Kinagabihan ay nag-dinner kami. Wala si Aidan at wala rin si Iris hindi ko nga alam kung bakit. “Huwag mo na hanapin ang wala,” ani Landon. Tinaasan ko nman siya ng kilay. “Himala lang kasi,” sagot ko. “After what you’ve done to Iris sa tingin mo ba papayag pa iyong kakain kasama ka?” aniya. “Eh kasalanan niya’t hindi siya naging mabuti sa ‘kin. Kung mabait lang siya paniguradong ultimo isusubo niya ako pa ang gagawa,” wika ko. “Eh bakit hindi mo ginagawa sa ‘kin? Ang bait ko naman sa ‘yo ah. Kahit na alam kong maiinis sa akin si, Iris tiniis ko kasi inaalala kita,” saad niya. Natigilan naman ako. “Una, hindi kita pinilit. Kagustuhan mo iyon na gawin. Tarantadong ‘to, bakit inaano mo na ako ngayon? Sinasabi ko sa ‘yo Landon ha tumataas na naman ang blood pressure ko sa ‘yo,” in

