Nagising ako na walang kasama sa kuwarto at ayos na ayos ang aking higaan. Bumangon ako at lumabas ng kuwarto. Tiningnan ko sa sala pero wala siya. Tiningnan ko sa kusina at wala rin. “Umalis na kaninang umaga. Kung bakit kasi kapag nandito aawayin, kapag nakaalis na hahanapin,” ani mama. Napalingon naman ako sa kaniya na gulo-gulo ang buhok. “Ano’ng nangyari sa mata mo’t parang kinagat ng bubuyog?” “Nangati ako sa mumurahing eyeshadow ni Aling Delilah. Never na talaga ako manghihiram ng eyeshadow. Mukhang nilagyan ng alingatong sa sobrang kati,” aniya. Napailing naman ako. “May pasok ka ba ngayon?” tanong niya. Tumango naman ako. “Kahapon lang effective ang leave ko, t’saka isang araw lang,” sagot ko. “Sige na, maligo ka na at iinitin ko ang mga ulam kahapon.” Naligo na ako at

