HB-7

1822 Words
Wala akong trabaho ngayon dahil sabado kaya okay lang na magising nang matagal. Sa dami rin ng mga ginawa ko nu’ng nakaraan paniguradong sa loob ng isang buwan papayat ako. Ngayon nga ay naramdaman ko na ang paglo-loose-thread ng aking panty. Pero sa tingin ko rin naman ay sa katagalan na rin kaya unti-unti na ring nasisira. Nakatingin lang ako sa kisame ng bahay at iniisip ko pa kung ano ang magandang gawin ngayon. “Ate? Kakain na raw.” Rinig kong tawag sa akin ng kapatid ko. “Mamaya na ako, mauna na kayo,” sagot kong pasigaw at nagtalukbong ng kumot. Matutulog pa ako at alas-nuwebe pa lang naman ng umaga. Wala rin naman masiyadong gawain dito sa bahay dahil si mama kahit inborn mosang iyan ay masipag naman sa bahay. Bago iyon nakikipagchismisan sa iba ay sinisigurado niyang tapos na lahat ng gawain niya para walang disturbo. Ganoon siya ka-committed. “Ikaw rin, uubusan ka namin ng ulam,” aniya. Napaikot ko ang aking mata at kinuha ang aking cellphone. Nag-abot ang aking kilay nang makitang nag-friend request si boss sa ‘kin. May message pang nasa spam. “Accept my FR.” Ki-non-firm ko na lang para walang pagtatalong mangyari. Ilang saglit pa ay nag-video call siya. Sinagot ko na at wala akong pakialam kung may tuyong laway pa ako sa mukha at gusot-gusot ang aking buhok. Bahala siya sa buhay niya ano. Bumulaga naman ang mukha niya at nakangisi na. Kitang-kita ang mapuputi niyang ngipin. “Hi, Mench,” bati niya. Mukhang nagti-thread mill pa ang loko. “Oh? Ano’ng kailangan mo? Alalahanin mong sabado ngayon. Kung may iuutos ka ibang usapan na ha. May ekstrang bayad ‘to, tumatanggap ako gcash,” wika ko. “Fine, bilhan mo naman ako mamaya ng condom. Alam mo na ‘yong size, gusto ko naman iyong may polka dots na style,” sagot niya. Kaagad na natigilan ako at naigalaw ang aking panga sa sobrang inis. “Ano ka ba naman? Ang dami mong condom diyan bakit ako? Baka akalain ng mga tindera sa pharmacy isa akong kaladkarin na babae. Sumusobra ka na ha, iyang kalibugan mo ilugar mo nang maayos,” reklamo ko. “Five thousand sent na sa gcash mo,” derikta niyang wika. Kaagad na napangiti naman ako sa kaniya. “Mamaya nandiyan na,” saad ko at kumindat pa ang loko. “Sige na, iyang kalibugan mo sa susunod dyes mil na.” Pinaikot lamang niya ang kaniyang mata. Kagyat na napatingin naman ako sa muscle niya. Sinasadya niya pa talagang i-flex ang toned abs ng loko. “Nga pala, ang pambili huwag mong kalimutan. Hindi puwedeng sa five thousand ima-minus ang pambili. Linis na ang five thousand na suhol sa ‘kin sinuswerte ka yata,” reklamo ko. “Fine,” aniya at napairap pa. Ilang sandali nga ay nakatanggap na ako ng ten thousand sa gcash. “Ayan!” nakangiti kong sabi at pinatay na ang tawag. Nagsasalita pa siya eh. Paniguradong tatalakan na naman ako mamaya. Bumangon na lang ako at dumeritso ng kusina. Saktong patapos na silang kumain. “Oh? Akala namin mamaya ka pa?” untag ni mama. “May lakad ako Ma, inutusan ako ng boss ko,” sagot ko. Nagtatakang tiningnan naman ako ng kapatid ko. “Hindi ba sabado ngayon ‘te?” aniya. Nagsalin ako ng kanin sa plato ko at ngumuya. Saktong ang sarap ng ulam dahil daing na bangus at mainit-init na bulalu ni Tiyang Babing. “Kasi nga importante,” saad ko. “Baka naman iba na ‘yan ‘nak ha. Baka may jowa ka na hindi mo lang sinasabi,” tudyo ni mama sa ‘kin. Napairap naman ako. “Sa tingin mo ba Ma may papatol sa ‘kin?” tanong ko sa kaniya. Kaagad na natigilan naman siya. Mabuti pa ‘to si Papa tahimik lang pero tumatawa-tawa rin. “Marami ka namang manliligaw riyan ‘nak, bakit hindi mo subukang i-entertain sila?” sabat ni papa. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Kung ang ibang babae nagtatago sa mga pamilya nila dahil ayaw silang pagjowain, itong pamilya ko ibang klase. Halos ibenta na nga siguro ako sa mga single na lalaki rito sa ‘min para lang magkajowa ako. “Kung sila na lang Pa, mabuting huwag na,” sagot ko. Tumawa naman sila ni mama. Alam nilang hindi ko type ang mga tao rito. May mga maayos naman ang trabaho pero ang problema nasa pamilya. Mga mama’s boy at mata-pobre. Itong barangay namin, kapag professional ka ang tataas ng tingin nila sa ‘yo. Pero kung ultimo ka lang kahit pa labhan mo lahat ng damit ng kapit-bahay hindi iyan mai-impress sa ‘yo. Kahit pa minimum wage earner lang din naman ang mga anak nila at puro loan, mukhang kabaong na nga lang ang hindi naa-afford eh pero mataas talaga ang tingin sa sarili. Masiyadong mataas ang standard ng mga tao rito sa ‘min. “Korek Anak, huwag kang mag-settle sa mga lalaki rito sa barangay natin. Isipin mo, asa sa magulang, tambay, mama’s boy. Halimbawa kung makapag-asawa ka ng isa sa kanila, kawawa naman sila. Wala kang alam gawin sa bahay, maldita ka pa. Naku! Kung may anak akong lalaki tapos kaugali mo ang mapapangasawa mabuting huwag na,” ani mama. Kaagad na sinamaan ko siya ng tingin. “Mama naman,” ungot ko. Natawa naman ang kapatid ko. “Huwag kang tumawa riyan. Tawa-tawa ka pa,” inis kong saad. “Menchie! Ibaba mo nga ‘yang paa mo,” saway sa ‘kin ni Mama. Hinayaan ko na nga at kumain na ako. Pagkatapos ay naligo na at nagbihis. Pambahay lang ang suot ko at wala namang espesyal sa amo ko para magbihis ako nang maganda. Pinusod ko lang ang aking buhok at wala ng kung anu-ano pang inilagay sa aking mukha. “Oh, aalis ka na?” tanong ni mama sa ‘kin. Mukhang hindi pa yata kumbinsido sa suot ko at nakataas-baba siyang nakatingin sa ‘kin. “Opo,” tipid kong sagot. “Ano ba naman ‘yan, Menchie? Magbihis ka nga, may butas pa ang damit mo,” tarantang saad niya. Napapikit ako at inilingan siya. “Ma, uuwi rin ako kaagad. Hindi naman ako papasok ng mall. Sige na po at late na ako,” wika ko. Hindi na niya ako napigilan dahil mabilis ang kilos na pumara ako ng traysikel palabas. Kabaliktaran kasi ako ni mama eh. Kung si mama maalaga sa sarili niya ako naman walang pakialam. Nang makarating nga sa building ng condo ni Landon ay bumili na ako sa pharmacy sa gilid. Sinadya kong magsuot ng mask at hoodie para hindi makita ang mukha ko at sobrang nakakahiya itong ginagawa ko. Kita ko pa nga ang pagtaas ng kilay ng tindera. “Miss, siguraduhin mo ‘yang may polka dots ha,” saad ko. “May polka dots na glow in the dark din po kami, Ma’am,” aniya. Itinaas ko naman ang aking hinlalaki sa kaniya. “Much better,” sagot ko. “Ma’am, siguro ang hlig niyo sa activity ng jowa niyo no?” usisa niya. Nakaramdam naman ako ng init sa katawan. “Actually, virgin pa ako. Napag-utusan lang,” sagot ko. “Ay! Ganoon po ba?” aniya pero halatang hindi kumbinsido. Pakialam ko naman kung ano ang iniisip niya. Nagbayad na rin ako thru gcash at nagmamadaling pumunta sa unit ni Landon. Alam ko naman ang passcode niya kaya pumasok na ako sa loob. “Boss?” tawag ko sa kaniya. Walang sumasagot. Dumeritso na ako sa living room niya at napangiwi. “Ang walang hiya!” Nakita ko pa ang boxers niya sa gilid. Mukhang may bisita ang loko-loko. “Mench? I need the condom,” sigaw niya mula sa kuwarto. “Kunin mo rito letse ka!” sigaw ko pabalik. “I can’t, I’m naked,” sagot niya. “Tang-ina mo!” Pumunta na ako sa kuwarto niya at nanginginig na binuksan ang pintuan. Inabot ko ang plastic sa loob. Baka may makita pa akong hindi maganda. “Iabot mo naman, busy ako,” utos niya. “Letsugas ka! Kunin mo,” inis kong sagot. Ilang sandali pa ay nangalay na ang kamay ko. “Dito ko na ilalagay at uuwi na ako,” saad ko. Ilang sandali pa ay napahiyaw ako sa gulat nang hilahin niya ako sa loob. Mabilis na napapikit ako at umusal ng dasal. “Ilayo niyo po ako sa kapahamaakan. Hindi alam ng mga taong ‘to ang ginagawa nila,” mabilis kong sambit. Ilang saglit lang ay narinig ko ang hagalpak niyang tawa. Maingat na ibinuka ko ang aking mata at pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa hiya. Nakita ko si Aidan sa loob at nakaharap sa laptop niya. Tila gumagawa ng plan para sa renovation ng kuwarto nito. Nakataas ang kilay niya habang mamatay-matay naman sa tawa si Landon sa gilid. “A-Ahm…” “What? Ang dumi ng isip mo ha. Siguro iniisip mo may ka-s*x ako rito,” ani Landon. Kaagad na nag-deny naman ako. “Menchie, magbago ka na. Malala na ‘yan,” aniya pa at tawa pa rin nang tawa. Gusto ko siyang bayagan. “Eh sino ba naman ang hindi mag-iisip nang marumi kung pinabili mo ako ng polka dots na condom tapos makikita kong kayo pa lang dalawa ang nandito?” saad ko at napasinghap. Kita ko namang natigilan si Landon at si Aidan naman ay sobra ang pagkunot ng noo niyang nakatingin sa akin. “Don’t you dare,” banta ni Landon sa ‘kin. “Walang hiya! Boss, ano ‘to? May something sa inyo?” untag ko. “Bullshit!” mura ni Aidan at ang sama na ng tingin sa akin. “It’s not what you think, Mench. That’s gross,” komento ni Landon. Iniwas ko ang tingin kay Aidan dahil ang klase ng tingin niya ay sobrang murderous. Nilapitan ko si Landon at pinagsabihan nang mahina. Kasi naman ang guguwapo, ang lalaki ng katawan at ang tatangkad. “Sana naman kasi sinabi mo agad sa ‘kin para napaghandaan ko. Shocked ako ano ka ba? Supporter ako ng l***q community. Huwag kang mag-alala safe ang sikreto niyo sa ‘kin,” wika ko at kinindatan pa siya. Kita ko naman ang pagngiwi niya at tila constipated ang reaksiyon ng mukha. “Mench, I’m gonna p**e,” aniya at mabilis na tumakbo papasok sa bathroom niya. Napaisip naman ako. Bakit ganoon ang reaksiyon niya? Napatingin ako kay Aidan na sobrang maldito ang tabas ng mukha. “Quit with your dirty mind, you’re giving me goosebumps. He’s my cousin, and I’m pissed off,” aniya. Nagkibit-balikat naman ako. “Family stroke?” biro ko. Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa mouse kaya nawala ang ngiti sa labi ko at mabilis na nagpaalam na para makauwi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD