Mabilis lumipas ang araw at naghahanda na ako para sa team building namin. Nagdala lang ako ng camping bag dahil isang retreat house ang pupuntahan namin. Medyo okay naman na ngayon dahil hindi na masiyadong bwesit sa buhay ko si Landon. Nagkajowa lang nagbago na. Pagdating ko ay siya namang pag-akyat ng mga kasamahan ko sa trabaho sa bus. Dumeritso na rin ako roon at pumuwesto sa likuran. Nang sa ganoon ay makaidlip din ako dahil puro magugulo at maligalig ang aming mga kasamahan. Sayang nga at magko-kotse lang pala si Aidan ngayon. Ayaw ko rin namang sumakay kasi nahihiya ako baka tuksuhin o gawin pa kaming sumsuman ng chismis. Ayaw ko rin namang mangyari iyon ano. Umandar na ang sasakyan at walang tumatabi sa ‘kin. Mas okay na rin para walang sagabal. Napatingin ako sa labas nang mara

