Hindi ko alam kung gaano nga ba kayaman itong boss ko at nag-private jet kami papunta sa island na sinasabi niya. Nagulat nga ako nang makita ‘yon kanina. “Damhin mo ang kayamanan ko, Menchie,” aniya at ngumisi. Napaikot ko naman ang aking mata at mukhang mas mahangin pa sa sabad ng eroplano ang kahanginan sa katawan ng walang hiyang ‘to. “Tumahimik ka, mas malaki pa iyang bunganga mo kaysa pinto nitong jet,” sagot ko. Kaagad na umakto naman siyang nasasaktan at hinimas ang kaniyang dibdib. “Mench, I am your boss. Mukhang sumusobra na iyang pang-aasar mo sa ‘kin,” wika niya at nagpapaawa pa ng mukha. Kaagad na nagsitaasan ang balahibo ko sa sinabi niya. “Loko-loko ka yata eh, wala tayo sa trabaho. T’saka ginusto mong isama ako kaya pagtiisan mo,” saad ko. Tinitigan niya lang ako at

