HB-5

1144 Words
“What’s my schedule for today Mench?” tanong niya sa ‘kin habang kumakain ng breakfast niya. Sabi niya mag-order daw ako ng pagkain kaya nag-order ako sa mga tapahan. Mabuti naman at walang reklamo mukhang sarap na sarap nga eh. “May meeting ka mamayang 1O AM, kasama ang partner mong si Mr. Aidan Rigg,” sagot ko. Tumango naman siya at nginisihan ako. Parang sira yata ‘tong lalaking ‘to. “Sama ka sa ‘kin mamaya. Actually, hindi iyan meeting. Inspection lang sa bagong building na ipinapatayo,” aniya. Tumango lang ako para sabay tama. “Huwag mong tatarayan iyon ha, iba iyon sa ‘kin. Kung sa akin okay lang na tinatarayan at sinasagot-sagot ako ibahin mo si, Aidan. Ipinaglihi iyon sa sama ng loob. Hindi na nga kaguwapuhan ang feeling pang magsuplado kaya hindi nagkaka-girlfriend ‘yon eh,” wika niya. Kaagad na natigilan ako. “Sinisiraan mo ang partner mo?” saad ko. “Hindi mo siya naaalala? Siya ‘yong nakasabay mo sa elevator na suplado,” aniya. Napaisip naman ako. “Walang hiya!” “See?” sambit niya at nagpatuloy sa pagkain. “Bakit napakasungit nu’n? Buti kahit timang ka hindi ka ganoon,” komento ko. Umiling naman siya. “Hindi iyan papasa sa mga girls. Kapag nagsusungit ako baka magaya ako sa kaniya. Ang aking kaguwapuhan dapat naisi-share. Lalo naman ang kasarapan ko dapat matikman ng lahat,” sagot niya. Walang pag-asa ang tukmol na ‘to. Ang taas ng tingin sa sarili. “Sa bagay, wala naman sa bokabularyo mo ang salitang chastity eh,” saad ko. He clicked his finger and smiled. “Alam ko ‘yan, matalino ako. Sadyang ginagamit ko lang sa magandang paraan ang pagiging hot at pagiging influential ko,” aniya. kung sasang-ayon ako sa walang hiyang ‘to panigurdaong lalaki ang ulo niya lalo. Hindi ko nga alam kung bakit ‘to naging CEO ng kompanya. “Sigurado kang kaya mong magpatakbo ng kompanya?” tanong ko. “Are you insulting my capabilities?” aniya. Kaagad na umiling ako bilang sagot. “Hindi ko lang talaga mahinuhang kaya mong magpatakbo ng kompanya. Sorry naman eh sa hindi ko talaga makita sa pagmumukha mo eh,” wika ko. “Kasi para talaga ako sa television. Dapat napapanood ako sa buong mundo. Bagay akong maging runway model at actor, ano sa tingin mo?” Napaisip naman ako at tinitigan siya. Tama nga ito. “Oo, kasi matangkad ka, guwapo at paniguradong marami ang kukuha sa ’yo. Pero sa ganitong klaseng kalakaran parang hindi talaga eh. parang walang laman ang utak mo kung hindi puro babae,” sambit ko. “That’s too much, Mench. Grabe ka naman, ang sakit-sakit mong magsalita. Actually, when I was in my teens naging TV star na ako. Lahat ng sinabi ko napagtrabahuan ko na. It’s fun but I’m not happy at all. If you didn’t know, I graduated in Harvard with flying colors. Hindi lang halata pero proud na proud sa ‘kin ang mommy at daddy ko. Nagkaanak sila ng perfect na anak,” aniya. “Ahh,” tanging sagot ko. Kaagad na nawala ang ngiti sa labi niya. “That’s insulting,” aniya at bumusangot. Sino ba kasi ang maniniwala sa gonggong na ‘to? Mukhang ang nasa utak niya puro babae lang naman. “It just so happens that women worship me. Nakita mo naman ang kargada ko kahit sino mababaliw roon,” wika niya at kinindatan pa ako. kaagad na nanindig ang balahibo ko at bumalik tanaw ang nakita kong naked glory niya. “Tang-ina mo!” mura ko sa kaniya. Humalakhak naman siya at uminom na ng tubig. “Hindi ka magju-juice?” usisa ko. Hindi niya kasi ininom eh. “May UTI ako,” sagot niya. Kamuntik pa akong mabilaukan sa sarili kong laway dahil sa sagot niya. Napailing ako at wala na yatang pag-asa ‘to. “Alis na tayo?” aniya. “Paniguradong late ka na, ang tagal mong matapos kumain,” asik ko. “You should respect food you know. Utos ng magulang ko na kahit mayaman kami at puwede ng ipanligo ang pera namin ay kailangan hindi nagsasayang ng pagkain,” sagot niya. “Ang yabang mo! Puwede naman kasing sabihin na mayaman ang dami pang kuda,” wika ko. “I really like pissing you, Menchie. Pakiramdam ko nawawala ang stress ko. Ang cute-cute ng pisngi mo Menchie pakurot ako niyan soon. Ipagpatuloy mo ‘yan at tataasan ko talaga ang sahod mo,” aniya at pin-at ang aking ulo. Nauna na siya at naiwan naman ako. Nakapamulsa pa ang gago at ngumisi sa ‘kin. Ginawa pa akong puppy ng bwesit. “Loko-loko ka ah,” inis kong saad. Tumawa lamang siya. Kahit sa pagbaba namin ay binibuwesit niya ako kaya wala na akong panahon para ngumiti. Pakiramdam ko ay binagsakan ako ng langit sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Kung hindi ko lang siya boss baka kanina ko pa siya pinagtatadyakan. Tama pa ba kaya itong pinasok ko? Pakiramdam ko talaga iba na ‘to. Binati naman siya ng mga empleyado niya kaya boss ko talaga siya. Pumasok na ako sa kotse niya at kaagad na tinaasan ako ng kilay. “Bakit?” takang tanong ko. “Hindi mo naman ako driver ah, amo mo ako. Dito ka sa harap,” aniya. Bumaba naman ako at tumabi sa kaniya. Ngumisi naman siya at umalis na kami. Habang nasa daan kami ay mahigpit na napahawak ako sa seatbelt at tumutulin ang takbo namin. “S-Sir, ano ba? Pakibagalan naman,” saway ko. “You’re naughty Menchie. Hayaan mo mas masarap kapag mabilis,” aniya at kinindatan ko. Sa inis ko ay naabot ko ang box sa harap at ibinato sa kaniya. Nanlaki ang mata ko nang makitang puro condom ang laman nu’n. “It doesn’t hurt,” nanunuyang wika niya at lalo pang binilisan ang takbo. “Who-hoh!” sigaw niya. Pakiramdam ko ay naaaninag ko na ang mukha ni San Pedro. “Makababa lang ako rito may paglalagyan ka sa ‘kin!” sigaw ko sa kaniya. “What?” nakangiting tanong niya. Maiiyak na yata ako sa sobrang kaba. Gusto ko na lang bumaba at humingi ng tawad sa lahat. “Bubunutin ko lahat ng bulbol mo kapag nakarating tayo tang-ina mo!” Ngumisi naman siya. “Too late, I’ve shaven it already,” sagot niya. Napahawak ako sa ulo ko at umaasang humihinga pa ako pagdating namin sa site. Ilang minuto lang naman ay huminto na kami. Hindi ako makagalaw at pakiramdam ko ay umalis ang kaluluwa ko sa aking katawan. “We’re here! It’s so fun, Menchie. See? Hindi tayo na-late,” proud niyang sambit. Gusto ko siyang gilitan. “Are you okay?” tanong niya. Nilingon ko siya at pinakyuhan. “Mamatay ka na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD