HB-8

1345 Words
“Gusto mo bang sumama sa ‘kin?” Napakunot-noo ako at puno ng pagtatanong ang mukha. “May business trip ako pero local lang naman. Pupunta ako sa isang island at mahal doon. Puwede kang mag-feeling turista,” aniya. Tumikwas ang kabila kong kilay sa narinig. Pakiramdam ko ay pumalakpak ang taenga ko sa narinig. “Seryoso?” panganglaro ko. Tumango naman siya. “Since when did I lie to you?” sagot niya. Natigil ako sa ginagawa ko at itinaas ang aking daliri. “Ano ang pumasok sa utak mo at isasama mo ako?” usisa ko. Baka may masamnag binabalak ang loko. “Well, pupunta ang first love ko. I need to impress her, kailangan mo lang namang umakto na gusto mo ako para malaman niya na hindi sa kaniya umiikot ang mundo ko,” sagot niya. I can sense the bitterness. “May first love ka?” untag ko. “Oo naman, bakit ikaw wala ba? Oh! No wonder, sino ba naman kasi ang papatol sa ‘yo?” aniya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Sa inis ko ay naibato ko ang ballpen sa kaniya. “Tang-ina mo ah! Sobra-sobra na ang insultong ‘yan,” busangot kong wika. Natawa lamang siya at tinitigan ako. “You’re beautiful, Mench. Kung katawan ang pagbabasehan pasok na pasok ka sa mga type ko eh. Malaki ang boobs at puwet. Kabaliktaran ang first love ko, kilala mo ba si, Miranda Kerr? Ganoon ang beauty niya. Hindi mo kayang tapatan. Alam kong may gusto siya sa ’kin hindi niya lang maamin dahil natatakot siyang baka masaktan lang siya dahil sa babaero ako. Binasted niya ako noon kasi ayaw niya raw sa taong masiyadong obvipous na gusto siya. Through you, paniguradong magseselos siya kasi malaki ang boobs mo,” sagot niya. Kaagad na nangasim ang mukha ko sa paliwanag niya. “Ayos ka lang?” Inirapan naman niya ako. “Mench, this is between life and death situation.” “Kung ako ang babae paniguradong ganoon din ang gagawin ko. Iiwasan kita, para kang walking STD eh. Masiyado kang palakero at kahit sino wala kang sinasanto. Basta may malaking dede at puwet kinakalantari mo kaagad. Sino bang matinong babae ang papayag sa ganoong klaseng lalaki?” untag ko. “Mench, our world is different. She’s liberated and so am I. Sabihin mo lang naman kung payag ka o hindi para makahanap ako ng iba. Mukhang ayaw mo yata eh,” aniya. Natigilan naman ako at napaisip. “Sige, payag ako,” sagot ko. Ngumisi naman siya. “Mench, ano ang tingin mo kay Aidan? Hindi mo ba siya type?” tanong niya. Tumikwas ang kilay ko sa tanong niya. “Anong klaseng tanong ‘yan?” asik ko. “Bagay kayo eh, parehong matapang.” Napaikot ko ang aking mata sa sagot niya. “In fairness hindi naman siya iyong tipo na aayawan ng mga babae. Gwapo, matalino, hindi easy to get at Casanova malayong -malayo sa iba riyan. Isa pa matino at halatang responsible at may sense sa buhay,” saad ko. Kumunot naman ang noo niya. “So sinasabi mo hindi ako ganoon?” aniya. “Bakit? May narinig ka ba sa ‘kin na binigkas ang pangalan mo?” Umiling naman siya at ngumiti. Mukhang naginhawaan pa ang tukmol.Wala na yatang pag-asa ‘tong lalaking ‘to. “Maliban sa kaguwapuhan ko at katalinuhan sa negosyo wala ka ng mahihiling pa. Ganito lang ako Mench pero mabuti akong tao,” proud niyang sambit. Kahit papaano’y totoo naman iyon. Mabait si Landon kahit na mukha siyang mandurugas sa kanto pero joke lang. Guwapo talaga si Landon. Maliban sa kakuwanggulan niya ay okay naman siya. Mas malakas talaga ang appeal niya kaysa kay Aidan. “Baka matunaw na ako Mench. Ano na? May gusto ka na ba sa ‘kin?” tanong niya at tinaas-baba ang kilay niya. “Mukha mo!” sagot ko at bumalik na sa trabaho ko. Rinig ko naman ang pagtawa niya. Weird man pero hindi ko talaga nakikita ang sarili kong magustuhan si Landon. Para siyang best friend ko na napagsasabihan ko sa lahat. Iyong pakiramdam na hindi ako nag-aalangan sa mga gusto kong sabihin sa kaniya. Hindi pa nga umaabot ng isang buwan simula nu’ng magkatrabaho kami pero pakiramdam ko ay sobra-sobra na ang pagpapahirap niya sa ‘kin. Ang kapal ng mukha. Naiinis ako hanggang ngayon tuwing naiisip ang mga pinag-uutos ng loko-lokong ‘to. “Mench, kain tayo,” aniya. “Saan?” “Sa kainan?” pilosopo niyang sagot. Nakagat ko ang aking labi para mapigilan ang sarili kong masapak siya. “Umayos ka,” saway ko. “Saan mo ba gustong kumain?” tanong niya. Tiningnan ko naman siya. “Seryoso ka na tinatanong mo ako niyan?” Tumango naman siya. Sa mukha pa lang ng kolokoy na ‘to paniguradong hindi pa nakakain sa karenderya. “Kina Aling Tita’s,” sagot ko. Naguluhan naman siya. “Saan ‘yan? Masarap ba ang pagkain nila?” usisa niya. “Sobrang sarap, para ka na ring nakakain sa mga may Michelin star na restaurant,” seryosong sagot ko. Ang kaloob-looban ko naman ay gusto ng bumunghalit ng tawa. “Let’s go!” Kita ko ang excitement sa mukha niya. Kaagad na napangisi ako at inayos ang aking mga gamit. Lumabas na kami ng building at tinuturo ko sa kaniya ang daan. “Saan ba?” tanong niya. “Diyan sa kanto, sa may unahan pa,” sagot ko. Sumunod naman siya. “Oh, dito na,” wika ko. Tiningnan niya ang harap namin at kita ko ang pagkunot ng noo niya. Mukhang hindi kumbinsido dahil sa patanggal na rin ang tarpaulin ni Aling Tita’s kainan. “Is it safe here?” Inis na nilingon ko naman siya. “Paborito ko ‘tong kainan kung makapagsalita ka parang sinasabi mo na ring hindi ako hygienic na klase ng tao ah,” asik ko. Napakamot naman siya sa ulo niya at alanganing nginisihan ako. “Fine, let’s eat at gutom na ako,” aniya. Nauna pa nga siyang lumabas. Pagpasok nga namin sa loob ay napakaraming tao. Lunch time kasi. Kita ko pa ang pagtingin ng iilan sa amin. Lalo pa’t naka-suit itong kasama ko. Kinuha niya ang panyo sa kaniyang bulsa at pinahid sa kaniyang noo. Hinila ko na siya sa gilid at umupo na. “Ano?” “I can’t believe this, Mench! I literally feel so hot,” wika niya at nagpunas na naman sa noo niya. Napakainit nga naman dito sa loob. Pinaandar ko na ang wall fan at kaagad na naginahawaan naman siya. “Order ka na,” saad ko. Napatingin naman siya sa menu at kaagad na nilapitan kami ng serbidor. Sobrang pula ng labi at halatang nagpapa-cute pa kay Landon. Natawa naman ako nang makita ang pagngiwi niya. “Ano po ang order niyo Sir?” tanong ng babae. Itinuro lang ni Landon ang mga sinabi niya at ganoon din ang ginawa ko. Mukhang inubos pa yata ng mokong ang mga nakasulat sa menu nila. Ilang minuto nga ay nagsidatingan ang pagkain namin. Nakakahiya dahil parang patay-gutom itong kasama ko. Ang dami ng pagkain at kaagad na nilantakan niya iyon. Sarap na sarap sa espesyal bulalu ni Aling Tita’s. “What meat is this? So tender,” aniya at humigop-higop pa. tumutulo na ang pawis sa noo at leeg niya. Hindi na nga nakatiis at hinubad na ang coat niya. “Kalabaw,” tipid kong sagot at kumain na rin. Paborito ko ang sinigang dito. Magabi at maasim na may kunting sipa. “Really?” aniya at natigilan pa. Napalunok naman ako at tumango. “Bakit? Hindi ka kumakain ng karneng kalabaw?” tanong ko. “Hindi naman sa ganoon, hindi ko lang alam na masarap pala ‘tong gawing bulalu. I’ll recommend this recipe to our family chef,” aniya. Ako naman ang natigilan. “Palibhasa mayaman,” saad ko. Ngumisi lamang siya. “Mayaman na gwapo pa, ang perfect ko right?” sabat niya. “Nge.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD