"Darn!" Sigaw ko. They are the owner of Mreine. Ngayon, mas lalo akong napapaisip kung sino ba ang Zeus Oxford na yun. He is not Zephyr Crawford, nakakapagtaka na kailangan niyang ibahin ang pangalan niya. Sino ba siya? Katulad ko din ba siya? Kung sila man ang may ari ng Mreine, ibig sabihin kilala niya ako. Alam niya kung anong meron sakin. Gusto ko ng tanggalin ang utak ko para mawala na din ang mga iniisip ko. Naglakad ako papunta sa kwarto ni Ion. Gusto ko ng masagot ang lahat ng tanong sa utak ko. "Open this damn door, Ion!" Sigaw ko. Mabilis naman niyang binuksan ang pintuan. Agad akong pumasok doon at nilock ang pintuan. "Who are you?" Tanong ko sa kaniya. Imposibleng wala siyang kakayahan na katulad ng sa akin at kay Dwight. It's impossible! "Hala, hindi mo na ako kilala?!" K

