"Athena! Focus!" Bumalik ako sa realidad ng sumigaw si Dwight. Isang matulis na yelo ang papunta sa harapan ko. Agad akong napaiwas dito. Lumapit sa akin si Dwight. "Kanina ka pa wala sa sarili mo. What's your problem?" Tanong niya sa akin. May problema nga ba ako? "Wala." Maikli kong sagot. Umupo ako sa ilalim ng isang puno. Kinuha ko ang isang tubig na binigay ni Dwight kanina. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. "Really?" Tanong niya ulit. Binigyan ko siya ng isang ngiti at tumayo na. "Let's do it again." Sabi ko sa kaniya. Wala siyang nagawa kundi ang umiling at tumayo. "Remember this, wag na wag ka munang mag-isip ng kung ano anong bagay kapag nakikipag laban ka." Tumango tango naman ako bilang tugon. Nagtitigan kami, isang matalas na titigan. Sinabi niya sa akin kanina n

