“Tingala nak”
Sinunod ko ang sinabi ng bakla. Siya iyong kasama namin kanina ni mommy. Nilagyan niya ng kaunti ang aking leeg ng foundation. Pagkatapos lagyan ay ngumiti siya sa akin at hinawakan ang baba ko.
“Madame, ang ganda ng junakis mo” lumingon siya kay mommy na ipini-prepare ang damit ko. lumingon naman siya agad sa akin at napangiti.
Nilapitan niya ako at tiningnan. Pinicturan kami ng Make-up artist ni mommy. Nag daldalan pa sila at ako naman ay pumunta sa walk in closet ko.
“dahan dahan ang pag suot ha”
Bilin sa akin ng bakla baka daw dumikit ang makeup ko sa damit. Tumango ako at ganoon nga ang ginawa. Sinuot ko ang ibinigay ng school na dress hanggang above the knee, dahil magkakaparehas kaming mga babaeng susuotin iyon. Pagkalabas ko ay tiningnan ko ang suot sa salamin.
Ito ay isang royal blue sequin dress. Ang style sa dibdib ay pa-tube. Pinaupo na ako upang maayos naman ang buhok.
He curled up the end of my hair and I am done. Kinuha ko na din ang silver heels kong 3 inches na susuotin. Tumayo na ako at unti unting nararamdaman ang kaba. Isinakay na lahat ng mga damit kong susuotin.
Sumakay kaming tatlo sa loob ng Van ni mommy at tito monchita na ang make-up artist. Si kuya Cedrick ay tumingin sa akin at ngumiti bago niya pinaandar ang sasakyan.
“Susunod daw si Daddy at kuya mo” sinabi ni mommy sa akin.
“Ang supportive naman ng papi at mami na yan” tumawang pambakla si tito monchita.
Nagdaldalan sila ni mommy habang tinatahak namin ang eskwelahan ko. Madilim na ng kaunti ang paligid dahil malapit ng mag six o’ clock.
Nahinto ang bidahan nila mommy nang dumating kami sa school. Bumaba na kami sa van habang daldala lahat ng susuotin.
“Jusko dai! Abay pagkalayo layo naman pala ng room ninyo, halikat magtsinelas ka na muna” ibinigay sa akin ni tito ang isang tsinelas sa akin upang suotin. Duon kasi sa building namin nakaassign mag stay ang mga candidates
Nang makarating kami sa building ay bukas ang ilaw ng classroom namin. Binuksan ko iyon at sumulpot sa amin ang mga kaklase ko. nagulat ako dahil lahat sila ay nakablue na damit. Kaso ang mga lalaki ay wala.
“Hermionee! Ang ganda ganda moo!” tili ng mga kaklase ko.
Pinalibutan nila ako at ibat ibang papuri ang naririnig ko mula sa kanila. Lalo na ang dalawang bruha at pinicturan pa ako ni Xyliah ng isang epic na pictures.
“burahin mo yaan!” sabi ko ngunit tinawanan lang nila ako. Humanda kayo sakin!
Ang mga kasama ko namang dumating ay dumiretso kung nasaan ang Ate ni Brycen at isang bakla rin. Kaya nagkasundo agad sila ni Tito Monchita.
“Ganda natin ah” napalingon ako sa mga nagdatingan naming kaklaseng lalaki at sumulpot doon si Brycen na nakasuit.
Ngingisi ngisi ako sa kanila pero sa kaloob looban ko ay kinakabahan na. sila lang ang nagpapalubag ng kaba ko.
“Ang tagal nyo” reklamo ni Laura at binuksan ang apat na box na naglalaman ng isang tarpaulin ko at ni Brycen at ang iba ay mga lobo na pahaba.
“Ito kasing si Brycen e, dinumog” nakakibit balikat na sabi ni Hugo.
Nakangising nagkamot ng batok si Brycen. Nagpicture kaming lahat ng mga kaklase ko at nasa gitna kami ni Brycen. Lahat kami ay kumpleto at walang hindi pinalagpas ang event na’to.
Hinanda na nila ang mga tarpaulin at banner naitataas mamaya at mayroon pang isang drum na idinala ng mga lalake. Napatawa nalang ako dahil pakana iyon ni Laura. Niyugyog ako ng dalawa dahil sinuot nila ang headband ni mickey mouse kaso epic kong picture iyung nasa bilog. Sinabunutan ko silang dalawa ng pabiro at pagkatapos ay nagpicture kaming tatlo.
“It’s about time” singit ni mommy sa chikahan namin.
Mas lalong dumoble ang kaba ko sa sinabi niya kayat pinasuot na sakin ni tito monchita ang heels ko. Naiwan ang mga kaklase ko sa gym na puno na ng mga tao.
Kami naman ay pumunta sa likod ng stage kung saan kami magpeprepare. Niretouch ako ni Tito monchita dahil ilang minutes nalang ay magsisimula na.
Ilang sandali pa, ay pinapila na kami ng isang teacher na bakla sa gilid dahil mag sstart na. ngumiti kami sa isat isa. At ang huling dumating sa amin ay ang grade 11, na ka partner ni franz. hinead to toe niya kami isa isa.
“Ang arte, akala mo kagandahan..” bulong ng ibang grade levels.
Hindi ako nakisali sa usapan nila at ni-concentrate ko ang sarili. Sa left side ng gym ay ang boys na nakapila na din.
“Ladies and Gentleman, Welcome to Mr. & Ms. Saber High School and May I present to you our handsome and beautiful candidates! Let us give them a round of applause!”
Tumugtog ang background music hudyat na rarampa na kaming lahat. Bumuga ako ng malakas bago sumunod sa Grade 9 sa harapan ko.
Ngumiti ako sa harap kung nasaan nagsisigawan ang mga tao. Rinig ko din ang tambol namin na pagkalakas lakas.
Muntik na akong ngumisi dahil lakas ng pagcheer nila. Tumalikod kaming lahat at kanya kanyang hawak sa bewang. Saka sabay sabay na umikot sa kanilang lahat.
“Aaaahhh! Go Graadee Teeenn!”
“LET’S GOO! HER-MA-YA-NIII!”
Ngumiti ako ng labas ng ngipin sa kanila. Unang rumampa sa harap ang grade 7 na malakas din ang sigawan ng mga tao. Hanggang sumunod ang 8 and 9. Muntik nang matapilok ang grade 8 ngunit nakabawi din sa huling lakad.
“Miss Candidate Number Seveen!”
Tinawag ako kaya ngumiti ako sa madla at nagsimulang lumakad. Katulad ng nakagayahan kong pagrampa, umikot ako katulad ni Catriona Gray. Pagtapos kong rumampa sa both sides, ay sa gitna ako huminto.
“Hermione Yvone C. Delos Angeles, 16 years old, from 10-Galaxyyy!”
Pagkatapos magpakilala ay pumose pa ako ng isang beses bago tumalikod.
“Aaaaaaahh! Hermionee! Pakasal na tayooo!”
Natawa ako sa ibang sinabi ng manonood. Lalo na at natanaw ko si Charles na gigil magtatambol. Kasama din nila ang ibang section na grade 10 may hawak hawak ng lobo.
Nang tinawag ang grade 11, ay binunggo niya ako sa balikat bago rumampa siya sa harap. Gusto ko mang panlisikan ng mata ay ngumiti na lamang ako sa harap. Rinig ko din ang pang babash ng mga kaklase ko ngunit tumaob iyon dahil sa lakas ng sigaw sa kanya ng mga tao.
“Veronica C. Melendez! 17 years old from Grade eleveeen!!” ngumiti siya ng todo at rumampa pa siya sa both sides na wala naman sa practice kaya nagkatinginan nalang kaming mga nasa likod niya.
Bumalik siya sa tabi ko nang nakataas ang kilay niya sa akin. At ayun na naman ang mata niyang mapang husga na nihead to toe ako. Anong problema ng isang lukaret na ‘to?
Sumunod sa kanya ang grade 12 at malakas din ang pagchicheer sa kanya. pagkatapos namin lahat rumampa ay bumalik ulit kami sa gilid at pinanood ang mga lalaking rumampa.malakas ang tilian ng mga babae ng naglakad si Brycen. At rinig na rinig ang tambol namin, at sigawan ng mga kaklase kong lalaki.
“Go Bryceeeenn! Go! Go! Goooo!”
Matapos magpakilala ni Brycen ay sumunod ang pinakahinihintay kong lalaking lumakad sa harapan. Mas lumakas ang tilian ng mga babae sa baba at halos mapagot ang kanilang mga litid.
Hindi siya ngumiti ngunit ang presensiya niya ay nakaka papanindig ng balahibo. Naglakad siya sa kaliwa at sa kanan. at pinakapanghuli sa gitna.
“Franz Drex F. Velasco From 11-Einstein”
Napakagat ako sa aking labi ng sinabi niya ang buong pangalan niya. Before he leave the mic, he left a cunning smile to the crowd that surprise the audience. Pati ang judges na babae ay napangiti.
Not bad surname.
Natapos silang magpakilala isa isa, lumabas na din kami at upang rumampa kasama ang partner namin.
“Kinabahan ako” ani ko sa kay Brycen. Tumawa lang siya at pagkatapos ay naghiwalay na kami.
Next na ang sportswear namin. Itinali lang ni tito monchita ang kaninang nakalugay kong buhok. Ang sportswear ko ay jersey ng soccer, color black at may stripes sa dibdib ng kaunti na white and pink. Ganun din sa jersey short ko, may knee pad sa tuhod at cleats ang aking sapatos.
Rumampa ako kasama si Brycen habang hawak niya ang bola ng soccer, magkapartner kami ng sportswear. Sila franz naman ay basketball jersey ang suot pati ang kanyang partner na babae. Abot pa ang hawak niya sa braso ni franz. Umirap ako bago tumalikod.
Sinuot ko na ang swimsuit ko na kahit ang lamig, it is a simple black one piece with a thick straight lines in my both sides of my waist. And a zipper on the middle of my chest.
I ramp confidently with Brycen again. Nakapaa kaming rumampa sa taas. Hinawakan ni Brycen ang bewang ko ng magpose kaming dalawa sa harapan. Namataan ko na si daddy at kuya sa baba na nanonood. Si daddy ay nakangiti sa akin At si kuya ay masamang nakatingin sa akin habang hawak ang camera. Itinuro niya yung asa bewang ko kung saan naka kapit si Brycen. Mas lalo akong ngumiti dahil sa naging reaksyon niya.
Patalikod na ako ng makita si franz na nakatingin sa akin ng madilim habang nakakibit ang kanyang balikat.Hindi ko nalang siya pinansin at tuluyan ng tumalikod. Nakita ko pa ang grade 11 na inirapan ako bago pumunta sa labas. umiling ako sa inis.
“napakagaling naman ng anak koo!” niyakap ako ni mommy ng pagkahigpit higpit.
Dumiretso ako sa kurtina na pabilog na pagbibihisan ko. Sinuot ko ang satin long gown na kita ang kalahating hita ko sa kanan. Habang ang sapin sa aking paa ay ang pagkataas taas na red heels na 5 inches.
Sa bawat palit ko ng isusuot ay ang pagpicture si tito monchita sa akin. Kaya nagtagal ako ng kaunti dahil ayaw akong tigilan ni mommy dahil paborito niyang sinusuot ko ang heels napagkataas taas.
Sa long gown, isa isa kaming rarampa at hindi kasama ang partner. Mabagal ang pagrampa ko sa harap at labas ngipin ang akin ngiti. Hindi pa din tumitigil sa pagcheer ang kaibigan at kaklase ko. halos magkanda malat na sila sa kakasigaw sa pagkakarinig ko.
Naglava walk ako at umikot habang nakatingkayad ang aking paa. Saka nagpose ng katulad kay Catriona.
Nagsigawan ulit ang tao at niyuyugyog nila Christy ang tarpaulin ko. nakangiti sa akin ang mga judges sa baba ng tumalikod ako.
Nanood ako sa pagrampa ng sumunod sa akin. Maganda ang kanyang white sequin long gown at backless sa likod kaso natapilok siya sa gitna ng paglalakad kaya napasigaw sa kanya ang tao. Sa sobrang taas ba naman ng kanyang heels.
May ngisi ako sa labi ng bumalik kila mommy. Talent portion na ang susunod kaya si tito monchita ay inayos na ang buhok ko ng ibang style. At sinuot na ang gold sequin long dress kong gustong gusto napartner ng silver heel ko kanina.
Nakita ko ang ibang kandidata na nanonood sa grade 8 sumasayaw. Nginitian nila ako kaya ginantihan ko din sila ng ngiti. Except sa nakaupo na si Veronica. Yung grade 11, nakataas ang kanyang kilay sa akin at tiningnan ang suot ko.
Pumalakpak kami ng natapos ang talent portion ng grade 8 and 9 na nag ballet at hawak ang stick na may red ribbon.
Pagkatapos naming pinuri ang grade 9 ay abot naman ng goodluck ang mga kandidata sa akin. Kinakabahan ako habang nakatingin kila kuya na iniaakyat sa stage ang grand piano. Buti nalang ay maluwag ang daang pag-aakyatan dahil kung hindi ay hindi ako makakaperform.
Nang maayos ng naipwesto ang Grand piano ay siyang paglabas ko at ngitian ang tao. May nakastand na ding mic sa itaas ng piano.
Umupo ako sa upuan at kitang kita ang mga matang nakasilip sa akin na si franz na pinapanood ako. Huminga ako ng malalim at tumahimik na ang mga tao.
Nagsimula kong tipahin ang bawat keys ng intro ng aking tutugtugin. At nagsimulang awitin ang verse ng kanta.
“I will leave my heart at the door…
“I won’t say a word…
“they’ve all been said before, you know…
“so why don’t we…just play pretend
“Like when I’m scared of what is coming next…
“or scared of having nothing left, look don’t
Napapikit na ako dahil dinadala na ako ng kanta, hindi ko na naisip ang mga nanonood sa akin. Wala akong ibang inisip kung hindi ang isa sa paborito kong kanta na kinakanta ko ngayon.
“All I ask is, if, this is my last night with youu”
“Hold me like I’m more than just a friend!”
“give me a memory, I can uusee! Take me by the hand”
“while we do, what lovers do, it matter how this ends
“’cause what if I never love again…
Pinagpatuloy ko ang pagkanta habang nakatutok na ang mga mata sa mga daliri kong tumutugtog na walang maling napipindot. Napapatingala at pikit lang ng bumibirit.
“Let this be our lesson..in loovee!
“let this be the way wee…remeeember uuss!
“I don’t wanna be cruel, or victorious and I ain’t asking for forgiveness..
“All I ask iisss iiff~ this is my last night with youu!
Napatingin ako kay Franz na nakaawang ang bibig habang nakatingin sa akin ng deretso. Deretso ko rin siyang tiningnan habang pinapamulhan na sa pagkanta.
“Hold me like I’m more that juusst! A friend..
“give me a memoryy~ I…can useee
“take me by the hand, while we do what lovers do, it matter how this ends..
Tumingin na ako sa mic nang hindi na matagalan ang titig niya, at tinapos na ang huling kanta ng pikit ang mga mata.
“Cause what if I never looooooooove, again…
Pagkatapos kong pindutin ang last na key sa piano ay ang matinding sigawan ng mga tao. Tumayo na ako at nag bow. Rinig ko pa ang pagsasalita ng emcee tungkol sa akin bago itinawag ang grade 11. At sa pangalawang pagkakataon, ay inirapan niya na naman ako.
Pumunta na ako agad kila mommy para uminom ng tubig, labis ang papuri sa akin ni tito at mommy. Ngumiti ako sa kanilang dalawa. Susunod na ang question and answer kaya nakakaramdam na naman ako ng kaba. Sa minutong dumadaan ay lumalalim na ang gabi.
Pinanood ko ang talent ng candidates. Si Brycen ay sumayaw rin katulad ng grade 8, ngunit may back up dancers siyang mga lalaki. Madaming napapabilib na mga tao dahil kay Brycen sa pagsayaw. Pati din ako ay namangha dahil may taglay pala siyang talentong sumayaw.
Pumalakpak ako sa kanya at nag thumbs up, ngumiti siya sa akin bago tumalikod. Pagbaba ko ng aking mga kamay ay ang pagtawag naman ng emcee sa grade 11.
Tiningnan ko siyang may hawak ng electric guitar habang naka simpleng black t-shirt, with black belt and pants. Kaya mas lalong tumingkad ang kaputian niya ngayong gabi. May itinabi sa gilid niyang mic kaso hindi iyon sa tabi niya. Mayroon din na isang lalaking gwapo na dala dala ang organ. Nagtanguan silang dalawa.
Nagtaka ako dahil tumingin sila banda sa akin. At ang kanyang mga mata ay may hinahanap. Is he looking for someone? Who is there singer?
May tumikhim sa likod ko kaya napabaling ako kung sino iyon. Si veronica iyon. Nagulat ako dahil taas noo niya akong nilagpasan para makapunta sa harap ng tao.
Kaya pala hindi siya tinawag kanina at pinagtakahan naming lahat. Ayun naman pala ay magpeperform silang dalawa kasama ang pianist. Pwede pala iyon?
“Guess what, that bratty girl was the daughter of the owner to this school”
Lumingon ulit ako sa sumulpot sa tabi ko. Ito yung grade 12. Nagulat ako sa kanyang sinabi, kaya pala hindi siya pinag iinitan tuwing nagpapractice pa kami ng pagrampa. Kahit mali mali na siya. Napalunok ako sa sobrang lakas ng sigawan.
Nginitian niya ako bago ibalik ang tingin sa dalawang magpeperform. Malakas ang sigawan ng lahat kahit hindi pa sila nagpeperform nang bumaling ako.
Nag-umpisang tumugtog ang piano kasabay ng pagkanta ni Veronica na nakapula at wala halos damit sa kanyang likod. Ang pang ibaba ay maikling black maong shorts partnered with her black boots.
‘My feet are aching…and your back is pretty tired’
‘And we’ve drunk a couple bottles, babe…’
‘And set our grief aside….
Tumindig ang balahibo ko sa lamig ng kanyang boses. Kinanta niya iyon ng nakapikit at dumadama sa kanta. nagsimula din ang tunog ng electric guitar ni franz ng mahina.
‘As the earth runs to the ground….
‘Oh girl, it’s you that I lie with..
‘As the atom bomb locks in…
‘Oh, it’s you I watch TV with
‘As the world, as the world caves in
Napatulala ako sa isang tabi sa pag ingay ng kanyang gitara. Idagdag mo pa ang sigawan ng mga tao. Kagat niya ang labi nang nakatingala habang ang kamay ay nags-strum ng gitara. Lumunok ako sa aking nakikita. Hindi ko na ata kayang tanggalin pa ang pagtitig sa kanya ng mga oras na iyon. Nawalan na ako ng pakealam sa paligid kahit kay Veronica na bumibirit. Ang importante sa akin ay ang lalaking maangas na nakatayo habang may hawak na gitara. He was making my heart race.
Hinawakan ko ang aking dibdib sa mabilis nitong tumibok. I’ve never felt like this before, but when I look at him, it feels like my heart is about to explode of excitement. He is the only one, who made me feel like this. And it is making me happy even I don’t meant it every day.
I look veronica who sang the verse two. Like me, she was looking at franz full of adoration in her eyes. And when the chorus comes, franz look at her too. I felt something in my heart that I don’t want to feel it. They stare at each other that people notice. The crowd become louder and louder because what they seeing to the stage.
“They look like a couple!”
I heard some of the candidates says. I smiled bitterly before turning around to them. I don’t wanna watch it. This is not healthy to me. hanggang maaga, kailangan ko itong pigilan.
Umupo nalang ako sa upuan kung saan ako inaayusan sa likod ng stage. Nireretouch na ako ng tito monchita dahil ilang minuto nalang ay ako na ang tatawagin para sa question and answer portion.
“You can do it Hermione, mommy is always here for you”
Pinapagaan ni mommy ang loob ko na parang bata. Ito talaga ang nakakakaba dahil iniisip ko palang ang tanong, alam kong mabablangko ako. Nakakatakot.
Pumwesto na kaming anim sa harap sa likod ng emcee na nagsasalita upang ipahayag ang nabunot na tanong ng grade 9. Nang marinig ang tanong at sagot, ay pumalakpak kami sa kanya dahil maganda ang kanyang naging sagot. Bumalik na siya sa tabi ko at pumose. Sa ngayon, alam ko ng ako ang tatawagin.
And when I hear the emcee call my name, I started walking to get near to him. I can do this. Ayokong mapahiya ang sarili ko. pampalubag kong sinasabi sa sarili ko.
At nang ipunta sa akin ang isang kahon, ay dumukot ako doon ng isang papel na magiging tanong ko.
“Okay! The Question to Ms. Delos Angeles is…What is more important? Beauty or Intelligence?” nakangiting nakatingin sa akin ang Teacher na Emcee.
I let out all of the negativity inside me and smile to the crowd who are shouting at my name. I can see my brothers face, challenging. Ngumisi ako sa kanya at kinuha ang mic.
“What is more important, Beauty or Intelligence? I believe that my answer is Intelligence….Intelligence is more important than beauty, Intelligence can inspire you to be a better person and educate yourself about the world around you and how to make it a better place, Intelligence never fades, while beauty will fade someday, Intelligence is inner beauty, Intelligence is not all about gaining knowledge, you have to consider emotional intelligence, emotional intelligence is to know your emotions and others emotions and reason with these emotions in a functional way…Beauty is important, don’t get me wrong, because if you look nice, it gives you confidence in yourself. On the other hand, beauty will never withstand intelligence and compassion, because without intelligence and compassion, our world would have no purpose, and I! Thank youu!”
Ngumiti ako sa crowd nang lumakas ang sigawan. Bumaling ako kay kuya na nakangiti din sa akin pagkatapos akong kunan ng litrato gamit ang camera.
Ano? Bilib ka hano?
Tumalikod ako sa tao at bumalik sa pwesto. Ngayon ay ang Grade 11 naman ang tinawag na si Veronica. She stepped for forward para mapantayan ang emcee.
“Would you like to be famous? Why or why not?”
Pagkatanong na tanong ng emcee ay agad nitong kinuha ang mic at sinagot.
“I would do anything to be famous! I love the idea of being recognized in the street, sign autographs and have a lots of fans. I enjoy being in the center of attention and so it would rather please than annoy me to have paparazzi chase me or find myself on the cover of a magazine. Another benefit, which I believe would naturally come with being famous, is being friends with your today idols, And I, Thank you!”
Kahit labag sa loob ko ay pumalakpak ako ng tatlong beses. Ngingisi ngisi siya sa akin tumingin bago tuluyang pumunta sa kanan ko. I really don’t like her attitude.
Nakastand by kami sa likod at nangangawit na ako kakangiti, at kapag nakakasagot ng maganda ang kandidato ay siyang pinapalakpakan ko ng malakas. Maganda ang naisagot ni Brycen tungkol sa education at pati rin si franz ay naging maganda ang sagot. Kaya sa kanya ko ibinuhos ang malakas na palakpak ko para sa kanya, habang ang mukha ko namumula.
Based in his answer, he want be a successful engineer huh?
Huminga na kami ng malalim at ito na ang pinakahinihintay ng mga tao. Sa gabing ito, alam kong kakalabasan akong luhaan o panalo. Pero tatanggapin ko kung ano ang maitatanghal sa akin.
“The best in sportswear is….”
May background music na nag da-drums na ikinakaaliw ng lahat. Sigawan ng mga number ng candidates ang crowd. At kami ay naghahantay kung sino ang sasabihin.
“Mister and Miss Candidate number ten and eleven! Congratulations Mr. Velasco and Miss Quimson!”
Pumalakpak ako sa tinawag. Ang grade 7 ang tinanghal ng best in sportswear at si Franz. Well, sang ayon naman ako doon.
Ang susunod naman ay ang best in swimsuit, na ang itinanghal ay si Veronica at si Brycen. Pumalakpak ako at rinig ang sigawan ng mga kaklase ko.
“The face of the night is… Mister and Miss candidate, Number Ten and Eleveen!”
Pumalakpak ako at ngumiti ng tinawag ulit si franz at ang babae naman ay ang grade 12. Sumunod naman ang best in photogenic, ang grade 9 at ang grade 8 sa lalaki.
“Miss Candidate! Number Seven!”
Nagulat ako sa sinabi ng emcee. Sinuot sakin ang sash na best in long gown. Ngumiti ako sa mga kaklase ko bago tumalikod. At tinawag din para sa lalaki ang best in suits. Na ang itinanghal ay ang grade 9.
When the best in talent comes, I was surprised because they called my name and gave me the sash. And sa boys, It is candidate number 8.
Lumipas ang ilang minuto at kasiyahan ng sumunod na ang mga runners up. The five to three runner up was being announced by the emcee and we give them applause.
Kinakabahan na ako dahil hindi pa rin ako natatawag. Kaya panay ang kaldabugan at talon ng mga kaklase ko. lalo na ang dalawa.
Umabante kami anim nila, Veronica, Franz, Brycen, Ang grade 9 at ang grade 12 na babae. Kinakabahan ako.
“The second runner up is…candidate! Number six! And eleven! Congratulatioons!”
Napangiti ako sa tinawag. Akala ko ay katapusan ko na. sunod sunod na naman ang sigawan ng mga tao kahit gabing gabi. Pumwesto na ang Grade 9 and grade 12 sa kanilang dapat pagpwestuhan.
“And the first runner up of the year 2022 is candidate!....”
Kabang kaba na ako sa pagpapabitin ng emcee. Once na sinabi ang pangalan isa sa amin ni veronica, it means isa din sa amin ang magiging Ms. Saber.
“Number nine and eight! Congratulations to the both of you! Miss Delos Angeles and Mister Velascoo!”