The Unwanted

5159 Words
*School Bell Rings   Maiingay na estudyanteng tila kapapasok palang muli. Napakalawak na lugar ng unibersidad. At ang mga mahal na kaibigan na nabuo na rito. Napakasaya pa rin talagang magbalik sa paaralan. Tila nananabik rin si Angelou sa pagbabalik niya ng eskuwela makalipas lamang ang tatlong linggong semester break. Sa wakas kasi, malapit na siyang magtapos ng kolehiyo sa pangarap na kursong arkitekto. Tila tinatangay-tangay pa ng malamig na hangin mula sa malalaking puno sa paligid ang kanyang tuwid at mahabang buhok sa kanyang paglalakad patungong gusali ng kanyang kurso at dumiretso na ng kanyang silid aralan. Nananabik na rin siyang makita ang dalawang matalik na kaibigan na hindi niya rin nakasama noong bakasyon. Marahil siguro ay unang araw pa lamang muli ng klase, hindi muna nagturo ang kanilang propesora at sa halip ay hinayaan silang gawin ang gusto nilang gawin pagdating sa pagpapakita ng talento sa klase. Maraming nagpakita ng kani-kanilang talento ang mga kaklase ni Angelou, kagaya ng isa sa mga matatagal niyang kaibigan simula pa noong highschool na si Jessica. Kumanta ito kasama ang nobyong si André ng kanilang paboritong kanta at walang duda ang galing ng dalawa pagdating sa pag-awit.   "Ang galing mo talaga Jess, parang ang tagal kong hindi narinig ang boses mo."-Pagbati ni Angelou habang pumapalakpak pa. "Salamat."-Sagot din naman sa kanya.   Natapos ang oras para sa klase na ito na tila puro kasiyahan. Magandang panimula para sa kanilang magaaral. Naglabasan na ang mga estudyante matapos ang oras. Ang iba'y nagtungo sa ibang klase, ang iba'y para kumain.   "Uy girl!"-Pagkalabit ni Pia kay Angelou. "Hey?! Bakit ngayon ka lang?!"-Halos mapatalon siya para mayakap ang kaibigang matagal hindi nakita.   "So siya lang?!"-Bungad pa ni Mela na nasa likuran ni Pia. "Mela!"-Mabilis siyang nagtungo sa isa pang kaibigan mayakap din ito. "Girl, ikaw ah? Kamusta bakasyon sa Cebu?"-Tanong ni Pia. "Ah, hehe masaya naman. Napakaganda doon. Next time, tayo naman ang magbabakasyon doon!"-Natutuwang saad ng dalaga. "Sure! Tapos doon tayo sa magandang hotel --"-Mela "May rest house na kami doon. Mas makakatipid tayo?"-Pagsabat niya sa kaibigan na tila may kompiyansa. "May swimming pool ba?"-Pia Ngumiti lamang siya dito at tumungo bilang sagot. "Aaaah!"-Tili nung dalawa. "Perfect! After ng graduation, let’s go --"-Mela. "Cebu!"-Sabay na sigaw ng dalawa at nagtaas pa ng mga kamay nila. Labis ang pananabik ng magkakaibigan sa isa't-isa kaya tila hindi mauubusan ng mapaguusapan.   Sabay-sabay na naglakad ang tatlong magkakaibigan patungong park ng unibersidad upang makakain at makapagkwentuhan pa ng marami. Kahit pa may komunikasyon sila sa pagmamagitan ng mga social media, iba pa rin talaga ang magkakasama. Sa paglalakad nila sa unibersidad, nadaanan nilang nakatayo sa gilid ng silid nito si Lester. Ang long-time friend ni Angelou at maaari na rin sabihing matagal ng manliligaw ng dalaga. "Ange?"-Pagtawag nito sa kanya at napahinto naman ang magkakaibigan. "Oopsie?"-Bulong pa ni Pia na tila nag-iba ang aura. Tiningnan naman ni Angelou ang dalawang kaibigan na tila sinusuway ang mga ito.   Noon pa man, simula ng makilala nila si Lester, ay ayaw nila sa binata. Isa rin estudyante ng arkitekto ito kagaya ni Angelou. Fine Arts naman si Pia at Interior Design naman si Mela. Masyado daw weirdo at parang psychotic ang tingin ng dalawa sa isa pang kaibigan niya. Pero para sa kanya, ayos lang din naman kasama ang mukhang misteryosong binata. Hindi nga lang ito pala-kaibigan at madalas mapag-isa. Ayos naman itong kasama, ngunit may kung anong nararamdaman din si Angelou na kaweirduhan nito kaya naiilang siya dito. Marahil napakabait lang din nito sa dalaga kaya hindi niya ito magawang kutyain. Ngunit marahil iyon na din ang dahilan niya kung bakit hindi niya magawang magustuhan si Lester nang higit pa sa pagkakaibigan. Talagang kaibigan lang maituturing at maibibigay niyang pagmamahal rito.   "Oh Lester? Kamusta?"-Pagbati nito nung makapit kay Lester at magtagpo sila. Pansamantala niyang iniwan muna ang dalawang kaibigang babae sa hindi sa kalayuan. "I -- ikaw? Kamusta? Ang tagal mo yatang hindi nagparamdam? Talagang matindi ang pagbabakasyon mo ah."-Pag-uusisa niya kay Angelou na tila kinailang ng dalaga. "Ah -- eh, oo eh. Gusto ko lang talagang mag-take a break. Pati nga sina Mela at Pia, hindi ko kinokontak."-Marahang pinagsinungalingan niya ang tungkol dito sa binata dahil baka mag-isip ito ng kung ano sa kanya kapag nalamang sinasadya niyang hindi buksan ang mga emails nito sa kanya dahil ayaw pa niya itong makausap. Marahil, nananawa na si Angelou sa mga pag-uusisa nito sa kanya sa araw-araw at pakikialam sa buhay niya. Naisip lang din niyang hindi naman siya obligado sa taong ito dahil ni hindi naman niya ito nobyo.   "Ah ganun ba? Gusto mo sabay na tayong mag-lunch? Tara!"-Hahatakin na sana ng binata si Angelou ngunit nagmatigas ito bago nagpumiglas. "Ah ayoko! I mean, kasama ko na kasi sina Pia at Mela. Maybe next time."-Pinilit nitong ngumiti, pero halatado pa rin sa mga mata ni Lester ang pagkadismaya.   Nag-lunch ang tatlong magkakaibigan sa parke ng kanilang unibersidad at napansin din nilang narito rin si Lester at mag-isang kumakain. Nagtagpo ang mga mata nina Angelou at Lester ngunit kaagad na napayuko ang dalaga. Hindi naman napansin kaagad ng dalawang kaibigan niya ang binata dahil na rin sa pagkukwentuhan nito.   "Huy girl? Tulaley ka?"-Pagsita ni Pia. Napalingon naman si Angelou sa kanila. "Okay ka lang ba? Kain pa oh?"-Mela. "Tingin niyo? Magalit kaya sa akin si Lester sa ginawa ko?"-Pagiiba nito ng usapan. "Si Lester? Susme? Inaalala mo pa yung weirdong yun?!"-Pia. "Sabi naman sa'yo girl, dapat hindi mo na in-entertain ang lalaking yun. I don't feel him talaga!"-Mela. "Ano ba naman kayo? Mabait naman yung tao eh."-Pangangatwiran pa nito. "Mabait? More like ang scary niya kaya!"-Mela. "Alam mo yung kapag tumitingin siya sa sa'yo, para ka niyang kakainin!"-Saad pa ni Pia na para namang hindi maipinta ang mga reaksyon nila sa pagtukoy kay Lester. Simula palang kasi ay hindi na nila ito gusto para kay Angelou. "Sira talaga kayo!"-Tinatawanan nalang ni Angelou ang mga sinasabi ng mga kaibigan. "Basta girl! Distancia mi amigo ka na sa kanya! There's so many fishes in the sea! Ganda mong yan?! Don't settle for a less!"-Pagpapaliwanag pa ni Mela sa kanya na tila hinahaya ang kamay nito sa mga tao. "Yeah! I agree! Just take a look around!"-Pia. Dinamay pa ng dalawang dalaga si Angelou sa pag-ikot nito ng ulo at paningin sa mga tao sa buong parke.   Nagtuturo sila ng mga lalaking may potential daw sa kanilang paningin. Yung pang boyfriend material ika nga nila.   "Ayan! Ayun! Ang pogi ni kuya oh!"-Pia. "Ayun pa! Oh?! Ang gwapo girl!"-Mela. Para namang nagtuturo lang ng mga damit at sapatos sa mall kung makapagturo sa mga lalaki sa paligid ang malolokong kaibigan. Hindi mapigilan ni Angelou na matawa sa mga ito. "Ay? Ayun Ange oh!"-Pia. Sinundan naman ng tingin ni Angelou ang pagturo ng dalawang kaibigan. Dinala siya ng paningin nito sa may artificial pond sa gilid ng parke at may nakaupong lalaking tila nagbabasa ng hawak nitong libro. Sa hindi rin malamang dahilan, tila umaliwalas ang paningin ng dalaga ng makita ang lalaki. Hindi niya ito kilala, pero parang bago lang ito sa paningin niya. Kung sabagay, napakalaki ng university na ito kaya imposibleng magkita-kita lahat ng estudyante dito. . . . Matapos ang pagkain ay dumiretso na ulit si Angelou sa building ng course niya. Palagi naman siyang nauuna rito kaya nakakapagpahinga pa siya bago dumating ang propesor nila. Sa paglalakad ni Angelou patungo sana sa kanyang silid ay may nakabanggaan siya at nahulog ang kanyang mga gamit. Medyo maraming dalang gamit si Angelou dahil kinakailangan ito sa subject ng kanyang klase.   "Ay?!"-Pagkabigla nito.. "Sorry! I'm sorry!"-Pahingi nito ng paumanhin sa kanya. Kaagad namang yumuko si Angelou para damputin ang mga gamit niyang nagkalat at ganoon din ang ginawa ng nakabangga sa kanya. Kahit pa natatakpan ng makapal at mahaba nitong buhok ang mukha niya, nakikita nito ang ginagawang pagtulong sa kanya. "Sorry talaga, hindi kita napansin. Hindi rin ako nag-iingat."-Napatingin si Angelou sa nakabanggan at tila ikinabigla niya ito dahil ang nakabanggan niya pala ay ang lalaking nakita nila kanina sa may parke malapit sa pond at nagbaba. Panandalian niya itong natitigan at hindi niya mapagkaila ang paghanga niya sa binata. Gwapo ito kung tutuusin na hindi maitatanggi ngunit kailangan niyang maghunos dili dito. "Ah -- hindi, kasalanan ko rin. Hindi ako nakatingin."-Napatingin naman din ulit sa kanya ang binata at nginitian ito na tuluyang ikinagaan ng loob ni Angelou. "Saan ka bang room? Tulungan na kita?"-Pag-alok pa nito ng tulong sa dalaga habang hawak pa ang ilang gamit ni Angelou. "Nako hindi na! Dyan lang ako sa 404."-Pagkuwan ay kinukuha niya ang mga gamit sa binata pero hindi nito binigay sa kanya. "404?"-Bahagya itong natuwa. "Eh doon din ako eh. Wala pa kasing mga tao kaya umalis muna ako. Napaaga yata ako."-Dagdag pa ng binata na ikinatuwa talaga ni Angelou. "Talaga? Doon ka rin? So kaklase pala kita."-Nakangiting saad din naman ni Angelou. "Hm -- yep." Tila nabighani rin ang binata rito dahil kung tutuusin, napakasimple lang ni Angelou pero hindi rin maitatago ang angking ganda nito. Kahit pa hindi siya gumagamit ng mga make up sa araw-araw, ang natural niyang ganda ay sapat na.   Panandaliang nakaramdam ng pagkailang sa dalawa kaya natahimik sila sandali at tila nawalan ng sasabihin. "Ah -- David. I'm David."-Hinaya ng binata ang kanang kamay kay Angelou na tila ikinakabigla nito. "Ah -- Angelou! Ange nalang."-Galak niyang inabot din ang kamay ni David at nakipagkamay dito. "Si -- sigurado ka bang sa room ka na didiretso? Wala pa kasing tao doon eh."-Pagtukoy ni David sa klase nila. "Ah! Oo. Sanay na akong nauuna. Para may time pa akong makapagpahinga o makapagbasa-basa bago magklase."-Paliwanag naman nito. Hindi naman na sumagot si David sa halip ay tinanguan niya ito na tila nag-aanyaya na.   Lingid sa kaalaman ni Angelou ay may isang taong nagmamasid sa kanya sa hindi kalayuan. Binabantayan ang lahat ng kilos at galaw niya kaya hindi siya makakaligtas sa pagbabantay nito. Tila makakasugat ang mga tingin nito sa kanila ni David. Nagpipigil ng galit kaya ang hawak na ballpen ang napagtuunan at nasira ito sa matinding pagkulom niya ng kamao. . . . Makalipas ang ilang araw, madalas nang nagkakasama sina Angelou at David bago o kahit tapos na ang klase nilang pinagsasamahan. Kapag walang kasabay si Angelou na kumain o pumunta sa kung saan, nariyan palagi si David para samahan siya. Pagkuwan ay nakilala na rin ito ng dalawang kaibigan na sina Mela at Pia. Halos hindi makapaniwala ang mga ito dahil namumukhaan nila si David na ang lalaking huli nilang naituro nga noon sa parke. Habang tumatagal ay nakikilala ni Angelou ang binata at tingin niya'y napakabait nito at mapagkumbaba. Napagtatanto niya ring karamihan ng mga gusto niya sa lalaki ay na kay David, lalong-lalo na ang dedikasyon nito sa pagaaral at masayang kasama. Simpleng tao lang din ito kung titingnan, pero kapag nakilala'y talagang hahangaan. At pakiramdam ni Angelou ay palagay na ang loob niya kay David. Hindi niya ito nakikitaan ng kawirduhan o nakaramdam man lang ng pagkailang. Nahihiya pa nga siya rito dahil napakabait pero may kakulitan din, na siya namang mas nagpahanga sa kanya.   Sa kabilang banda ng magandang samahan sa istorya, namumuo na pala ang galit at pagkaselos sa katauhang puno ng pagkaganid at pagmakasarili. Marahil nasasaktan lamang siya na ang atensyon ng taong matagal na niyang gusto ay nasa iba na. Walang sinuman ang may ideya kung paano magalit ang isang pusong nasasaktan. Wala. . . . Isang gabi, bago umuwi ng kanilang tahanan si Angelou, tumigil siya sa isang botique shop at nagbabakasakali ng maisusuot sa kanilang Graduation Ball. Masyado pang maaga para sa paghahandang ito pero wala ng mas nananabik sa kanya pa na dumating na ito. Lingid sa kaalaman ng dalaga, matagal ng may nakasunod sa kanya at nagmamatyag ng bawat kilos niya. Kung malalaman lang niya ito ay dapat ng higit siyang mag-ingat.   Kinabukasan ay nagulat ang karamihan sa unibersidad, lalo na ang klase nila Angelou at David dahil namatay daw kagabi ang propresora nila sa paksang ito. "Ano daw nangyari? Bakit namatay?"-Tila nagulat at nagtataka ring tanong ng kaklase niyang si Jessica. "Ang sabi, nagpakamatay daw sa depression. Pero hindi ba ang saya-saya pa natin kahapon kasi kinukwento niya yung mga experience niya daw noong college." "Baka naman may foul play? Nagimbistiga na ba?" Maraming tanong ang hindi masagot. Pare-pareho silang hindi alam ang biglaang pangyayari. "Kawawa naman pala si Miss Catacutan noh? Akala pa naman natin kahit single na siya for life, masaya na siya."-Tila nalulungkot pang saad ni Angelou sa katabing si David. "Madalas talaga ang mga tao, hindi nagpapakita ng tunay na nararamdaman dahil natatakot silang mahusgahan at akalaing mahina. Pero ang hindi nila alam, mas mahihina ang mga taong hindi marunong tumanggap ng katotohanan."-Pagliwanag pa ni David at tila humanga na naman sa kanya si Angelou. Napabuntong hininga na lamang si Angelou sa pagkalungkot.   "Girl! Nashoktay daw ang prof niyo? Why daw?"-Pagusisa ni Pia. "As in?! Totoo yun?!"-Mela. "Oo. Kagabi lang daw. Nagpakamatay yata."-Sagot naman ni Angelou sa kanila. "Ay? Kawawa naman naman."-Pia. "Paano daw namatay?"-Mela. "Nagbigti daw eh. Kaninang umaga lang na-recover ang katawan sa kwarto ng bahay niya."-Sagot pa ni Angelou.   "Ay scary!" Sabay-sabay na pumasok ng banyo pang babae ang tatlo. Pumasok sa mga cubicle sina Mela at Pia at naiwan naman sa may salaminan si Angelou para maghilamos.   Mariin lamang siyang naglilinis ng mukha. Dinadama ang bawat dampi sa kanyang makinis na balat ang malamig na tubig at tila napapakalma nito ang buo niyang pagkatao. Sa pag-ahon ng ulo niya ay natapat siya sa salamin at tila napansing may taong nakatayo sa b****a ng banyo. Pinagmasdan pa niya ito ng mabuti at lalapitan pa sana pero lumabas na ang mga kaibigan niya na tila ikinagulat niya pa ang paghawak nito sa balikat niya.   "Ugh!"-Tila kumabog ang dibdib niya. "Bakit? May problema ba?"-Tanong ni Mela sa kanya. Umiling ĺang siya rito. "Una na kami ah. May klase pa ako."-Pamamaalam ni Pia. "Ako rin. See you around!"-Mela. "Bye.."-Mahinahong pagpapaalam din nito at binalewala nalang ang nakita. Pumasok na siya ng isa sa mga cubicle sa banyo. Napanatag sandali ang kanyang loob dahil narinig niyang bumukas ang pinutan ng banyo kaalamanang may makakasama na siya sa roon.   Hindi niya pansin ang bawat pagyabag ng mga paa nito. Narinig niyang nagtulak ito ng pinto sa di kalayuang cubicle. Marahil doon ito gagamit pero nagkamali pala siya na sa kasunod na katabi niya nagbukas muli ito ng pinto. Tila humahampas ang pinto sa mga paghampas nito. Dala ng pagtataka sa ginagawa ng kasama sa banyo, sinundan nito ang anino ng mga paglalakad at pinakinggang mabuti ang bawat pagyabag ng mga paa nito na papalapit sa kanyang pinaroroonan.   Tapos na siyang gumamit ng banyo pero hindi niya alam kung bakit tila hindi siya makagalaw rito. Naaninag niya mula sa ilalim ng pintuan ang anino ng taong pumasok. Pinagmasdan niya ito at tila nagtataka. Imposibleng namang intayin pa siya nito para lang makagamit dahil maraming bakanteng cubicle.   *Blag! Blag! Blag!*   "Aaah!"-Nagulat si Angelou at napasigaw.   *Blag! Blag! Blag!* Tila mas bumilis at lumakas ang pagkalabog nito sa pintuan ng cubicle at napasigaw muli si Angelou.   "Ano ba?! May tao dito!"-Galit niyang sigaw rito at tumigil naman ang pagkalapag sa kanya. Kahit pakalmahin niya ang sarili niya, hindi niya magawang huminahon. May kung anong takot siyang naramdaman. Kalaunan ay nakita niyang naglalakad na palabas ang nagmamay-ari ng anino at nang makalabas ito ng pintuan ng banyo ay kaagad siyang kumaripas ng takbo palabas din. Sinubukan niya pang hanapin kung sino ang may gawa nun sa kanya ngunit tila walang kung sino ang mukhang galing din sa pinanggalingan niya. Marahan namang huminahon na siya at pilit na inisip na baka napagkatuwaan lang siya kanina.   Makalipas pa ang ilang araw, mas napapadalas na rin ang pagsasama nila Angelou at David. Nagkakapalagayang loob na sila at kahit hindi pa nila maamin sa isa't isa ang nararamdaman, kitang kita naman ito sa mga kilos nila at pagaalala para sa isa't isa. "Uy, ayaw pang umamin! In love ka na dyan kay David noh?!"-Panunukso pa ni Mela. Nangingiti na lamang siya sa mga sinasabi ng kaibigan. "Pa-obvie ka teh! Pero infairness yang kay David ah, matalino at! Gwapo!"-Pia. "Common girls, we're just friends! Yeah, I admit that he's really a smart guy and -- gwapo nga. But --" "Pero may gusto ka na sa kanya?!"-Mela. "Aminin!"-Pia. Napatigil naman si Angelou dahil na-corner siya ng tanong. Tila kinikili siya sa mga ngiti niya at alam niyang kahit itanggi pa niya, hindi rin maniniwala ang mga ito sa kanya. "Uh .. Alright! Alright! You win! Yeah! I like him. May gusto nga ako sa --" "Aaaaaahhh!!!"-Nagtilian naman ang dalawang kaibigan na tila napansin ng ibang tao. "Ano ba kayo? Nakakahiya oh?!"-Pagsuway ni Angelou sa dalawa pero hindi ito nagpapigil sa kanya. "Tama na okay? Oo na. Gusto ko siya, pero! Hindi siya nanliligaw sa akin, okay?! Kaya wag kayong O.A dyan!" "Well, it doesn't matter! Obvious din namang gusto ka niya!"-Natutuwa pang saad ni Mela. "Speaking of the Dream Guy! Ayan na oh!"-Pagtukoy ni Pia sa phone ni Angelou na tumutunog. Nang silipin niya ay si David ang tumatawag sa kanya. Kaagad niya itong kinuha para sagutin pero lumayo muna siya sa mga kaibigan niyang maiingay. "Y -- yes David?"-Bahagya pa niyang tinakpan ang bibig. (Ange? Ah, kasi -- can I ask you something?) "Oo naman. Ano yun?" (M -- may makakasama ka na ba sa Grad Ball? Baka pwedeng --) "Sure!" Nagulat din ang dalaga sa bigla niyang pagsagot kay David. (Talaga? Payag ka? Thank you Ange!) Natutuwang saad naman ng binata sa kabilang linya.   Tila napagtanto ni Angelou na hindi man lang siya nagpapilit pero labis pa rin ang tuwa niya sa pag-aya sa kanya ni David. "Yeah. See you in class.."-Napakagat labi na lamang siya. (See you. Thanks again.) Matapos ng tawag ay tila hindi pa makapaniwala si Angelou sa mga nangyayari hanggang sa bigla siyang ginulat ng mga kaibigan mula sa likuran niya at napatili din siya kasabay ng mga ito. "Sabi sa'yo eh! Gusto ka rin niyan! Pakyeme pa kasi!"-Pia. "Magka-date sila sa Grad Ball, uyy! Baka dun na siya magtatapat?!"-Mela. At nagtilian ulit ang mga kaibigan niya. Napailing na lamang siya dahil sa kakulitan ng dalawang kaibigan pero aminado siyang kinikilig siya sa tuwing pinaguusapan nila ito.   Dumiretso na ng classroom si Angelou at nakapagtatakang wala pa rin roon si David. Tinext na niya ito at sinabi naman sa kanyang mahuhuli siya ng kaunti sa klase dahil may tinatapos pang proyekto. Nagbasa na muna siya ng libro at ng makaramdam ng antok ay pinagbigyan nito ang sarili. Malalim ang pagkakuha niya ng tulog na tila hindi na napansin ang taong papalapit sa kanya. Tumapat ito kay Angelou at marahang hinaplos ang ulo hanggang sa buhok nito. Gumalaw ng bahagya si Angelou ngunit hindi pa rin siya nagising. Kalaunan ay namulat na lamang ang dalaga sa ingay ng mga kaklaseng nagkukwentuhan na pala sa loob ng silid. Hindi na niya napasin ang oras at ang mga ito na dumating pero ang hinahanap ng kanyang mga mata ay wala pa rin. Si David. Tiningnan niya ang cellphone niya at wala man lang kahit isang tawag o text galing rito.   (I'm sorry Ange, nagkaproblema kasi sa project namin. Kinailangan naming tapusin kaya hindi na ko nakapasok kanina.) "Okay lang. Nakauwi ka na ba?" (Ahhmm.. Not yet. Nandito pa ako sa bahay ng kaklase ko. Ingat ka nalang sa pag-uwi mo ahh. text mo ako.) Tila natuwa naman ang dalaga sa pagaalala pa rin sa kanya nito. "Oo, sige." Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa basement ng building kung saan nakaparada ang sasakyan niya. Dapit hapon na at kakaunti na rin ang mga estudyanteng narito. Normal nalang ito sa kanya kaya sanay na siyang maglakad rito ng mag-isa kahit pa gabi na. Patuloy niyang itinungo ang kanyang kotse at nang makita ito kaagad niyang pinatunog para alisin ang alert. Ngunit bago pa man siya tuluyang makarating sa tarangkahan ng kanyang kotse ay may nahagip ng kanyang paningin na taong nakatayo sa gawing kanan niya katapat ng kanyang sasakyan. Napatingin siya rito at tila naweirduhan dahil nakatayo lamang ito at nakaharap sa kanya. Napabagal siya sa paglalakad na tila inaabangan kung kikilos ang lalaking nakaitim na pantalon at coat, itim na subrero, itim din ang takip sa mukha na mula bibig hanggan ilong nito at tanging mata lang ang nakikita pero hindi pa rin niya maaninag kung sino man ito. Nang napagtanto niya at tila may kung anong bumagabag sa kanya kaya nagmadali na siyang sumakay sa kanyang kotse at pinaandar ito palayo sa lugar na yun. Ngunit hindi pa rin niya maialis ang paningin sa lalaking nakatayo katapat niya at tila nakasunod ng tingin din sa kanya. Weirdness at takot ang nadarama niya ngunit pilit niya itong binalewala sa akalang isang weirdong tao lang ito.   Sa kabilang banda.. "Sige salamat Vid ahh!" "Oo sige. Kayo ng bahala diyan ahh. Uwi na ko!" Nagpaalam na si David sa mga kaeskuwela niya sa paggawa nila ng kanilang proyekto. Sumakay na siya sa kanyang sasakyan at pinatakbo ito patungo sa daan pauwi sa kanila. Bahagyang gabi na kaya madalim na ang lugar na kanyang tinatahak. Tila isang gubatin ito at iisa lamang ang kalsada palabas. Noong nagtungo sila rito ay hindi niya ito alintana dahil maliwanag pa, ngunit ngayon ay napagtatanto na niyang may pagkaliblib rin pala ang lugar na ito. Tila bakit ba niya naiisipang maunang umuwi sa mga kaklase niyang naroon pa at magiinuman. Hindi naman siya natatakot sa ganitong pagkakataon pero hindi niya rin maiwasan dahil liblib kung tutuusin ang lugar na ito. Tanging ilaw lang mula sa sasakyan niya ang nagbibigay liwanag sa kanyang dinaraanan. Sa pagtahak pa nga rito ay kamuntik na siyang makasagasa ng pusa ngunit mabuti na lamang ay malawak ang daan dahil nag-iisa lang siya rito at nailihis niya ito kaagad upang maiwasan ang hayop. Sa pagbaybay pa rin niya na tila nawala ang pangamba niya ng mga naaninag siya mula sa rear mirror ng kanyang kotse na ilaw rin ng sasakyan mula sa likuran niya. Kumampante na siya sa isip na may kasabay na siya. Ngunit tila napawi ito ng biglang humarurot ang sasakyan at iniwan siya sa daan. Tila nayabangan pa siya doon dahil para siyang pinakain ng alikabok kung kaya't binilisan niya rin ang pagpapatakbo na sa kanyang kotse. Hinahabol niya ang naunang sasakyan sa kanya na tila nagkatuwaan na niyang makipagkarera dito. Napantayan niya ito at bahagya siyang sumilip sa bintana para makita ang nagmamaneho ngunit masyadong madilim ang tinted window nito. Bumilis din ang sasakyang hinahabol niya at tila nagkarerahan nga sila. Nang mapalayo na ang sasakyang hinahabol ni David ay napaisip siya kung saan na ito napunta dahil nawala ang liwanag ng likuran ng sasakyan nito. Hindi na lamang niya yun pinansin ngunit sa pagmaamneho niya ay kamuntik na siyang bumangga sa nakaharang na kotse sa kalsada. Ang sasakyang hinahabol niya. Sa lakas ng pagpreno niya ay nagpaikot-ikot pa ang kanyang kotse sa kalsada. Natigil lamang ito ng matinding pagpreno niya na kamuntik pang tumama siya sa isang punong kahoy. Humangos siya sa nangyari. May inis at pagkatakang bumabalot sa kanya kaukol sa sasakyan yun. Gusto ba siya nitong patayin? Ika niya sa sarili.   Sinilip niya ang sasakyan at ikinabigla niyang umilaw muli ito at nagsimulang umandar at iniwan siya doon na parang walang nangyari. Ngunit mali ang akala niya. Nagbalik ang sasakyan at patungo ito sa kanya. Humaharurot ito at mabuti na lamang ay mabilis siyang kumilos at natanggal ang seat belt niya at saka tumalon paalis sa kotse niyang mukhang babanggain. At hindi nga siya nagkamali. Sinalpok ng sasakyan ito ang kotse niya at nayupi ang likurang bahagi nito. "What the --?" Galit niyang singhal pagkatayo niya sa kinasadlakan. Umatras ang kotse na napagtanto niyang bumubwelo patapat sa kanya kaya kaagad siyang tumakbo palayo sa kinakatayuan niya. Naiwasan niya ang rumaragasang sasakyan at bumangga naman ito sa isa pang puno.   "Common! Show yourself!"-Matapang niyang singhal.   Kalaunan ay bumukas ang sasakyan at may bumaba roong isang lalaking naka-purong itim ang suot. Kagaya ng lalaking nakita ni Angelou sa parking basement ng school building nila.   "S -- sino ka?!" Pasigaw pa ni David na nakatayo sa gitna ng kalsada at tila pinalalapit niya sa kanya ang lalaki. Dahil sa hindi niya maaninag ito at dahil na rin itim ang lahat ng suot, wala siyang maging ideya kung sino nga ang sira ulong gagawa niyan sa kanya.   Nakita niyang naglabas ng tubong bakal ang lalaki pero hindi siya natatakot rito. Nauna niyo itong sugurin ng suntok pero nasalag nito gamit ang kanyang tubo. Nagpangbuno ang dalawa ngunit tila dehado siya dahil may hawak itong tubo. Makailang ulit siyang nasisipa, nasusuntok at nahahampas ng tubo ngunit hindi siya nagpapatalo, nakakaganti naman din siya ng iilan ngunit malakas din ang lalaki. Nang mapabagsak siya sa lupa ay papasugod ng muli ang lalaki pero may nakapa siyang mahabang bagay na tingin niya ay maaari ng sandata. Bago pa man siya mahampas sa uluhan ng lalaki at naisalag na niya ang kahoy na napulot at nakipagmatigasan rito sa abot ng kanyang makakaya. Pumaibabaw na ang lalaki sa kanya sa ganun pa ring posisyon nila at tila nauubusan na siya ng lakas sa lakas din nito.   "Aaaargh!" Buong lakas niyang naitulak ang lalaki at napatilapon ito sa kalayuan. Kinuha niya ang tubong hawak nito para hindi na ito makalaban pa pero matigas ang lalaki. Sinugod pa siya nito at nasuntok. Bumagsak siyang muli at nakuha ng lalaking nakaitim ang tubo niya. Pumuwesto siyang hahampasin si David ngunit hindi ito natuloy dahil may biglang malakas na bumusina sa kanila. Sabay pa silang napatingin kung saan ito nagmula. Bumusinang muli ang sasakyang inilawan sila. Napaatras naman ang lalaking nakaitim na natatakpan ang ibabang bahagi ng mukha. "Aalis ka o pasasabugin ko ang ulo mo?!" Sigaw ng boses na may kaedarang lalaki mula sasakyang nakatutok sa kanila ang ilaw. Nanakbo naman ang lalaking nakaitim at nabitawan ang hawak nitong tubo. Nagtungo ito sa sasakyan niya at mabilis na pinaharurot. Sinubukan pang habulin ni David ang sasakyan para malaman at makaganti man lang ngunit nawala na ito.   "Ayos ka lang ba bata?" Napalingon siya ng kasunod na pala niya ang lalaking nagligtas sa kanya. Tumungo siya rito ngunit hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa kanyang pagatake. "Marahil magnanakaw yun, ikaw ang natyempuhan dito sa lugar. Mag-iingat ka sa susunod."-Dagdag pa ng lalaki. "Ma -- maraming salamat ho.." "Tsk tsk tsk! Kotse mo ba yang nayupi na yan?"-Pinagmamasdan ng lalaki ang sasakyan niyang tila nanghihinayang dito. "O --opo.." "Tulungan mo akong kabitan ng tali at nang mahila ng kotse ko sa pagawaan. Uli-uli bata, huwag na huwag kang hihinto o lalabas ng sasakyan kahit ano pang mangyari ahh.. Ikamamatay mo yang katapangan mo ehh. Tss.." Sinunod niya ni David ang matandang lalaki. Ngunit sa pagaayos nila ay tila may napansin siyang ilang bagay na kumuha talaga ng kanyang pangsin. Isang larawan na nasa lupa. Ngunit hindi lamang ito basta isang larawan dahil ang nasa larawan ay si Angelou. Tila ikinabigla niya ito ng makitang mabuti ang larawan. Sumakay siya kaagad siya ng kotse ng matanda katabi nito matapos malagyan ng panghila ang sasakyan niya. Dumaan nga silang pagawaan ng kotse at iniwan na niya doon ang sasakyan niya. Malayo na sila sa liblib na lugar at tingin niya ay makakauwi na siya mula roon.   Tila napagtanto niyang hindi lamang siguro magnanakaw ang lalaking nagtangka sa buhay niya, marahil may ibang motibo pa ito sa kanya o kay Angelou. Kailangan niyang mabigyang babala ang dalaga. "Tara't maghapunan ka muna sa bahay namin. Naroon ang anak ko ngayon, nagluto daw siya ng masarap na ulam." "Hindi na ho, nakakahiya naman na sa inyo. Malaking tulong na ho ang nagawa niyo sa akin."-Pagkukumbaba pa niya. "Huwag ka ng mahiya! Baka kapag nakita mo ang dalaga ko ay dumalas ka pa sa bahay ko. Ha-ha-ha.."-Biro pa sa kanya nito na tila ikinabigla niya at kinailang dahil ang nilalaman na ng kanyang puso ay si Angelou lamang.   Nakarating sila sa simpleng bahay ng lalaki at tila naninibago siya. Pumasok sila rito at tinawag ng lalaki ang kanyang anak.   "Anak? Nandito na ako. May bisita tayo."-Sigaw pa nito.   Nagmamadali naman ang dalagang tinawag ng lalaking tumulong sa kanya at laking gulat nila ng magtagpo ang kanilang mga mata.   "Da -- David?!" "Ange?"   Pareho silang napatigil sa kinakatayuan.   "Ah -- anong ginagawa mo rito?"-Nabibigla pang tanong ng dalaga. "Ah --" "Oh? Magkakilala pala kayo?"-Sabat ng tatay pala ni Angelou. "Opo, pa. Siya -- siya po yung kaklase kong si David. Yung -- yung kinukwento ko po sa inyo.."-Tila nahihiyang saad ni Angelou sa ama. Nangiti naman ang kanyang ama at inakbayan si David. "Ahh.. Ikaw pala ang tinutukoy na lalaki ng akong dalaga ahh."-Tila natuwa naman si David sa nalaman. "Alam mo ba David, palagi kang kinukwento nitong anak kong si Ang-ge, mabait ka daw kaya --" "Ah papa, kain na po tayo!"-Natatarantang saad ni Angelou pero tila nangaasar pa ang tatay nito sa kanila. "Oh siya sige, tara manugang ay este!" "Papa?!"-Pagbabala niya sa kanyang ama at tinapik na nito si David na tila nabibigla sa kanila. "Ahh!"-Naramdam ng sakit ng katawan si David dahil sa mga sugat na natamo kanina sa pagtatagpo nila ng lalaking nakaitim. "Ayos ka lang ba?"-Pagaalalang tanong ni Angelou sa kanya at nilapitan siya nito. " Bakit ang dami mong gasgas? Naaksidente ka ba?" "Kamuntik na siyang mapatay ng magnanakaw kanina doon sa Kalye syete. Mabuti't nadaan ako doon. Pati kotse niya, napuntirya."-Sabat naman ng tatay nito. "Nag-report ka na ba sa mga pulis? Nakilala mo ba yung gumawa niyan sa'yo?"- Umiling lang siya sa dalaga.   Matapos nilang kumain ay nililinis na ni Angelou ang mga sugat niya. "Ihatid na kita. May dala naman akong sasakyan eh."-Saad ni Angelou habang nilalagyan ng band aid ang mga galos nito. "Hindi na. Hindi ka pwedeng umuwing mag-isa."-Mariing sagot naman niya rito. May dinukot siya sa kanyang bulsa at ipinakita ito kay Angelou. "Pi -- picture ko ito noong .." "Nakita ko yan kanina doon sa pinangyarihan ng pagsugod sa akin ng lalaki. Tingin ko, sa kanya yan at naihulog niya lang. Hindi ko alam, pero malakas ang pakiramdam kong may kinalaman sa'yo ang nangyari sa akin sa kanina."-Paliwanag niya rito. Napaisip naman si Angelou tungkol rito. Hindi niya alam ang dapat naireaksyon. "Nasa panganib ang buhay mo Ange, dapat kang mag-ingat.." "Pero bakit? Bakit ako?" "Hindi ko rin alam, pero mag-iingat ka. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may -- mangyari sa'yong hindi maganda." Masinsing saad niya rito at hinawakan ang mukha ng dalaga. Nagtama ang kanilang mga mata na tila nang-aaya ang bawat isa. Nagyakapan sila sa bugso ng kanilang mga damdamin. Siniid ni David si Angelou ng mariing halik at gayun din ang ginawa ng dalaga sa kanya. Tila hindi na nila napigilan ang nararamdaman sa isa't isa. . . . Sa nalalapit na Graduation Ball, lahat ng mga estudyanteng malapit ngmagtapos sa kanilang batch ay naghahanda na. Pasensya na rin sina Angelou at mga kaibigan niya at puspusan na ang paghahanda dahil ilang araw na lamang ay graduation ball na nila at ang kanilang pagtatapos sa katapusan din ng buwan. "Hindi ka masyadong handa na eh noh?" - Pia. "Lam mo yan!" - Mela At umirap lang ang kaibigan niya. "Ikaw ba Ange? May masusuot ka na ba sa Ball?" Tila hindi sila naririnig ng dalaga dahil kanina pa ito nakatingin sa kawalan at pag-iisip. Napansin naman niya ang mga kaibigan na tila nawi-weirduhan sa kinikilos niya. "Huy Ange!" - Sinadyang hampas ni Mela si Ange upang magising sa katotohanan. Napalingon naman ito sa kanila at hindi alintana ang ginawa ng mga kaibigan. "Oo?" - Nakakiti pa ito sa kanila na lalong hindi niya alam ang mga kaibigan niya. "Nakashabu ka ba? Umamin ka nga! Nakatikim ka na noh?" - Pagdududa pa ni Mela sa kanya. "Anong tatak ng katol na tinira mo at daig mo pa ang nasa alapaap?" - Pia. Ngumiti lang ulit si Angelou sa kanila. Huminga muna siya ng malalim na tila nagpipigil ng kasiyahan. "Gusto niya ako .." - Nakangising saad nito na tila kinikilig. "Sus.." - Mela. "Ano nga ulit ?!" "Gusto ka niya ?! Sino ?!" - Pia. Nginitian niya ulit ang mga ito ng matamis. "Ni David?!" - Sigaw pa ng dalawa na tila kinikilig din. Tumungo naman sa kanila si Angelou na lalong kinatuwa ng dalawa. "Aaahhh!!! So kayo na?!"-Mela. "Hmm.. Hindi?"-Angelou "Sus, ganun na rin yun! M.U!"-Pia. "Mutual Understanding?"-Angelou. "Magulong Usapan?"-Mela. "Malanding Ugnayan!"-Pia. At nagtawanan naman sila. Masayang-masaya naman ang dalawang kaibigan ni Angelou sa sinabi niya sa mga ito tungkol sa kanila ni David. . . . TO BE CONTINUED TO THE NEXT CHAPTER....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD