"Grabe! Naeexcite ako!" Pasigaw na sabi ni daldalita. Sabi niya kanina, ito ang kauna unahang pagkakataon na makakasama siya sa mga ganito. Isang bus ang sasakyan namin dahil 36 lang naman kaming lahat. "Tabi tayong tatlo, Athena?" Tanong sa akin ni manok habang kumakain siya ng kung ano. "Sino pa bang tatabihan ko?" Seryosong sagot ko sa kaniya. Hindi talaga sila nag iisip. "Si Dwight." Natatawang sabi ni daldalita. Why would I? Isa pa, hindi niya ako pinapansin mula pa nung isang gabi. Hindi nga kami nagtraining kagabi. Tumingin ako sa orasan ko, alas tres palang ng madaling araw. 3:30 aalis ang bus namin kaya maaga akong pinuntahan ni manok sa bahay. Tapos, sinundo namin si daldalita sa kanila, at tama nga ako, tatay niya nga si mang Agoy. Sinenyasan ko nalang siya na huwag na akong

