Chapter 16

2669 Words
I am listening carefully to the teacher these days, every subject I was active. Hindi ko na pinapalagpas pa ang mga numerog blangko tuwing may exercises. I want to have a high grades from now on. And two weeks has past, and nothing change. Nothing have changed, about my feelings to him. And it is making me sick to avoid him when everytime I see him. But this will be good for me.   And here I am, making myself busy by studying seriously. To focus on my dreams and no distractions. Na alam kong iyon ang ikabubuti ko. But a part of me, this is also to stop myself for liking him. Because I am not adept with what I am feeling for a boy. I want to distract myself from liking him.   And my two bestfriends are struggling too, to our classes. Graduating na kasi kami, at hindi biro iyon. Noon, puro gala ang meet ups namin, but that two weeks change us. We are meeting up for a group study now. And I am responsible now to my studies.   “Pass your papers” Umiikot ikot sa harap na sabi ng teacher. Tumingin ako sa harap kung nasaan ang teacher. May hawak siyang isang ruler.   Pinilas ko ang papel kong puno ng sagot at ipinasa sa kaharap ko. tinanggap niya naman iyon agad at ipinasa na din sa kaharap harapan. Lumingon ako kila Xyxy at ngumisi.   “Nasagutan ko lahat” palakpak ni Xyliah. Buong buhay namin, hindi kami nakakaperfect sa klase ni Ma’am Palma. Pero ngayong nakaraang mga araw, ay namamangha kami dahil perpekto ang score na isinasauli sa aming mga papel tuwing quizzes. Ganito pala feeling kapag nagrereview at nag te-take notes. May naisasagot ka.   “Your Long Test, will be next week, please review all our topics this 4th Grading” then Ma’am Palma left. Kasabay ng pag ring ng bell. Hudyat na break time na. hinatak na ako ng dalawa paalis sa classroom. “Malapit ng matapos ang pagrerenovate sa bahay, doon tayo next week sa amin” Aya ko sa kanila habang kumakain. Nandito kami ngayon sa bleachers ng soccer field.   “Sure” ngiti ng dalawa at tinanaw ang nasa harap namin sa gitna ng init ng araw, ganoon na din ako. Ang mga Grade 7 na nagpapractice ng sayaw para sa upcoming festivals. Buti nalang at hindi na kami kasali dahil exempted lahat ng grade 10 dahil kami ang nag uwi ng korona ng Miss and Mister Saber. Ilang minuto pa ay nakaramdam kami ng uhaw kaya pumunta kami sa cafeteria para bumili ng maiinom. As expected, madaming estudyanteng naka upo sa reserve seats ng cafeteria. Dumaan kami papunta sa tindera at naiilang pa din ako hanggang ngayon dahil sa matang nakatingin sa akin, habang naglalakad.   Simula ng mag Monday, may ibang estudyanteng naglalakas loob sa aking icongratulate ako. I don’t want to be rude, so…I need to smile to them and say my thank you.   “3 bottled water ate” ani meghan.   Ngumuso ako dahil nakatingin sila sa akin. Napakaburaot talaga nitong dalawang ito, hindi pa pinalagpas yung utang ko kahapon. Kinuha ko ang pitaka ko at kumuha doon ng 50 pesos saka inabot sa tindera. Ngingisi ngisi pa ang dalawa bago kunin ang tatlong mineral.   Kinuha ko ang sa akin at nagkibit balikat nagpatiunang maglakad. Paghatak ko ng pintuan palabas ay ang siyang pag sulpot ng mga nakajersey. Nagulantang na ako at kabahan ng mag sigawan ang mga tao sa cafeteria. Right, Franz became the heartthrob of the Saber at mas lalo siyang sumikat. Tumingin naman sa akin ang dalawa at ngumingisi. I know, he is infront of me, my heart is beating so fast, and I really hate it. But how can I stop this, if all I do is to avoid him? It won’t work if I keep avoiding him than face him. He said weeks ago that I am too obvious right? Then I won’t avoid him right now! I’ll show him that I am not affected to his presence any longer.   I look up to him and see his eyes looking at me too. I stared at his eyes with no emotions like his eyes does everytime. And I can see it right now. I was about to open my mouth to say excuse me, but his head draw close to me. Then he showed his smirk to me this time. Ilang pulgada nalang ang natitira sa amin, at kung mas lalapit pa siya, mag didikit na ang mukha namin. Lumaki ang mata ko dahil sa ginagawa niya ngayon. Kaya’t umatras ang ulo ko at tumingin sa likod sa apat niyang kasamang nakakunot na ang noo sa amin. Iniwas ko ang tingin ko. tanggap ang pagkatalo sa titigan. Maaring magdikit ang mga ilong at labi namin sa ginagawa niya eh. Ano bang ginagawa ng isang ‘to na walang ginawa kung hindi magbigay ng motibo kahit na may girlfriend na siyang si Veronica? I cleared my throat to speak to him. “Excuse us” kabang kaba kong sinabi. Ramdam ko naman ang pag ngisi niya sa gilid ng mga mata ko bago siya umatras ganoon din ang kasama niya. I did not see Liam and Ethan there. Okay na din iyon dahil mas mabuting hindi nila nakita ang nangyari. Bumuga ako ng malakas na hangin ng malagpasan ko siya. Nagulat ako ng humawak sa dalawang balikat ko ang dalawa saka ako pinagtawanan. Isa pang tawa, masasapak ko na kayo! Tinuro nila ang leeg ko at tiningnan ko iyon kahit imposible kong makita. “bakit?” kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at inopen ang camera para tingnan. Gulat ang mga mata ko ng mapula iyon, lalo na ang mukha ko. Ganoon ba ang hitsura ko ng kaharap ko si franz?! Nakakahiyaa! Panay ang kantyaw sa akin ng dalawa kaya nawalan ako ng kibo. Lalo na ng ikwento nila iyon sa klase kaya mas lalong umugong ang lakas ng tawanan at pang aasar ng lahat. lalong uminit ang pisngi ko sa mga naririnig sa kanila. Bakit hindi nalang sila mawalan ng pakialam? Kinuha ko ang earphone ko at sinaksak sa tenga ng wala ng marinig galing sa kanila. This is just a stupid crush yani! don’t listen to them! But the song really irritates me more. I sighed and pick a song that can distract my thoughts. Unti unti na ding humupa ang ingay nila at bumalik sa dati kaso tuwing tumitingin ako sa kanila ay may bahid na ngiting pang aasar sa kanilang mga labi. Bumaling nalang ako sa bintana sa gilid ko para hindi na mairita. Buti nalang hindi nila ipinagkalat ang paghanga ko kay franz at nalaman kong mapagkakatiwalaan naman ang mga kaklase ko kahit puro sila kalokohan at ang iba ay tarantado. Bumuga pa ako ng isang beses at naisip na naman ang nangyari kani-kanina lang, ang paglapit ng mukha niya sa akin at ngisi sa mapula niyang labi. It’s been two weeks when I face him again, but my feelings to him is still the same. Hindi ko masabing nabawasan dahil nadadagdagan pa yata. Napakagat ako sa labi ng maisip si veronica na palagi niya ng kasama. Kumikirot ang puso ko tuwing nakikitang nakahawak sa braso ni franz ang kamay ni veronica habang magkatitigan. And some people says they are lovers, because how they act to each other. Franz is a gentleman person to all of the ladies, and I can’t deny it.   Tinanggal ko na ang nakasuksok sa tenga ko at kumuha nalang ng notebook para magreview sa isang subject namin ngayon. Ilang minuto ko inaral bago ko matandaan ang lecture, kaya ng dumating ang susunod na teacher ay nakasagot ako sa surprise quiz. Natuwa ako ng tatlo lang kaming nakaperfect sa surprise quiz, hindi nakaperfect si meghan at xyxy ngunit hindi naman kababaan ang nakuha nilang score. Naka amba na kami sa isa’t isa mag salita ng kumalabog ang pintuan at pumasok ang highblood na teacher. Nagkatinginan muna kaming tatlo bago bumalik ang tingin sa harap. Sa aura niya palang ay matatahimik na agad ang mga kaklase ko. nagsulat siya agad sa board ng walang sabi sabi. Nang maintindihan ang isinusulat niya, labis na tunog lang ng papel at chalk at naririnig sa klase. “Eto na naman po tayo sa surprise quiz” pabulong na sabi ni xyliah. Hindi na kami sumagot pa at nagsulat nalang at nagsagot sa mga tanong sa board. “You have only twenty five minutes to answer..” Nakakatakot na sabi ni Sir Baldovino. Nag angat lahat ng tigin ang klase sa kanya. hindi kami makapaniwala sa sinabi niya. Sa dami ng pinapasagutan niya sa amin, kulang pa ang 25 minutes! Puro essay! At walang pagpipilian sa mga tanong. Napailing nalang ako at tinulinan ang pagsusulat at pagsasagot. Buti nalang at walang pakialam si sir sa sulat ng estudyante.Kahit kinilahod pa ng manok ang sulat mo, nababasa niya pa rin ng mabilis. Ipinasa ko na ang papel ko sa table kung saan nakaupo si Sir Baldovino. Tumaas ang kilay niya sa akin bago tinanggap ang papel ko at kinuha ang mamahalin niyang ballpen sa kwelyo. Naghintay ako sa harap niya at tinitingnan ang papel kong panay check lamang ang natatanaw ko. wala pang ekis na labis kong kinatutuwa. “You’ve improved your grades Miss Delos Angeles…that’s nice” masungit niyang sabi saka inirecord ang score ko sa kanyang isang makapal na notebook bago ibigay sa akin ang papel ko. “Thank you sir..” tumalikod ako habang nakangisi sa mga kaklase kong hindi makapaniwala. Umupo na ako sa upuan at itinabi ang nacheckan na papel sa Portfolio namin sa history. ilang minuto pa, nagsisi pass-an na ag mga kaklase ko ng papel, may ibang lukot ang mukha at maligaya tuwing tumatalikod sila  kay sir. Kagaya ko, ay nakaperfect si Xyliah ngunit si meghan naman ay may tatlong namali. “Okay lang yan bawi next time” pagpapagaan ko ng loob kay meghan na ngayon ay bagsak ang balikat habang naka tambay kami sa cafeteria. Kakatapos lang kumain ng lunch. “Sa dadating na long test sabi ng pinsan ko madali nalang daw ang long test..” Ani Xyliah.   Meghan feel so down this day, and we don’t know why. Tinanong namin siya kung ano ang problema but she say ‘nothing’. Pero hindi namin iyon pinaniwalaan. Inintindi nalang namin siya dahil ayaw niyang sabihin. Atleast we are here for her, and that’s enough.   Nagtapos ang klase aming klase ng hapon. Isinukbit ko na ang bag ko at kinuha ang makapal na pitong libro na nakapatong sa mesa ko. Some of my classmates said that I really change my lifestyle. Like I become a ‘nerd’ because of franz. Bali-balita daw nila gusto daw ni franz ang may class. Hindi ko naman alam na iyon ang tipo niya pero, hindi ko kailanman magbago para lang makapasok sa standards niya. At hindi ko ginagawa ang pagseseryoso sa klase para mapansin niya ako. But for me. it’s for my future anyway. To study hard.   “Deretso na ba agad kayo sa amin?” tanong ko sa kanila habang naglalakad kami sa corridor.   Tumingin sila sa isa’t isa bago bumaling sa akin “Hindi pupunta muna ako sa bahay” si Meghan ang unang sumagot.   “Same…I felt sticky so I need to shower” xyliah smell herself and her face turns like she’s disgusted what she smell.   I smirked. Nagpaint kami kanina sa gym at hindi sa classroom. Dahil hindi kami kasyang lahat,   “You probably should, andon ang kuya ni yani” nag ngising aso sa akin si meghan at si xyxy ay nakangusong tiningnan ang kaibigan.   Umiling na lamang ako at hindi na pinansin ang sinabi ni meghan. Nasanay na ako sa pagpapantasya nila sa kapatid kong mukhang unggoy. dahil wala akong magagawa, may hitsura iyon. Dumiretso na si Meghan sa harap ng campus para pumara ng jeep, at kami naman ni Xyliah ay sa likod. Kung nasaan ang parking-an. Nagpaalam na kami sa isa’t isa ng makita ang mga sundo namin. Sumakay na ako sa kotse sa likod.   “Tara na kuya” aya ko kay Kuya Cedrick at pinaandar niya ang kotse. Tumingin ako sa bintana sa gilid at nagmuni muni. Hindi pa kami nakakalayo sa parking lot ng school, ay nakita ko si franz na nakasandal sa kanyang kotse. His dashing sportscar.   Sanaol.   Natigil ang pagtingin ko sa kanya ng bigla nalang kaming huminto kaya muntik na akong mauntog sa harapan. “Sorry po ma’am, sorry talaga” pagpapaumanhin ni kuya Cedrick.   “Okay lang kuya Cedrick…” nakafocus na agad ang tingin ko sa babaeng tumakbo patungo kinaroroonan ng lalake kung saan nakasandal sa kotse. Malapit na namin siyang masagasaan dahil sa padalos dalos niyang pagtawid.   Hindi na hinintay pa ni franz na makalapit sa kanya si Veronica at siya na ang kusang lumapit sa babae. Hawak ni veronica ang kanyang dibdib sa pagkagulat. Hinatak siya ni franz at pagkatapos ay may sinabi siya sa kanya na nakakunot ang noo. Kita ko ang pagkagat labi ni Veronica saka ngumisi habang nakatingin ng deretso sa mata ng lalaki. I can’t believe her. Nagagawa niya pang ngumiti pagkatapos niyang muntik masagasaan? I sighed. I feel I’m a bitter right now so I never looked at them again. I crossed my arms. Right, she’s happy because her dearest ‘boyfriend’ is very worried about her. Damn it. Lumabas ako ng sasakyan agad at binuksan ang pintuan ng bahay. Mommy and daddy wasn’t there. Maybe some problem in our company again. Bago ako pumanhik sa taas binilinan ko si manang na mag prepare ng snacks namin ng mga kaibigan ko dahil dadating sila. Naligo na ako at pagkatapos ay nag bihis ng maong short at oversized shirt. Inayos ko na ang rereviewhin namin sa history at sa dalawa pang subject. Sa sala kami mag gu-group study. Ilang minuto pa akong nakatambay doon nang may nagdoorbell. At alam ko na kung sino iyon. Patakbo akong lumabas ng bahay para salubungin sila. Binuksan ko ang pintuan namin ng gate at tiningnan ang nasa labas.  Pero napawi iyon at napalitan ng gulat. Hindi inaasahan ang nakita. Laglag ang panga ko ng tatlo silang lalaki. “Is your kuya there.....hermione?” he said my name huskily and ofcourse…. Naaattract ako! Shet crush.   “a-ano wala p-pa siya…p-pasok muna kayo” utal utal kong sabi.   Bumaling siya sa tropa ng dalawa na nakatalikod bago humarap sa akin at ngumisi. Nagsitaasan ang mga balahibo sa ginawa niya. Palagi naman.   “W-what are…y-you doing?” Stop stuttering Hermione! You are making yourself embarrass infront him!   He freaking laugh at my face then he pinch my nose that surprise me. ngumiti siya sakin at tumalikod na. “Clyde’s not here in their house” simpleng sabi niya na nilingon naman siya at sa akin. Ngumiti naman sila sa akin.   “Can you tell him to go in our club?” tanong ng isang katropa ni kuya na si kuya Nico. Napag alaman ko kaagad ang sinasabi niyang club nila. One of the wildiest bar on manila. Mom will get mad if she know this. “Alright…I’ll tell him” pagpayag ko. kuya owe me this one. Ngumiti naman siya sa akin at si franz naman ay nakatitig lang sakin kaya’t naiilang ako. Nagpaalam na din sila sa akin at hindi na sila pumasok pa sa bahay. Sinarado ko ang pinto at bumuga ng malalim. Sumandal ako sa pinto habang nangingiti. Franz just pinch my nose! And I’m already hyperventilating. "Ang lala ko na"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD