Chapter 2

891 Words
Kasalukuyan kaming kumakain ngayon sa cafeteria dahil wala kaming choice kundi dito mag break time. Para kaming mga kambing na kumakain ng damo. Puro gulay.   Puro gulay ang tinitinda nila tuwing break time, mga vegetable salad kuno. Pero masarap naman, hindi lang talaga kami katulad ng ibang puro vegetarian. madami ding istudyante ang may gusto. Ewan ko sa kanila kung bakit hindi sila nagsasawang kumain ng mga damo.char.   “ayoko na talagaaa” "kahit burger lang sana"   Napabuntong hininga nalang ako habang ngumunguya ng damo. Tinapon namin ang mga natirang gulay sa basurahan dahil hindi na namin matagalan kainin ang mga iyon. Wala man lang burger dito at fries. At hindi sana mawawala ang melkti. kung bakit kasi Salads lang ang inaallow ibenta tuwing break time sa istudyante. kaya ibang istudyante sa labas bumibili.   Umakyat na kami sa building namin dahil tapos na ang breaktime. Bawi nalang daw kami mamayang tanghali. Malamukbang sa jabi. Yun lang ang malapit sa campus kaya wag ng maging choosy pa. wag lang sanang madami customer ang dumating, mahahighblood na ng todo ‘tong si megs. may dragon sa tiyan 'yon e.   Wala kaming ganang nakinig sa klase dahil sa kururugan ng aming tiyan. Paligsahan kami kung sino ang mas matunog. Panalo si Meghan, tindi ba naman ng kururog ng tiyan nya parang kulog. panay din ang tinginan ng mga kaklase namin sa amin.   Nagquiz din kami pagkatapos ng discussion. Buti nalang up to 20 kaya madami akong nasagutan.   Labyu na bebe brains.   Mabait po si sir Filipino, lab ko yon. mala Adonis ba naman ang mukha, sinong hindi magkakacrush.halos buong campus ata ay nabibighani kay Sir, parang hindi bagay sa kanya maging teacher kung titingnan sa katawan at sa sungit ng kanyang mukha.   “aray! Bakit ba?” “yang mata mo titirisin ko!” “bebe mo bebe mo?”   Napairap kaming dalawa ni xyxy sa isa’t isa. Kaagaw ko yan kay sir, grr. kapag tititigan mo lang ang krasi nya may dadating na hampas agad. Mapapahanap ka nalang talaga ng iba. Pero ako? Never!.   Sya si Sir Yohan Fernandez, 28 years old, 6’9 ang height, 64 ang weight, and single. Ohaa, I’m his dakilang stalker kaya. Si xyxy jologs yon, walang kaappeal appeal sa mga social medias. Pero ang kwarto nyan punong puno ng picture ni sir yohan, mga stolen shots. Kaya tuwing pumupunta kami ni Meghan kila xyxy, dekwat ang ibang pictures.   11:32 na, at nagkaklase pa din kami, eto ang pinakaayaw namin dalawa ni Meghan, ang history. Napakadaming pautot. Ewan ko kay xyxy at gustong gusto nya ang subject na yon. napakaboring. Kung kailan sinilang si ganiyan, namatay si ganiyan, ilang taon ganon ganon, tss. Bakit kailangan pa naming pag aralan yon? at least nabuhay ‘diba?.     “goodbye class, don’t forget that we have a long quiz tomorrow” “Goodbye ma’aam!”   Pagkalabas ni ma’am agad namin sinukbit ang kani-kaniyang bag at parang mga tigreng nakawala sa kural na nagtatakbo pababa sa building. Yuhoo! Jabi! Jabi! Jabi!   “pustahan tayo! Dalawang chicken joy!” –xyliah. “Tatlong manok!” pusta ko. “mga tukneneng ang hihina nyo! Apat!” –Meghan “songs money huhu”   Pagdating namin sa labas ng eskwelahan, pumara kami ng tricycle at nag unahan sa likod ni manong. Syempre tumurit si xyxy at Meghan mwehehe. Kapag nasa likod ka kasi, madami kang makikitang gwapo, lalo na sa AU na nag aaral, madaming anghelitong muka.   “sa jabi po manong” sabi ko. “ha? Ano ulit?” “jabi po” “jollibee po manong, sorry po, tanga po yung nasa sa likod nyo” –Meghan “ah sige sige”   Inirapan ko si Meghan dahil sa kabwisitan. Malay ko bang hindi alam ni manong ang pinaikling jabi. Pasensya na ha?   Godbless.   “manong bayad po”   Inabot ko ang bayad kay manong para mabayaran ang tatlong bruha. Byebye tatlo bente.   Agad agad kaming pumasok sa loob ng jabi, at tila parang singlalaki ng butas ng holen ang aming mga ilong na sinisinghot singhot ang amoy ng loob. Hmm amoy chicken joy!.   si xyxy na ang bahalang humanap ng bangkuan namin at kami ni meghan ang umorder ng kakainin. kitang kita ko ang ngiting abot hanggang langit nitong si meghan, hindi gagastos e.   pagkatapos umorder, hinanap namin si xyxy, pero hindi namin sya mahanap sa mababa. malamang nasa taas yon.   "bakit dito mo pa naman napili sa taas, e ang daming gwapo sa baba!" reklamo ko. "tanga, ayun oh sa likod mo, magtotropa" -xyxy   tumingin nga ako sa likod ko kung totoo ang sinasabi nitong si xy. laking gulat ko nga ng halos lahat silang magtotropa ay gwapo. heaven! tiningnan ko sila isa isa, may isang lalaking buhok ang kakaiba, kulay grey ang buhok nya tapos green ang mga mata. may lahi ata. halatang hindi na sila highschool. college siguro. pero okay pa din.   age dosent moter eka nga.   nang napunta na sa pinaka last na lalaki ang tingin ko, nalukot ang mukha ko sa nakita ko. kaypanget ng araw. bakit andon yon?   tumalikod ako bigla at humarap nalang sa kanila. pinoproblema kung bakit andun ang isang tukmolist na 'yun.   "gagwapo 'diba? hahaha"  sheesh. impit na napatili ang gaga sa kanyang nakikita sa likuran ko.    may kasama silang unggoy, tss.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD