Walang hiyang Landon na ‘yon. Akala niya siguro hindi ko napapansin ang katarantaduhan niya. Sinadya niyang paghiwalayin kami ng team ni Aidan ko. Iyon tuloy palagi kaming talo. Sobrang saya ng team building namin kahit papaano. Mga tatlong araw lang din naman kami roon kaya balik trabaho na kami. “Mench,” napalingon ako at napangiti. It was Aidan. Kasalukuyan akong nandito sa opisina ni Landon. “Uy!” saad ko at kaagad na nilapitan siya. “Napadaan ka?” “There’s a birthday celebration later sa house namin. I decided to finally introduce you to my family,” wika niya. Kaagad na natuod naman ako sa narinig. “H-Huh?” Kinakabahan ako. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ano. Pamilya niya ‘yon. Iba sila sa pamilya ko. Ngumiti siya at inayos ang buhok ko. “Don’t worry, nand

