Habang nagluluto ako ay nakatingin lang sa 'kin si Sir Landon. Hindi ko nga alam kung may sakit ba siya o ano kasi kanina pa siya nakangiti sa akin.
"What's your name again?" tanong niya sa 'kin.
"Menchie ho," sagot ko. Tumaas naman ang kilay niya.
"Maka ho sa 'kin para namang ang tanda-tanda ko na. Ano ba ang niluluto mo?" tanong niya at tumayo t'saka palapit sa kinatatayuan ko. Napatawag naman ako sa iilang santos dahil sa abs niyang tila lalabas na sa kaniyang tiyan.
"Itlog mo po," sagot ko.
"What?"
Nakurot ko ang aking sarili at inalis ang tingin sa bandang tiyan niya.
"I mean itlog po para sa inyo. Maraming bitamina at paniguradong babalik ang lakas niyo," sagot ko. Tumawa naman siya at sumandal sa counter.
"Mag-iingat ka sa pagluluto. Alam kong mas hot ako kaysa sa stove na nasa harapan mo. Daplis lang dapat ang pagtitig sa akin at baka mapaso ka," aniya.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya.
"Hindi ko po alam kung may lahi kayong electric fan eh. Pero sa tingin ko po ay ipinaglihi kayo sa bagyo. Napakahangin at delikado sa lipunan. Isang banta at talaga namang perwisyo sa lahat," komento ko.
Natigilan naman siya at tila hindi makapaniwala sa sinagot ko.
"Hindi ako guwapo? Bulag ka yata eh," aniya. Napairap naman ako.
"Hindi ko sinabing hindi ka guwapo. Guwapo ka nga ho pero balahura. Halatang chicks boy at wala sa hulog. Ang taas ng tingin sa sarili at bastos. Alam ko pong kanina mo pa tinitingnan ang puwet ko," wika ko sa kaniya.
Ngumisi naman siya at napailing.
"So, ayaw mo sa 'kin? Anyway laki ng puwet mo," tanong niya.
"Hindi kita type no. T'saka hello? Wala akong planong makialam sa mga kagaguhan mo in life. PA mo ako at gagawin ko ang trabaho ko. Hinire niyo na po ako at wala po kayong magagawa kung taklesa ako o ano. Binabalaan po kita habang maaga pa. Hindi ko isisiwalat sa mga babae mo in the future ang mga ginagawa mo basta hayaan mo akong sumagot at sabihin ang opinyon ko sa mga bagay-bagay na nakakapagpabagabag sa 'kin," saad ko.
"Did you just indirectly blackmailed me?" aniya at tila hindi makapaniwala. Nilingon ko naman siya.
"Ayaw niyo po ba?" tanong ko. He snapped his finger and smiled widely.
"I did the right choice," sambit nito at napahalakhak sa tuwa. Nagtaka naman ako. Akmang yayakap pa sa 'kin ang damuho nang mabilis na itinuon ko ang hawak na sandok sa mukha niya. Nanlaki naman ang mata niya at lumayo sa 'kin.
"Whoah! Easy!" aniya.
"No touch!" saad ko.
"Fine! I'm just happy okay? Ngayon lang ako nagkaroon ng PA na hindi nagkagusto sa 'kin. Panindigan mo 'yan and you'll have an increase monthly," aniya at umupo na.
Hinango ko naman ang fried rice at inilagay sa harapan niya. Kinuha ko na rin ang na-pritong sausage at itlog.
"Oh! Itlog mo," wika ko. Kaagad na tinaasan niya ako ng kilay.
"You saw my balls. Walang yellow ang balls ko at lalong hindi iyon maputi," aniya. Inis na naglagay ako ng juice sa baso at inilagay sa mesa.
"Oo na! Bwesit na 'to eh. Pinapaalala pa, walang nakaka-proud sa katawan mong kung sinu-sino ang nakakahawak at nakakatikim," asik ko. Natahimik naman siya. Napakurap naman ako at mukhang nagalit na yata. Napasobra yata ang sinabi ko. Tumigil siya sa pagnguya at itinaas ang dalawang thumb niya.
"That's f*****g hot Mench," aniya. Napairap naman ako at nakahinga nang maluwag.
"Hindi ka nagagalit kapag minumura ka o kaya nire-realtalk ka?" tanong ko.
"Mas nakagagalit kung niloloko ako. Ayaw ko ng sugarcoated words. Ako mismo ganoon kaya maganda sa pandinig na sinasabihan ako ng ganiyan. Isa pa, it's a compliment. It's not an insult to me. Isa lang ang ibig sabihin nu'n. Nasa akin na ang lahat. Lahat ng mga babae gusto akong tikman. They begged me for a taste. Ganoon kalakas ang charisma ko," aniya.
Napailing naman ako sa labis na pandidiri sa narinig.
"Proud ka pa na marami kang naikama? Paano kung magkasakit ka? Hindi ka natatakot?" usisa ko.
"Mench, don't worry. Alam ko nag-aalala ka sa 'kin but I'm fine," aniya. Napangiwi naman ako.
"Ang kapal, hindi ako nag-aalala sa 'yo. Ang iniisip ko lang paano kung magkasakit ka at mamatay? Eh 'di wala akong trabaho. Ganoon 'yon kaya huwag kang as if diyan," saad ko. Ke bago-bago kong trabahador tapos ganito lang magiging amo ko. Perfect na sana sa panlabas eh kaso bumawi naman sa pagkatuliling niya.
"I'm safe and protected. May condom naman and anyway hindi ako pumapatol sa mga babaeng you know. Siyempre may screening bago pumasa. Punta ka nga pala mamaya sa pharmacy sa baba. Bili ka condom size XXL and iyong neon and glow in the dark," wika niya. Lalo akong napangiwi sa sinabi niya. Walang hiya!
"May problema ba?" tanong niya at sumubo ng pagkain.
"Ang sarap ng sinangag. How did you cook this? Mas masarap 'to kaysa mga nakain ko sa mga restaurant," saad niya.
"Nilagyan ko 'yan ng maraming MSG. may after effect pa 'yan, mamaya puwede ka ng tumahol at kukusa iyang bibig mong maglaway," sambit ko. Kaagad na napaubo naman siya. Natawa naman ako.
"Joke lang!"
"The hell!" aniya at sinamaan ako ng tingin. Natawa naman ako.
"Paniwalain ka rin pala. Ang tanda na naloloko pa rin," komento ko. Bumusangot lamang siya.
"Mench, just don't fall in love with me. I like your personality already. I value first impression the most," seryosong sambit niya.
"Magkano muna sasahurin ko kada buwan?" tanong ko.
"Thirty thousand a month. Mag-i-increase pa lalo kapag naging maganda ang performance mo," sagot niya. Napatango naman ako.
"Okay."
Kunwari ay okay ako pero nagsisigaw ang utak ko sa tuwa lalo pa at ang laki ng 30K kada buwan.
"Ang gagawin ko lang naman ay sumunod sa lahat ng utos mo 'di ba?" panganglaro ko. Tumango naman siya.
"Mabuti na 'yong klaro at nagkakaintindihan tayo boss," dagdag ko.
"Maghugas ka ng plato. Pakilabhan na rin ang bed sheet ng kama ko. Pakipalitan na rin," utos niya at tumayo na. Napatingin ako sa sa kaniya nang makaalis siya. Okay rin itong trabaho ko. Panigurado easy na easy lang 'to sa 'kin. Pagkatapos ko ngang maghugas ay dumeritso na ako sa kuwarto niya. Ang gulo at amoy zonrox. Walang hiya eh ako pa talaga naglinis ng kalat niya.
"Mench!" sigaw niya. Mukhang nasa banyo yata.
"Bakit po?" sigaw ko pabalik.
"Pakihilod nga ng likod ko," aniya.
"Tang-ina mo!"
Narinig ko naman ang malakas niyang tawa sa loob.