NIGHT OF GRADUATION BALL
Nakagayak ang lahat ng estudyanteng magtatapos para sa kanilang huling selebrasyon ng kanilang taon. Lahat ay nakasuot ng magagarang damit at tila lahat ay nakapustura na tila pa nagpapasiklaban sa gabing ito.
Kararating palang ni Mela sa unibersidad, lulan ng kanyang kotse ay ipinarada na niya ito sa may kalayuan ng gymnasium kung saan ginaganap ang kanilang party dahil marami ng kotseng nakaparada rito sa paligid.
"Ay ang hassle! Ang layo!"-Sambit nalang sa sarili ng mabagal na pinapatakbo ang kotse niya para makahanap ng paparadahan.
Bumaba kaagad siya ng kotse ng makahanap ng paparadahan at naglakad patungong gymnasium.
Hindi man niya namamalayan ang misteryosong lalaki na nilagpasan niya na matatalim ang mga titig nito sa kanya.
Sa labas palang ay rinig na ang malalakas na tugtugin at mga makukulay na ilaw na kumakawala mula sa loob. Nagkakasiyahan na ang lahat ng taong naroon at tila ayaw matapos ang gabing ito.
"Bakit ngayon ka lang?!"-Pasigaw ng tanong ni Pia kay Mela ng magkita sila.
"Walang maparadahan eh!"-Pasigaw ding sagot nito. "Si Ange?! Nandito na ba?!"
"Hindi ko alam!"-Pia.
"Heeey!!!"-Kahit pa malakas ang mga tutog, hindi pa rin papaawat ang mga boses nila. Lahat sila ay nakagayak ng magaganda lalo na si Angelou na mas lalong lumitaw ang kagandahan.
"Where's David?!"-Bungad nila rito pagkalapit ni Angelou.
"Dapat nandito na siya kapag tinawag ka as Queen of the Night!"
"He's on the way na!"
Bago pa man magsimula ang programa ay dinama muna nila ang pagkakataong makapagsaya sa party. Nagsayaw sila sa saliw ng mga magagandang kanta na tila hindi nagpapaawat habang umiinom ng cocktail drinks.
"Muntik na kitang hindi makilala sa ganda mo."
Tila kinuryente ang bahagi ng katawan ni Angelou ng marinig ang tinig na yun mula sa kanyang likuran. Kaagad niya itong hinarap at sinalubong ng matamis na ngiti.
"And I never thought you could be more handsome."-Ipinulupot niya ang dalawang kamay sa balikat nito at kumapit naman ito sa beywang niya upang mapaglapit sila.
"Hey?! Too early to get a room!"-Bulyaw ni Mela na tila nangaasar habang nakikipagsayawan.
Natawa lang ang dalawa na tila hindi nila alintana ang misteryosong lalaking nakamasid lang sa paligid.
Nang magumpisa na ang programa, lahat ng estudyante ay nakaupo na sa kani-kanilang mesa. Magkakasama naman ang apat sa isang mesa.
"Wala pa naman yung announcement ng winners, gora muna ako.."-Pagpapaalam ni Mela sa mga kaibigan.
"Saan ka?"-Angelou.
"Mag-C.R lang. Magre-retouch!"
Hinayaan na nila itong umalis at dumiretso naman itong banyo.
Walang ibang tao rito bukod sa kanya. Humarap siya sa salamin huminga ng malalim. Sinimulan niyang halungkatin ang bag niya ngunit tila wala roon ang hanap niya.
"s**t!"
Wala sa pouch niya ang lipstick na gamit niya ngayon kaya kinakailangan niyang bumalik ng kanyang kotse para kunin ito.
Naglakad siyang mag-isa sa kotse at pumasok sa driver's seat para hanapin ang kailangan niya.
Nang makita niya ito sa sahig ng kotse ay umangat na siya at humarap sa rear mirror ngunit laking gulat niya ng may nakita siyang tao sa likuran ng kotse niya kaya nag-panic siya.
Ngunit bago pa man siya makalabas ay nahuli na siya nito ng isang tali at sinakal sa kanya mula sa likuran.
"Aaaaaahhk!"
Sinusubukan niya itong pigilan. Sinusubukan niyang manlaban pero napakalakas nito sa kanya.
Walang anuma'y kumakapa siya ng maaaring mahawakan para gawing pang depensa at nahawakan niya ang kanyang brush pang make up at kaagad itong ipinansaksak sa ulo ng gustong pumatay sa kanyang hanggang matamaan niya ito sa mukha dahilan ng pagluwag ng pagkakasakal sa kanya.
Kaagad siya tumakbo papalabas ng kotse niya para makalayo.
"Ugh! Ugh! Help! Heeelp!"-Pagsigaw niya na pagbabakasaling may makarinig sa kanya.
Kinakapos siya sa paghinga at nauubo sa ginawa sa kanya. Hawak niya rin ang leeg niya habang natatarantang tumatakbo pabalik ng gym. Nabalian pa siya ng isang takong sa pagtakbo at nang mapalingon siya sa likuran niya ay naglalakad na kasunod niya ang lalaking nagtatangka sa buhay niya.
Lalo naman siyang nataranta sa takot at minadali ang pagtakbo hanggang makarating ng gymnasium. Ngunit sarado na pala ang pangunahing pinto nito at kahit anong kalampag niya rito ay walang makakarinig sa kanya para mapagbuksan siya.
Wala na siyang ibang pagpipilian kundi sa likuran dumaan. Dali-dali naman din niyang hinubad na ang dalawang sapatos upang makatakbo ng maayos.
Madilim at walang katao-tao sa likurang daan ng gym. Tanging mga lumang kagamitan ang madaraanan at madidilim na daanan.
Kahit pa naiiyak na siya sa takot ay nananaig pa rin ang tapang niyang makatakas sa taong yun. Sa pagmamadali pa niya ay sumabit ang laylayan ng kanyang magandang cocktail dress sa isang gamit at pinipilit niya itong tanggalin ng hindi gumagawa ng anumang ingay dahil naririnig niyang nasa malapit na ang lalaking humahabol sa kanya.
Sino kaya ito?
Bakit gusto siyang patayin nito?
Sa kagustuhang makaalis na ay buong lakas niyang hinila ito at natanggal nga ang damit niya ngunit ito'y nasira.
Muli siyang nanakbo palayo at bago pa man siya makaraan sa pupuntahan niya ay nasilayan na niya ang anino ng lalaking may hawak na tali papalapit sa kanya. Kaagad siyang natigilan at umatras.
Magkahalong takot at kaba na ang nadarama ni Mela at hindi malaman kung kanino hihingi ng tulong. Hulas man na ang itsura niya ay hindi niya ito alintana. Kinakailangan niyang makabalik ng party ngunit hindi niya kabisado ang pasikot-sikot rito.
Dahil sa wala ng matakbuhan, nagtago na lamang siya sa pinaka maaaring pwede niyang taguan. Hindi nagtagal ay papalapit na ang lalaki na tila hinahanap siya nito.
Tinakpan niya ang sariling bibig at nagpipigil ng paghinga upang hindi lumikha ng anumang ingay.
Hindi man niya mawari kung bakit nangyayari ang mga ito sa kanya pero takot na takot na siya. Halos nabibingi siya sa lakas ng mpagtibok ng puso niya at hindi niya mapigilang hindi hingalin.
Mariin siyang napapikit sa takot na baka makita siya nito sa likod ng nakatumbang mesa. Tanging mga kaluskos at yabag lang nito ang binabantayan niya.
Nang wala ng marinig na ingay ay namulat siya at muling sinilip ang paligid upang makita kung naroon pa ang lalaki.
Nang mapagtanto niyang wala na ito sa paligid, tila nabawasan siya ang kaba niya ngunit naroon pa rin ang takot na nadarama.
Walang ingay siyang lumabas sa tinataguan at umalis. Mabilis siyang kumikilos kung maaari ngunit hindi maaalis sa kanya ang pangambang nariyan lang ito sa paligid.
Nang madaan sa may kadilimang hallway ay naririnig na rin niya ang ingay na nagmumula sa party at kaagad naman siyang nabuhayan at nanakbo patungo roon. Sa wakas ay ligtas na siya, sa isip niya.
Nang masilayang ang nakauwang na maliit na pintuan papasok sa party ay nanakbo siya rito. Ngunit –
Ngunit bago pa man siya makalapit ng pinto ay tila may sumabit at pumulupot sa kanyang leeg na manipis pero matibay na wire at nasakal siya nito ng mahigpit.
Sinubukan niyang kumawala at tanggalin ito pero napakahigpit ng pagkakakapit sa leeg niya. Sinubukan niya ring sumigaw habang nagpupumiglas pero hindi na ganoon kalakas ang tinig na lumalabas sa kanya.
Nahihirapan na siya makahinga, halos naiipit na rin ang lahat ng ugat sa leeg niya dahilan ng halos mamutok na ang itsura niya. Pati na rin ang pamumula ng mga mata niya.
Kahit anong pagpupumiglas niya ay tila wala siyang magawa. Kalauna'y bigla na lamang siyang umangat sa pamamagitan ng wire sa leeg niya.
Inaangat siya nito ng pagkataas-taas at ang may gawa ng tila bitag na yun ay ang lalaking nakaitim. Hinila niya si Mela sa leeg at hinayaang nakatiwakal sa kawalan.
.
.
.
"Have you seen Mela?"-Pagaalalang tanong na ni Pia.
Nagkibit balikat ito. "I thought she went in the washroom?"-Angelou.
"I'll go look for her."-Tumayo ito.
"Please come back here, ia-announce na ang winners."-Angelou.
"Sus! Hindi na ko mabibigla kung kayo ang mananalo. Mas magwawala ako kapag hindi kayo ni David ang mapipili!"-Pagbibiro pa nito.
Nagtungo na si Pia sa pintuan palabas ng gymnasium. Dumaan siya mismo sa maliit na pintuan kung saan dapat papasok kanina si Mela. Dumiretso siyang restroom at may mga naabutan pang iilan na kababaihan sa loob.
"Mel? Mela?"-Pagtawag nito. "Mela, nasaan ka ba?"
Inisa-isa niyang itinulak ang mga pintuan ng mga cubicle pero wala namang tao sa loob hanggang sa maitulak niya ang pinakadulong pinto ng cubicle at bumukas ito.
"Aaaah?!"-Tili niya sa nakita at napahawak pa sa dibdib niya.
"Hey?"-Tila nagulat din sa ginawa ni Pia na pagbukas.
"My gosh, get a room!"-Untag niya rito sabay irap. Nakita niya kasing may naghahalikang babae at lalaki sa loob nito.
*Tring!*
Tumunog ang phone nito na tika may nag-text at kaagad din naman niyang binasa.
Napangiti siya sa pagbasa nito dahil ang kasintahan niya ay pinapapunta siya sa badminton court room.
Kahit madilim ang paligid ay nilakad pa rin ni Pia patungo roon upang kitain ang nobyo.
"Baby? I'm here!"-Pagtawag niya ng makapasok sa napakalawak na court room.
Nakarinig siya ng pagkaluskos at kaagad niya itong sinundan.
"Hey? You wanna play huh?"
Wari'y hinahabol niya ang mga kaluskos at mga anino ng nobyo.
"Jake, baby. I'm tired na. Lumabas ka na nga."-Tumigil siya sa pagtakbo.
Narinig pa niya ang paghampas ng pinto sa inakalang pumasok ito roon. Sinundan pa rin niya ito hanggang sa makapasok siya.
"Jake? Please show yourself."-Saad pa nito habang hinahanap ng paningin niya ang kasintahan sa madilim na stadium sa taas ng buong court.
Naglakad siya hanggang sa maaninag niya ang lalaking nakatayo sa sulok at tila nagtatago sa gilid ng malaking tropy shelves pero kita ang kalahating parte ng katawan. Napangiti siya dahil alam niyang ang kasintahan ito sa ayos palang ng nakatayo palaging buhok nito.
"Where are you baby? I'm gonna squeeze your cheeks if I found you."-Pagkukunwaring biro pa nito pero dahan-dahan na niyang nilalapitan ang kasintahan.
"Gotcha!"-Bigla niya itong niyakap ng mahigpit. "Hahaha! Akala mo ha?!"-Natutuwa pa nitong saad. "Oh?!"
Bigla na lamang silang bumagsak na nakapatong sa kanya ang kasintahan niya na tila walang imik.
"Baby? Ang bigat mo kaya!"-Pilit niyang tinutulak palayo ang kasintahan pero hindi man lang ito nagalaw. "Jake?! Ano ba? Wag dito!"-Pagtawag pa niya rito pero balewala lang ito. Hinawakan at tiningnan niya ito sa mukha at mula sa aninag sa kakaunting ilaw sa labas ay naaninag niya ang mukha nitong nakapikit at walang malay.
"Jake?! Jake?!"
Pagtapik niya pa rito saka tuluyang naitulak ito paalis sa ibabaw niya. Muli niya itong inobserbahan at tila wala pa rin itong malay. Hanggang sa makita niya ang malaking pangingitim sa bandang noo nito at nang hawakan niya ay may dugong nasama sa kamay niya.
"Aaaaaahh!!!"-Napasigaw siya ng malakas. "Tulooong!"-Tila nagpa-panic siya at hindi malaman ang gagawin.
Tumayo siya at sumigaw muli ngunit wala namang nakakarinig sa kanya. Naiyak na siya sa takot sa nakita. Hindi niya malaman ang gagawin. Sinubukan niyang tawagan sina Mela at Angelou pero walang sumasagot sa dalawa.
Nagaalangan man siya ay nanakbo siya palabas ng stadium hanggang makalabas ng court upang makahingi ng tulong.
Nanakbo siya pabalik sana ng party habang sinusubukang tawagan ang mga kaibigan pero wala pa ring response ang mga ito. "Guys, please ans -- Oh God!"
Napahinto siya nang makita ang isang gwardya na naglalakad papasalubong sa kanya. "Kuya?! Kuya!"-Nilapitan niya ito na tila di pa rin siya nakakalma.
"Oh bakit? May problema ba?"
"Kuya, kuya, thank God! Yu -- yung boyfriend ko po kasi --"-Hinihingal niyang saad. Napahawak pa ito sa braso ng gwardya. "Kailangan niya po ng tulong! Ma -- may nangyari po kasi sa kanya!"- Pagpa-panic pa rin nitong saad.
Dali-dali naman silang tumakbo ng gwardya at tinuro niya ang daan patungo sa badminton court kung saan niya iniwan ang kasintahan. "Dito po!"-Pangunguna niya sa daan kahit pa madilim ito ay may dalang flashlight naman ang gwardya.
"Dito po! Dito po siya --"- Tila natigilan siya ng makarating sila ng taas ng stadium at hinanap ng paningin niya ng iniwang kasintahang nakahandusay kanina sa sahig.
"Nasaan?" - Pagtatakang tanong pa ng gwardya na nililibot rin ang patingin sa madilim na lugar.
"Pero -- narito lang siya kanina! Bumagsak pa nga po siya sa akin eh!"- Halos nangingiyak na siya at naguguluhan kung bakit kanina'y naroon lang ang kasintahan niya ngunit ngayon ay wala man lang kahit anong bakas na may tao dito kanina.
"Kayo talagang mga bata oh! Alam mo 'ne kung nangti-trip ka lang. Tigil-tigilan mo ako! Nagtatrabaho ako ng maayos ahh!"- Tila pinapagalitan naman si Pia ng gwardayang hiningian niya ng tulong.
"Hi -- hindi ko po kayo niloloko! Totoo po ang mga sinabi ko. Narito lang po ang boyfriend ko kanina at may tama po siya sa ulo! Pero bakit --"-Naguguluhan pa rin niyang tanong kahit sa sarili.
"Hay nakong bata ka!"-Tila nairita namang lumabas na ng maliit na kwarto ang gwardya at naiwan pa rin doon si Pia na tila natutulala pa sa mga pangyayari. Hindi pa rin niya mabatid ang mga nangyayari.
Nang mapagtanto na niya ang mga kaganapang nangyari at siguradong sigurado siya sa mga nakita niya at kaagad niyang hinabol ang gwardya na kalalabas pa lang sa pintuan ng court. Napahinto siya sa mga b****a ng pintuan at tiningnan kung saan dumaan ang gwardya. Nang matanaw na niya ito kung saan naglakad at hahabulin pa niya sana pero bigla siyang natigilan dahil may biglang sumulpot sa gilid ng gwardya at hinampas ito ng may kahabaang bagay at mukha matigas dahilan upang mapasigaw at matumba ang gwardyang nasa hindi niya kalayuan.
Natigilan siya at nagulat sa nangyari. Napatingin sa kanya ang may gawa nito sa gwardya at ang lalaking nakaitim pala ito. Halos mahulog ang puso niya sa kaba at takot na nadarama ng lingunin siya nito. Nais niyang tumakbo ng matulin ngunit hindi man lang niyang magawang maiangat ang mga paa. Nangingig na rin siya at pawisan sa nangyayari.
Nanlaki na lamang ang mga mata niya nang mapagtantong kumikilos ang lalaking nakaitim papalapit sa kanya ay saka pa lamang niya naikilos ang mga paa niya papalayo sa kinkatayuan.
Humahangos man, diretsong tinatakbo lang ni Pia ang may kadilimang hallway sa gym at tila hindi malaman kung saan patungo. Bawat kwarto o pintuan na makita ay tinutulak niya para malaman kung bukas ba ito upang makapagtago.
Sa wakas, sa panglimang pinto niyang pagkapa ay bukas ito at kaagad na napatingin sa likuran kung kasunod niya ang lalaking humahabol sa kanya. Nang mapagtantong hindi na niya ito kasunod, kaagad siyang pumasok sa kwarto at isinara ito.
Nangingig man sa takot ang dalaga, nagagawa pa rin niyang magpigil ng pag-iyak dahil sa takot. Wala man siyang maaninag na kahit na anong liwanag sa loob ng silid na pinasukan, dahan-dahan naman siyang napapalakad paatras palayo sa pintuan. Kung sakali mang makita siya rito ng lalaking humahabol sa kanya ay hindi na niya malaman ang gagawin pa kaya kailangan niyang makapagtago kaagad.
Nang makarinig ng mga yabag sa labas ng pinto, kaagad siyang napatingin sa pintuan at naaninag na ang anino na huminto at tumapat sa silid kung nasaan siya.
Kaagad siyang naghanap ng pwedeng mataguan hanggang sa makapa niya ang isang aparador at doon ay pumasok. Hindi na niya alintana ang kung ano mang amoy mayroon doon basta makapagtago lang siya sa lalaking nakaitim.
Kalaunan ay bumukas ang pinto ng silid at alam niyang ito yung lalaking. Tinakpan pa niya ang bibig upang makasigurado na walang ingay siyang malilikha sa kasagsagan ng kanya pagkatakot at kaba.
Tanging pagyabag lamang ng lalaki ang nagsisilbing babala niya kung ito'y papalapit na sa kanya. Naririnig din niyang papalakas ang pagyabag nito at mukhang katapat na ito ng aparador na pinagtataguan niya. Hindi na niya malaman kung papaano pa niya hahabulin ang paghinga niya dahil nakatakip ang mga kamay niya sa bibig at ilong niya. Hangos na lamang ang tangi niyang magawa dahil kapag hinayaan niyang manginig muli ang isang parte lang ng katawan niya ay matatagpuan na siya ng lalaking nakaitim.
Ilang saglit pa ay naramdaman at narinig niyang humawak na ang lalaki sa hawakan ng aparador ng may biglang kung anong ingay siyang narinig mula sa labas ng silid. Tila nakapigil hininga siya sa bawat segundo hanggat hindi umaalis ang lalaki sa silid.
Nang maramdaman niyang tila pupuntahan ng lalaki ang ingay na narinig niya sa labas ng silid ay nakampante siya at nakahinga ng bahagya. Narinig niya ang mga yabag ng lalaki sa paglabas ng silid pati na rin ang pagsara nito sa pintuan.
Tuluyang nakahinga ng maayos si Pia at sa pagpahinga ng kanyang katawan may kung ano na namang bumagsak sa kanya na tila ikinabigla niya.
Hinawakan at kinapa niya ang bagay na dumagan na naman sa kanya at may bigla na lamang siyang naiyak sa takot na naman ng mapagtanto ang pamilyar na amoy na yun.
Alam niyang ang nobyong si Jake ang nakahandusay sa kanya sa loob ng aparador ngunit hindi pa rin niyang nagawang sumigaw o umiyak man lang ng malakas. Kaagad siyang lumabas ng aparador at lumabas ng silid.
Humahangos siyang muling tumakbo kung saan para makahanap ng tulong o para makabalik na sa party area nila. Naglakad siyang muli ng mabilis at maingat upang hindi makagawa ng inggay.
Bumalik siya sa hallway kung saan siya nanggaling hanggang sa naabutan niya ulit ang guard na nakahandusay sa hallway. Takot man ay nagawa pa rin niya itong hakbangan ng dahan-dahan. Pero -
"Ahhh!"-Tili niya.
"Tu - tulong iha."-Kinapitan siya nito sa binti dahilan ng kamuntik na siyang mawalan ng balanse.
Takot na takot siya at tila nagpa-panic na sa nangyari.
Pilit niyang hinatak ang binti upang makawala at kaagad siyang nanakbo.
Sa pagtakbo niya ay tanging sinusundan niya lang kung saan ang tunog mula sa party nila at nagbabakasakaling makatakas sa kamay ng lalaking nakaitim.
Nang may natatanaw na ilaw sa pintuan ng pagpasok, nagmadali na siya lalo at tuluyan ng nakapasok sa may party hall. Nakita na niya ang mga tao na nagkakasiyahan at tila wala namang nakakapansin sa kanya.
Ngunit bago pa man siya makalayo mula sa pinasukang pinto, kaagad siyang nayakap mula sa likuran ng lalaking nakaitim at binuhat palabas ng pinto. Kahit buong lakas siyang sumigaw at magpumiglas ay tila wala pa rin siyang laban dito. Tuluyang nagsara ang pintong iyon pagkalabas sa kanya.
“Where’s your girls?” – Tanong pa ni Davdi ng makalapit ulit sa kinauupuan nila kanina dahil kumuha siya ng maiinom pa sana nila.
“I don’t know. Sabi ni Pia susundan niya lang daw si Mela sa banyo, pero hanggang ngayon wala pa sila pareho.”-Laking pagtataka at pagaalala na ni Angelou kaya dinukot na niya ang phone ay tatangkaing kontakin ang mga ito.
Nakita niya ang mga missed calls mula sa dalawang kaibigan kaya tila may kung anong kumabog sa dibdib niya na hindi naman niya mawari.
“What’s wrong? Where are they?”-Tanong kaagad ni David ng mapansin naman ang reaksyon ni Angelou.
“They’ve tried to call me pero hindi ko nasagot eh. Hindi ko alam kung nasaan ba sila.”-Tila nagalala na rin si Angelou sa lagay ng mga kaibigan niya. Sinubukan niyang tawagan rin ang mga ito pero hindi sila sumasagot. “I need to find them. Baka mamaya may kung anong nangyari sa mga yun eh, hindi ko pa naman nasagot ang tawag nila.”
“I’ll go with you.”
Lumabas sina Angelou at David ng gymnasium at nagtungo ng parking area. Hinanap nila ang mga kotse ng kaibigan at napagtanto nilang narito pa ang mga ito na nakaparada kaya siguradong naririto pa rin sa unibersidad ang mga kaibigan. Sinubukan ulit ni Angelou tawagan at i-text ang mga ito ngunit hindi pa rin sumasagot ang mga ito sa kanya.
Ilang sandali pa ay nakatanggap ng isang text si Angelou at kaagad niya itong tiningnan.
(Back building)
Yan lamang ang nilalaman ng text na mula kay Pia.
“Back building?” – Pagtataka pa ni Angelou.
“Did they contact you?”
“Nag-text si Pia, sa back building daw.”
“Sa back building? Ano namang ginagawa nila dun? Nag-ghost hunting?”-Hindi rin makapanilang komento ni David.
“Puntahan nalang natin, baka kasi may nangyari din sa kanila eh.”
Nagtungo nga ang dalawa sa sinasabing back building kung saan sa likod ito ng gymnasium. Lumang building na ito at hindi pa ulit nagagamit dahi under renovation.
“Pia?! Mela?!”
Sigaw kaagad ni Anelou ng makarating sila sa entrance nito.
“Ange, be careful.”
Naglabas sila ng kanilang mga phone para gumamit ng flashlight. Tila wala namang bakas doon nila Pia at Mela ngunit hindi tumigil sina Angelou at David sa paghahanap sa abandonadong gusali.
“Mela! Pia! Nasaan na ba kayo?”- Pagtawag pa ni Angelou sa mga kaibigan ngunit walang kahit anong sumusagot sa kanila.
Hanggang sa nakarinig sila ng kalampag mula sa itaas ng building tila kinagulat nilang dalawa. Nagkatinginan pa sila at tila iisa ang nasa isip.
“Mela! Pia!”
Sigaw pa ni Angelou habang nagmamadali sila ni David na makapanik sa itaas.
Nakarating sila sa hallway ng second floor ngunit kagaya sa ibaba ay walang kahit anong bakas na naroon ang mga kaibigan. Naglakad sila para makapaglibot, iniisa-isa nila ang bawat silid para mahanap ang mga kaibigan. Si Angelou ay pumapasok sa mga silid sa gawing kanan, at si David naman sa kaliwa.
“This is not a fun hide and seek game.” – Saad pa ni David.
Sa magkabilaang side sila ng hallway at nagchi-check ng mga kwarto.
“Mela? Pia? Please! Nasaan ba kayo? Delikado dito eh!”
Nakarinig si Angelou ng kaluskos kaya kaagad siyang lumabas ng kwartong pinasukan. Hindi naman niya natanaw kung nasaan si David na kanina lang ay nasa katapat ng kwarto na naroroon siya. Hindi niya maaninag ang ilaw nito.
Narinig ulit ni Angelou ang kaluskos sa dulong gawi ng hallway at kaagad niyang pinuntahan.
“s**t! Pambihira ngayon pa na-lowbatt!”- Saad pa ni David dahil biglang namatay ang phone niya kaya nawalan siya ng ilaw. Kaagad siyang lumabas ng silid na pinasukan at napansin na tila walang ilaw na sa katapat na kwarto kung nasaan si Angelou.
“Ange?”- Pagpasok pa ni David sa silid kung saan naroon si Angelou kanina ngunit wala na ito roon. “Ange?!”
Tila nagalala naman na si David dahil hindi na niya makita si Angelou na inaakala niya na naroon lamang sa silid na yun. Nanakbo siya kung saan para mahanap ito. “Ange!”
Nakarating si David sa dulo ng hallway at palinga-linga dahil hindi pa rin niya matanaw kung nasaan si Angelou. “Ange!” – Sigaw niya pa at tila nagaalala na.
Ngunit pagkaharap niya kung saan sila banda nanggaling na hallway ay may biglang humampas sa ulo niya ng malaks kaya napabagsak siya.
“Argh!”
Bumagsak si David at tila nahilo siya sa lakas ng pagkakahampas sa ulo niya. Napatingin siya kung saan banda nanggaling ang humampas sa kanya at nakita nga niya ang lalaking nakaitim na may hawak na tubo.
Lumapit ito sa kanya at tila tiningnan pa siya nito. “Si – sino ka?”
Nanghihina niyang tanong pa rito at sinusubukan tingnan kung sino ba ito.
Nang tangka ulit siyang hampasin ng lalaking nakaitim ngunit nasalo niya ang tubo, at pilit na inaagaw ito ngunit malakas din ang lalaki at nakikipag-agawan sa kanya.
Sinipa ni David ang lalaki kaya napabitaw ito sa tubo at napaatras sa kanya.
Sinubukan makatayo kaagad ni David ngunit sinalubong naman siya ng suntok ng lalaki kaya nawalan na naman siya ng balanse at napahampas sa pader, nabitawan naman din niya ang naagaw na tubo. Nakakapit siya sa pader kaya hindi siya tuluyang natumba.
Sumugod pa ulit si David kahit pa hirap siya ngunit naiilagan lang siya ng lalaki. Kada pagsugod at tangka ni David ay doble naman ang balik sa kanya sa pagtama ng lalaki. Nagagantihan siya ng mga suntok at sipa nito kaya lalong nanghihina siya hanggangsa mapabagsak siya nito sa sahig.
“Please, don’t do this.” – Tila pakiusap pang saad ni David sa lalaki ng siya ay mapabagsak nito.
Hindi siya pinansin ng lalaki at tila nakuha nito ang tubo niya nanabitawan kanina. Lumapit siya may David at pinagitan ito sa mga paa niya. Minasdan siya saglit ng lalaki ngunit kaagad din siyang buong lakas na hinampas nito ng tubo.
Sa kabilang banda, nakita ni Angelou ang isa pang hagdaan paakyat sa third floor at kaagad niya itong inakyat. Nagaalala na rin siya kung nasaan si David. Tila nakakaramdam na siya ng takot ngunit mas nananaig kagustuhan niyang makita ang mga kaibigan.
Pagkaakyat niya sa palapag na iyon ay may napansin niya kaunting liwanag sa dulo ng hallway. Inakala naman niyang baka si David na ito. “David! Nandyan ka ba?”
Naglakad siya patungo doon hanggang sa makita nga niyang may kaunting ilaw sa silid nay un.
“David?” – Saad niya pa ng makadungaw na siya sa pintuan nito.
Ngunit laking pagtataka niya na wala naman rito si David at tanging maliit na ilaw sa dulo ng silid ang nakasindi.
Pumasok pa rin si Angelou rito para mai-check kung bakit mayroong ilaw sa silid na ito.
Nang makalapit siya rito ay nakita niya ang isang mesa na tila puno ng kung anu-anong bagay. Halos hindi naman siya makapaniwala sa mga nakita niyang nagkalat sa mesa na ito.
Puro mga larawan niya na ang iba ay may katagalan na. May mga kuha mula sa isang polaroid at ang iba ay printed o developed film. May mga stolen shots niya at mga mukhang kinuhaan siya na alam naman niya. Gayun din ang mga litrato ng mga kaibigan na sina Pia at Mela na magkakasama sila. Mayroon ding litrato ni David at kapag magkasama sila kung saan. Gayun din kapag kasama ang ama niya sa kung saan. Pawang mga stolen shot sa malayo ang mga ito.
Tinginan at hinalungkat ni Angelou ang lahat ng mga larawan na naroon at pawang siya lang at ang mga taong related sa kanya ang naroon. Nakaramdam siya ng takot at pangamba ngunit isang malking katanungan sa kanya kung sino ang mga kumuha nito at bakit siya ang tila subject nito?
Napansin pa ni Angelou sa harapan niya ang tila isang maliit na bulletin board. Inilawan niya ito gamit ang flashlight sa phone niya at tila napansin niyang mga litrato pa rin ito nan aka-pin doon.
Nilapitan ito kaagad ni Angelou at halos mapasigaw siya sa gulat sa mga nakitang larawan na naroon. Hindi naman niya napigilan ng hindi maluha ngunit napigilin niyang gumawa ng ingay sa pagtakip niya saglit ng kanyang bibig. Halos hindi siya makapaniwala sa mga naroon.
“Pia.. Mela..”
Halos hagulgol niyang sambit ng makita ang mga litrato ng mga kaibigan na si Mela na nakapatiwakal sa kung saan at si Pia na nakahandusay at duguan. Napagtanto niyang ngayon lang ito dahil isang film sa polaroid ang ginamit rito at ito ang mga suot ng mga kaibigan ngayon bago sila magkahiwa-hiwalay.
Nakita rin ni Angelou ang boyfriend ni Pia na si Jake na duguan sa litrato kaya hindi na niya mapigilang umiyak at tila takot na takot siya. Sino ang may gawa nito sa kanila?
Dahan-dahan siyang napapaatras sa board at napatama siya sa mesa kaya umuga ito ng bahagya. Tila nataranta naman siya at gusto na lamang niya makaalis sa lugar na yun.
Halos naghihikahos siyang makalabas na sa silid na iyon ngunit halos atakihin siya ngmakitang may lalaking tila dumungaw sa pinto at papasok kaya napatigil siyang bigla.
Tila napako naman ang mga mata niya rito kahit pa takot na takot na siya.
“Sino ka?!”- Kahit halos nanginginig na si Angelou sa takot ay sinubukan niyang tumingin sa paligid niya kung mayroon siyang makukuha o magagamit na bagay maari niyang pang protekta sa sarili niya.
Nang makita ang ilang putol na kahoy sa gilid ay nanakbo siya para makuha ang isa nito. “Hu – huwag kang lalapit!” – Pagtapat pa ni Angelou rito ng kahoy na nakuha.
Ngunit tila hindi siya pinapakinggan ng lalaking nakaitim na hindi pa rin niya maaninag kung sino ito dahil sa madilim pa sa pwesto nito.
Unti-unti itong lumalapit kay Angelou at napapaatras naman din si Angelou hanggang sa tumama ulit siya sa mesa.
“Sabi ng wag kang lumapit eh!”
Nahinto naman bigla ng lalaki sa katapat ni Angelou an tila minasdan siya nito.
“Sino ka? Ba – bakit mo ginagawa ito? Bakit mo pinatay sina Pia at Mela.” – Halos nangingiyak na saad nito sa lalaki. “Si David? Nasaan si David? Anong ginawa mo sa kanya?!”
Ilang saglit pa ay may tila inaabot ang lalaking nakaitim kay kay Angelou at napatingin doon ang dalaga.
Napansin ni Angelou na tila isang litrato ito at kaagad niyang kinuha ng mabilis.
Halos nanlaki ang mga mata niya ng makita kung ano ang nasa litrato. Si David na nakatali sa upuan at tila duguan ang itsura nito. Ngunit nakadilat pa ito kaya alam ni Angelou na buhay pa ang binata.
“Anong ginawa mo sa kanya? Nasaan siya?!”
Minasdan ulit ni Angelou ang litrato ni David at napagtanto niya na tila nasa rooftop ito ng building. Natahan siya at napatingin ulit sa lalaking nakaitim na hindi pa rin kita ang mukha nito dahil sa suot na hoody.
Mabilis nanakbo si Angelou palabas ng kwarto, at nang makalabas siya ay hinanap niya ang hagdan paakyat sa rooftop ng gusali.
Nanakbo kaagad siya paakyat roon. Hindi niya sigurado kung bakit tila hindi naman siya hinahabol ng lalaking nakaitim.
“David?! David?!”
Sigaw nitong pagtawag kay David ng mabuksan ang pinto sa rooftop. Nilibot ng paningin niya ng buong lugar at sa wakas ay nakita niya ang hinahanap.
“David!”
Nanakbo siya papalapit kay David na nasa dulo ng rooftop, ngunit napansin niyang tila nasa edge na ito ng sahig at nakakagat ito sa isang tali na tanging kapitan niya upang hindi siya mahulog ng tuluyan.
Umungol naman si David na tila nanghihingi ng tulong. Nakatali pa rin ang mga kamay at paa niya sa upuan at nakakagat lamang sa isang lubid na nakatali sa isang poste.
Nanakbo sa kanya si Angelou at kaagad siyang hinatak. Hinila siya ni Angelou palayo sa bingid ng pagkakahulog sa gusali.
“Ange! Get out of here! Iwan mo na ko!” – Saad naman kaagad ni David habang sinusubukan ni Angelou na alisin ang pagkakatali niya sa upuan.
“Not without you!”
“He’s dangerous. He’s running after you.”
“Do you know him?”
“No. But I’m sure siya yung lalaking nagtangka sa akin noong napunta ako sa inyo. Pinagtangkaan na niya akong patayin.”
“Why would he do that?”
“I don’t know, Ange.”
Natanggal ni Angelou ang pagkakatali kay David ngunit hindi naman ito makatayo ng maayos dahil sa mga tinamong sugat at tama mula sa pagkakabugbog sa kanya ng lalaking nakaitim.
Inalalayan ni Angelou si David sa paglalakad nila ngunit bago pa man sila makalapit ng pintuan ay nagbukas ito ng malakas at tila napahinto silang dalawa.
Lumabas doon ang lalaking nakaitim na may hawak ng tubo.
“Leave us alone!” – Sigaw ni Angelou
Dahan-dahan naman sila umaatras ni David palayo sa lalaki at ito naman ay unti-unting lumalapit sa kanila.
“Sino ka ba ha?! Bakit mo ginawa sa mga kaibigan ko ito? Bakit mo sila pinatay?!”-Halos nanggagalit na sigaw ni Angelou ngunit ni minsan ay hindi sila sinagot ng lalaking ito.
Napatingin si David sa likuran nila dahil nalalapit na naman sila sa may dulo ng gusali. Sira-sira rin ang rails na nakapaligid rito kaya wala man lang halos harang.
Natigil sina Angelou at David sa pagatras at natigil din sa harapan nila ang lalaki.
“Ako ba ang gusto mo? Sana ako nalang ang kinuha mo at sinaktan kaysa ang mga kaibigan ko!”
Dahan-dahan namang inabot ng lalaki si Angelou na kinabigla ng dalaga. Hinawakan niya ang pisngi nito at tila hindi naman nakagalaw si Angelou para makapalag man lang.
“Get your hands off her!” – Sigaw naman ni David at saka umalis sa pagkakakapit kay Angelou para maitulak palayo rito ang lalaki.
Napaatras ang lalaki ngunit kaagad itong nakaganti rin ng pagtulak kay David at si David naman ay halos bumaligtad pahulog ng gusali.
“David!!!”
Sigaw ni Angelou at hahabulin niya sana ito ngunit kaagad siyang nahablot ng lalaking nakaitim sa kanyang buhok para pigilan siya. “Argh! Bitawan mo ko!”
Nakakapit si David sa isang sirang rail at lumambitin siya dito kaya hindi siya tuluyang nahulog sa ibaba ng gusali.
Nagpupumiglas naman si Angelou sa lalaki ngunit mas lalo nitong hinihigpitan ang pagkakahawak sa buhok niya na halos indahin niya ang sakit. Nakapahawak din siya sa mga kamay nito.
Sa pagpupumiglas ni Angelou, bigla siyang sinampal ng lalaki ng malakas kaya napatumba siya sa sahig. “Ugh!”
Kaagad din siyang hinawakan ulit sa buhok nito at iniangat ang mukha niya rito ng malapit.
“Akin ka lang, Angelou. Akin lang.’
Saad nito sa kanya ng makalapit ang mukha nito sa kanya na siyang nagpakilabot kay Angelou.
“Bitawan mo ko!”
Nakapasabunot pa rin ito kay Angelou at kinakaladkad siya ng lalaki papalabas ng pinto sa rooftop. Kinakaladkad siya ng lalaki habang patuloy siya sa pagpumiglas at pagsigaw rito.
Sa pagpupumiglas niya ay tila may nahawakan siyang maliit ngunit matigas na bagay kaya kaagad niya itong kinuha at sinaksak ang lalaki sa binti nito.
“Argh!”
Napabitaw ang lalaki kay Angelou at kaagad siyang tumayo para makalayo. Ngunit mabilis din ang lalaki at nahablot pa rin si Angelou sa kanyang mahabang buhok. Mabilis din nito napaharap si Angelou at sinakal.
Nagpumiglas si Angelou at pilit na inaalis ang kamay ng lalaki sa leeg niya.
“Yah!” – Nakahanap naman ng pagkakataon si Angelou at natuhod niya ito sa ari na kaagad naman napabitaw sa pagkakasal sa kanya. Mukhang ininda ito ng lalaki at napayuko ito sa sakit.
Nakita naman kaagad ni Angelou ang nabitawang tubo nito at dinampot niya.
Pasugod na ulit ang lalaki sa kanya ngunit nahampas niya ito sa ulo na siya namang nagkapagpawalang balance kaya hinampas siya ulit ni Angelou at tinamaan naman siya sa katawan.
Tila napapaatras lang ang lalaki sa mga paghampas ni Angelou ngunit hindi ito bumabagsak.
Sa muling paghampas ni Angelou sa kanya ay nahawakan nito ang tubo na kinabigla naman ni Angelou. Ngunit hindi siya nagpatinag dito sa pakikipagmatigasan at agawan sa tubo.
Naalala ni Angelou ang pagsasaksak nito sa may binti niya kaya sinipa niya ang binti nito kung saan naroon ang saksak niya.
“Aargh!”
Ininda na naman ng lalaki ang ginawa ni Angelou at napabitiw nga sa tubo. Doon naman nagkaroon ng pagkakataon si Angelou na maihampas ulit ito sa lalaki at tinamaan ito sa mukha.
Tuluyang nawalan ng balanse ang lalaki at pumabagsak ngunit sira ang rails na nabagsakan niya kaya natanggal rin ito at tuluyang nahulog ito sa ibaba ng gusali.
Hindi naman din inasahan ni Angelou ang nangyari kaya hinabol niya pa ng tingin ito hanggang sa nakita niyang bumagsak na ito sa sahig. Nakahandusay roon ang lalaki at tila wala ng buhay.
Halos habulin pa rin ni Angelou ang hininga niya at hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari.
Kaagad niyang binalikan at tinulungan si David na nakalambitin pa rin sa rails. Inalalayan niya ito sa paglalakad.
“It’s okay now, he’s gone.” – Saad pa ni Angelou na tila natutulala nalang.
Nakababa na sila ng gusali at nakalabas. Nakatawag na rin sila ng tulong dahil natapos na ng Graduation ball nila. Maraming estudyante ang nasa labas na ng gymnasium at tila nakikiusisa pa rin ang iilan.
Dumating ang mga pulis at natagpuan ang mga bangkay ng kaibigan niya. Hindi naman mapigilan maiyak sa lungkot ni Angelou ng makita ang mga ito na nasa body bag at sinasakay sa sasakyan.
Niyakap na lamang siya ni David habang pinipigilan siyang umalis mula sa pagkakaupo nila sa likuran ng ambulansiya.
“Apat na bangkay po ang na-recover sa mga lugar ng krimen. Dadalahin pa po namin sila crime lab para maibestigahan.” – Saad ng pulis ng makalapit ito sa kanila.
“Apat? Apat lang?” – Tila hindi naman makapaniwala sila Angelou sa narinig. Napayuko nalang ang police officer sa kanya.
“Pasensya na po miss ngunit, walang bangkay ang na nakuha sa back building na sinasabi niyo. Tanging mga litrato at ilang murder weapon na nakuha namin para maibmbestigahan na rin.” – Paliwanag pa nito.
“Anong ibig niyo sabihing walang bangkay na nahulog doon? Nakita ko siyang nahulog mula sa rooftop dahil ako mismo ang humampas sa kanya kaya siya nahulog. Nakita ko siyang nakahandusay doon!’ – Tila nangingiyak namang paliwanag ni Angelou.
“Paumanhin ngunit, walang nakitang katawan na naroon. Nagsagawa na rin kami ng immediate manhunt ngayon ayon sa description niyo po ngunit mahihirapan tayong mahanap ang totoong salarin kung ni hindi niya namumukhaan.”
“Please officer, hanapin niyo siya. Baka balikan niya kami. Si Angelou.” – Pakiusap pa ni David.
“Ugh? He killed my friends. He tried to kill us!”
“Gagawin namin ang lahat para mahanap ito.”
Tila nangamba naman sina Angelou at David sa nalaman.
Hindi pa pala tuluyang namatay ang salarin. Hindi pa rin pala sila pwedeng mapanatag dahil baka nasa paligid na naman ito at nagiintay na naman ng tamang oras para atakihin sila at pagtangkaan na naman.
Hindi malinaw kay Angelou ang tunay na motibo ng lalaki pero isa ang sigurado niya, siya ang habol nito.
(One month later…)
Sabay nagbalik sina Angelou at David para dumalo sa tribute ng school nila sa ika-40 days ng mga kaibigang sina Mela at Pia. Gayun na rin ni Jake na boyfriend ni Pia, at ang gwardyang nadamay lang.
Nagdaos ng misa ang unibersidad na dinaluhan ng mga naging kaklase ng mga ito, ibang kaibigan at ang mga magulang nila. Sa huling pagkakataon ay sinariwa nilang ang mga biktima habang nabubuhay pa sila.
Matapos ang programa ay nilapitan ni Angelou ang mga magulang ng mga kaibigan upang makapagpaalam na. Niyakap niya ang mga ito at hindi niya mapigilang hindi maiyak ngayong tila habang buhay sa konsensya niya na siya ang dahilan ng pagkawala ng mga ito.
Ngunit sa hindi inaasahan, natagpuan ng mata niya ang isang pamilyar na tao. Si Lester.
Sa hindi kalayuan sa kanya ay nakatayo ito sa b****a ng pintuan at nakatingin rin sa kanya.
Tiningnan niya ito ng maigi ngunit napansin niyang tila may kakaiba na sa binata. May hawak rin itong tungkod.
Kung dati ay nginingitian din siya ni Lester kapag nagtatama ang kanilang mga mata, ngayon ay tila walang reaksyon ito kanya.
Lalapitan niya sana ito para kamustahin ngunit bigla itong tumalikod at umalis sa kinatatayuan palabas na ng lugar na iyon.
Napahinto naman si Angelou na tila hindi makapaniwala sa nakikita. Tila iika-ika si Lester sa paglalakad at sa bandang kanang paa nito ang may deperensya.
Bigla na lamang tumulo ang mga luha niya ng mapagtanto niya ito.
“Hey? Are you okay?” – Pagsita naman ni David ng makalapit kay Angelou na tila kinabigla ng dalaga.
Napatingin lang si Angelou saglit kay David at hindi mapigilan nito ang pagtulo ng mga luha niya.
Nanakbo siya palabas para masundan ang dating kaibigan na nakita.
“Lester!”
Pagtawag niya pa dito habang nanakbo siya palabas ng gymnasium kung saan ginanap ang programa.
Nakarating siya sa labas nito at tila hinahanap ng paningin niya ito. Maraming tao sa paligid ngunit ni isa sa mga ito ay wala si Lester na. Hindi na niya ito nahabol pa.
“Ange, what’s wrong?” – Tila humahangos pang tanong ni David ng habulin niya si Angelou.
Napasabunot si Angelou at patuloy na nililibot ang paningin. Napatingin siya saglit kay David at tila hindi malaman kung papaano ito sasabihin sa binata.
“He’s here.”
Tila nagtatanong pa ang mga tingin ni David ngunit mabilis din niyang napagtanto ang ibig sabihin ni Angelou kaya tila nagulat siya at nangamba na lamang.
The End…
All rights reserved 2015
Irah Punzalan (Koolkaticles)