Ang sabi ng damuho ay pupuntahan niya ako rito sa bahay at aalis kami mamaya. Mamaya pa naman kaya humilata na muna ako rito sa kuwarto ko. Knowing him wala iyong magandang gagawin sa buhay kung hindi ang inisin ako. Ilang saglit pa ay kumatok si mama. Kahit hindi siya magsalita alam na alam kong si mama ‘yon dahil sa katok niyang halos sirain na ang pintuan ng kuwarto ko.
“Menchie! May pogi rito sa labas sabi niya boss mo siya. Labasin mo na at nakakahiyang paghintayin hindi ka kagandahan,” ani mama. Kaagad na napakunot naman ang aking noo at tumayo. Mabilis na lumabas ako ng kuwarto ko at kaagad na nakita si Landon na nakadekuwatro pa habang nakaupo sa sala namin.
“A-Ano’ng ginagawa mo rito?” gulat kong tanong sa kaniya. Ngumisi naman siya.
“Hi Mench,” aniya.
“Pogi, saglit lang ha at kukuha lang ako ng maiinom mo. Nag-almusal ka na ba?” sabat ni mama.
“Actually, Tita hindi pa po eh, puwede ba akong makikain dito?” sagot niya. Kaagad na tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
“Ang kapal naman ng mukha mo!” asik ko. Kaagad na napangiwi ako sa sakit nang maramdaman ang pagkurot ni mama sa itaas na bahagi ng puwet ko. Plastik na nginisihan naman niya si Landon.
“Kahit habang-buhay pa pogi, puwedeng-puwede kang kumain dito,” aniya.
“Mama,” ungot ko.
Mabilis na hinila naman niya ako papunta sa kusina.
“Menchie, ano ba?” Pigil na pigil niya ang kaniyang boses na tumaas.
“Bakit mo naman sinasagot-sagot ng ganoon ang boss mo? Menchie ha, ang pogi nu’n at mukhang bagay kayo,” aniya. Kaagad na napangiwi ako ulit sa sinabi niya.
“Baka pagsisihan niyong sinabi mo ‘yan Ma, kapag nalaman mo kung anong klaseng lalaki ang damuhong iyon…” sagot ko. Kaagad na napapikit ako sa sakit nang batukan niya ako.
“Baka marinig ka, Menchie. Bibig ng babaeng ‘to kaya ka hindi nagkakajowa eh,” saad niya. Inis na tiningnan ko naman siya.
“Tingnan mo nga ‘yang suot mo. May butas pa ang damit mo pati jogging pants mo amoy abhong,” wika niya. Grabe talaga makalait itong nanay ko.
“Mabuti na lang at umuupo ang dibdib mo. Sige na, ibigay mo ‘tong juice sa boss mo at maghahanda ako ng agahan niyo. Tapos na kami kanina eh, maligo ka rin muna. May muta ka pa ano ba naman iyan? Bakit ba may anak akong sobrang pabaya sa sarili?” sambit niya at tila sobrang nai-stress na sa ‘kin. Nakakainis na rin minsang makinig sa mga talak niya sa ’kin kaya inagaw ko na sa kanya niya ang juice at dinala sa bugok este sa sala. Buwesit din ‘to eh sobrang panira ng araw.
Padabog na inilagay ko naman iyon sa center table namin.
“Oh, inumin mo hanggang sa malunod iyang baga mo.”
Sobrang naaasar ako sa pagmumukha ng damuhong ‘to. Aga-aga eh, ang usapan namin mamaya pang ten oclock eh alas-ocho pa ngayon.
“Ang suplada mo naman ang aga pa ah. May dalaw ka na?” aniya.
“Kung hindi ka pa titigil sa pang-iinis sa ‘kin baka ikaw mismo dalawin ko hanggang sa impiyerno,” sagot ko.
“Whoah! Hindi mo sure baka mapunta ako sa heaven,” aniya. Natigilan naman ako at napapikit. Mukhang kailangan ko na yatang maligo at sumasakit ang batok ko sa kaniya. Pakiramdam ko ay aatakehin ako sa high blood. Padabog na bumalik ako sa kuwarto ko at kumuha ng damit at sinamaan siya ng tingin. Nakita ko si mama na ngumingiti pa habang iniinit ang pagkain. Kaluluto niya lang nu’n kanina ngayon naman iniinit na. Napailing na lang ako.
“Menchie, kuskusin ang dapat na kuskusin ha,” paalala niya pa. Napaikot ko ang aking mata. Matapos ngang maligo ay lumabas na ako ng banyo at nakita na ang makapal ang mukha na nakaupo sa mesa. Mukhang sasandok na ng kanin. Padabog na naupo naman ako sa kaharap niyang upuan.
“Sabi ni, Tita magpakabusog ako,” aniya.
“Wala bang pagkain sa inyo ha?” pabalang kong sagot.
“Eh gusto ko ritong kumain eh.”
Hindi ko na siya pinansin pa at sumandok na rin ng sinangag at itlog t’saka may tapa. Nagkamay lang din ako. Ngayon ko lang din napansin ang mga mahahalagang plato at kusara tinidor ni mama na nilalabas lang tuwing may piyesta. Ang swerte talaga ng damuhong ‘to.
“Turuan moa ko magkamay,” aniya.
“Wala akong time, next time na,” sagot ko. Bumusangot naman siya. Nagpatuloy siya sa pagkain at hindi siya maarte buti na lang. Okay naman sana ‘tong damuhong ‘to eh kung hindi lang malakas mang-asar.
“Sarap na sarap ka sa pagkain naming mahihirap ah, buti hindi ka maselan sa pagkain,” komento ko. Ngumisi naman siya. May tumakas pang isang butil ng kanin sa pisngi niya kaya natawa ako.
“Masarap naman ang pagkain niyo ah t’saka hindi ako mapili. Kumakain nga ako ng fresh oysters eh,” aniya at may tinatagong meaning. Kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko. Ang sarap niya talagang tadyakan minsan. Wala sa hulog kung sumagot. Mukhang napasma yata ang bibig sumama ang utak.
“Sabagay halata naman sa mukha mong patay-gutom ka,” sagot ko.
“Nagsalita ang hindi,” sabat niya. Hindi na rin ako umalma dahil talagang pareho kaming matakaw sa pagkain. Ang kaibahan lang ay nagre-reflect sa katawan ko ang katotohanan. Eh siya naman ay ang ganda ng katawan halatang alaga sa gym.
“Hindi ako umuwi sa bahay kaya nakikain na lang ako rito. Tinatamad na ako eh. Ayaw ko rin ng take out at hindi masarap,” wika niya. Sumubo pa nga siya ng tuyo at isinawsaw iyon sa pinakurat na suka. Napangiwi siya at mukhang naanghangan pa. Hindi ko siya ipagsasalin ng tubig. Ang suwerte niya naman kung ganoon lalo pa at nandito siya sa teritoryo ko.
“Sarap,” aniya at napahigop ng hangin. Natutuwa ako sa ekspresiyon ng mukha niya. Kahit na halatang naaanghangan siya sige pa rin. Humigop pa ang putcha. Uminom siya ng tubig pagkatapos at napangiti.
“Sarap! Busog na busog ako,” wika niya pa.
“Halata naman kasi hindi mo tinigilan ang kanin hangga’t hindi naubos,” sagot ko. Kinindatan niya lang ako. Tinapos ko na rin ang kinakain ko at inayos na ang pinagkainan namin. Wala namang alam sa paglilinis ang damuho kaya hinayaan ko lang siyang magmasid sa ginagawa ko.
“You have a really cool mother,” komento niya.
“Heh, kung alam mo lang,” sagot ko.
“Why? She’s cool, I can see that she loves you so much,” aniya. Ramdam ko naman iyon.
“Number one basher ko si, Mama,” wika ko. Natawa naman siya.
“I see, maybe she’s like that to have a long conversation with you. Dinadaan niya sa ganoon para may special interaction kayo araw-araw. It was just the surface pero sa likod nu’n paniguradong she cares for you so much,” saad niya. Natigil naman ako sa ginagawa ko at nagulat ako sa pinagsasabi niya.
“Akalain mo ‘yon at may kuwenta rin pala ang ibang sinasabi mo,” mangha kong sambit. Kita ko naman ang pagngisi ng loko.
“Of course! My mother is like that too. T’saka hindi ko rin masisisi na ganoon ang mother mo dahil totoo naman ang sinasabi niya. You really should look into yourself dahil mahirap na magkasakit,” aniya.
“Sinasabi mo bang mataba ako?”
Ngumisi siya at itinaas ang daliri.
“A little bit,” aniya. Inis na winisikan ko naman ng tubig ang mata niya. Humalakhak lamang siya na para bang sobrang tuwa niya sa ginawa ko.