.
"Jelay anak,bakit mo naman napagkamalang nilaga 'yan eh manok 'yan." Halos bumanghalit ako ng tawa kung hindi lang ako kinurot ni Kao sa tagiliran. Aray,huh.Mapanakit.
"Mama,matulog ka na nga po." Naiinis na padyak ni Kao.
"Oh siya sige,kayo ng bahala mag ligpit dito.Goodnight Jelay, good night chef Kaori."
"Goodnight,Tita." Hindi ko na napigilang matawa.May pagka joker talaga 'tong si Tita Qel eh.
"Anong tinatawa-tawa mo dyan?!" Sita naman sa akin ni chef.
"Huwag ka nang magtampo,bebe.Kakainin ko naman 'to kahit ano pang pangalan nito eh." Paglalambing ko sa kanya. "Sige na,maupo na tayo.Dito na lang ako kakain sa kusina." Sabi ko saka naunang maupo at muling sumandok ng pagkain.
"Huwag na 'to." Inalis niya ang pinggan ng afritada. "Sinadya kong lagyan ng maraming pampaalat 'to para subukan ka.Napatunayan kong sinungaling ka talaga." Napangiwi ako sa sinabi niya. Nakaka konsensya naman oh.
Hindi na ako umimik at baka magkamali na naman ako ng sasabihin.Kumain na lang ako ng kumain at inisip na tinola nga itong kinakain ko. Ang hirap mag imagine.Huhu.
Matapos kumain ay ako na ang nag prisintang maghugas ng pinggan.Makabawi man lang sa kanya.Nagpaalam naman siya na aakyat na sa kwarto para mag half-bath.
Tumaas na rin ako sa kwarto niya matapos ang ginawa.Nasa banyo pa rin siya ng makapanhik (akyat) ako.
Busog na busog ako kaya ipinasya ko munang magpahangin. Inakyat ko ang bintana ng kwarto niya at naupo sa pasimano nito.Nakalapat naman ang mga paa ko sa bubong ng garage nila.
Napapikit ako sa simoy ng hangin na pang gabi.Ang sarap sa pakiramdam at para akong inihehele.
"Maglinis ka na,inihanda ko na ang pantulog mo." Boses ni Kaori ang ikinamulat ko. Napangiti ako sa kawalan dahil sa sinabi niya. Kahit tamporurot siya sa akin ay nagagawa pa rin niyang maging concern. Masasabi kong kahit sadista siya at topakin,maswerte pa rin ako dahil ibinigay siya ng langit sa akin. "Mag pahinga ka na after, I know you're tired." Dugtong pa niya bago lumapit sa akin.Napansin niya sigurong hindi ko man lang siya nililingon.
"Mamaya na lang.Busog pa ako kaya hindi pa ako pwedeng matulog.Gusto mo yatang bangungutin ako." Pagbibiro ko na ikinatawa niya.Sumabay sa pagtawa niya ang tunog ng t.v ng kapit-bahay.Kung hindi ako nagkakamali,Rated K iyon. Nangibabaw sa pandinig ko ang tawa niya hindi dahil malakas iyon kundi maganda.Masarap pakinggan kaysa sa 'handa na ba kayo?' ni Korina.
"Syempre ayoko." Naramdaman ko ang paglapat ng katawan niya sa likuran ko.Niyakap niya ako mula sa likuran at ipinatong niya ang dalawang kamay sa kandungan ko. "Kahit naman luka-luka ka, hindi ko pa rin makakaya na mawala ka." Muli akong napangiti sa sinabi niya.Kinuha ko ang dalawa niyang kamay na nakapatong sa kandungan ko at iniyakap sa mismong bewang ko.
"Hindi ako mawawala.Hanggang dulo, di ba?" Nakangiti akong bumaling ng bahagya sa kanya kaya nakita ko ang nakangiti niyang mga mata.My favorite part of her face is her eyes.It reminds me of the stars.Sparkling so bright.
"Promise?" Pag papa-cute pa niya sa akin.
"Promise. I'm always here no matter how much of a pain in the a** you are." Kumalas siya ng yakap at nakatangap pa ako ng batok mula sa kanya.
"Panira ka talaga ng moment." Naiiling na sagot niya saka naupo rin sa pasimano ng bintana.
Tumahimik kami pareho.Tanging maririnig lamang ay ang palabas sa tv ng kapit-bahay.
"Seriously,Je I can't imagine myself na wala ka sa tabi ko.Isipin ko pa lang,naiiyak na ako." I noticed how she secretly wiped that falling tear off her eyes.
"Iyakin." Kantyaw ko saka lumapit sa tabi niya at inakbayan siya. "Darating ang araw at mag kakanya-kanya na tayo ng buhay,Kao.Hindi natin pwedeng pigilan ang mga mangyayari sa future,but one thing I assure you, hindi kita iiwan hanggang dulo." I smiled like everything's going to be alright.
"Thank you,bebe.You're right.Malapit na akong mag graduate." Mas matanda siya sa akin ng isang taon kaya fourth year college na siya ngayon. "Plano ni Papa na mag stay ako ng Japan kasama ng mga half siblings ko.Doon na rin ako mag ta-trabaho." Matagal ko ng alam ang plano niya after graduation pero bakit nalulungkot pa rin akong marinig ito.
"Okay lang 'yun. Susundan na lang kita kapag na bored ako dito." Natawa siya sa sinabi ko.
"Ang yaman mo,huh." Sarcastic niyang sagot. "Pero paano kung hindi papayag 'yung asawa mo?"
"Asawa agad?Wala nga akong boy friend ngayon eh." Sagot ko. Advance mag isip ni ateng Kawree.
"Eh paano nga?" Pangungulit pa niya bago isandal ang ulo sa balikat ko.
"Hindi na lang ako mag aasawa para masundan kita kahit saan." Pareho kaming natawa sa isinagot ko.
"Sira.Sayang ang lahi mo."
"Bakit naman sayang?" Tanong ko habang naka akbay pa rin sa kanya.
"Duh!Kunwari, hindi alam." Tumunghay pa talaga siya para ikotan lang ako ng mata.
"Hindi ko nga alam,bakit kaya?" Kunwaring nag isip ako pero ang totoo may gusto lang akong marinig mula sa kanya.
"Because you're beautiful.Alam ng marami 'yan." Sagot niya na ikinangiti ko ng malapad. "Na sayo na ang lahat,Je..." Sa sinabi niya,my heart sank in the ocean of heavenly delight but, "Pwera sa puso." Pagbibirong dugtong niya. Okay na eh,panira rin talaga.
Sinulyapan pa niya talaga ang reaksyon ko habang nakangisi sa akin. I grin ear to ear and slap her in the back of my mind.
Bwisit!
"Salamat sa compliment,huh.Best friend talaga kita." Sarcastic kong sabi na ikina- giggle niya.
"Alam mo,Je..."
"Hindi ko pa alam...aray!" Tinapik ba naman niya ang noo ko.Mapanakit talaga. "Ano ba 'yon?" Naka pout kong tanong habang haplos ang nasaktan kong noo.
"Curious lang ako kung kanino mo ibibigay 'yang puso mo."
"Akala ko ba wala akong puso?" Napangiwi ako ng pakitaan niya ako ng nakatikom niyang kamao. Ibig sabihin, 'wag na 'wag akong magkakamaling sumagot. "Sabi ko nga,meron."
"Hindi ko tuloy alam kung swerte ba 'yung lalaking mamahalin mo o malas." Pang aasar na naman niya. "Ilan na nga ba ang naging exes mo?" Hindi ko alam kung curious ba siya o iniinsulto niya ako.
"Ewan." Maikli kong sagot.Ayokong mapagod ang brain cells ko para isipin kung ilan sila.Ex na nga kaya hindi na dapat iniisip.
"Minsan iniisip ko,virgin ka pa kaya?"
"HOY!" Nanlaki ang mga mata ko sa itinanong niya.Bwisit,muntikan pa akong mahulog sa pagkakaupo.
"Look at your face,Je." Humalakhak siya na parang wala ng bukas. "You're so funny!"
"Eh ikaw,virgin ka pa ba?" Pagbawi ko na ikinatigil niya sa pagtawa. Hindi namin napapag usapan ang mga ganitong bagay noon.We respect each others privacy. "Ano?Hindi ka makasagot dyan.Siguro hindi..."
"Y-Yes." Maikling sagot niya saka nag iwas ng tingin sa akin.
"Yes?Yes as in virgin ka pa?Or yes na hindi na?" Kinapalan ko na ang mukha ko total siya naman ang nag umpisa.
"Y-Yes. I'm still a v-virgin." Nahihiya pa niyang pag amin na ikinanganga ko.
"Totoo?"
Sinimangutan niya ako saka nagsalita ulit. "Yes, it's one of the reasons kung bakit palagi kaming nag aaway ni Gelo noon. Hindi ko maibigay ang isang bagay na gustong-gusto niyang makuha sa akin." Malungkot niyang pahayag habang diretso ng nakatingin sa akin.
Sinalubong ko ang mga mata niya. "Tama lang ang ginawa mo.Hindi siya deserving pagbigyan niyan." Natawa pa kami pareho ng inguso ko ang private part niya. "Saka 'wag ka nang malungkot,pareho lang naman tayo." Sa ipinagtapat ko ay siya naman ang nanlaki ang mga mata. Napasimangot naman ako. Hindi ba talaga kapani-paniwala na hindi pa rin ako nakakatikim ng luto ng langit?
"Totoo?" Pang gagaya niya sa reaksyon ko kanina.
"Eh kung itulak na lang kita para maunang made-virginize 'yang mukha mo." Simangot ko pa ring sagot.Hindi talaga siya naniniwala. Walangya!
"Oh my Gad!" Hindi na niya napigilan ang pag tawa sa kabila ng brutal kong pagbabanta. "I never thought..."
"Oo na dahil mukha akong liberated." Masyadong judgemental.
"But I am happy." Tumingin ako sa kanya at nakita ang nakangiti niyang mukha. "I am happy for you,bebe."
"Sus!Sa sobrang happy mo nga eh pinagtatawanan mo na ako." Kunwaring pagtatampo ko.Mabilis naman niyang niyakap ang bewang ko at muling nag lean sa balikat ko.
"Maswerte ang lalaking mamahalin mo.I can't wait na makilala siya." Excited pa niyang sabi.
"Hayaan mo,ikaw ang unang makakaalam." Pag sakay ko sa kadramahan niya. Lalo naman siyang sumiksik ng yakap.Hindi alintana na hindi pa ako nakakapaglinis ng katawan.
Muli akong napatitig sa kawalan at napangiti. Na-realized ko na kaya siguro hindi ako atat na umibig ay dahil kuntento na ako.Kuntento na ako sa pagmamahal ni Kaori. Ang pagmamahal niya ang mas mahalaga higit sa kanino mang lalaki.
Yes, there's so much love in friendship and people forget that.
A.❤