Chapter 15

3390 Words
“Candidate! Number Nine and Eight! Congratulations to the two of you! Miss Delos Angeles and Mister Velasco!”   I sighed. I knew it, sabi ng ako ang tatawagin. Ngumiti ako sa kanila na parang tanga at natanggap ang pagkatalo. Aabante na sana ako patagilid ng naunang maglakad sa akin si veronica. Papuntang gilid. Teka saan pupunta ang isang iyon? Hindi ba’t binanggit siya? sinabing number eight and ni-   “Oh my good!”   Ngayon ko lang nagets ang sinabi ng emcee, at natural ako na napanganga at nanlalaki ang mata. Hindi ako makapaniwala. Pasensya naglag. Lumingon ako sa crowd na puno ng sigawan at ang mga kaklase ko ang pinaka maingay. Napatawa ako dahil nasira na ang tambol ni Charles at ang pagwawala ni Laura at Nyree. But my smile fade when I see Brycen walks towards Veronica. Is that means he is not the Mister Saber? Baket? Paano?   Panot. Tama, napanot ako sa kinakatayuan ko ng makitang tumabi sa akin si Franz at nagdikit ang aming braso. Napasinghap ako ng malakas sa bango niya. At alam ko ding nag iinit ang mukha ko. Pero mas may ipupula pa pala ang mukha ko sa kanyang ginawa.Tumagilid siya sa akin at bumulong sa tenga ko na nag panindig ng balahibo ko.   “Congratulations” sabay ngisi niya sa akin.   Sinalubong kami ng isang judges at principal na may hawak na sash, trophy at korona. pinasuot sa amin ang sash bilang Mr. and Ms. Saber High School at may Trophy kaming hawak. So this is it. I won. Franz and I won.   Nakita ko si mommy na pumapalakpak sa tuwa pati na rin dalawa lalaking nasa ibaba. Iyon sila Daddy at kuya. Panay ang flash ng camera sa amin at ang mga labi ko ay parang mapupunit sa lapad ng pagkakangiti ko, ang alam ng mga tao ay ngiting tagumpay ang nakikita nila. Pero nagkakamali sila. Kinikilig ako!   At nang matapos ang picturan na naganap, ang mommy ni franz at si mommy ay tumabi sa gilid namin. Kasama pati si tito monchita. Wow, meeting the parent’s na ba dis? Hindi pa ako ready! Ilang saglit pa ay umalis na muna si franz sa tabi ko at kasunod noon ay ang pagdumog sa akin ng mga kaklase ko. pati si brycen ay hinatak na. Atleast first runner up siya at masaya na siya doon. Pagkatapos namin magpapicture buong magkaklase kay kuya, ay bumaba na kami para maging turn naman nila franz. I can see of the side of my eyes veronica’s eyes rolling at me. sorry, but b***h like you never win.   “Congratulations Miss Saber!” salubong sa akin ni mommy. “thank you mommyy” yumakap siya sa akin ng mahigpit at ng hinarap ko siya ay may kaunting luha ang lumandas sa pisngi niya. “Madame hindi pang miss universe ang nilabanan ng junakis mo!” singit ni tito monchita na ikinatawa ko at ng nasa likod kong mga kaklase. “I know, I am just happy” my mom smiled genuinely at me. Pagkatapos ay si daddy at kuya naman ang bumati sa akin, niyakap ako ni daddy samantalang si kuya ay umakbay sa akin at nagpicture. Kunyari sweet.   “Kyaaaahh! kabog ang sagot mo kaninaa! Kinabog essay ko sa engliisshh!” Tili ni meghan at ni xyxy sa akin. Ngingisi ngisi ako sa kanila at walang masabi. Hindi ko ineexpect itong gabi na’to. na ako ang mag uuwi ng korona. Nasa gitna kami ng pag uusap ng bumaba sila franz, kasama ang kanyang kaklase at magulang. Pumunta sila sa amin at binati ni kuya ang kaibigan. “Congrats pare” ngisi niya. Ngumisi lang din pabalik si franz at tumingin sa akin. Ngumiti din ako sa kaniya bago mag iwas ng tingin. I can’t stand with his mocking smiles. “Hermione! Picture kayo ni franz! Solo!” sigaw sa amin ng grade 11. Agad namang naghiyawan ang mga kaklase ko dahil sa pang aasar. At ang dalawa kong kaibigan ay kinurot ko sa kanilang bewang. Hindi nila alam kung gaano ako maapektuhan sa pagkakakantyaw nila ha. Maiihi na ata ako sa kilig. “Sige na Hermione tabi naa!” Tumingin muna ako sa mga magulang kong hindi nakatingin dahil kausap ang magulang ni franz, at ibang mga judges. Okay naman, hindi naman makikita ni unggoy. Lumapit ako kay franz na nakapwesto na, at humiyaw ulit ang mga kaklase kong mga gaga. Nakakainis kayo! Grr. Ngumiti ako ng awkward sa dami ng sari saring camera. Pati na din ang mga kaklase ko ay nagpipicture sa amin. Kaso nawala ang ingay nilang lahat ng may umakbay sa akin. “Anong kaingayan ito?” sibangot na sabi ni kuya. Humalakhak naman si franz na ikinagulat namin, kaya masama siyang tiningnan ni kuya. “Omg! Tumawa si fraanz!” “Aw, bakod ng kuya niya si Hermione”   Para kaming celebrities na pinag uusapan ng mga nasa harap namin. Kinakabahan na ako sa hitsura ni kuya. baka mabuking ang pagkamalisyo niya. “Ano na? picture naa!”   Agad namang nagclick ang nasa harap namin. At nakita ko si veronica sa likod naming kinakausap niya ang lalaki. Probably her dad. Nakakibit siyang balikat at tumingin sa gawi namin, saka umirap. “Tapos naa!” saka hatak ni kuya palayo sa akin kay franz. “easy dude” iiling iling na sinabi ni franz bago bumalik sa kaklase niya. Nagpicture picture pa kaming magkaklase. At pagkalaunan ay humupa ang dami ng tao at unti unting nababawasan. Hating gabi na kasi.   “bukas punta kayo sa bahay! Celebrate tayo!” bilin ko sa kanila.   Ayun kasi ang sabi ni mommy, celebration kinabukasan, matalo man o panalo. Umo-o naman silang lahat at nagpaalam na kami ng kaklase at kaibigan, dala dala ang mga balloons. Sumakay na ako sa Van at sila daddy ay sa isang Ford naming kotse. Panay ang purihan ni mommy at munting pagbati ni kuya Cedrick sa akin, na siyang pinagpasalamatan ko. nakaramdam na agad ako ng pagod at gusto ko na agad makarating sa bahay. At ang isa ko pang ikinakatuwa, ay allowed na sa akin lahat ng pagkain! “Herm, we are here” Nagising ako sa sinabi ni mommy sa akin. Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako sandali at andito na kami sa bahay. Kinuha ko ang mga damit kong nasuot kanina at bumaba, tumulong na rin si kuya Cedrick sa pagbubuhat.   “Kuya ced, pakibaba nalang dito” utos ni mommy kay kuy Cedrick. “And you, young lady you need to rest, we have a big celebration tomorrow” kinindatan ako ni mommy, at ng goodnight kiss na sa kanya at kay daddy. And when I do all my night routine, I immediately drop myself in my bed. And sleep tightly.   Nasa gitna ako ng sarap na tulog ko ng may marinig akong malakas na tawanan at pag-uusap. Sa una hindi ko iyon pinansin dahil kulang na kulang ako sa tulog. Pero nang bumukas ang aking bintana at ang pagdagan ng isang tao sa akin ay doon na ako bumangon ng pilit   “Mom na naman” pero pagmulat ko ng aking mga mata, ibang mga pagmumukha ang nakita ko. bakit may bruha dito?   “Aba at mom pa, gumising kana diyan iboon! Nangangamoy na laway mo sa unan” saka ako pinaghahampas ng dalawa ng unan habang tumatalon pa sila sa araw.   Mas matindi pa pala itong dalawa kaysa kay mommy, geez.   Gusto ko mang matulog ulit ay hindi din ako makakatulog ng maayos. Binitbit pa nilang dalawa ni Xyliah ang magkabilang paa ko saka hinila pababa.   “Araaayy! Lintik kayoo! Bakit ba ang aga aga niyong pumunta?” Tanong ko sa kanilang dalawa habang hinihinimas ang pang upo ko. Doon na ako tuluyang nagising dahil sap ag lagapak ng pwet ko sa sahig. Napakabubwisit. tumawa lang sila sa akin at panay ang picture sa akin. “Before….and after” saka sila lumagapak sa tawa.   Napabusangot ako sa badtrip dahil sa dalawa. Napakahilig kumuha ng mga epic picture ko. binato ko sila ng unan bago pumunta sa banyo para maghilamos at magsipilyo. “Bakit ang aga niyong pumunta?” Tanong ko nang paglabas sa banyo. Tumingin sila sa akin at ngumisi. Mamayang tanghali pa kasi iyon pero ang dalawang bruha ay napaka aga ng pumunta. “Wala, trip lang namin” Bumusangot ako sa kanila. Nang dahil sa kanila, ay nagising ulit ako ng maaga. Ang sabi ko pa naman kagabi, ay gigising ako ng kahit anong oras kong gusto. But this two witch, just ruined my plan. “tara na sa baba” aya ko sa kanila na madali nilang sinunod. Pagkasarado ko ng pinto ay ang pagbukas ng pintuan ni kuya sa tabi ko. kukusot kusot pa siya ng mata habang nakapajama. Ito namang dalawang ito ay puno ng pagpapantasya sa unggoy, habang pababa kami. Hinayaan ko nalang. “Goodmorning titaaa!” Tumingin si mommy sa akin bago sa dalawang nakangisi. Matatapang lang ang hiya ng dalawang ‘to kapag wala si daddy. Dahil hindi pa sila masyadong close. “Goodmorning hijaa’s, halikayo, kumain na kayong tatlo” ani mom. Umupo na kaming tatlo at nag una unahan pa sa mga upuan na nag aabang sa amin. May bacon, hotdog, egg, meatloaf at egg rice ang nasa hapag kainan. Sa ngayon, hindi na ako magdadiet pa dahil wala ng bawal bawal. Kaya masarap akong kumain habang nagkukwentuhan kaming tatlo. “Huideson, kumain ka na rin dito” Napatingin kaming tatlo kay kuya na nakabusangot at hawak agad ang cellphone. Nang tumingin kay mommy ay mas lalong bumusangot. “mama ka aga aga ha” napanguso nalang si mommy sa kanya at pumunta sa tapat naming bangko. May narinig pa akong ubuhan sa gilid ko kaya kinurot ko na, mahahalata na silang dalawa niyan ni kuya. buti nalang at umayos din.   “Tara, gala tayo” aya kong nakangisi sa kanila. Ang dalawa naman ay tumango tango din sa akin ng masaya.   “Mamaaa! Gagala si ibooon!” sigaw ng nasa likod ko. at alam ko na kung sino iyon kayat napairap ako ng di oras sa kawalan.   “Great! Sumama ka! I forgot some ingredients to buy for Hermione’s celebration” “Wait what?” Kitang kita ang pagsisisi sa mata ni kuya. ano? Puro sumbong ka ha.   Yung dalawa naman ay tumili tili sa labas habang hinihintay naming makalabas ang kotse ni kuya. Paano, wala ding nagawa si kuya dahil pinasama siya ni mommy. Kaya’t nagdiriwang ang dalawa. “sakay” walang gana niyang sinabi. Sumakay kaming tatlo sa likod niya at nag-umpisang tahakin ang mall. Unang una, kailangan naming bumili ng ipapabili ni mommy, kaya babalik din agad si kuya at magpapaiwan na lang kaming tatlo. Buti nalang pumayag si mommy at isang oras lang daw kami at umuwi na agad. Sumunod lang kami kay kuya na papuntang Grocery section, dahil tutulungan namin siyang kumuha ng mga bibilhin. “Hoy hoy hoy! Wala naman sa listahan yan ah!” duro niya sa nilalagay kong junk foods. Nangunot din ang noo ko. Baket? Sobra sobra nga yung binigay ni mom sa kanya!   “Anong masama? Okay lang naman daw magturo sabi kanina ni mom!” irap irap ako at ang dalawa ay nakatunganga sa amin. “bahala ka nga!” at nilagpasan kaming tatlo. Pilit ko naman siyang hinabol dahil hindi pa ako tapos kumuha ng gusto ko. Dumiretso na agad ang mokong sa cashier.   “Mas madami pa yang binili kaysa sa pinapabili ni mama!” masama na naman ang tingin niya sa akin. Pero ako ngingisi ngisi lang. akala mo naman hindi bumili ng limang beer, na pilit itinatago sa akin. Dahil papagalitan siya ni mommy, pinagbigyan lang noong celebration nila ng mga kaibigan niya.   Natapos din kami sa grocery store at lumabas na. nagpaalam sa amin si kuya bago siya naunang umuwi. At kami ay excited na tumakbo sa clothes section. Bumili ako ng dalawang damit lang, Si xyliah naman ay tatlong tank tops nagustong gusto niya, samantalang si meghan ay isang dress. Pagkatapos ma punch ng aming binili, ay dumiretso kami sa isang fastfood chain para magmeryenda. Puro lang kami kwentuhan sa mga ibang bagay ng napatingin ako sa likod ni xyxy. “Is that Veronica?” bulong sa akin ni meghan na napansin din niya. “what?” curious ding tanong ni Xyxy at tiningnan ang nasa likod niya. Nakalugay ang kanyang buhok na hanggang bewang at ang damit ay isang floral off shoulder top partnered with her blue faded pants, and her footwear is heels. Nakahakot siya ng tingin ng mga tao at kasama ako doon. Akala ko siya lang mag isa, ngunit may lalaking tumabi sa kanya na hindi ko inaasahan. It was franz. Tumingin si veronica sa kanya ng mapansin ang presensiya niya, saka hinawakan sa braso bago tumalikod sa amin.   “So she is dating?” Gulat din na tanong ni Xyliah. Tinanong ko siya kung kilala niya si veronica, at tumango naman siya doon pati rin si meghan. Sabi nila ay matagal ng sikat si veronica dahil isa siyang childstar. Kaya nagtaka ako kung bakit hindi ang ginawang Miss Saber dahil sila naman ang may ari ng school na iyon. “Hindi ba si Franz drex yon?” nabaling ang tingin ko sa kay meghan na kunot ang noon a nag iisip. “You are right, he is one of a friend of liam and kuya” matamlay kong sagot. Nagulat naman sila sa sinabi ko nang banggitin ko si kuya. Hindi nila alam na katropa iyon ni kuya at hindi namin alam kung bakit. “bakit parang tumamlay ka?” may kaunting ngisi sa labi ni Meghan ng itinanong niya ako. Ganoon na ba kaobvious ang mukha ko sa lahat ng tao? At palaging nalang nila akong nababasa?   “what do you mean matamlay?” sagot ko. “Akala ko hindi totoo ang sinasabi sa amin ni Brycen kagabi, pero totoo naman pala” bungisngis na sabi ni Xy.   Naguguluhan ako sa kanilang dalawa. At anong sinabi ni Brycen sa kanila? Nagtatanong ang mga mata nila. “do you like that grade 11? Is that why you are jealous dahil may kasama siyang ibaa?” saka sila tumawa ng tumawa.   Bwisit na Brycen! Nag-umpisa akong mamula at pilit kong itinatanggi iyon. Kahit nong sabihin nila ay iling ang naging sagot ko. not until sasabihin daw nila iyon kay mommy.   “Fine! I like him! But don’t say this to anyone” nanguna na akong maglakad sa kanila para pumara ng jeep. Bwiset kasing Brycen, pag talagang nakita ko siya mamaya kakalbuhin ko siya! Hanggang sa naka upo na kami ay nang aasar sila sa akin. Pero ako parang hindi ko kayang umangil sa kanilang dalawa. Dahil totoong nagseselos ako. I did not know, that he is dating someone. Matamlay akong humiga sa kama ko pagkatapos namin tumulong sa pag aayos ng table at bangkuan sa sala. Napupuno ng dalamhati ang puso ko. sila meghan at xyxy naman ay tumigil na sa pang aasar sa akin at sinukat ang kanilang damit na nabili namin kanina. “Haynako yani, get over it, madami pang gwapo diyan” hindi na napigilan ni meghan sabihin sa akin. Gusto ko mang gawin ang sinasabi nila, ngunit ayaw pumayag ng kaloob looban ko. they did not know how my heart race, when I stare at franz eyes, and the smirk of his lips. Nakakabaliw, ang sarap niyang ulit ulitin tingnan. But when I see him with veronica, I am jealous. Argh, ang creepy na.   And maybe they are right, ‘he’ is just a boy, madami pa akong makakasalamuha na lalake balang araw. But don’t get me wrong, na maghahanap na ako ng gwapo upang pagkabaliwan ko. I just want to avoid this feelings, this is just a distraction. Maybe this is just they called puppy love. Nothing more, nothing less.   Tumayo ako sa pagdedesisyon ng utak ko. isinantabi ko ang lungkot kong nararamdaman at inaya ng lumabas sila meghan sa labas. it is already two o’ clock in the afternoon, and I think papunta na sila dito. Hindi nga ako nagkamali, pag upo palang namin sa sofa ay may nag narinig na ako ng tunog na door bell namin. Dali dali naman kaming pumunta sa harap ng gate at nakita silang lahat. Tuwang tuwa akong pinapasok sila at dumiretso kami sa loob ng bahay. Nakita nila si mommy kaya nagsibati silang lahat bago umupo sa mga upuan pang inihanda ni mommy sa sala, at ang nasa harap namin ay ang malaking pahaba na mesa. Na puno ng pagkain. Hinanap ng mata ko agad si Brycen na nakikipagtawanan sa mga kaibigan niyang mga lalaki. At nang makita niya ako ay ngumisi siya sa akin ng malapad. At ako naman ay ready na ready na ako sa gagawin ko sa kanya “Congrats Herm- Araayy!” “Anong sinabi mo sa kanila haa?” sinabunutan ko na. nang gigil ako ng todo ng umpisahan na din akong asarin ng lahat ng kaklase ko. at ang lintik na Brycen at nakangisi pa, nang binitawan ko na ang pagkakasabunot ko sa kaniya. Ako naman kabang kaba na ako dahil baka marinig ng magulang ko.   “Yani naman, hindi ko naman nalaman na madedevelop ka sa simpleng picturan” aktong nagulat na sinabi ng isa sa mga kaklase ko, atsaka sila tumawa. Ako ay wala na akong mabuga sa kanila dahil hindi nila ako hinahayaan magsalita kaya pinapamulhan na ako. Kaya ako rin ang sumuko at sinabing huwag ipagkakalat sabihin lalo na sa mga kasama ko sa bahay.   Masaya kaming nagkainan at nagkwentuhan tungkol sa naganap kagabi. Epic daw ang mukha ko noon, dahil late reaction daw ako ng banggitin ang apelyido ko. At ang drum na nawarak ni Charles, ay hindi naman pala sa kanya, at sa drum ng school iyon kaya kailangan niya ang pagbayaran ang nasira niyang drum. Buong maghapon kaming magkwentuhan hanggang sa nagkayayaan na silang umuwi dahil papagabi na din. At ang iba ay may istrikto na magulang. Bago kami lumabas ay nagpaalam na sila kay mommy at kay daddy na kakarating.   “Byee! See you on mondaay!” Ngumiti ako sa kanila kasama na doon ang dalawa kong bruhildang kaibigan. Sabay sabay na daw silang lahat uuwi eh. Sinara ko na ang gate ng nag umpisa na silang mawala, atsaka ako pumasok ng bahay at tumulong kay manang sa pagliligpit ng mga pinagkainan namin. Pagkatapos kong ilagay ang mga plato ay hindi na ako pinatulong pa ni mannag at magpahinga na lang, kaya sinunod ko na. Pagbukas ko ng kwarto ay ang pagbalik ng totoong nararamdaman ko. huminga ako ng malalim at deretso nang magshower sa banyo. Narinig kong nagbeep ang cellphone ko kaya tiningnan ko iyon habang papunta sa walk in closet. Ngumiti ako ng bahagya ng may tinagged sa akin si Laura sa f*******:. Ang picture namin kanina sa pagcecelebrate ko ng pagiging Miss Saber. Nag scroll scroll pa ako ng may magnotif sa akin. Tiningnan koi yon at napanganga kung ano iyon. Is this real?! Franz Drex Velasco sent you a friend request Agad ko sanang iaaccept kaso pinangunahan ako ng pride. Kung ngayon ko na siya iaaccept, mapaghahalataan na ako. Nag isip isip ako kung ilang days ko siya iaaccept. At naalala kong nakalimutan ko pang mag bihis. Napailing ako sa sarili ko at nagbihis muna ng pantulog bago kunin ang cellphone at nangingiti akong tumingin sa cellphone. Kailangan pa ba patagalin ng ganitong oras?   Ilang minuto ako naghintay bago ko siya iaccept. Tumili tili ako ng makitang friends na kami sa f*******:. Hinampas hampas ko pa ng ilang beses ang unan bago ko naisipang iscreenshot ang screen ko at isend iyon sa gc naming tatlong magkakaibigan. Pagkaclick na pagkaclick ko ay agad nasend iyon at mabilis din ang pagseen ng dalawa. Ngingisi ngisi ako habang nakikita ko ang chat nila. Nagresponse ako sa chat nila at pagkatapos ay chineck ko na ang account ni franz. Hindi siya pala-pose pero may tinatag naman sila Liam at sila kuya sa kanila tuwing may event na kasama siya sa picture. Okay na siguro ako sa ganito, I’ll just let my feelings to him and not until it fades.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD