"Saan ka galing?" Napahawak ako sa dibdib ko ng marinig ko ang boses ni Ion sa likod ko. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng bahay namin pero bigla siyang nagsalita. "Bakit ka nandyan?" Pagbabalik ko ng tanong sa kaniya, ano naman ang ginagawa niya sa likuran ko? Bakit parang pagod siya at pawisan? "Sagutin mo ang tanong ko." Seryoso niyang sabi. Nakalimutan ko na magka away kaming dalawa. Teka? Mag kaaway nga ba kami? "Nagjogging ako." Palusot ko, niyaya rin kasi ako nila manok at daldalita na magjogging pero hindi ako pumayag. Magagamit ko din pala ang dalawang yun. "Ikaw?" Pahabol na tanong ko sa kaniya. Tinignan niya ako at dire diretsong pumasok sa bahay. Galit nga siya. Napayuko nalang ako at pumasok na din sa loob ng bahay para maligo. Alas sais na, sa pagkakaalam ko, alas syete

