Bandang hapon ay binilisan ko na ang aking kilos para makapaghanda na rin. May usapan kasi kami ni Aidan na mag-date. Naisipan kong ngayon na lang dahil wala akong trabaho. Okay naman sa kaniya. Nagsuot lang ako ng blue dress na hanggang ibabaw ng tuhod ko. Ngayong hindi na ako katabaan ay confident na akong magsuot ng mga ganito. Noon kasi ay para akong budbud. Naglagay na rin ako ng lip tint at polbo sa aking mukha. Inayos ko ang aking buhok at nag-perfume. Kinuha ko na ang aking maliit na bag at lumabas. Kaagad na nakita ko si Landon na masayang nakikipagkuwentuhan sa mga tambay namin dito at nagvi-videoki pa. “Whew! Mukhang ayos na ayos ka, Mench ah.” “Ganda mo na!” Napaikot ko naman ang aking mata sa pinagsasabi nila. Eh halos noon kung tuksuhin nila ako parang ako na ang pinakap

