Tunay ngang kinabukasan ay nag-abot ang landas namin ni Iris. Nangigigil ako sa mukha niya. Hindi kasi ako iyong tipo ng tao na kapag may galit sa kapwa ay tatahimik lang. Magkamatayan na talagang makakatikim ka sa ‘kin.Magsi-swimming kami ngayon at bukas ng umaga ay uuwi na kami. Tumabi akong umupo sa kaniya. Kahit naka-bikini pa siya wala akong pakialam. Itinaas niya ang kaniyang suot na glass at nginitian ako. Nginitian ko rin siya in a plastic way. “You probably enjoyed your free stay here,” wika niya. “Of course! But I heard you have a problem with me,” sagot ko at nginisihan siya. Kaagad na unti-unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Uminom siya sa lemonade niya at nilingon ako. “Really? That’s absurd,” aniya. “Absurd ba kamo? Kaya ba tuwang-tuwa kang pag-usapan ako kasama

