"Grabe, hindi ko akalain na BS Biology din pala ang kinukuha mo." Kanina pa niya ako kinakausap pero hindi ko siya pinapansin. Bakit ba kasi sa lahat ng mababangga ko ito pang maingay na ‘to?
"Saan ka nagschool dati?" tanong niya ulit. Buti nalang at malapit na ako sa building na tinuro ni Ion. Naglakad nalang ako at hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi ng babaeng katabi ko. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng 2-1 na section, bigla na namang nagsalita ‘yong babae. Nakalimutan ko na ang pangalan niya.
"Wow! Dito ka rin? Tadhana nga naman!" masayang sabi niya. Gusto ko nang magpalipat ng eskwelahan dahil sa babaeng ‘to.
Pumasok na ako sa pintuan, karamihan sa mga nilalang dito ay lalaki. Nagtatakang tumingin sa ‘kin ang lahat ng nasa silid-aralan na ito. Dire diretso na lang akong pumasok sa loob at naghanap ng upuan sa harapan. Ayokong umupo sa likod dahil makikita ko ang napakaraming tao sa harapan ko. Mabuti na nasa harap ako, ilang tao lang ang makikita ko.
"Ang sweet mo naman sa ‘kin Athena, sa tabi ko pa talaga ikaw umupo." Napatungo nalang ako. Wala na bang mas malalang mangyayari ngayon?
"Ang tagal naman ni Lian, papakilala pa naman sana kita." Patuloy pa rin siya sa pagdaldal. Tanggalan ko kaya ng boses ang babaeng ito?
"Wag ka nga munang magsalita,” sabi ko sa kaniya. Marami pa ring mga bagay ang gumugulo sa isipan ko at kailangan kong malaman ang mga sagot dito sa lalong madaling panahon.
"Jensen!" Kailan ba tatahimik ang mundo ko? Sinamaan ko ng tingin ‘yong sumigaw. Pamilyar sa ‘kin ang mukha niya ngunit wala akong pakialam kung nakita ko na ba siya o hindi. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang tanggalan sila ni Jensen ng dila.
"I miss you!" sigaw niya.
"Lian, i miss you too!" balik na sigaw naman ni Jensen. Mas lalong nadagdagan ang pagkamuhi ko sa mga tao. Ayoko ko sa maiingay.
"Lian, siya nga pala si Athena. Siya ‘yong sinasabi ko sa ‘yong tumulong sa ‘kin," pagpapakilala niya sa ‘kin doon sa bagong dating na maingay.
"Oh, kilala ko ‘to ah! Siya ‘yong nasa village na masungit," sabi niya. Wala naman akong pakialam sa kanila kaya't hindi ko nalang sila tinignan. Nagpatuloy nalang sila sa pag dadaldalan hanggang dumating ang guro naming.
"Oh, hi Ms. Athena." I didn’t know na dito pala siya nagtuturo.
"I'm Sir Arthur, by the way," sabi niya sa ‘kin.
"Class, she is Athena Clarke. Be nice to her,” turan ni Sir Arthur. Siya ang nagsilbing guro ko sa loob ng maraming taon noong nasa Mreine pa ako.
"Anything to say Ms. Athena?" tanong niya. Tumayo ako at pinahayag ang mga salita na kanina ko pa gustong sabihin sa kanilang lahat.
"Ayoko sa inyo, so please don’t dare to get near me." Bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang pagkagulat. Umupo na ako at tumingin nalang sa harapan.
Makalipas ang halos isang oras na klase namin sa Microbiology, napansin ko ang isang lalaki na napakatalas ng tingin sa akin. Ngumisi siya nang magkatitigan kami.
“Mr. Dwight, please look in front,” saway ni Sir Arthur sa lalaking ‘yon. Nginitian niya lamang si Sir Arthur at ibinalik ang tingin sa akin. Hindi ko siya pinansin hanggang matapos ang klase namin.
"Tara Athena, sumama ka sa ‘min,” pagyayaya ni Daldalita sa ‘kin. Hindi ko siya pinansin.
"Sungit talaga, tara na nga Lian!" Mabuti naman at umalis na rin sila. Ayoko sa dalawang ‘yon.
"Athena." Napahinto ako nang marinig ko ang nakakakilabot at malamig niyang boses sa likuran ko.
"Who are you?" tinanong ko siya.
"Gusto kitang makausap," sabi niya. Gusto ko ang dating niya dahil isa siya sa depinisyon ng kadiliman.
Sumunod ako sa kaniya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Makaraan ang ilang minutong paglalakad, nakarating kami sa isang tahimik na lugar.
"Bakit ka pa lumabas?" sabi niya. Hindi ko siya kilala ngunit mukhang kilalang kilala niya ako. Kibit balikat lang ang isinagot ko sa kaniya.
"I didn't know na ganiyan ka pala pinalaki ng Mreine, Iris." Tama nga ang hinala ko. Kilala ako ng taong ‘to.
"Paano ba dapat?" Napapikit siya. Hindi ko siya kilala ngunit magaan ang loob ko sa kaniya. Kahit nababalot siya ng kadiliman at wala siyang ekspresyon hindi ako natatakot sa kaniya. Wala naman kasi talaga akong kinatatakutan.
"Anong kaya mong gawin?" tanong ko sa kaniya. Mukhang nagkamali ako sa inakala ko na ako lang ang may ganitong kakayahan. Mukhang marami kami.
"Why would I show you my dexterity?" mayabang na sabi niya. Nginisian ko naman siya.
"Sino ka para hindi ako sundin?" sabi ko, nakita ko naman ang bakas ng pagsuko sa mga mata niya. Hindi ko alam na ganito nalang siya kadaling sumuko.
"I want to kill you, but I'm not in the place to do that. I wish I could be him just for this moment," sabi niya sa ‘kin.
"Why don't you kill me, now?" paghahamon ko sa kaniya. Napakalaking pagkakataon na nito kung gusto man niya akong patayin.
"Kasi hindi ito ang nakasulat sa libro." Lubha akong naguluhan sa sinabi niya ngunit hindi ko pinahalata. Mukhang nadagdagan na naman ang mga bagay na dapat kong iresolba at isipin.
"I am Dwight. I have the ability to reduce the kinetic energy of atoms by lowering the temperature. In short, my dexterity is ice manipulation,” sabi niya. I didn’t know na sa unang pagpasok ko makakakita na agad ako ng katulad ko.
"Sino ang nakatakdang pumatay sa ‘kin?" tanong ko, I need to find out kung sino ang taong dapat kong layuan.
"The author of the book," sagot niya. Ayaw nalang sabihin kung anong pangalan ng lalaking papatay sa ‘kin.
"And who is the author of the book?" takang tanong ko, sana naman sabihin na niya kung ano mang pangalan nito.
"The one who'll kill you," sabi niya sabay ngisi. Mukhang ayaw nga niyang sabihin. I think it's for me to find out. Walang bagay ang madali sa mundong ito.
"Tungkol ba sa ‘kin ang librong ‘yon?" Mukhang may kinalaman sa ‘kin ito dahil sa sinabi niya.
"Yes, nakasulat doon ang mangyayari sa ‘yo sa hinaharap at isa ako sa maswerteng nilalang na nakabasa no’n,” sabi niya sabay talikod sa ‘kin.
Ibig sabihin, ang taong papatay sa ‘kin, siya ang sumulat ng hinaharap ko? Napakagaling naman niya. Kahanga hanga.
"Goodluck, Athena,” nakangising sabi ni Dwight bago tuluyang mawala sa paningin ko. It is still possible na siya ang sumulat ng librong iyon.
Sa ngayon, kailangan ko munang hanapin ang librong iyon. Hindi ako makapaniwala na gagawan ako ng isang libro. Maglalakad na sana ako papalayo nang matanaw ko ang isang lalaking nakamaskara na nakatingin sa ‘kin. Natatakpan ang mata at ilong niya. Nginitian niya ako at umalis na.
Umalis na ako at pumasok sa klase. Muli kong nakita si Dwight ngunit parang walang nangyari kanina sa ‘ming dalawa. Magaling palang umakto ang isang ‘to. Natapos na rin sa wakas ang klase ko. Nagmadali akong umuwi dahil malamang, kukulitin na naman ako ng boses manok na ‘yon at ni Daldalita.
Binuksan ko ang gate at dire diretso akong nagtungo sa pintuan. Bakit bukas ang telebisyon? Nandito na ba si Ion?
Someone's POV
I saw Dwight and Iris. Katulad ng nakasulat sa libro, ito nga ang nangyayari. Wala pa ni isa sa mga ito ang nag iba ang daloy. Totoo nga ang nakasulat sa kapalaran niya. Sinagot ni Dwight and lahat ng katanungan niya kaya't alam kong mas lalong nadagdagan ang mga bagay na gumugulo sa isipan niya. Mukhang hindi pa niya nalalaman ang misteryo sa mga sinabi ko sa kaniya sa panaginip niya.
"Goodluck, Iris." Alam ko ang ibig sabihin ni Dwight sa sinabi niya ngunit mukhang wala namang napansin si Iris na kakaiba doon. Mahilig kasi niyang ipagsawalang bahala ang mga napakaimportanteng detalye na kailangan niya. Hindi man lang niya napapansin ang tunay na nangyayari.
Nagtungo ako sa pinakatagong bahagi ng paaralan na ito. Katulad ni Iris, ayoko rin sa mga tao kaya't hanggang sa maaari ayoko silang makita. Masyado silang mahina kaya kailangan pa silang protektahan. Madali nilang sinusukuan ang mga bagay bagay. Kung kailan malapit na nilang makamit ang minimithi nila, saka sila susuko. Hindi sila marunong maghintay.
Napagdesisyonan ko nalang na huwag nang pumasok sa klase. Wala namang maidudulot na maganda sa ‘kin ang pakikinig sa nakaraang nangyari sa mundong ito. Marami doon ang hindi totoo. Marami doon ang mali mali ang inpormasyon kaya't bakit kailangan ko pang malaman ang kasinungalingan kung alam ko na naman ang katotohanan?
Nanuod nalang ako ng telebisyon pagkauwi. Ilang oras pa, narinig ko na ang pagbukas ng pinto.
"Bakit ang aga mo?"