Kabanata 9

1925 Words
Mukhang nadulas ang isang yun. Matagal ko ng pinaghihinalaan na pinapasok nila ang utak ko. Nararamdaman ko iyon dahil may gumugulo dito. Natandaan kong meron silang kapiraso nito. Hindi ko alam kung paano nila nagawa iyon. Kahanga hanga talaga ang Mreine. Madami silang kayang gawin. Kaya hindi ako masyadong nag iisip tungkol sa mga bagay bagay ay dahil alam kong nababasa nila at nakikita nila ang nasa isipan ko. Kinuha ko ang piraso ng utak ko at binulsa ito. Buti nalang walang tao dito. Tinignan ko ang screen may nakalagay ditong istraktura ng utak. Mukhang akin ito. Madaming nakalagay at hindi ko iyon maintindihan. Ngunit isang bagay lang ang naiintindihan ko, iyon ay ang nakasulat sa screen na, 'Iris discovered this thing' Yan ang nakasulat. Sa hindi malamang dahilan, nabura ko ang lahat ng data ng computer. Tumingin ako sa paligid at nakita ang isang CCTV. Mukhang may isa pa akong kailangang trabahuhin. Lumabas ako dito, at nagpunta sa control room na nandito din sa floor na ito. Gulat na gulat ang isang lalaki ng makita niya ako. Alam ko namang inaasahan niya ang pagpunta ko dito dahil nakikita niya ang mga galaw ko. Lumapit ako sa kaniya at sinara ang pintuan. "Get off." Sabi ko sa kaniya. Nanginginig siyang tumayo at balak na sana niyang lumabas ngunit pinigilan ko siya. "Dito ka lang." Sabi ko, napasunod ko naman siya ngunit nanginginig pa din siya. Tinignan ko ang labing limang screen na may iba't ibang videos. Napansin kong ang kwarto ko lang ang walang camera. Dinelete ko ang lahat ng files. Tapos tumayo na ako sa upuan ko, at tinignan yung lalaking kanina pa nanginginig. Kung kaya kong gawin ang lahat, siguro kaya ko ding gawin to. Lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang ulo niya. Sana mabura ko ang memorya niya. Makalipas ang ilang minuto, wala pa ding nangyayari. Akala ko ba kaya kong gawin ang lahat? Bakit walang nangyayari? "A-anong gi-ginagawa mo, Iris?" Kinakabahang tanong niya. Nakatulala pa din ako habang nag iisip. I'm so disappointed. Akala ko ba, lahat ng bagay kaya kong gawin? Una, nasaktan ako sa ginawa nilang pag oopera, tapos ngayon, hindi ko magawang burahin ang memorya niya. Binitawan ko na siya at tumungo nalang, nakararamdam ako ng matinding kalungkutan. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari sa araw ko ngayon. Hindi maganda. Wala akong ibang pagpipilian. Alam kong mapapahamak ako kung hahayaan ko lang ang lalaking ito. Sinipa ko siya ng malakas, hindi naman siya pumapalag kaya pinagpatuloy ko nalang ito. Tinanggal ko ang contact lense ko. Nagconcentrate ako at ilang sandali lang, lumabas na naman ang liwanag galing sa mga mata ko. Binutas nito ang sahig. Saktong laki lang upang maitago ang lalaking ito. Binuhat ko siya at inihulog sa ilalim noon. Nakakita ako ng flashlight sa tabi ng screen ng computer kaya kinuha ko iyon at ginamit upang makita ang nasa ilalim. Nang makita ko namang may sahig doon. Tumalon ako dito. Hindi ko pwedeng patayin ang lalaki sa pamamagitan ng pagkulong sa kaniya dito. Inilawan ko ang paligid. Nagulat ako ng makakita ako ng mga gamit. May mga pagkain din. Mukhang dito nakatira ang lalaking to. Napatingin ako sa isang hagdanan. Nakakainis, may daan naman pala doon, nagpakahirap pa ako. Napakapalpak ko talaga. Kinapkapan ko siya. Wala akong nakitang cellphone kaya naghanap ako sa paligid ng pwede niyang gamitin upang tumakas o kaya upang humingi ng tulong. Kinuha ko ang lahat ng ito. Tinakpan ko muna ang butas na ginawa ng mata ko gamit ang natitirang debris. Hindi ko alam kung paano ko iyon nagawa ngunit ewan ko ba sa sarili ko. Nang masiguro ko na na wala ng tatakasan ang lalaking ito, umakyat na ako sa taas gamit ang hagdan at isinara ito ng tuluyan. Natapos din. Lumabas na ako at sinigurado ko na walang kahina hinala sa ginagawa ko. Nagtagumpay naman ako sa pagbalik sa kwarto ko. Makakapagpahinga na ulit ako. "Thyra?" Mukhang pagod ako dahil nakatulog pala ako kaagad. "Thyra? Nasaan ka?" Hinanap ko siya. Nasaan naman kaya ang babaeng yun? May klase nga pala ngayon. Mukhang hindi siya natutulog dahil wala naman siya sa panaginip ko. Wala akong ibang magawa kaya umalis nalang ako sa lugar na yun. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit hindi naman ako nababahala dahil alam kong nasa panaginip ko lang ako. "Athena Iris." Nabigla ako ng may tumawag sa pangalan ko. Alam kong hindi si Thyra iyon dahil iba ang boses niya. "Nasaan ka?" Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong makitang kahit na akong bakas ng taong nagsalita. "I'm everywhere." What the? Tumayo nalang ako at tumingin sa isang direksyon. Nakakita ako ng isang bahay. May naguudyok sa akin na pumasok ako doon. Kaya naglakad ako patungo sa bahay na iyon. "Maupo ka, Athena Iris." Naiirita ako sa paraan ng pagtawag niya sa pangalan ko. Masyadong hindi maganda sa tenga ang Athena Iris. "Sino ka?" Umupo ako kagaya ng sinabi niya. Mukhang madadagdagan na naman ang misteryo na iniisip ko. Kailan ba ito matatapos? "I'm your nightmare." Sabi ng boses na yun. She's my nightmare? Kung ganun, hindi ako natatakot sa kaniya. Dahil wala naman talaga akong kinakatakutan. "And you're in my dreams, Ms. nightmare." Natatawang sabi ko. "I can kill you right now, Athena Iris. Anytime." Sabi niya. Nginisian ko naman siya. Puro salita. Bakit hindi na nga lang niya ako patayin? "Then do it." Nakangising sabi ko. Natututunan ko na tuloy ngumisi dahil kay Ion. Tsk. Ilang segundo lang naramdaman kong may isang bagay ang papalapit sa akin. Am I having a battle with my nightmare inside my dream? Inilagan ko iyon. Nakita kong tumusok iyon sa isang pader. "Yun na yun?" Pang aasar ko sa kaniya. Seriously? "Are you testing me, Athena Iris?" Napairap naman ako. Kailan niya ba titigilan ang pagtawag sa akin sa buo kong pangalan "Stop calling me Athena Iris." Reklamo ko sa kaniya. "I won't." Napa 'tss' nalang ako. Makulit din pala itong si Ms. nightmare. Nagulat ako ng madaplisan ako ng isang kutsilyo sa braso ko. Nalibang niya ako dun huh. "Be careful." Natatawang sabi niya. Ang yabang. Kung nagpapakita kaya siya sa akin? Para mapatay ko na siya kaagad. Walang kwenta. Nag isip ako ng bagay na kaya kong gawin. Hindi ko gawain na ilagan nalang habang buhay ang mga bagay na pilit akong pinapababa. Walang magagawa ang pag ilag at pagtakbo ko sa mga bagay na tumutuligsa sa akin. Nandito ako ngayon sa panaginip KO. Ibig sabihin pag aari ko ang lahat ng bagay na nandito. Kaya kong kontrolin ang mga pangyayari base sa kung ano mang naisin ko. Mukhang alam ko na ang gagawin ko. "Ms. nightmare," Tawag ko sa kaniya. Narinig ko naman ang pagtawa niya. "Seriously? Ms. nightmare talaga?" Sabi niya habang tumatawa. "Where exactly are you?" Tanong ko sa kaniya. "I told you, I am everywhere." Napangisi na naman ako sa sinabi niya. She's everywhere huh? Pinikit ko ang mata ko at inisip na may hawak akong isang baril. I know I can do it. I'm in my world right now. Pagkadilat ko, narandaman ko ang isang bagay sa kamay ko. Hindi ako pumalya. She's everywhere, kaya naman binaril ko ang lahat ng bahagi ng bahay. Narinig ko din ang mga daing niya. "Ayan ang problema sa taong nasa 'kahit saan'" Sabi ko sa kaniya. Nakakita ako ng mga dugong umaagos sa pader ng bahay. "Gross." Sabi ko ng makita kong halos kulay pula na ang buong bahay. Nandidiri ako. Napagdesisyunan kong lumabas nalang ng bahay dahil napatigil ko na din ang nightmare ko. I don't consider her as my nightmare. She is not scary. "Iris." Bigla akong nagising dahil sa pagtapik sa akin. Mabuti nalang, nabobored na ako sa panaginip ko. Walang sense. Nakita ko si Charlotte na nakaupo sa higaan ko. "Kumusta ang earth?" Tanong niya sa akin. She's unbelievable. Kayang kaya niyang lumabas sa mundo ngunit hindi niya ito ginagawa. Ang utak niya, hanggang ngayon, puro negatibong bagay ang nasa isip at puso niya. Wala akong alam sa nakaraan at maging sa kasalukuyan ni Charlotte, at wala din akong makielam doon. Ngunit, may kung anong bumubulong sa akin na kailangan ko iyong alamin. Pinipili niyang makulong sa gusaling ito. Alam kong hindi mababa ang dahilan niya dahil nakikita ko ang galit sa kaniyang mga mata. "Still beautiful." Sagot ko sa kaniya kaya tinaasan niya ako ng kilay. She's still one of them, she's still a human being. Pare pareho lang mag isip ang mga tao. Pare parehong negatibong bagay ang kinokonsidera nila. They can't even notice na dapat ng ipag pasalamat ang pag gising mo sa umaga. I don't personally meet God, and I think I'll never. But I have all the idea on how He works. Kayang kaya niyang bawiin ang buhay ng isang tao ngunit hindi niya ito ginagawa. Napaka daming kasalanan ng tao, pero patuloy niya itong pinapatawad. "The world, it will never be beautiful again." Sagot niya at bahagyang tumungo. Again? Ano nga ba ang nakaraan ni Charlotte. "I was like you, Iris. I see everything positively. But it turns out that I'm wrong. Very very wrong." Sabi niya, katulad ng lagi kong nakikita sa mga mata niya, malungkot pa din ito ngunit mas lalong naging malungkot ngayon. Her own past is her weakness. I pity her. "Bakit naman naging mali?" Tanong ko sa kaniya, wishing that she'll answer my question. "Kasi sa simula palang, mali na pala ang lahat. Masyado akong nabulag sa positibong bahagi ng mundo. Hindi ko alam na patibong pala ang pagiging positibo." Sagot niya. Papaano ko ba malalaman ang nakaraan mo, Charlotte? "Paano kung ang tunay na patibong ng mundo ay ang negatibo?" Tanong ko sa kaniya. Hindi kami magkatulad at kahit kailan, hindi mag iiba ang pananaw ko. "No, I lost her. I lost the only person who made me think that everything is perfect." Mas naging doble ang mga emosyon sa mata niya. She lost her? Sinong siya? "She's like you, Iris. She only focused on the positive sides. She made us think that the world is our home. But when they killed her. We lost. We lost our protector." Umagos na ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Hindi ko akalain na iiyak ang isang Charlotte. I thought she's tougher than me. But I'm wrong. She's a pretender. "In reality, no one actually cares. They're just using you to put you in an abysmal pain." Sabi niya. Naging masama na talaga ng tuluyan ang tingin niya sa mundo. I need to find out who's the girl, she's talking about. Alam kong ang babaeng yun ang dahilan kung bakit naging ganito si Charlotte. "You're wrong, He cares." I am talking about God. "If that's the case, why did He let me suffered?" Napuno ng galit ang mga mata ni Charlotte. "You suffered because you didn't survived His challenges. And that's your fault, not His." Sagot ko. "No one ever survived His challenges, Iris. It's impossible." Sabi niya. Tumayo na siya, bago siya tuluyang makalabas sa kwarto ko, "The result is already ready. They need to talk to you." Sabi niya at tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Nag ayos na ako ng buhok dahil kakagising ko lang at alam kong magulo ito. Tumayo na ako at lumabas sa kwarto. See you soon again, my room. Bumaba na ako at nakita ko ang pagkabigla ng mga scientist. Ano namang problema ng mga to? Lumapit ako sa kanila kaya lumuwag ang paligid. Bigla bigla nalang silang nagsibalikan sa mga ginagawa nila at tanging si Willows nalang ang natira. Mukhang hindi pa niya ako napapansin dahil nakatuon ang atensyon niya sa bagay na hawak niya. "Don't waste my time, Willows. What now?" Tanong ko sa kaniya. Nanlalaki ang mga mata niya ng tumingin siya sa akin. "What?!" Medyo pasigaw kong tanong. Bakit ganyan nalang ang reaksyon niya? Is he insane? "I-Iris." Banggit niya sa pangalan ko. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay. "You're living for about a hundred years already."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD