"Oh? Ano na ang gagawin natin dito?!" Galit na sigaw ng isa naming kamiyembro. Hindi ko siya sinagot. Bagkus, naghukay ako sa ilalim ng mismong kinatatayuan ko. Nakabalik na ako sa pinanggalingan namin, at hindi ko alam na sumunod pala sila. Nanunuod din ang mga professor sakin ngayon. "Hindi niyo ba ako tutulungan?" Seryoso kong tanong sa kanila. Nahihirapan akong maghukay gamit lamang ang mga kamay ko. Tumulong sa akin sila Daldalita at Manok. Wala silang kwentang lahat, kung patayin ko kaya sila ngayon? Naiinis na naman ako at hindi ko alam kung kaya kong pigilan ang mata ko. Nararamdaman ko ang malakas na enerhiya mula dito at sigurado ako na kapag hindi ko ito napigilan, mapapatay ko sila at matutuklasan ng mga nilalang na nakapaligid sa akin ang kaya kong gawin. Habang naririnig k

