Nililibot ko ang paningin ko sa dinadaanan ko. Pupunta ako ngayon kila Daldalita. Maliliit at tagpi tagping bahay, sira sirang bubong, mga batang pakalat kalat sa kalye, madudungis na mga tao at pangit na bahagi ng mundo. "Ack!" Mahinang daing ko ng may biglang nagtakip ng bibig ko. Ang baho ng kamay niya. "Wag kang sisigaw. Sasaksakin kita!" Pabulong niyang sabi sa akin. Gagawin din ba ng lalaking ito ang ginawa nila kay Daldalita? Kahit na kayang kaya kong makawala, hindi ko ginawa. Gusto kong malaman ang gagawin niya upang maturuan ko siya ng leksyon. Dinala niya ako sa madilim na bahagi ng eskinita kung saan walang katao tao. Ganito ba ang mundong kinabibilangan ni Daldalita? Pwes, masyado siyang nakakaawa. "Ibigay mo sa akin ang cellphone mo!" Sigaw niya sa akin na par

