"I can't sleep." Sabi ko ng kumatok ako sa pintuan ni Ion. Kinusot niya ng mata niya at halatang kagagaling niya lang sa pagtulog. "What do you want me to do?" Tanong niya. Medyo paos pa siya at halos wala akong narinig. "Let's take a walk." Sagot ko. Tinignan ko ang relo ko sa kamay. It's already 10:20 in the evening. Hindi ako makatulog dahil sa pag-iisip. Pag-iisip ng mga bagay bagay sa mundo at sa sarili ko. "Okay, magbibihis lang ako." Sabi niya. Bakas sa boses niya ang pagkaantok ngunit hindi niya ako tinanggihan. Ilang minuto lang ay lumabas na ulit siya sa kwarto niya. Hindi na namin nilock ang bahay dahil wala namang magnanakaw sa bahay namin. Lumabas kami ng subdivision. "Bakit naman gusto mong maglakad?" Tanong niya sa 'kin sabay hikab. Napangiti naman ako. "I just wan

