Naglalakad na ako papasok sa opisina ng boss ko. Maaga pa ako dahil ayaw kong ma-late. Pagdating ko nga sa loob ay walang tao at hindi ako aasang maaga siyang papasok dahil ang taong kagaya niya ay wala ka talagang aasahan. Naglinis na lang muna ako at napakunot-noo nang makita ang isang t-back na nahagip ng walis sa ilalim ng couch.
“Walang hiya!”
Napakabastos talaga ng lalaking iyon. Walang hiya sa katawan niya. Kumuha ako ng dustpan at itinapon na iyon. Nang matapos maglinis ay bumalik na ako sa table ko at inayos ang schedule niya. Natigil lang nang pumasok na siya.
“Ang aga ng secretary ko ah,” aniya at pinasadahan pa ng tingin ang buo kong katawan. Kaagad na nakaramdam ako ng pagkailang sa klase ng titig niya. Mukha siyang manyakis na ewan. Kahit guwapo siya ay hindi ko pa rin bet ang tulad niya no.
“Nakakasiwa,” komento ko. Kaagad na humalakhak naman siya at naupo sa kaniyang swivel chair na pangmayaman.
“Timpla mo nga ako ng kape Mench,” utos niya. Inirapan ko na lang siya dahil nabibwesit ako sa klase ng tingin niya sa ‘kin. Titingin tapos tatawa. Nang-iinsulto tlaga ang hinayupak. Padabog na nagtimpla ako rito sa mini-pantry niya at hindi ko alam kung ano ang gusto niyang kape kaya bahala na siya riyan. Pahirapan pa dahil wala man lang instant. Hindi ako maalam sa coffee maker niya kaya bumalik na lang ako sa mesa ko.
“Where’s my coffee?” nakangiti niyang tanong.
“Sandali lang po kamahalan at hindi ko alam kung paano gamitin ang coffee maker niyo,” sagot ko. Napaangat naman ang labi niya.
“Hindi halata ah,” aniya at pinasadahan na naman ng tingin ang puwet ko.
“Ano ba? May problema ka ba sa puwet ko ha? Nakakatarantado ka na ah. Kanina ko pa napapansin iyang titig mo tapos para kang baliw na tatawa,” asik ko. Kaagad na natigilan naman siya.
“Tinitingnan lang eh. Ang lambot siguro niyan ang laki eh,” wika niya. Kaagad na naikuyom ko ang aking kamao sa narinig at talagang matatadyakan ko na ‘tong walang-hiyang ‘to.
“Joke lang! Ito naman, sige na. Ang sexy mo kasi tingnan,” aniya.
“Eh ba’t ka tumatawa? Parang nang-iinsulto ka yata eh,” inis kong saad.
“Whatever Mench, sige na I need my coffee. Hindi nabubuo ang araw ko kapag walang kape,” aniya at pumikit pa na tila pagod na pagod. Malamang sa malamang nakikipagbakbakan na naman ‘to sa kung sino-sinong babae.
Bumalik na ako sa pantry at kinuha ang aking creamy white coffee. Dahil sa may sobra pa akong PIlipinas na kape ay iyon ang itinimpla ko para sa kaniya. Ang swerte niya naman yata no. Masarap itong Pilipinas brand dahil authentic pinoy at talagang kakaiba ang lasa. Hindi nga umaabot ng limang piso ang presyo nito eh.
Nang maitimpla ay inilagay ko na sa mesa niya. Kita ko pa ang mata niyang may pagdududa.
“Bakit?” usisa ko. Umiling naman siya pero halatang nagdududa talaga.
“Ano ba? Sabihin mo na. Marami ka pang gagawin. Huwag mong ubusin ang oras mo sa pambibuwesit sa ‘kin,” inis kong saad. Ngumisi naman ang hinayupak. Tinikman niya iyon at napaisip. Tinikman niya ulit at napaubo. Namumula na ang mga mata niya pero hinayaan ko lang.
“Ano? Kinarma kaagad? Huwag kasi inumin kung mainit pa,” sambit ko.
“Grabe ka na talaga Menchie. Boss mo ako pero kung pagsalitaan mo ako parang tauhan mo lang ah,” reklamo niya. Natahimik na lang ako dahil ang sarap busalan ng bibig niya. Ewan ko’t parang maha-high blood ako sa lalaking ‘to.
“Anyway, it’s good, masarap at kakaiba ang after taste. Saang bansa ‘to galing?” tanong niya.
Lumawak naman ang ngiti ko at napatingin sa baso.
“Mabuti naman po at nagustuhan niyo ‘yan. Locally made po at sobrang fresh from the farm. Tae po talaga ‘yan ng kambing na pinatuyo nang matagal. Perfectly fermented and approved po ng BFAD,” sagot ko. Kita ko ang pangangasim ng mukha niya at akmang masusuka pa.
“You’re kidding,” aniya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Mukha po ba akong nakikipagbiruan sa inyo ha?” sagot ko. Kita ko ang pamumutla niya at mabilis na tumakbo ng CR at narinig ko pa ang pagsusuka niya. Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya. Kahit bawiin ko pa alam kong diring-diri na siya. Paglabas nga niya ay halos wala na siyang lakas na umupo sa kaniyang upuan.
“Joke lang po talaga ‘yon Sir. Naniwala naman po kayong tae iyon ng kambing,” wika ko. Ang sarap kaya ng kape na Pilipinas. Hindi ba niya alam kung ano ang lasa ng mga locally made coffee? Iyan kasi ang problema eh.
“Just shut up Mench! You f****d up big time,” mahinang saad niya. Pakialam ko naman.
“Ang sakit ng ulo ko,” aniya.
“Masarap ang kape pero napasobra yata ang inom ko ng alak kagabi. The woman I am with is so good in drinking. Tinalo pa ako,” dagdag niya pa.
“Sir, kung hindi mo kaya huwag pilitin. Ang hirap kasi sa inyo masiyado kayong mapagkunwari eh,” komento ko at inayos na ang iilang files na kailangan niya.
“You think so?” tanong niya. Tamad na tiningnan ko naman siya at tinanguhan. Umayos siya sa kaniyang pagkakaupo at napahawak sa kaniyang baba.
“I think that’s true. Lumalabas kasi talaga ang pagiging competitive ko kapag nakikita kong nagiging alanganin ako sa isang sitwasiyon. May isip ka rin pala ha. Akala ko malaki lang dede mo pati pala utak malaman din,” aniya. Nakaramdam naman ako ng pagkabuwesit sa sinabi niya.
“Tarantado ka ah,” asik ko. Tumawa lamang siya.
“Relax Mench, hindi kita type. Gusto ko lang iyang boobs at puwet mo. Iyong mga nakakasama ko kasi ayaw magpahawak ng dibdib baka mabaligtad ang silicon sa loob,” malungkot niyang saad. Kaagad na nawalan ako ng lakas sa narinig. Para bang namatayan siya kung magkuwento.
“Ano ba nagpapaligaya sa ‘yo, Sir?” usisa ko.
“s*x,” mabilis niyang sagot.
“Eh ang nagpapalungkot?”
“Hmm, small boobs. Gusto ko iyong gaya sa napapanood ko sa porn site na nalulunod sa boobs. Mukhang maganda nga iyang sa ’yo,” aniya at talagang kinindatan pa ako. Sa inis ko nga ay naibato ko ang folder sa kaniya.
“Tang-ina mo!” singhal ko at itinaas ang aking middle finger. Para naman siyang mamamatay sa katatawa.
“Mawalan ka sana ng hiningang hayop ka,” galit kong saad.
“Ano ka ba? Relax ka nga. Aga-aga ang init ng ulo mo. Baka matunaw iyang Menchie babes mo,” aniya. Napapikit ako at ramdam ko ang pagtunog ng aking taenga. Para iyong singaw na mula sa takuri.
“Kung ano man ang naiisip mo riyan kahit alam kong sobrang hot at pogi ako alalahanin mo pa ring hindi ikaw ang type ko ha. Tinitigasan ako pero pinapaalalahanan kitang hindi kita type Mench,” natatawa niyang wika. Pakiramdam ko ay hindi ko na maigalaw ang aking ulo sa labis na galit.
“Putang-ina mo ah!” sigaw ko sa kaniya. Humalakhak lamang siya.
“Order ka ng pagkain Mench. Nagugutom na ako. Huwag ka masiyadong magagalit diyan at baka ikaltas ko bawat mura mo sa ‘kin sa sweldo mo,” banta niya.
“Hindi iyan makatarungan,” apila ko.
“Bakit naman hindi? Ako ang boss mo at ako ang nagpapasweldo sa ‘yo,” wika niya.
“Santisima!”
Mamamatay ako nang maaga sa walang hiyang ‘to. Puwede ko ngang murahin at sagot-sagutin mamamatay naman ako sa labis na konsimisyon.