“Hoy oinky! Gising na, tuloy laway mo nakakahiya.” Napamulat ako at hinigop pagilid ang laway ko pero wala naman. Napatingin ako sa paligid at napangiti. Napakaganda ng paligid at luntian ang mga kahoy na nagsitaasan. “Maganda ba?” tanong ni Landon. Tumango naman ako at eksayted na kinuha ang aking camping bag. “Ako na,” saad niya at naunang umalis. Nagtaka naman ako at hindi na rin nagreklamo pa. Lahat kami ay paniguradong mag-e-enjoy rito. Kaagad na nilapitan kami ng staffs at pinapasok sa loob. May function hall sila kaya doon na kami dumeritso para na rin makaupo at making sa orientation nila. Mukhang masaya talaga ang team building na ‘to. I-tin-our pa nila kami sa buong lugar at may napakalaking ground sa paligid. Nakanganga lang ako at sobrang ganda. May maririnig ka pang hu

