Chapter 3

1382 Words
Nilantakan ko kaagad ang order namin pagkaserve napagkaserve ng crew, ganon din ang dalawa. Walang nangyari sa pustahan namin dahil tagdadalawa lang kaming tatlo. Mga takaw mata.   “Meghan hinay hinay lang”   Natatawa kami pareho ni xyxy dahil akala mo sya patay gutom, kaso nagiba ang timpla ng muka nya ng nakitang ubos na ang gravy nya.   “hoy order kayo gravy dali” “ano kami utusan?” “kutusan ko kayo, libre ko!”   Bumulong ako kay xyxy na sya nalang ang kumuha, dahil ayokong makita ako ni tukmolist de unggoy. Yari na’ko nito pagnakita ako.   “sige naa, parang hindi naman kaibigan”   Plus puppy eyes, sana gumana ka.   “oo na! kainis naman kasi”   Wala syang magawa kundi sundin ako, sila din maaapektuhan, mwehehe.   Walang jabi pagganon. Pagkatapos namin kumain, hindi namin alam kung paano kami aalis dahil andun pa sila. Kung bakit kasi dito pa sila kumain.ay siya lang pala. Hayst inistress ako. Malilate ‘din kami nito.   “bakit ba kasi nagtatago sa kuya mo? Parang timang yani” –meghan “hindi kami bati unggoy” masungit ko sabi. kung alam lang nila ang tunay na ugali niyan sa bahay. “eh ano naman, sa gwapo ng kapatid mo hindi mo babatiin?” “bulag ka na ‘kylie’” irap ko pa. “gago, wag mo nga akong tawagin non, yvone” sunod sunod na ang asaran naming dalawa ni meghan sa aming mga pangalan. hindi kami komportable banggitin ang aming mga second name.  “tss, tara na nga, bahala na si batman”   Tinago ako nila Xy at Meghan sa gilid nila at mabilis na naglakad, ang masakit lang tumingin pa samin ang tropa nya, wag lang sana—   “HOY! Anong ginagawa mo dito?”  lumingon ako sa nagsasalita at pinanlisikan siya ng mata. kita ko pa ang gulat niyang ekspresyon na pati ang ilong nagulat na kasing laki ng holen. “baka kumain?” sungit ko sa kanya. “lagot ka kay mama! Isusumbong kita lagot ka!”  sinasabi na nga ba, napakasumbongera! “wala akong pakialam!”   Inis akong bumaba sa hagdan, napakadakilang sumbongero non kay mommy, kalalaking tao eh, sumbongero ang unggoy. Pina iinit nya talaga ng todo ang dugo ko. Hindi ko alam kung bakit naging ko ang tukmol na yon.   “aray!” angil ko sa nakabungguan ko.   Geez, pakamalas naman oh, sino ba ‘tong bumunggo sakin-   “sorry”   Binigay nya sakin yung bag ko at tuluyan ng nawala sa paningin ko. tulala akong nakatingin sa kawalan habang hinahawakan ang aking braso. pre may humawak sa braso ko pre.   Lalaki sya. Pero nakakakapagtaka dahil uniform din ng school namin yon, kaschoolmate namin kumbaga. Papunta sya sa taas, pero ilang minuto nalang magkaklase na ah. Sayang gwapo pa naman sya pero arogante. kaya tinalikuran ko na lamang iyon at kinalimutan.   “uyy, ano yon ha, nakita ka namin” “oo nga, ayii pwet ni yani pumapalakpaak” ayos, pasapak naman bente Xyliah. “nabunggo lang eh, mga malilisyosa”   Nagjeep na kami pabalik sa school dahil wala namang mga tricycle dito na mga nakaparada, at wag lang kaming matraffic, kundi gisa kaming tatlo nito.   “tatlong SNHS po”   Tiningnan namin si Meghan ng pagtataka. Inabot naman ng katabi nya ang bayad papunta sa driver. Papamisa na ata ako.   “oh may inambag ako ha, sabihin nyong wala”   Napangisi kaming dalawa dahil first time syang nag-abono sa aming tatlo. Sobrang kuripot kaya nyan, sinong hindi magugulat. bigla biglang nagiging anghel.   Tumakbo na kami patungo sa building namin, buti nalang at hindi kami late dahil wala naman traffic kanina sa daan.   “okay class, get one whole sheet of paper”   “h-huh?” –xyliah “hala” –meghan.   Ako? Sus asa kayo may alam ako sa math oy, anong akala nyo sakin, bobo? Slight lang naman. Ngingisi ngisi akong kumuha ng one whole at nag numbering ng up to 30.   “pakopya kami yanibels”   Bulong sakin ni Meghan. Iba talaga kapag matalino. Umayos ako ng upo at nagsikat sikatan sa dalawang parang alam ko talaga ang isasagot habang nakatingin sa black board habang nag susulat na ng problems si sir.   Tiningnan ko yung dalawa at sora ang mga muka nilang tiningnan ako.   “oo na wag lang kayo pahalata”   Uwian na namin at nilibre ako ng dalawa sa fish ballan dito sa tapat ng eskwelahan namin, at dapat lang na ilibre nila ako hehe.  Bente piraso na fishball at isang malamig na buko ang nilalamon namin at isusunod mamaya ang iniihaw na barbecue at isaw ni ate na nilibre ni Meghan.   “Our kylie labidabs yii” –xyxy “ew” ani meg.   “hoy wag nyo kakalimutan bukas ha, may quiz pala tayo sa history” singit ko sa asaran nila. “at babalik na din si sir baldovino agahan mo yanibels kung ayaw mong mavideohan” –Meg napanguso ako sa sinabi niya. ilang beses na akong nakatikim sa parusa gurong iyon. Pagkatapos din namin magdaldalan nagpaalam na din kaming tatlo dahil sinusundo na ko ng driver namin pati si xy. Si Meghan naman nagjijeep lang dahil malapit naman ang bahay nila sa campus.   “I’m home!” sigaw ko sa sala ng bahay at inilapag ang bag sa sofa. I see mommy coming from me, smiling. kakadating niya lang din siguro sa trabaho dahil naka suit pa siya. “herm! How’s your day?” she said, then gave me a peck on my cheek. “okay naman po, punta na ‘ko sa taas, I’ll go get change na” sabi ko at tumalikod na bitbit ang bag.   pagkatapos magpaalam umakyat na’ko sa taas at nagshower agad. Ramdam ko yung pagod ko kaya nahiga agad ako pagkatapos maligo.   Ichecked my phone a bit bago bumaba para kumain. Kainan na at may magpupuputak na naman panigurado. tss.   Pagbaba ko sa taas, hindi nga ako nagkamali at nandon na ang kuya nagsusumbong kay mommy. Pisting unggoy 'to.   “ayan mama oh! Nakita ko yan wala sa eskwelahan kasama yung mga kaibigan nya! Bawasan ng baon!” may paturo turo pa siyang nalalaman habang nagsusumbong kay mommy.  gigil mo si ako. “tama na huideson ah, Hayaan mong ienjoy ang kabataan ni herm, she’s already 16”   Binelatan ko sya ng todong todo, akala nya ha.   “kadiri ma, stop calling my first name, kapangit pakinggan” sabi niya at nagumpisa na namang magtantrums sa amin ni mommy. napangisi ako sa nakita. ganyan siya sa kachildish.  “why? Do you know nakaisang linggo pa kami ng daddy mo ang ipapangalan sayo” malungkot na sabi ni mommy.  pero itong lalaki, busangot pa din ang itsura. halatang ayaw na ayaw niya talaga ang first name niya. “kuya huideson paabot ng ulam” pang aasar ko, pero hindi ko ipinakita sa aking muka na nang-aasar. “tigilan mo ko ibon”  “unggoy”   Bangayan ang namayani sa hapunan namin not until sinuway kami ni mommy at ang pagdating ni daddy. I look up to him and greet daddy. “what’s up kiddos, how’s school?” he smile but his eyes are telling us he's tired. poor daddy. “dad yang anak mo kausapin mo, naggagala yan!” pagbubunganga naman ng kapatid ko pero iniirap ko na lamang iyon. daig niya pa magulang. “naglunch lang kami sa jabi!” “I said enough clyde, hindi na bata yang kapatid mo” pigil ni mom. “what’s wrong with that? Our unica iha is big na, wala munang boyfriend boyfriend ha?”  paalaa niya sa akin. hanggang crush lang daw muna. kaya naaawkwardan ako sa ganoong usapan, lalo na at kapag kasama pa sila lola at lolo tuwing idinadala nila ang topic na'to.  “sus, tiwala lang daddy”   Tahimik akong nagsaya dahil talo ang unggoy. Pagkatapos kumain umakyat na ulit ako sa kwarto at nagsepilyo. Lumabas ako sa cr, at naglabas ng notes sa history para reviewhin. Pero mga 5 minutes ko lang ata natagalan dahil hindi na kinaya ang antok ko.  kaya humiga na lamang ako at nagbilang ng mga tupa. kalaunan ay nakatulog na din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD